Kundenahin ang pagpaslang ng 2nd IB-PA sa Sibilyang si Dalmasio dela Ponta sa Oas, Albay

February 12, 2013

Resize text: A+ A- Reset

Kinukundena ng National Democratic Front of the Philippines – Bicol ang isa na namang pagpaslang ng sibilyan na kinilalang si Dalmasio dela Ponta ng Sityo Divisoria, Brgy Tobgon, Oas, Albay nitong Pebrero 12. Dapat papanagutin ang berdugong 2nd Infantry Battalion Philippine Army sa pagpaslang na ito. Dinakip si dela Ponta sa kanyang bahay bandang alas-nuwebe ng umaga, binugbog, idinaan sa bahay ng Barangay Kapitan at pagkatapos ay binaril pasado alas-diyes ng umaga malapit sa sentro ng Bgy. Tobgon.

Si dela Ponta ay pinagbalingan at ginantihan ng militar matapos ang engkwentro kaninang umaga sa parehong barangay, kung saan may panimulang ulat na apat na sundalo ang malubhang nasugatan. Nasabugan ang mga sundalo ng command detonated explosive matapos kubkubin ang isang yunit ng BHB sa lugar.