Tribute to Gregorio "Ka Roger" Rosal

 

Messages and memories

As CPP spokesperson, Ka Roger touched-base with people from all sectors of society. If you have a picture of Ka Roger, we encourage you to upload it here using the form below. You can also upload your images on Flickr, Facebook or Twitter. Please tag these snapshots with "KaRoger"

You can use the form below if you wish to share a special message. Your message will be published after approval.

You can also email us instead.

Lemuriano

Posted on October 09, 2011, 08:10 am

Hindi ako lubos na naniniwala sa ideolohiyang pinaninindigan ng Komunismo, pero ang pagkawala ni Gregorio “Ka Roger” Rosal ay isang malaking kawalan upang iparating sa pamahalaan ang tunay na hinaing ng mga nasa kabayanan at liblib na pamayanan ng Pilipinas.

Isa siyang mahalagang pigura sa kasaysayan ng bansa at nararapat sa kanya ang isang makabuluhang saludo mula sa isang simpleng Pilipinong tulad ko na may pusong makabayan. Maraming salamat sa pagmamahal sa ating bansa at sa mga Pilipino, Ka Roger.

Hua Tatu

Posted on October 09, 2011, 08:10 am

Long live, Ka Roger!

Alex Argote

Posted on October 09, 2011, 09:10 am

Ka Roger chose to spend his life well. Advancing the people’s ideals and the revolution which will continue to grow to nurture his work and legacy.

Thank you so much for suffering and fighting for the motherland.

Long live!!

Renato Reyes, Jr..

Posted on October 09, 2011, 10:10 am

Ka Roger inspired a generation of Filipino youth to serve the people in the countryside

http://natoreyes.wordpress.com/2011/10/09/ka-roger-inspired-a-generation-of-filipino-youths-to-serve-the-people-in-the-countryside/

PRWC

Posted on October 09, 2011, 10:10 am

Ka Roger playing the harmonica in Sagada, Mountain Province

Krharmonica2

PRWC

Posted on October 09, 2011, 10:10 am

Ka Roger taking a break after a long radio interview.

Kr1

PRWC

Posted on October 09, 2011, 10:10 am

Ka Roger interview being filmed in Sierra Madre

Kr2

Willie

Posted on October 09, 2011, 11:10 am

Malaking kawalan sa panahong ito nang pang aabuso sa ating kalikasan ang katulad ni Ka Roger na nagpunyaging mai-balita sa masa ang mga nangyayari sa kabundukan.

Ang taimtim pakikiramay ng batch 69’ ay nais namimg iparating. Lagi kang buhay sa aming alaala.

PRWC

Posted on October 09, 2011, 11:10 am

At a press conference in Sorsogon

E07%201s-%20kr%20kalimot%20password.copy

jake

Posted on October 09, 2011, 11:10 am

isang malaking pagpupugay para kay ka roger rosal s nawala ka man sa samahan mananatili ang iyong tapang,galing,prinsipyo,talino at pagmamahal sa bayan lalo na sa mga masa. paalam ka roger!

demokRASYA

Posted on October 09, 2011, 12:10 pm

his entire life really inspires me..lalo na sa pagdaan ko sa liko’t ikot ng rebolusyon..hindi pa man kmi nagkakila2 ni ka roger personally,still, magkasama kming naki2baka pra sa bayan! tunay na hnd biro ang ginagawa namin, pero knowing a comrade like him,never kang mawa2lan ng pag-asa! PULANG PAGPUPUGAY SA’YO KASAMA! wala na ang katawang lupa ni ka roger, pero ang lahat ng nagawa nya pra sa ikatatagumpay ng rebo;usyon ay lalo pang yayabong at kikilalanin ng susunod pang mga henerasyon!

matang tikling

Posted on October 09, 2011, 12:10 pm

Pagpupugay kay Ka Roger sa kanyang walang alinlangang pagtugon sa Hamon ng Panahon..Buong Buhay na inilaan sa Rebolusyon at sa Masa…Mannatili kang narito sa aming mga puso.

Salamat Ka Roger sa binigay mong buhay sa Rebolusyon at Sambayanang Pilipino !

DRB

Posted on October 09, 2011, 12:10 pm

Mawala ka man Ka Roger, patuloy parin tayong susulong para sa pambansang kalayaan at demokrasya!

Pulang pagpupugay kay Ka Roger!
Mabuhay ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!
Viva PKP/BHB/PDPP!

Richard

Posted on October 09, 2011, 13:10 pm

Ka Roger served the masses for almost 4 decades. I remember him when i was a kid when he opened the guerilla doors not only to the media and the press for interview but also the people who believed his revolutionary cause. The people will never forget Ka Roger and will written the book of the history of the Filipino people who fought and taken their lives for the sake of freedom, justice and peace.

arman p

Posted on October 09, 2011, 13:10 pm

Your legacy will be forever in the hearts of the revolutionaries and the people! Your gift of life for the people’s revolution will be remembered until victory!

miguel salvacion

Posted on October 09, 2011, 13:10 pm

ang ‘yong bakas ay aming susundan, ang ’yong aral ay aming aaralin, ang ’yong alaala ay patuloy naming titingalain! Mabuhay at Pulang saludo sa’yo Kasamang Roger!

rado

Posted on October 09, 2011, 13:10 pm

Mabuhay ka, Ka Roger!
Mabuhay ang lahat ng martir ng rebolusyon!
Mabuhay ang sambayanan!

Mayo

Posted on October 09, 2011, 14:10 pm

PINAKAMATAAS NA PAGPUPUGAY SA IYO KA ROGER!
Ni Ka Mayo

Nakakalungkot na pumanaw ang isang rebolusyonaryong bayani
Tapagtaguyod sa interes ng sambayanan.

Ang kanyang mga iniwang dakilang ambag sa pakipaglaban
Sa imperyalista at hacienderong gahaman
Ating ipagpatuloy hangga’t ang kalayaan ay makamtan
Kahit kailan ay hindi mabubura ng mga bala at kanyon
Ang mga ala-alang nakabakas sa ating mga puso’t isipan

Ang hanging habagat na siyang nagdadala ng magandang balita
Sa paanan ng kabundukang Sierra Madre
Nagpapasayaw sa mga palay na siyang aming ikinabubuhay sa lupa
Dugo’t pawis ang puhunan at maibahagi sa bayang nagugutom.

Ang iyong yapak na aming tinutunton sa pilapil na iyong kinagisnan
Sa murang edad ay tumutulong sa magulang sa paggapas ng bunga ng kahirapan
Maagang namulat sa lipunang ginagalawan
At sarili ay tinatanong kung bakit isa kang dukha
samantalang bayan ay mayaman sa kalikasan
Walang sariling lupa na sinasaka, ang magulang ay baon sa hirap.

Naglalako ng kulambo sa kabayanan
Nang makatulong sa pamilyang kapos sa kabuhayan
Ino-organisa mo ang kapwa kabataan
Sinusuri ang lipunang nagdurusa na dulot ng kasakiman
Ng mga buwitre at mga linta sa bulok na gubyerno

Pinukaw mo ang tulog na diwang palaban
Ng bayang daan taon nang nilulupig ng dayuhan
Ikaw ang nagbibigay ng sigla at lakas sa mga ugat ng kagubatan
Niyayakap ka ng bawat sanga sa tuwing ikaw ay napapadaan

Sa ilog at sapa na iyong tinatawid
Lumalakas ang daloy ng tubig tungo sa palayang tigang.
Sa karagatan, naabot mo ang masang mandaragat
Nabighani ang kanilang katapangan
na labanan ang mga dayuhang mananakop
na umuubos sa yaman ng dagat.

Sa kapatagan na yong dinadalaw
nagagalak ang mamamayan sa tuwing ikaw ay natatanaw
dahil ikaw ang kanilang tagapagtanggol
Sa pasistang rehimen at mga berdugong militar
Ang boses at ngiting nagpapahimlay sa kanilang kapaguran
sa pang araw araw na pakikibaka

Ang uring iyong kinamulatan ay siyang pader na tungtungan
Ng kabataang naglilingkod sa kanayunan at kalunsuran
Sinasalamin ang iyong karanasan at itinataguyod
Ang mga ambag na iyong nilikha

Ang kaingin na iyong pinunlaan ng binhing mapaghimagsik ay uusbong
Ang bunga nito’y aming itatanim saan mang sulok ng mundo.
At sabay sabay naming gagapasin ang tagumpay ng paglaya.

Ang pagluha ng Inang bayan ay hindi mapipigilan
At ang iyong ala-ala ay siyang magpapataba sa aming pakikibaka.

Isang mapulang pagsaludo sa iyo Ka Roger!
Isang Amang madirigma at nakikibaka sa mga mapagsamantala!
Mabuhay ka Ka Roger!

ritchie bañares

Posted on October 09, 2011, 15:10 pm

paalam, ka roger!

Reysal

Posted on October 09, 2011, 15:10 pm

Sa pagkawala ng isang Rebulusyunaryong Kasama ay lalong iigting ang pakikibaka. Ang ala-ala niya ay lalong higit na magpapa-alab sa damdamin ng mga KASAMA. Lagi nating isa-alang alang na marami pang Ka Roger na darating na siyang magpapatuloy ng pakikibaka tungo sa tunay na Demokrasya. Buong lugod akong Sumasaludo sa mga kasamang namayapa na. Ang inyong KAGITINGAN at KABAYANIHAN ay bahagi na ng kasaysayan.

boyet gregorio

Posted on October 09, 2011, 18:10 pm

Ka Roger, Tinig mo, Tinig ng Liwanag, Tinig ng Pag-asa, Tinig ng Rebolusyon

(Isang Tula para kay Ka Roger)

Isang magsasakang taglay ang damdaming manggagawa
Na siyang mamumuno sa ating paglaya
Tulad ni Gat Andres na mala-manggagawa
Ngunit laging tangan ang isang panata

Isa kang uliran sa mga mandirigma
Sa bawat tinig mo’y ito’y kanilang gabay
At sa bawat himig mo’y lalo silang tumitibay
Ang tangan mong silindro ay isang musika
Sa mga mandirigmang naglilingkod sa masa

Hatid ng tinig mo ay isang liwanag
Sa mga usaping dapat bigyang laya
At sa bawat tinig mo’y puno ng pag-asa
Sa masa ng sambayanan na handang mag-alsa

Tinig mo’y isang pangarap sa mga gustong lumaya
Bangungot naman ito sa mapang-api at mapagsamantala
Hatid ng tinig mo ang isang rebolusyon
Na magpa-hanggang ngayo’y patuloy na sumusulong
At di maglalao’y hindi na ito isang ilusyon

Katawang lupa mo’y, nawala sa amin
Nguni’t ang tinig mo’y patuloy naming dadalhin
Isa kang dakila sa hanay ng masa
Dahil ang tinig mo’y puno ng pag-asa

Mula sa tinig patuloy kaming magsusulong
Ng isang rebolusyong may dakilang misyon
Sa paglaya ng masa at buong sambayanan

ka'' chi

Posted on October 09, 2011, 22:10 pm

isang guro, tunay na makabayan at isang dedikadong personal, nagbahagi at nag ambag ng buhay para sa sambayanan mabuhay ka kasamang rosal

Images

Padagos!

Posted on October 10, 2011, 00:10 am

Ako ay isang Bikolano, na sa pamamagitan ng Kilusan ay nagkaroon ng kaalaman sa tunay na kalagayan ng lipunang Pilipino, at nabigyan ng pagkakataon ng mga Kasama na makapagsilbi, kahit nga sa kaunting panahon lamang, sa masa na daang taon ng inaalipin ng mga mapagsamantala sa ating lipunan sa pangunguna ng mga kapitalista at pulitikong ganid sa kapangyarihan. Maituturing kong pinakamakulay, at pinakamakabuluhan sa aking buhay ang panahon na ako ay nakasama sa mga pagkilos, pagmumulat at pakikipaglaban ng masang anak pawis.

Hindi ko man personal na nakasama o nakita man lamang si Ka Roger, alam ko na Siya ang sumisimbolo at kumakatawan sa mga tunay na Pilipino na buong pusong nagsisilbi sa bayan, buhay man ay ialay. Siya ang modelo ng isang tunay na rebolusyonaryo na dapat sundin ang mga paninindigan, at dapat sundan ang tinahak na landas, upang makamit ang tagumpay.
Sana ay marami pang “Ka Roger” ang sumapi, at maging bahagi ng Kilusan.

Mabuhay ka, Ka Roger!

Marlon Rosales

Posted on October 10, 2011, 00:10 am

Red Salute Kasama!

SpankyCoco

Posted on October 10, 2011, 01:10 am

not many of us choose to tread the path KaRoger took.

We will always remember his contributions and try as much to contribute ourselves.
Let us honor him by continuing to serve the people!

Mabuhay si KaRoger!

chit corneja

Posted on October 10, 2011, 01:10 am

mabuhay ka Ka Roger!

Nel Malenma

Posted on October 10, 2011, 02:10 am

Pinakamataas na pagpupugay po sa inyo!!!maraming salamat!!!

eto po ang maikling video presentation na ginawa ko bilang tribute kay Ka Roger.

http://www.youtube.com/watch?v=1-kGE68Zbkc

isagani guevarra

Posted on October 10, 2011, 02:10 am

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila? Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa. Aling pag-ibig pa?

Nika Antares

Posted on October 10, 2011, 03:10 am

Mga kasama,

Narito ang munting alay ng ARMAS-Balangay Raquel Aumentado-Timog Katagalugan bilang parangal kay Ka Roger.

Salamat.

Kr%20poster

Kleriko Fascist

Posted on October 10, 2011, 03:10 am

Sa burol ko’y huwag kang lumuha
Pagkat ako doon ay wala
Apoy na sa himpapawid, kapiling ng mga mun ting maya
Anino namin ay tatawid sa laot ng pulang lupa
Ang labi namin ay ilibing sa lungsod man o sa bukid
Mabawi lang kahit tinig ang sa ami’y ipinagkait

Sa burol ko’y huwag kang lumuha
Pagkat ako doon ay wala
Hangin ako nitong laya, ang bangka’y itinutulak
At kung saan man masadlak, ang tungo namin ay sa dagat
At pag alon yaring tubig, mundo ma’y makiniig
Ang paglaya’y maihatid, di man ako makabalik

Sa burol ko’y huwag kang lumuha
Pagkat ako doon ay wala
At pagsabog ng liwanag sa pulahan nating larangan
Dugo namin ay papatak, ididilig sa kalayaan
Ang kasamang magsasaka sa pagbungkal nitong lupa
Layon naming magkatugma lagutin ang tanikala

Sa burol ko’y huwag kang lumuha
Pagkat ako doon ay wala
Sinilaw ako nitong buwan, tanglaw namin sa tulugan
Ang pagpanaw ay naganap di na ako makapagpaalam
At pagmulat ng iyong mata, huwag malungkot, huwag mangamba
Ako’y nasa himpapawid, nasa dagat, nasa bukid

Sa burol ko’y huwag kang lumuha
Pagkat ako doon ay wala
Kaya mga kasama, huwag lumuha sa burol ko
Ang bangkay ay di ako….

Salamat at Paalam Ka Roger…

Padayon!

Nino Oconer

Posted on October 10, 2011, 04:10 am

Si Ka Roger: bayani ng mga kabataan at ng sambayanang Pilipino. Magpapatuloy ang rebolusyon sa gabay ng inspirasyon mula sa iyo at sa iba pang martir ng sambayanan. Mabuhay ka!

Damuong

Posted on October 10, 2011, 04:10 am

Pinakamataas na Pagpupugay Kasama, tatay, ka-schedule sa kusina, kakulitan at ka jamming sa kantahan.

ka daryo

Posted on October 10, 2011, 05:10 am

Taas Kamaong Pagpupugay sayo KASAMA!

joel guevarra

Posted on October 10, 2011, 05:10 am

isang pagpugay sau kasama, ipagpatuloy ang adhikain para sa tunay na pagbabago……. mula sa aming mga uring magsasaka!

Alon

Posted on October 10, 2011, 06:10 am

Hindi masasayang ang iyong mga sinimulan, Ka Roger. Isang pulang pagpupugay sa’yo. Magpapatuloy ang laban.

Lubos kong ikanalulungkot ang pagkawala ni Ka Roger. Pero patuloy siyang magiging isang inspirasyon para sa pagsulong at pagyabong ng isang rebolusyong tunay na pagpapalaya sa bayan.

Mabuhay ang mamamayang nakikibaka!

hemy

Posted on October 10, 2011, 06:10 am

maraming salamat ka roger. walang kamatayang inspirasyon ang masidhi mong pagtangan sa prinsipyo ng rebolusyon. mabuhay ka.

ka watu

Posted on October 10, 2011, 06:10 am

a tree dies, a tree grows
the forest live forever…
ka roger is both the tree and the forest!
long live and thank you!

mark-luis

Posted on October 10, 2011, 06:10 am

Bilang pagdakila’t pagpupugay sa kanyang walang kapantay na ambag na pagsilbihan ang sambayanan, nararapat lamang na ialay ang isang prenteng gregorio “ka roger” rosal command.

sulong!

aka toto

Posted on October 10, 2011, 06:10 am

while ka roger bravely fought the oppressive army and militias of this and previous regimes, he clearly understood the importance for us to know the societal systems that lead to our poverty and deprivation. his example of unselfish service has been his most effective teaching aid. while we mourn his passing, let his life model inspire us to nurture the revolutionary spirits of the coming generations for a peaceful and just philippine society.

matyas salvador

Posted on October 10, 2011, 07:10 am

kabataan tumungo sa kanayunan, isulong ang digmang bayan, yan ang landas na piniling tahakin ni gregorio rosal na napakagandang modelo para sa kabataan.

Richard

Posted on October 10, 2011, 08:10 am

Ka Roger, The Revolutionary Mass Leader

http://myownthinking.wordpress.com/articles/my-tribute-to-ka-roger-the-revolutionary-mass-leader/

Bert De Belder

Posted on October 10, 2011, 08:10 am

Dear Comrades, Mahal mga Kasama,

Please accept my sincerest condolences as I pay the highest tribute to the great revolutionary fighter and leader Ka Roger. Unfortunately, I never had the occasion to personally meet Ka Roger while I was doing some modest medical support work in guerrilla zones throughout the Philippines in the period 1988-1996, but I am sure that his legacy will remain a source of inspiration to millions of Filipinos, for generations to come.

Bert ‘Ka Miguel’ De Belder, Belgium

KaMaRu

Posted on October 10, 2011, 10:10 am

Isang dakilang Rebolusyonaryo sa mata ng masang Pilipino! Tulad ng Rosas ng digma, ang diwa at gawa moy hindi malalanta. Palaging buhay sa puso’t isipan ang prinsipyo at adhikain na inyong iniwan.
Saludo kami sa iyo, Ka Roger Rosal!
Mabuhay ang Rebolusyon!
Mabuhay ang Masang Pilipino!
Sa kaibuturan ng aming Puso, pulang pagpupugay sa inyo Kasama!

molly

Posted on October 10, 2011, 12:10 pm

pinakamataas na pugay sa iyo kasama. Insperasyon ka sa rebong pilipino.

molly

Posted on October 10, 2011, 13:10 pm

Ka Roger’s great sacrifice to the Philippine revolution is an exemplary and profound hero’s deed. You are making and part of Philippine history. Your life is worth dying for.

Long live Philippine revolution!
Long live Ka Roger

Ka Alinew

Posted on October 10, 2011, 15:10 pm

Alay kay Ka Roger

Nariyan Lang Siya.
Kung iyong inaakalang siya’y lubusang wala na,
Kasama, nasa laot o habagat lamang siya.
Sa bawat ihip ng hangin at lawiswis ng kawayan
Maririnig mo ang kanyang matining na panawagan.
Halina kayo’t humawi sa kagubatan ng kasaysayan
Upang mapaunlakan natin ang bagong kinabukasan.
Maririnig mo ang kanyang tinig, malakas, malinaw
Sa bawat hinaing ng mga said at halos wala ng buhay.
Maririnig mo ang kanyang tinig, malakas, malinaw
Gising na mga kapatid, sadya niyang pagpupukaw.
Ang inyong pighati sa pagkakatanikala ng mga ganid,
Inyo ng tagpasin sa pamamagitan ng pagkamuhi at galit
At lagutin ang tanikalang sa pagka-alipin kayo’y nabulid
Ng laksang taon na para baga’y wala ng susulpot na langit.
Maririnig mo ang kanyang tinig, malakas, malinaw
Dahil sa diwa ng lahat nariyan lang siya gabi man o araw
Upang ipagpatuloy ang paghawi ng maalab na kinabukasan
Para sa pinakamimithi at pinakamamahal niyang sambayanan.
Oo, Kasama, naririyan lamang siya sa sulok-sulok ng gubat.
Pakinggan mo ang ihip ng hangin, ang huni ng ibon,
Ang bawa’t hinaing at sa diwa mo’y
Maririnig mo siya, malakas, malinaw.
Hindi kailanman siya papanaw.

ka cleo

Posted on October 10, 2011, 23:10 pm

isang pulang pagpupugay kasamang rosal,ang iyong mithiin ay patuloy na itataguyod ng masang minulat mo,hanggat di nababago ang bulok na sistema ng lipunan ay patuloy na yayabong ang rebbolusyonaryong kilusan.

ka anre

Posted on October 11, 2011, 01:10 am

i’m still mourning of his death,..but 1 thing is for sure,.. pa2loy q pa ring hahawakan ang sandatang nabitawan ng isang magiting na kasamang 2lad ni ka roger!
buong buhay nyang ibinigay ang kanyang sarili para sa rebolusyon at sa pagmamahal nya sa masa kaya marapat lang na bigyan sya ng PINAKAMATAAS AT PINAKAMAPULANG PAGPUPUGAY!!!

ang pamilya ko ay nakikiramay sa mga anak at pamilyang naiwan ni ka roger, 2loy ang laban!..

hindi mulat ang pamilyang pinagmulan ko ngunit sila’y nagdadalamhati rin sa pagkawala ni ka roger,.. dahil tunay raw ang ipinakita nyang determinasyon at katapangan para sa bayan!

LONG LIVE KA ROGER!!
MABUHAY ANG CPP-NPA-NDF!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!!

KA CARLO

Posted on October 11, 2011, 02:10 am

mabuhay ang BHB, mabuhay ka ka roger

Tiborcio

Posted on October 11, 2011, 06:10 am

Para sa mga naulilang anak at pamilya ni Ka Roger, hindi kayo nag-iisa. Sa katunayan karamay ninyo ang buong sambayanan sa pagdadalamhati sa pagkawala ng inyong tatay, kapimilya at kaibigan. Kami ma’y nawalan din ng isang dakilang kasamang komunista!
Naalala ko ang isang interview sa isang ispontanyong kolehiyala na tinanong siya: “Ano ang komunista para sa iyo?” Simpleng sinagot nya ito: “Kung ang tawag kay Ka Roger ay komunista gusto ko na ring maging komunista!”. Ano’t ano pa man ang nasa isip ng estudyanteng iyon malinaw na si Ka Roger ay simbolo ng isang komunistang pilipinong tapat na naglilingkod sa sambayanan! na dapat nating tularan.
Masaya man ang US, GPH at AFP sa pagkawala ni Ka Roger ngunit dapat silang matakot dahil ang pagkawala ng isang kasama ay nangangahulogan ng pagsibol, pagyabong at pagsulong nang mas marami pang kagaya ni Ka Roger!
Mabuhay tayong Lahat!

B L

Posted on October 11, 2011, 07:10 am

maraming salamat sa email. katulad ninyo marami rin akong magagandat mahihirap na panahon na kasama siya.

nauna ako sa 9 na detenidong tumakas. kami ang “papillon squad” na binubuo ng 5 detenido na unang nakatakas sa cam vicente lim noong setyembre 1974.

bilang stockade spokesman doon, medyo napadali ang plano sa pagtakas mula sa kamay ng mga pasista. sa maingat na pamumuno, nailatag ang preparasyon, kabilang ang pisikal na kober sa susunod na batch ng tatakas at doon nga masuwerte nakasama si ka roger sa great escape.

sa unang 5 ay nag-alay ng dugo para sa rebolusyon si ka wency olaguer.

mula sa magkaibang probinsya ay nagkasama kami ni ka roger sa iisang larangan noon 1974-76.

magaan ang trabaho kahit mapanganib man kapag kasama si ka roger at isang bansag na laging nagpapasaya sa amin noon ni ka tales (isang pang bayani ng rebolusyon) ay ang pagtawag sa kaniya na “tanda.”

hindi ko kailanman narinig sa kaniya ang katagang mahirap.

nagkasakit ako sa larangan at muling nadakip ng militar sa ikatlong pagkakataon hanggang sa makalaya. huli kaming nagkita sa Central Quezon kung saan sa aking kasabikan, gayundin ang aking maybahay na magkita muli ay nakunan sa kaniyang dinadala sa sinapupunan.

lagi siyang nare-reach sa cellphone hanggang naglaho ang komunikasyon makaraan ang pangyayari sa bikol at hanggang lumabas ang malungkot na balita nitong linggo hinggil sa pagyao ng isang ulirang rebolusyonaryo.

mahaba pa sanang kuwento ito hinggil sa isang taong laging nakahanda ang tainga upang makinig.

mananatiling buhay si ka roger at magsisilbing gintong sulo ang liwanag na kaniyang iniwan para sa bayan.

B

rodel

Posted on October 11, 2011, 08:10 am

Awit ng Kainginero

October 9, 2011 at 12:51pm
Bilang pagpupugay sa dakilang ambag ni Kasamang Gregorio “Ka Roger” Rosal
Mananatiling buhay ang iyong alaala!

A7 D
Kay hirap ng buhay dito sa kaingin
A7 D
Sa maghapo’y pagod sa ating gawain
E A F#m
At maging sa gabi’y di ka patulugin
E A -E
Sa bigat ng ating mga suliranin.

A
Masukal na gubat matapos hawanin
A7 D
Malalaking kahoy maihapay natin
E A-F#m
Ang palay at kahoy ating itatanim
E A E
Upang may makain ang pamilya natin.

A
Ngunit ano itong gawa ng gobyerno
A7 D
Bawal magkaingin sabi ng montero
E A-F#m
Habang ang konsesyon nitong si Morato
E A-E
Nagpapatuloy sa pagkuha ng troso.

A
At ang lalong grabe ay ang mangangamkam
A7
Hayop na surbeyor at PCng tulisan
E A-F#m
Matapos mangikil tayo’y babantaan
E A-E
At walang awa pang ipagtatabuyan.

A
Kaya’t ang lunas ay ang pagkakaisa
A7 D
Humawak ng baril tayo’y makibaka
E A-F#m
Ipagtanggol natin lupang sinasaka
E A-E
At ang pang-aapi’y ating wakasan na.

A
Sa tulong ng Hukbo, gabay ng Partido
A7 D
Pakikibaka ay susulong, lalago
E A-F#m
Pagsasamantala ay maigugupo
E A
At ang tagumpay ay ating matatamo.
Nilikha sa Hangganang Quezon-Bikol noong 1974.

Written and composed by: Ka Roger Rosal

Titser Vlad

Posted on October 11, 2011, 13:10 pm

ang mga guro,maestra,mam at sir sa mga pamantasan at paaralan ay yayakapin ang iyong sinimulan at ipinaglaban.
Hindi mamamatay ang iyong mga aral.
Isasama namin Ito sa mga lesson plan at demo teaching.
Isasanib namin ito sa malawak na bilang ng mga Magaaral.

Mabuhay ka, guro ng sambayanan,KA Roger

Datu Udyotan

Posted on October 11, 2011, 19:10 pm

Ka Roger, magkaiba man ang ating paniniwala,
Magkaiba man ang landas na ating tinatahak,
Bagamat ang ating kuro ay magkatulad,
Ang pagsilbihan ang sambayanang naghihirap.
Sa inyong paglisan isang mensahi ang inyong iniwan,
Ang ating inang bayan ay nangangailangan ng isang taong may paninindigan.

Marangal na pagpugay sa iyo kabayan.

Rafael Gutierrez

Posted on October 12, 2011, 01:10 am

Gikan sa mga magtutudlong nagpakabana, nag-alagad ug nakigbisog alang sa tinuod nga demokrasya ug hustisya, among gipaabot ang among pag saludo sa usa ka kauban nga tibuok kinabuhi nag-alagad sa interes sa masang nilupigan ug dinaog-daog… Ang imong pagpanaw samot nga makapa dugang sa among kusog alang sa pagpadayun sa pakig bisog! Puwang pagsaludo, Ka Roger!

ka anre

Posted on October 12, 2011, 01:10 am

aq na naman,.. oo, ako nga,..

raw-araw binubuksan ko ‘to at tinitingnan ang mga pictures ni ka roger,..
araw araw din akong umiiyak dahil sa pagkawala nya,.. pakiramdam ko nawalan ako ng tatay, ng kapatid, ng kaibigan, ng kasama..
nakakatawang isipin dahil sa buong panahon ng pagkilos ko sa larangang gerilya ay hindi man lamang kami personal na nagkakilala,..
nakilala ko lang sya sa mga kwento ng mga kasamang minsan na nyang nakasama..
lubos talaga ang pagdadalamhati ko,..hindi ko maipaliwanag,,..
pero alam kong hindi ako nag-iisa sa pagdadalamhati kagaya ng tunay na mga anak ni ka roger,..
alam kong kasama ko ang sambayanang pilipino sa pagdadalamhati! at sa pagdadalamhati nating ito ay ang patuloy na pag-aalab ng ating diwa upang ipagpatuloy ang mga gawaing nasimulan at napayabong ni KA ROGER!
muli, PINAKAMATAAS AT PINAKAMAPULANG PAGPUPUGAY SA’YO KA ROGER!!

KA SOLIS

Posted on October 12, 2011, 05:10 am

PINAKA MAINIT NA PAG BATI SAU KASAMA

SAIYONG PAG LISAN, MGA DAMDAMIN AY HINDI DAPAT MADANAGAN, SAPAGKAT BAOON NAMIN ANG IYONG KAALAMANBAGONG PAG-ASA IYONG PINALASAP, MGA TULAD NAMING SAGLAP SA HIRAP

MABUHAY KA KASAMA….

Mark Funcion

Posted on October 12, 2011, 08:10 am

I grew up listening to his statements, explanations and jokes over DZRH every morning (my Father religiously listens to Joe Taruc). I see Ka Roger not as an enemy of the state but as a freedom fighter. His death is indeed a great loss to Filipinos who still believe that there is a better, just and peaceful Philippines. Farewell, Ka Roger. Pakiramdam ko kasama mong nawala ang parte ng pagkabata ko.

Armin

Posted on October 12, 2011, 08:10 am

Ginising ako ng pagbati ng isang kaibigan/alyado/mapapagkatiwalaang kumpare na ‘condolence’. Di ko agad nakuha, maya-maya pa e pumailanlang na ang mga balita/komentaryo’t/papuri sa burges na radyo at telibisyon na sumakabilang buhay na si Ninong. Opo, inaanak kami sa kasal ng butihin, palabiro, kababayan at moog at taliba ng Digmang Bayan na si Ka Roger. Sariwang sariwa pa ang ala-ala noong nakakasama ka sa kubo sa ilang kampuhan sa isang larangan sa Timog Katagalugan, ikaw ang kasamang hindi napapagod sa mga lipatan nga kampo, di nagasasawa sa gawaing propaganda sa hanay ng kapwa mandirigma at masa.Palaging nakakwentas ang transistor (na minsan ay nakakaligtaan ang pistola o armlayt pero hindi ang transistor.) HINDI ka rin kinakitaan ng arogansya dahil sa ikaw ay si Ka Roger…
Ang aking asawa at kasama ay nagpadala rin ng mensahe na s’ya ay nalulunkot ng labis…dahil sa pagpanaw ni Ninong…
Maraming kakatuwa, kahanga-hangang katangian si Ninong at ang namumukod e ang kanyang nakakahawang pagpapagaan sa mga suliranin personal at usapin sa buhay at kamatayang PDR.HINDI ka rin kinakitaan ng arogansya dahil sa ikaw ay si Ka Roger. HIgit sa lahat, ang walang pagiimbot nyang pagaalay ng buhay para sa PDR at sambayanan hanggang sa bawian sya ng buhay….
Inspirasyon ka Kasama…saludo ako/kami at umaasa ka na ang pamimighati ay ibabaling sa pursigidong pagrerebolusyon para sa pagkamit ng mas mataas na yugto ng ating Digma.
Armin

East german maoist

Posted on October 21, 2011, 01:10 am

Rest in piece, comrade!

Katleah Iskre Ulrike

Posted on October 21, 2011, 15:10 pm

Sorry for being late in posting, but then I am likely to convey deepest condolences to our comrade “Roger” Rosal.

I use to hear Ka Roger via the news during the early 90s, and as I, or rather say we expect that he simply tries its best to counter the system’s very own propaganda machine: that from the ones in fortresses and camps of Aguindaldo and Bonifacio to the networks like 7 and 2, they kept on wanting to heed his voice even during the day he tries to recover from his illness making its foes thinking that he’s “dead”. Obviously, I would say that the earlier statements from the enemy, especially that they say he’s “dead” long before showed that they are yearning over him, “fans” indeed so to speak!

And personally I would say that due to his experience and expertise in mass communications, he’s greater than those wearing coat-and-tie looking in front of the camera representing the current rotten government, that his booming voice far greater that made his enemies tremble with fear or cursing him same as the movement; same as the traitors who subjectively kept on reviving ones being admitted as errors and thus rectified and given apology to the people. Others would think that Ka Roger is a “PR Man”, yes, for he personally relates with the people especially thsoe affected by the policies and actions of a rotten system catered to vested interests all from personal interaction to his statement booming over from Sierra Madre to the heart of Manila!

Well, nice indeed that despite his death we are still thankful enough to have Ka Roger giving his whole life working for revolutionary change. There are more people would likely to succeed his post someday, but then In this era of modern technology, of cellphones and sophisticated gadgetry amongst media men, I would say that the Ka Roger experience, whether meeting him in person or listening him via TV or radio meant a chance to heed the radical voice of the people after the works of our comrades near and far. For sure the ranks of our foes are still trembling with fear regardless of its trying hard “strength” yet inside is a growing weakness as their actions against the people making revolutionary response justified.

Again, on behalf of this writer I convey deepest condolences. And as a religious I would say that he’s “blessed” enough to serve the National Democratic Revolution,and I am praying that despite his demise there will be more and more will succeed in giving a voice from the oppressed.

Да здравствует товарищ Ка Роджер!
(Da zdravstvuet tovarishch Ka Rodzher!)
Long Live Ka Roger!

Ka Jihad

Posted on October 21, 2011, 19:10 pm

Namatay si Ka Roger ngunit ang kanyang mga ala-ala ay habambuhay na mananatili sa rebolusyonaryong kilusan!

Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino! Hanggang sa tagumpay!

264139_111522098941976_100002525591909_105873_6908328_n

Ami

Posted on October 21, 2011, 20:10 pm

Pulang Pagsaludo kanimo Ka Roger. Daghang Salamat!

asyed!

Posted on October 22, 2011, 01:10 am

nagulat ako nang buksan ko ang website at nakita ko ang mukha mo dun….bagamat wala akong nabasa na nagsabing patay ka na, nung nakita ko ang mukha mo at may nakasulat na 1947-2011, matinding kaba na ang naramdaman ko….di nga ako nagkamali….patay ka na nga… nung nabasa ko yung pahayag, umiyak ako…ilang beses…bagamat di naman na lihim ang inyong pagkakasakit ay di ko pa rin inaasahan na sa ganito kaaga ay mawawala ka…
inaatay ko pa naman yung panahon na muli kong maririnig ang tinig… kung paano mo suriin ang mga isyu at iparating sa mga mamamayan ang panawagan ng partido…
nakakalungkot na wala ka na pero di rito nagtatapos ang rebolusyon… ang iyong mga nasimulan ay aming ipagpapatuloy…ang sandatang iyong binitawan ay pupulutin ng milyon milyon pang mga mamamayan na magpapatuloy ng rebolusyon na isinulong mo…
mananatili kang inspirasyon sa amin

tacloban

Posted on October 23, 2011, 03:10 am

Ikaw ang naging insperasyon namin, sa iyong kawala isang dakilang sinumulan na amin tataposin …

trisha

Posted on October 23, 2011, 12:10 pm

your life would serve as an inspiration to the people to carry forward their revolutionary struggle.. mabuhay ang yong kabayanihan at kadakilaan!! mabuhay ang yong kasaysayan ng walang hanggan.. mabuhay ang rebolusyong pilipino!

ka kiko

Posted on October 24, 2011, 20:10 pm

kung pwede lang i like dito lahat ang sinabi ng mga kasama ilalike ko talaga pero hindi man kita nakilala sa personal alam ko na talaga na isa kang tunay na magiting na kasama at maasahang boses ng masa pero wag ka mag alala kasama hindi kami titigil tumulong sa masa nilisan mo man itong daigdig
tinig mo’y patuloy na maririnig
lulan ng mga himig mong alay
na lipos ng pag-ibig

pag-ibig sa bayan sayo’y nagluwal
at sa aping mamamayan labis mong minahal
tulad mo ay di malilimot
habang kami ay narito

habang kami ay narito

mabuhay ka Gregorio “Ka Roger” Rosal

Zelea

Posted on October 25, 2011, 02:10 am

Isang simpleng pagparangal at pagpugay mula sa mga siklistang kaisa sa pinaglaban ni Ka Roger.

Karoger

ka alwyn/stib

Posted on October 25, 2011, 12:10 pm

pinakamataas na pagpupugay sa iyo, Ka Roger!

..hindi ka malilimot, sa puso ng sambayanan, itatayo ang bantayog..

MABUHAY KA KA ROGER!
MABUHAY ANG PKP!
MABUHAY ANG BHB!
MABUHAY ANG PDP!

Melchor Maypagasa

Posted on October 25, 2011, 20:10 pm

Pinakamataas na Rebolusyonaryong Pagpupugay sa iyo Ka Roger!!! Ikaw ang isa sa mga Rebolusyonaryong Huwaran ng mga Kasama, at magiging huwaran ng mga bagong dugo na magpapatuloy ang iyong simulain. Ikaw ma’y pumanaw na, isa lang ang tiyak, Ang Tagumpay ng Sambayanang Pilipino laban sa mga mapang-api.
REST in POWER Ka Roger!!!

Dimas-alang

Posted on October 26, 2011, 06:10 am

Mabuhay ang mga ihemplo ng rebolusyon na katulad mo ka Roger. Marahil lahat nmn ng tao ay darating sa yugto ng paglisan sa lupa ngunit sa tulad mo maiiwan ang mga hadkain na ipatanggol, ipaglaban at iangat ang mga naapi, higit sa lahat ang pagnanais na magkaroon ng pagkapantay pantay ay parang isang apoy, walang hanggan ang kanyang alab..

maraming salamat po…..

ka jovel

Posted on October 26, 2011, 14:10 pm

hindi isinisilang o ipinapanganak ang rebolusyunaryo………….. ito ay nililikha ng lipunang pinaghaharian ng iilang imperyalista, malaking burgesya kumprador at uring panginoong maylupa……… bagamat kinikilala ng rebolusyunaryo ang kamatayan, ito ay napakahirap at napakasakit tanggaping may isang kasama na naman tayong nagbuwis ng kanyang buhay alang sa bayan. kaya marami pang ka roger na susulpot mula sa mga anak ng bayan… hanggang sa tagumpay!!!

jed akino

Posted on October 29, 2011, 15:10 pm

hindi kelangan maging komunista upang malungkot sa kanyang pagkahimlay

hindi kelangan maging pulang mandirigma upang manghinayang sa kanyang pagkamatay

hindi kelangan maging Kadre upang makaramdan ng kalungkutan sa kanyang pamamaalam

hindi kelangan maging kapamilya,kapuso o kabarkada upang malungkot sa kanyang pagpanaw

kung ikaw ay isang magsasakang inagawan ng lupa,

kinalulungkot kung sabihin patay na ang kaulayaw natin sa laban sa lupa

kung ikaw ay isang mangagawang alipin ng paggawa,

kinalullungkot kung sabihing nabawasan kayo ng dakila

kung ikaw ay isang kabataan pinagkakaitan ng kinabukasan,

makakaramdam ka rin ng kalungkutan

dahil tuluyan ng nagpaalam ang minsan ay naging kabataan

na tumahak sa armadong paglaban para sa iyong kinabukasan

kung ikaw ay mamamayan ng ating bayan malungkot ka

at wala na ang dakilang lider na ang hangaring ay lumaya tayo

mula sa namamayaning kolonyal na sistemang nagsasamantala

iluha mo ang iyong lungkot sa kanyang pagkahimlay

iluha mo ang ang panghihinayang sa kanyang pagkamatay

isigaw mo ang kalungkutan na iyong nadarama

isigaw mo ng boung puso wag kang mag alala

dahil tayo ay umiiyak pag nalulungkot

dahil tayo ay tumatawa pagmasaya

galit ang nararamdaman pag may nasasamantala

ngunit tayo ay rebolusyonaryo din na dapat magpatuloy

kung ikaw ay payak na magsasaka, manggagawa o kabataan

binulag ng kagutuman, binusalan ng pamahalaan at pinapatay ng kahirapan

sge umiyak ka, malungkot at manghinayang nabawasan ang mga bayani ng ating bayan

ngunit wag kang mangamba sa kanyang pagkamatay ang rebolusyon ay hindi napapatay

https://www.facebook.com/profile.php?id=507641184&ref=ffa#!/note.php?note_id=10150411242822534

305873_1972325202799_1683109967_1499881_1582709255_n

ernest guevar

Posted on November 03, 2011, 23:11 pm

mabuhay ang tulad mong tunay na naglingkod sa sambayanang pilipino.. hindi man kita nakilala ng personal pero ako’y napahanga ng nabasa ko ang ilang mga kweto tungkol sau.. oo at isa ako sa iyong mga taga hanga kasama.. tunay ka ngang insperasyon ng tulad naming susunod sa yapak mo.. mabuhay pinakamataas na pagpupugay ang aking ipinaaabot sau kasama.. nararapat lamang na parangalan ka ng pinakamataas na pag pupugay ng partido kumunista ng pilipinas at lahat ng kumusta sa daigdig.. mabuhay ang demokratikong rebolusyon ng bayan.. mabuhay ang matagalang digmang bayan. mabuhay ang partido kumunista ng pilipinas. mabuhay ang bagong hukbong bayan.. mabuhay ang sambayanang pilipino…

deo

Posted on November 05, 2011, 10:11 am

Mulit muling maaalala ang mga panahong ikay nakasama….kung hanggang saan pa man…ang iyong paglisan ay ibayong magpapatatag atmagpapatibay sa ating hanay… Sa Tagumpay ng Rebo.

simon

Posted on November 07, 2011, 09:11 am

pinakamataas na pagpupugay sa bayani ng sambayanan, ka roger

bonifacio katipunan

Posted on November 08, 2011, 13:11 pm

R.I.P. ka roger.. minsan naging bahagi ka ng aming buhay.. mananatiling nasa puso at isipan ang iyong pinaglalaban.. wala paring tigil sa pakikilahok sa digmaang bayan.. mawala ka man.. libong pilipino ang titindig para sa sinimulan mong laban. hasta la victoria seyempre!!!! dios mabalos.

Citizen Of Olongapo

Posted on November 13, 2011, 06:11 am

Long Live CPPNPANDF !
Long Live NPA Freedom Fighters !
Long Live Communist Party
Long Live Soldiers and Comrades!

We Can Achive our Goal!
We Can Achive our Victory!
We Can Achive to Unite as One!
We Can Achive our Future!
We Can Achive our Freedom!
We Can Crush The Enemy of
Abusers of People`s Motherland!
We Can Achive all of these!
We Can Never Forget You!
Comrade
Gregorio “KA ROGER” Rosal

Mikael

Posted on December 01, 2011, 08:12 am

Rest in peace Comrade, long live the people’s Revolution!

Red salutes from New Zealand

Zacharias

Posted on December 05, 2011, 03:12 am

Salamat sa inspirasyon Ka Roger!!! Mabuhay ka at ang Rebolusyon!!!

Ka Lenin

Posted on January 12, 2012, 04:01 am

Sa pagyao ni Ka Roger, lalo pang sisidhi ang mithi ng masa na sundan ang kanyang paninidigan at daang tinahak; lalo pang iigting ang apoy ng pakikibaka na kanyang sinindihan sa puso ng mga Pilipino.

Ka Roger, isa ka sa mga rebolusyonaryong idolo ng mga kabataan. Ikaw ay aming inspirasyon para kami ay patuloy na pupukaw, mag-oorganisa at magpapakilos sa malawak na bilang ng mga Pilipino para sa pambansang Demokrasya at kalayaan!

Pulang Pagpugay saiyo!

ka.raquel

Posted on April 21, 2012, 03:04 am

mabuhay ka ka jo 1sulong ang rebolusyon ng sambayanan pilipino…


Tribute to Gregorio "Ka Roger" Rosal | Philippine Revolution Web Central homepage