Matatagumpay na Opensiba ng BHB

8 sundalo, napatay ng BHB sa Sorsogon

PI EN
Resize text: A+ A- Reset

Walong tropa ng 31st IB, kabilang ang isang sarhento, ang napatay at maraming iba pa ang nasugatan nang pasabugan sila ng command-detonated explosives (CDX) at paulanan ng bala ng mga Pulang mandirigma ng Celso Minguez Command-Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Sityo Madagusong, Barangay Macawayan, Irosin, Sorsogon noong umaga ng Hulyo 6.

Tinangkang kubkubin ng mga sundalo ang mga gerilya ngunit aktibong nakapagtanggol at nakamaniobra ang mga Pulang mandirigma. Namartir si Pinky “Ka Gerald” Boticario, isang babaeng Pulang mandirigmang nagmula sa naturang barangay. Iginawad kay Ka Gerald ang pinakamataas na pagpupugay.

Pagsapit ng hapon, nasugatan din ang maraming elemento ng 508th PNP-Public Safety Management Battalion (PSMB) nang pasabugan ng CDX ng isang yunit ng BHB ang sasakyan nito habang binabaybay ang kahabaaan ng Maharlika Hi-Way sa Barangay Ponong, Casiguran, Sorsogon. Ligtas na nakaatras ang mga gerilya.