Music videos of original
sound tracks
by Sine Proletaryo
Di na lamang bulong, di tangis o daing
Walang makapipigil sa namumuong tinig
Sasambulat ang sigaw ng paghihimagsik
Hudyat ng panahon ay dinggin
Hudyat ng panahon ay dinggin.
Pinagsasamantalaha't dinudusta ang bayan
Mamamaya'y inilulugmok sa kahirapan
Sinupil... dinahas... nagngalit... nagising
Ang anakpawis ay nagbigkis
Ang anakpawis ay nagbigkis.
Baklasin ang bakod ng kawalang-katarungan
Kapit-bisig martsa ay umpisahan
Bawat sandali hanay ay nadaragdaragan
Hangga't may inaapi, may titindig at lalaban.
Maraming liko't pihit at balakid sa daan
Gapiin ang takot at pag-aalinlangan
Tahakin ang landas nang may paninindigan
Ang bayang inaapi, hanggang ngayo'y lumalaban
Ang bayang inaapi, hanggang ngayo'y lumalaban
Ang bayang inaapi, hanggang ngayo'y lumalaban.



