Music videos of original
sound tracks
by Sine Proletaryo
Pagbati, Kasama, salubong ng masang nagdiriwang
Tagumpay ng opensiba'y muling bumigwas sa kaaway
Sa reyd sa Compostella, Isabela't Albuera
Tambang sa Panay, isnayp sa Cordillera
Nangagulat sila't di nakapanlaban
sa pinagkaisang lakas ng Hukbo't taumbayan
Minsan sa Obando nasamsam sa CAFGU labimpitong armas
Sa Pili at Quirino, himpilan ng MIG, sinalakay
May reyd sa Tuburan, isnayp sa Butuan
At sa Saranggani may dinis-armahan
Nanaig ang hiling ng bayang inapi
'Sang dagok sa pasistang buhong, 'sang hakbang pasulong
Ang PNP at AFP, nanginginig sa kaibuturan
Buong estado'y nahahamon sa ngalit ng masa
Nanggahis, nandahas, nangwasak, namaslang
Pag-alab ng apoy, lalong ginatungan
Sa panibagong lakas at antas,
tumampok na tumpak ang ating taktika
at linyang digmang bayan



Hudyat