Matutunog na TO ng BHB sa Batangas sa ilalim ng Eduardo Dagli Command bumigo sa ambisyosong hangarin ng OBL-2 sa lalawigan

Logo.bhb
Apolinario Matienza
Spokesperson
NPA Batangas (Edgardo Dagli Command)
March 30, 2011
Resize text: A+ A- Reset

Sa huling taon ng OBL-2 noong 2010, nag-ambag ang rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Batangas sa pagbigo sa partikular at pangkalahatang layunin ng OBL-2 na wasakin ang bagong hukbong bayan at baseng masa nito sa lalawigan sa pamamagitan ng malawakan at matagalang pagkubkob at paglipol sa BHB sa pamamagitan ng taktikang keyhole approach sa mga pangunahing baseng barangay ng mga larangang gerilya sa lalawigan. Simula noong Pebrero 2010 hanggang Pebrero 2011 isinagawa ng 6 anim na batalyong pwersa ng AFP, PNP at para-militar ang matagalang pagkubkob at paglipol sa mga pwersa ng BHB sa silangan at kanlurang Batangas. Isinagawa sa dalawang lugar ang keyhole approach sa 18 magkakaratig na barangay na kinikilusan ng BHB upang gipitin at pagkaitan ng base ang BHB. Habang patuloy ang isinasagawang pagdukot, pamamaslang, pagpapasurender sa mga sibilyan at garapalang pagmamanman sa mga tukoy na lider ng hayag at legal na kilusang masa sa kalunsuran.

Malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya sa ilalim ng isang taong kampanyang militar ng BHB sa lalawigan ang tugon sa malawak at masinsing opensibang militar ng reaksyunaryong gubyerno laban sa rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Batangas; ang kampanyang militar na itinaguyod ng BHB sa lalawigan ay pagtupad nito sa panawagan ng ating mahal na partido sa masinsin at malaganap na pakikidigmang gerilya bilang saligang sangkap at tungkulin ng BHB sa pagpasok sa estratehikong pagkapatas mula estratehikong depensiba ng digmang bayan. Inilunsad ng mga pwersa ng BHB sa lalawigan ang malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya sa buong isang taon laban sa mga pasistang tropa ng Philipinne Airforce, Philippine Army at special unit ng PNP at mga para-militar na ipinakat sa lalawigan.

Simula noong Pebrero hanggang Disyembre 2010 nakapaglunsad ng 18 maliliit na taktikal na opensiba ang BHB sa lalawigan na puminsala sa may 39 na tauhan ng PAF, PA at PNP (22 ang napatay at 17 ang sugatan), habang dalawa ang naparusahang mga lokal na ahente ng kaaway sa paniktik.

Noong Ika-22 ng Pebrero 2010 isang matagumpay na operasyong isnayp ang ilunsad ng yunit ng BHB sa Sitio Calabasahan, Barangay Quipot, San Juan, Batangas habang nagpapatrulya ang isang iskwad ng 740th combat group ng Philippine Airforce, napatay sa nasabing isnayp ang tim lider ng PAF.

Noong ika-25 ng Pebrero ng gabi, hinaras ng 6 kataong BHB ang kararating lamang na mga pwersa ng 740th CG ng PAF sa Barangay Tulos, Rosario, Batangas. Nasawi sa haras na ito ang 4 habang 4 pang PAF ang sugatan.

Noong ika-5 ng Marso ng hating gabi, hinaras ng 10 BHB ang detatsment ng isang seksyon ng 740th CG ng PAF sa Barangay Tubahan, Rosario, Batangas, 1 ang napatay at 4 pa ang sugatan sa panig ng PAF habang ligtas at walang kaswalti sa panig ng BHB.

Noong Abril 27 ng tanghali, muling isinagawa ng 3 BHB ang operasyong isnayp sa mga nagpapatrulyang PAF sa Sitio Calabasahan, Quipot, San Juan, Batangas. Walang napatay sa operasyong ito ang 3 nagsasanay na BHB sa operasyong isnayp ngunit naging matagumpay ang husga ng tumatayong pangkalahatang kumander ng BHB na nangangasiwa sa kanila dahil nailunsad ang aktwal na operasyon.

Noong buwan ng Pebrero 7 at Marso 22, naisagawa ang matagumpay na paglilinis ng base, 2 lokal na ahente ng kaaway ang natukoy at naparusahan ng BHB sa Barangay Pulang Bato at Barangay Coloconto, San Juan, Batangas. Ang 2 lokal na ahente ng kaaway na sina Pederico Ilagan at Alyas Winie ay mga myembro din ng kilabot na Bonet Gang na kilala sa tawag na “Batang Kubo” na itinayo ng pamilyang Salud at Devilla. Ang dalawang ito ay kasangkot sa pagpatay sa kulang-kulang 100 katao ng wala man lamang kaso sa reaksyunaryong korte.

Noong ika-22 ng Mayo ng gabi, pinarusahan ng BHB ang Calmarland isang malaking debeloper sa bayan ng Padre Garcia, Batangas, sinunog at pinasabog ng mga BHB ang mga bulldozer at backhoe ng nasabing kumpanya. Ang isinagawang pagpaparusa sa malaking debeloper ay tugon lamang ng BHB sa karaingan ng mamamayan doon na mga naepektuhan ng anti-magsasakang proyekto.

Samantala, ang larangang gerilya sa Kanlurang Batangas ay nakapaglunsad din ng malaganap na taktikal na opensiba na ininda ng 730th Combat Group ng PAF at 16th IB ng Philippine Army, isparo sa CIDG intel ng District 1 at isang pamamarusa sa kaaway sa uri na hiling ng mga magsasaka.

Noong ika-2 ng Hunyo 2010 ng hating gabi, matagumpay na nailunsad ng 6 na BHB ang panghaharas sa nakahimpil na yunit ng 730th CG ng PAF sa barangay hall ng Patugo, Balayan, Batangas. Sa haras na ito ay napatay ang 1 PAF habang sugatan pa ang 2 PAF. Ang taktikal na opensibang ito ay isinagawa ng BHB ayon na rin sa kahilingan ng masa doon sa BHB dahil sa ginagawang pananakot, panghaharas, at pagpapalaganap ng masasamang bisyo tulad ng inuman, sugalan, at pambababae.

Muling nailunsad dito ang panghaharas noong ika-30 ng hulyo bandang alas 10:30 ng gabi na isinagawa ng 3 kasama, napatay sa taktikal na opensibang ito ang 3 habang sugatan pa ang 2 PAF. Kasabay nito noon din gabing iyon ay isinagawa ng 2 myembro ng milisyang bayan sa Barangay Hukay, Calatagan ang operasyong paghahagis ng granada sa nakakampong mga tauhan ng 16th IB/PA. napatay ang 2 habang sugatan pa ang 1 elemento ng 16th IB/PA.

May nauna pang operasyong isparo ang inilunsad ng 3 BHB sa mga elemento ng 16th IB/PA sa Barangay Luksuhin, Calatagan, Batangas. Napatay sa nasabing isparow ang 2 elemento ng 16th IB/PA habang namamalengke.

Noong Nobyembre 7 ng gabi, isinagawa din ng mga myembro ng milisyang bayan sa Barangay Santiago, Calatagan, Batangas ang operasyong hagis granada sa kampo ng 16th IB/PA. Bagamat walang nasapol sa mga elemento ng 16th IB ay nagdulot ito ng ibayong takot sa pasistang kaaway dahil sa sunod sunod na pag-atake sa kanila ng mga elemento ng BHB at MB.

Noong Hulyo 3 ng gabi, inilunsad ng 3 BHB ang paghaharas sa kampo ng isang Combat Squadron ng 733rd PAF sa Barangay Calayo, Nasugbu, Batangas. Napatay sa haras na ito ang 2 PAF at hindi mabilang na sugatan sa panig ng PAF.

Sinundan pa ito ng isang mapangahas na ambus/haras ng 3 BHB sa dumadaang service nilang six by six ng 733rd CS ng PAF sa may tapat ng Barangay Balaytigue bandang ika-11 ng umaga, napatay sa ambush na ito ang 2 PAF habang 1 pa ang sugatan. Ang panghaharas na ito sa kampo at ambush sa mga tropa ng 730th CG/PAF ay bilang pagpaparusa sa mga elemento ng 730th CG/PAF na tumatayong security forces at goons ni Henry Sy. Ang Barangay Calayo na kinaroroonan ng kampo ng 733rd CS ay bahagi ng Hacienda Looc na matagal nang may pakikibaka ang mga magsasaka at ngayon nga ay si Henry Sy na ang numero unong nang-aagaw ng lupa. Mahigit ng 6,000 hektaryang lupa ang napasakamay ni Henry Sy at isinailalim sa pagdedebelop upang pagtayuan ng primera klaseng subdibisyon, pook pahingahan at palaruan ng mga mayayaman.

Noong ika-23 ng Hunyo, inisparo ng 3 kataong BHB ang 3 myembro ng 730th CG sa Barangay Calantas, Calaca, Batangas. Napatay sa nasabing isparo ang 2 habang sugatan pa ang 1 at namatay din ito habang nilalapatan ng lunas sa hospital. Nakakumpiska dito ng isang pistol na kalibre 40. At noong Disyembre 3 Muling nagsagawa dito ng isang ambus na may isang bomba na anti-personnel na kumbinasyon ng ilang pistol at submachine pistol at nabira ang isang nakasingle na PAF ng 730th na nakadestino sa Barangay Calantas, hindi napuruhan ng putok dahil sa di natantya ang sakto sabog pero nasugatan naman.

Noong Agosto 6 ng gabi, sa poblacion ng Balayan Batangas, malapit sa istasyon ng pulis ay may isang CIDG intel ng District 1 ng Batangas na si Macalaguim na talamak din sa pangongotong at mga trabahong ilegal ang matagumpay na naisparo ng 4 na BHB. Napatay ang target na myembro gn CIDG at nakumpiska ditto ang 1 cal. 45 at maraming bala. Naisagawa ang operasyong isparo sa mismong tapat at malapit sa istasyon ng pulisya, upang hindi makaporma ang mga nakadistinong pulis ay pinaulanan ng bala ng 3 pang BHB ang istasyon ng pulis upang hindi na ito makalabas ng istasyon. Maayos na natapos ng BHB ang kanyang operasyon nang walang pinsala sa panig ng BHB. Dahil sa takot ng mga pulis at bodyguard ng napatay na upisyal ng CIDG, makaraan ang 30 minutong makaatras ng operatiba ng BHB pinagbabaril ng mga ito ang 2 sibilyang sakay ng single na motor na napadaan sa pinangyarihan ng TO, napatay ng mga pulis at bodyguard ang 1 sibilyan kabataan na parehong taga Barangay Pook ng Balayan habang ang 1 ay sugatan.

Sa bayan ng Nasugbu sa mga barangay ng Kaylaway at Aga na may proyektong panturismong dinedevelop ang pamilya Puyat at Sandari/City Estate ay humiling ang masa sa ating hukbo na ipakita ang mariing pagtutol sa nasabing kumbersyon ng mga sakahan sa Asyenda Batulao at Asyenda Mulawin na dating pag-aari ng pamilya Roxas at naibenta sa kanyang pinsan pamilyang Puyat. Inilunsad ang isang pamamarusa sa kaaway sa uri sa pagpapasabog sa batching plan at pagsunog sa mga sasakyan at heavy equipment. Ipinagbunyi ng mga masang magsasaka ang naganap na pamamarusa at naiparamdam ang mariing pagtutol ng mamamayan sa naturang proyekto.

Ang lahat ng mga matatagumpay na mga maililit na TO, paglilinis ng base at pamamarusa sa kaaway sa uri ay dahil sa malawak at malalim na baseng masa na nailatag sa buong probinsya. Ang taong 2010 ang pinakamaningning na panahon sa kasaysayan ng TO sa Batangas na nagawa sa sariling sikap at nakahulagpos na sa konserbatismong militar, hindi na nakaasa sa mga dumadayong yunit na naglulunsad ng malalaking TO sa nakaraang mga taon. Ni isa sa mga kasamang naglunsad ng TO ay walang nasugatan o napatay at masasabi nating bigong bigo ang Oplan Bantay Laya 2 at maging ang bagong Oplan Bayanihan ng Rehimeng US-Aquino dahil sa matamang pagtangan natin at paghawak sa halaga ng armadong pakikibaka na tinutugunan ang interes ng mga masa at isinusulong ang rebolusyong agraryo. Ang ating base sa kanayunan ay ginagawang solido para maging moog ng pulang kapangyarihan.