Larawan ni Pomeroy: Taksil na Rebisyunista

Simoun Riple
Spokesperson
Southern Mindanao Chapter (KM)
April 22, 1972
Read also in English
Resize text: A+ A- Reset

Tala ng Pagkakalimbag

Rebolusyonaryong paaralan ng Kaisipang Mao Tse Tung
Partido Komunista ng Pilipinas

Ang aklat na ito ay isang kalipunan ng anim na panunuring salaysay na isinulat ni Tagapangulong Amado Guerrero upang ipagtanggol ang pandaigdigang teorya ng Marxismo-Leninismo at ang proletaryadong rebolusyonaryong linya ng Partido Komunista ng Pilipinas, gayundin upang bakahin ang malawak na kalipunan ng mga oportunista at rebisyunistang kaisipan na inilalako sa anim na aklat ng kontra-rebolusyonaryong taksil at eskirol na si William J. Pomeroy.

Unang nalathala ang anim na panunuring salaysay na ito sa magkakahiwalay na espesyal na edisyon ng Ang Bayan, ang opisyal na pahayagan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas. Sa pagbubuo ng aklat, ilang rebisyon ang isinagawa ni Tagapangulong Amado Guerrero sa orihinal na teksto at pamagat ng mga sanaysay.

Malinaw kung bakit dapat pagtuunan nang masusing pansin si Pomeroy. Siya ang pinakamatabil sa pangkatin ng mga taksil na rebisyunistang Lava sa pagpapalaganap sa Pilipinas at sa ibayong dagat ng mga kontra-rebolusyonaryo at rebisyunistang kaisipan. Ang kanyang mga aklat ay ipinamudmod ng mga taksil na rebisyunistang Ruso, Amerikano at Pilipino.

Di hamak ang galing ni pomeroy magpalaganap ng mga mapanirang kaisipan kaysa mismo sa mga Lava, ang mga dinastikong lider na taksil na rebisyunista sa Pilipinas, na kakaunti lamang ang mga akda at magaspang ang pagkakasulat.

Sa katunayan, madalas sipiin at gawing sanggunian ng mga taksil na rebisyunistang Lava ang kanyang mga akda na tinitingala siya bilang isang awtoridad sa ideolohiya.

Sa mga taksil na rebisyunistang pangkating Lava, si Pomeroy ang kasalukuyang itinuturing na pinakamatapat na alagad ng sosyal-imperyalismong Sobyet. Sa tabing ng mga rebisyunistang bukambibig gumanap din siya bilang espesyal na ahente ng imperyalismong Amerikano. May sapat na mga katibayang magpapatunay na espiya siya ng imperyalismong Amerikano, na ang misyon ay sabotahiin ang rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas.

Bantog na rin sa Pilipinas ang kanyang kontra-rebolusyonaryong rekord. Nakipagsabwatan siya sa imbing anti-komunistang si Luis Taruc sa pagsusulat ng “sariling talambuhay” ng kataksilan, ang librong Born of the People. Kunwari’y nangangalap siya ng materyales para sa librong ito, pero impormasyon para sa imperyalismong Amerikano ang kinakalap niya. Kasabay niyon, dinakila niya si Taruc sa paraang suwabeng maipapalaganap ang kontra-rebolusyonaryong kaisipan at ang buktot na linyang palasuko. Para makalubog sa lumang nagsanib na partido, bumuntot siya sa pangkating Jose-Jesus Lava sa pagpapalipat-lipat sa kanan at “kaliwang” oportunismo.

Tapos kusang sumuko sa mga kaaway sa panahon ng Operation “Four Roses” noong 1952, namalagi siya sa kulungan para lalmang maging bahagi ng reaksiyonaryong kampanya ng gobyerno na sirain ang loob ng mga bilanggong pulitikal at simiutin ang mga impormasyong mapipiga sa rebolusyonaryong kilusang masa. Sa loob ng kulungan isinulat niya ang unang borador ng pesimistikong aklat na The Forest sa kabila ng ilang pagtutol. Dala ng pamamagitan ng gobyernong Amerikano, pinalaya siya bago matapos ang taong 1961, na mas maaga nang sampung taon kaysa sa kanyang mga kasamahan na nasintensyahan ng habambuhay na pagkabilanggo. Kaakibat ang kanyang paglaya ng suporta ng imperyalismong Amerikano sa mga mapangwasak na gawain ng taksil na rebisyunistang pangkating Kruschov sa pandaigdigang kilusang komunista. Dahil sa husay niyang tumahi-tahi ng mga kasinungalingan, napisil siya ng amo niyang imperyalistang Amerikano para sa isang bagong misyon.

Pagkalayang-pagkalaya, agad sinimulan ni Pomeroy ang pagpapakulo ng mga rebisyunistang propaganda. Inilathala niya ang librong The Forest (1963) at ang Guerilla Warfare and Counter-Guerilla Warfare (1964) sa pagtatangkang mapalabas na hindi angkop ang teoryang digmaang bayan ni Tagapangulong Mao para sa Pilipinas at sa iba pang bansa. Sa posturang isang nagwawastong “kaliwang” oportunista, itinaguyod niya ang kontra-rebolusyonaryong linya ng “mapayapang pakikipamuhay, mapayapang pagbabago at mapayapang kompetensya” ng taksil na rebisyunistang pangkating Kruschov.

Nang magamayan ang ganap na pag-unlad ng oportunismo tungo sa imperyalismo sa Unyong Sobyet, kumabit siya sa taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev. Sinulat niya ang Half a Century of Socialism (1967) bilang papuri sa panunumbalik ng kapitalismo sa Unyong Sobyet sa lahat ng larangan, at bilang pagtuligsa sa Rebolusyong Oktubre at sa mga dakilang lider komunista. Kasunod niyon, inihanda niya ang librong Guerilla Warfare and Marxism (1968), isang koleksiyon ng mga sipi ng mga Marxista at anti-Marxistang akda (pati na mga sipi sa akda niya) kung saan pinangibabaw niya ang sarili niyang rebisyunistang pananaw. Sa aklat na ito muli niyang tinangkang ibasura ang teorya ng digmang bayan.

Lantaran na siyang nagpakilalang ahente ng imperyalismong Amerikano, bukod pa sa pagiging ahente ng sosyal-imperyalismong Sobyet, sa pagsusulat niya ng librong American Neocolonialism (1970) na ang layon ay hindi upang ilantad ang neokolonyalismong Amerikano, kundi upang gamitin ang salitang ‘neokolonyalismo’ na tulad ng kahulugan sa teorya ni Kautsky na “supra-imperyalismo” at pagkatapos ay linisin ang kolonyal na rekord ng karahasan at kasakiman ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas mula sa pagpasok ng kasalukuyang siglo hanggang sa taong 1946.

Ang masusing pag-aaral sa mga aklat ni Pomeroy ay magbibigay sa atin ng malinaw na pag-unawa sa pagiging anti-Marxista at anti-Leninista ng taksil na rebisyunistang pangkating Lava at makapagpapatalas sa ating pga-unawa sa pandaigdigang teorya ng Marxismo-Leninismo at kaisipang Mao Tsetung. Makatutulong din ito sa paglalim ng pag-unawa natin sa rebolusyonaryong liniya at sa pagbigo sa mga hakbang ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet at ng kanilang mga lokal na ahente na wasakin at sabotahiin ang Rebolusyong Pilipino, ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Isang Akda ng Dalawang Taksil

Ang librong Born of the People ay isang sabwatan ng dalawang taksil na sina Luis M. Taruc at William J. Pomeroy. Bagaman pinalalabas na iyon ay talambuhay ni Luis Taruc, si Pomeroy, ang bayarang ahente ng imperyalismong Amerikano, ang tunay na may-akda niyon para pansamantala siyang makapasok hindi lamang sa hanay ng rebolusyonaryong kilusang masa sa Pilipinas kundi pati sa liderato mismo ng nagsanib na lumang Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosyalista.

Mapatutunayan ng mga matatandang kasama na pagkatapos ni Pomeroy makapaglikom ng mga datos para sa kanyang aklat sa Gitnang Luzon noong 1949, nakapagsagawa ang mga kaaway ng mga mata gumpay na pagsalakay sa mga lugar na binisita niya. Dahil na rin sa ilang suspetsa sa kanya ng mismong mga Lava kaya napagpasyahang “patigilin siya sa kampo” sa Timog Luzon noong 1950.

Matutuklasan sa pagbabasa ng Born of the People ang mga ugat pang-ideolohiya ng pagiging pusakal na anti-komunista ni Taruc at ang kontra-rebolusyonaryong papel ni Pomeroy bago pa man niya isinulat ang mga sumunod niyang mga garapal na rebisyunistang akda.

Ang Born of the People ay tinanggihan ng “may-akda” nitong si Luis Taruc. Mas nagustuhan niya ang librong He Who Rides the Tiger, isa pang “sariling talambuhay” na isinulat para sa kanya ng bayarang ahente ng C.I.A. na si Douglas Hyde. Naiwan si Pomeroy na halukipkip ang kanyang basurang aklat. Kaya, hindi na ipinagtaka ninuman ang patuloy niyang paggigiit na ang akdang iyon ay “kasaysayan ng rebolusyonaryong kilusan” at hindi lamang basta talambuhay ng isang tao, para makapagbangong-puri.

Wala din namang saysay ang ganoong paliwanag. Mababasa mismo sa aklat ang sinabi ng pangunahing tauhang si Luis Taruc:

Ang kasaysayan lamang ng Huk ang maaari kong maging talambuhay, at kung may makakabasa nito sa aking mga kasamahan, alam kong masasabi nila; “Aba, talambuhay ko rin ito, a!”

Talaga namang inilarawan ni Pomeroy si Taruc sa buong aklat bilang ang “modelo” ng HUKBALAHAP at ng buong rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas. Anong tinding paglapastangan sa mga Pulang mandirigma at sa mga rebolusyonaryong masa!

Hindi kailanman maitatatwa ni Pomeroy na siya ay bayaran ni Taruc. Hanggang 1963, patuloy ang sagadsagarang papuri niya kay Taruc sa kanyang aklat na The Forest:

Sa halip na isang kasaysayan, ang kanyang "personal na talambuhay ang isinulat ko na pinamagatan kong Born of the People. Sinikap kong maisama sa aklat na ito hindi lamang si Luis kundi pati na rin ang mga magsasakang Pilipino at ang buong sambayanang Pilipinong nakibaka para sa ganap na paglaya sa kolonyalismo. Sapagkat ang taong gaya ni Luis, ang lider na gaya ni Luis, ay talagang nagmula sa sinapupunan at pakikibaka ng mga magbubukid sa Pampanga, at nakita kong isa siyang simbolo.

Layunin ng pag-aaral na ito na maipakitang sa pagsusulat pa lamang ng Born of the People ang tunay na sumulat at ang palsipikadong awtor ay parehong patungo na sa pagpapalaganap ng mga maling kaisipang pipinsala sa rebolusyonaryong liderato ng proletaryado at sa rebolusyonaryong kilusang masa. Malinaw na malinaw ang pagkakasulat ng mga maling kaisipang ito sa naturang aklat.

I. Ang pananaw nina Taruc at Pomeroy sa daigdig

Ang Born of the People ay nagtatampok ng mga anekdotang naglalantad at nagpapatotoo sa anti-Marxista at anti-Leninistang pananaw nina Taruc at Pomeroy. Ganito ang pagkakasulat ng isa sa mga iyon:

Sabi niya (ni Lope dela Rosa) sa akin, ang manggagawa at magbubukid ang lilikha ng bagong lipunan. “Kapag nagtagumpay kayo,” tanong ko naman, “paano ninyo itatayo ang bagong lipunan?” Akala ko maganda ang layunin nila, pero namangha ako sa taong iyon at sa mga kasama niya. Nangungusap sila ng pagtatayo ng bagong lipunan, pero karamihan sa kanila ay ni hindi marunong sumulat at bumasa. Meron silang isang kopya ng akda ni Marx na Kapital, pero wala ni isa man sa kanila ang makabasa niyon, kaya ibinaon na lamang nila sa lupa.

Ang dalawang taksil, si Taruc at si Pomeroy, ay tuwang-tuwang lait-laitin ang mga manggagawa at magbubukid at ang “ibaon ang Marxismo.” Nakalimutan nila, na kaya nga may Partido Komunista, na binubuo ng pinakaabanteng elemento ng proletaryo, ay para isalin sa lingguwahe ng masa ang Marxismo, at higit sa lahat, sa kongkretong rebolusyonaryong praktika. Ano ba talaga ang gustong palabasin ng dalawang buhong na ito? Hinayaan ni Pomeroy na si Taruc ang sumagot:

Hindi ko pa nababasa si Marx, o anuman tungkol sa Marxismo, kaya nga mga berso ng Bibliya ang ginagamit ko para ipagtanggol ang aking posisyon. Hubarin mo mula sa mga kaisipan at pangaral ni Kristo ang kapa ng mistisismo na ibninabalabal ng simbahan dito at marami kang makikitang mga kaisipan tungkol sa sosyalismo.

Maging noong mga araw na matino pa si Taruc, lihim na siyang disipulo ng “Kristiyano Sosyalismo” sa loob ng nagsanib na lumang partido! Mas ginusto niyang isalin ang Marxismo sa banal na lingguwahe ng Bibliya at ni Kristo. At nakatagpo siya ng kasangga sa katauhan ni Pomeroy sa pagpapalaganap ng mga makamandag na kaisipang taliwas sa Marxismo-Leninismo.

Tungkol sa teorya, itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao: “kailangang magpakadalubhasa sa teorya ng Marxismo at isapraktika ito, magpakadalubhasa rito para lamang sa pagsasapraktika nito.” At itinuturo din sa atin ni Tagapangulong Mao kung paano titingnan ang masa:

Ang masa ang tunay na bayani, samantalang tayo mismo ay madalas na isip-bata at mangmang, at kung wala ang ganitong pag-unawa imposible tayong magtamo kahit ng pinakamababaw na kaalaman.

Ang palabasing tunggak ang masa dahil hindi nila mabasa ang akdang Kapital ay isa mismong katunggakan sa pinakamasahol na anyo. Ito ay isang pagtanggi sa kahalagahan ng rebolusyonaryong teorya sa isang rebolusyonaryong kilusan at pati sa mahalagang papel ng liderato na ginagampanan ng Partido.

Hindi mapigilan ang burgis na kapalaluan ni Luis Taruc. Nilaro iyon ni Pomeroy nang pinili niya ang pangyayari sa buhay ni Luis Taruc noong bata pa iyon na isinulat sa tren ang pangalan “para sa pag-andar nito ay makarating ang kanyang pangalan sa buong bansa at mabasa ng lahat.” Hindi rebolusyon ang kanyang hangarin kundi katanyagan.

Likas kay Taruc ang pagkamuhi sa masang magbubukid. kahit isa ring magbubukid ang ama niya, naisumpa niya sa sariling tatalikuran ang pagiging magbubukid at sasama sa burgesya sa pamamagitan ng paaralan. Salaysay ni Taruc: “Sinabi ko sa aking ama na hindi ko kaya ang buhay-magbubukid… at gusto kong magpatuloy ng pag-aaral.” Sapagkat, pagmamalaki niya: “Ang titulo ang sukatan ng tao, ang kahulugan ng dangal; iniaangat nito ang tao mula sa katayuang anakpawis.” Mukhang natupad na nga ang pangarap ng kanyang kamusmusan ngayong isa na siyang bayarang propagandista ng anti-komunismo. Kahit sinasabi niya sa kanyang aklat na dati na siyang “nananalig na ang aking uri ang pinakamahalaga,” bukambibig pa rin niya ang pananaw na puwedeng magkasundo ang mga uri na ehemplo ang kuwento ng kanyang pag-ibig na nakapangasawa siya ng isang mayamang babae sa kabila ng kanyang pagiging anak-dalita. Paulit-ulit niyang sinasambit ang mga nakasusukang katagang may isang pag-ibig na nangingibabaw sa tunggalian ng uri at sa makauring pagkamuhi.

Tuwang-tuwa rin siyang masabing isa siyang babaero. Kaya nga, ikinuwento pa niya kung paano sila ni Castro Alejandrino magdamag na nagpasasa sa kandungan ng dalawang batang babaing parang mga anak na lamang nila ang edad. Pinalalabas ni Pomeroy ang mga pangyayaring ito na isang “pagrirelax” ng kanyang bayani sa panahon ng krisis—sa panahon ng mga masaker na inilunsad ng mga kaaway. Ginamit iyong tiyempo para makahingi si Taruc ng “bakasyon”—“para makapagpalipas-oras sa mga katutubong kagandahan ng kanyang bayan.”

Paghahambog pa ni Taruc:

Iba ang dating sa akin ng nagbabadyang panganib sa buong Gitnang Luzon: higit kong nadarama ang panatag na kagandahan ng kanayunan at ang buhay ng mamamayan.

Sa harap ng kamatayan sa loob ng kulungan, isinaalang-alang ni Taruc ang pag-ibig sa kanyang asawa nang higit sa anumang bagay. Nang mamamatay sa karamdaman ang kanyang asawa, itinuring niya ang kamatayan nito na “mas matinding personal na trahedya kaysa sa digmaan at sa lahat ng sindak na idinulot nito sa akin.”

Itinuring ni Taruc na isang kapuri-puring “pag-iingat” ang pagiging sunudsunuran ni Jesus Lava sa mga kawal Hapones na nakabihag sa kanya sa isang raid noong Marso, 1943 at itinuring naman, kumpara dito, na “kawalang pag-iingat” ang pag-almang ipinakita ng dalawang magiting na kasama na tumutol sa gusto ng mga pasistang bumihag sa kanila. Palibhasa’y sampalataya sa pilosopiya ng pagligtas-sa-sarili at sa diwa ng pagsuko, pinuri niya ang pagtanggap ni Lava sa “paraan ng pagdidisiplina” ng mga pasistang Hapones at ang pagtuturo nito sa isang opisyal na Hapones kung paano tumugtog ng piyano. Walang maipakitang ehemplo si Taruc kung paano puwedeng malansi ng mga rebolusyonaryo ang mga kaaway.

Kinukondena ng Born of the People ang mga collaborator ng Hapon. Pero hindi nito makita iyong masayang pagkukuwento ni Taruc kung paanong ang lider ng HUKBALAHAP na si Castro Alejandrino ay siyang-siya sa pakikipagsugal sa mga pangunahing collaborator ng mga Hapon sa iwahig Penal Colony na tinatalo niya ng malaking pera. Nakakatulong ba sa pagbubuo ng wasto at matatag na pagtingin sa pakikibaka ang pagkukuwento ng mga ganitong pangyayari sa rebolusyonaryong kilusan.

Gayon na lamang ang pagpupunyagi ni Pomeroy na gawing “bayani” si Taruc kahit maalipusta man ang masa. Nagyabang si Taruc kaugnay ng kampanyang “pagkubkob at pagsupil” ng kaaway sa Bundok Arayat noong 1947:

Buong suyo kong kinausap ang mga nawalan na ng pag-asa at halos handa nang sumuko, kahit ako mismo’y uhaw na uhaw at lupaypay na sa init ng araw. Ipinaalala ko sa kanila ang ating mga simulain. Ipinangako ko sa kanila ang lahat ng malamig na inuming magugustuhan nila at ang isang masaganang piging sa baryo kapag sila’y nanindigan.

Sa aklat, siguradong-segurado si Taruc na nagsisuko na sana ang mga nauuhaw niyang tauhan kung hindi siya nangaral tungkol sa simulain at kung hindi siya nangako ng malamig na inumin at ng isang masaganang piging.

Ipinagkapuri ni Taruc ang istilong pagiging masyadong mapaghinala sa mga panloob na relasyon sa Partido at ang istilong laging ipinalalagay na nagsisinungaling ang lahat ng tao. Pinapurihan niya si Castro Alejandrino ng pagpasok nito ng ideya sa nagsanib na lumang partido ng “paraan niya ng pagsisiyasat sa mga motibo ng isang gawi o tindig.” Sinasabing laging itinatanong ni Alejandrino tuwing magsasagawa ng pamumuna at pagpuna sa sarili ang: “Narinig ko ang iyong magandang katwiran, ngayon ano ang tunay mong katwiran?” Talagang kahit na sinong matinong tao ay mabablangko ang utak sa istilong ito at hahayaan niyang igiit na lamang ng sinungaling ang kanyang mga kasinungalingan. Ang burges na sistema ng sikolohiya ay hindi maaaring ipalit sa Marxista-Leninistang paraan na alamin muna ang mga bagay-bagay bago magsagawa ng pag-aanalisa sa mga iyon. Pero, buong pagbubunying ibinulalas ni Taruc: “Ang magandang katwiran at ang tunay na katwiran ang naging sukatan ng pamumuna at pagpuna sa sarili na pinaunlad namin sa Huk.” Palibhasa’y mahilig ang mga Lava, Taruc at Alejandrino sa panloloko, sa “linya ng propagandang” baligtad sa “tunay na linya” nila, kaya lagi silang nagdududa na nanloloko lamang ang iba pang kasapi ng nagsanib na lumang partido.

II. Ang “militar na liderato” ni Luis Taruc

Isang pangyayari ang malinaw na sinasalamin ng pagkakasulat ng Born of the People. Sa panahong sistematikong ibinabando ng mga imperyalistang Amerikano at mga lokal na reaksiyonaryo sa kanilang pahayagan na si Luis Taruc ang “Supremo,” gumapang naman si William Pomeroy sa nagsanib na lumang partido para palaganapin ang imbing kaisipang si Luis Taruc ang namumuno at kumakatawan sa rebolusyonaryong kilusang masa. Pinalabnaw ang papel ng Partido at nababanggit lamang sa mga pagninilay-nilay ng “pinunong militar” na siyang pinaksa ng aklat. Sa pagposturang lider komunista at teoretisyan, nagtagumpay si Pomeroy na maipalaganap ang imperyalistang intriga at burges na kaisipan na ang pampulitikang liderato ng isang rebolusyonaryong partido ng proletaryo ay pumapangalawa sa “militar na liderato.”

Na ang baril ang nagpapakilos sa Partido, sinabi ni Pomeroy: “ang hukbong bayan ang ubod ng pakikibaka ng mamamayan” na taliwas sa turo ni tagapangulong Mao na “ang Partido Komunista ang puwersa sa ubod na nagsusulong ng ating simulain.”

Subalit sa paglulunsad ng armadong pakikibaka, walang maipakita si Taruc na anumang pruweba ng kanyang “militar na liderato.” Ang naging gawain niya’y siraan ang pandaigdigang kahalagahan ng mga aral ni Tagapangulong Mao tungkol sa digmaang bayan na nakabatay sa malawak na rebolusyonaryong karanasan sa ilalim ng pamamatnubay ng Marxismo-Leninismo. Katyang ng palsipikadong bayaning si Pomeroy: Gusto naming lumaban, ngunit hindi malinaw kung paano ito sisimulan. Alam naming talagang naging matagumpay ang kilusang gerilya ng Tsina, kasi naman, mas angkop sa digmaang gerilya ng Tsina. Napakalawak na bansa ng Tsina kaya mahusay na makapagtatago at makapagmamaniobra ang hukbo. Puwedeng maglunsad ng malawakang labanan at mapalaya ang mga bayan at ang buu-buong rehiyon; samantalang napakaliit ng ating kinikilusang lugar na napakadaling marating ng mga puwersang panaklolo ng mga Hapones. Sa Tsina ay may nakatayong base na lunsaran ng puwersang gerilya, samantalang wala tayo ni isang base man lamang.

Ang talagang punto ng sinasabi ni Taruc na mas angkop sa digmaang gerilya ang Tsina dahil sa ito’y malawak ay ang pagiging hindi angkop ng Pilipinas para sa digmaang gerilya dahil ito’y maliit. Kaya nga inaangal niya ang kaliitan ng espasyo na mapagmamaniobrahan ng HUKBALAHAP laban sa malaking puwersa militar na Hapones. Isinasalaysay niya ang matagumpay na salasalabat na pag-atake ng mga tropang Hapones sa maliit na espasyo ng Bundok Arayat para maipakita lamang kung gaano “kawalang kahihinatnan” at “kadesperado” ang digmaang gerilya sa Pilipinas. Hindi ang ipakita ang mga kaibhan o naiibang taktika ng digmaang gerilya sa Pilipinas ang kanyang motibo kundi ang palabnawin ang mga batayang prinsipyo na subok at napatunayan nang wasto ng rebolusyonaryong karanasan ng mamamayang Tsino.

Walang anumang karapatan si Taruc na ireklamong napakaliit ng Pilipinas para sa pakikipaglaban ng rebolusyonaryong puwersa laban sa mas malaking puwersang militar ng kaaway dahil una pa man, siya at sampu ng kanyang mga kampon, ay hindi nagpadala ng mga kadre at mandirigma sa labas ng maliit na larangan sa Gitnang Luzon at sa mas lalong maliit na larangan sa Timog Katagalugan para pamunuan at itaguyod ang pambansang digmaang gerilyang umuunlad noong panahon ng pakikidigma laban sa Hapon. Resulta nang hindi pagkilos ng pangkating Lava at Taruc, napamunuan ng kontra-rebolusyonaryong gerilyang USAFFE ang digmaang gerilya sa labas ng Gitnang Luzon. Sa isang bansang malapiyudal, gaya ng Pilipinas, obligado ang mga rebolusyonaryo na gamitin ang digmaang gerilya sa paglulunsad ng armadong pakikibaka laban sa kaaway na ibayong malakas ang puwersa. Sa umpisa ng digmaang bayan, katunggakan ang maglunsad ng digmaang regular na nakapuwesto o mga istratehikong mapagpasiyang sagupaan na nakataya ang buong rebolusyonaryong kilusan o maglunsad ng pag-aalsa sa kalunsuran na walang sinasandigang base sa kanayunan. Sa kanayunan lamang mapauunlad ang digmaang gerilya at mabubuo ang hukbong bayan nang yugtu-yugto at may sapat na espasyo para sa maniobra habang nag-iipon ng lakas. Ang katotohanang maliit lamang ang bansa, pulu-pulo, makipot at inihihiwalay ng dagat sa mga kaibigang bansa, ay lalong nagpapatibay ng linyang kailangang paunlarin at palawakin ang digmaang gerilya sa buong bansa.

Taliwas sa idealistang palagay ni Taruc na ang Pulang Hukbo at ang mga base sa Tsina ay hulog ng langit o kusang nabuo mula sa malawak na lupain ng Tsina, ang mga ito ay nagsimula sa maliit hanggang sa lumaki at yumabong sa mahabang panahon ng pakikibaka sa ilalim ng wastong pamumuno ng Partido Komunista at ni Tagapangulong Mao. Sa umpisa ng digmaang agraryo o sa umpisa ng digmaan laban sa mga pasistang Hapones, dehadong-dehado ang Pulang Hukbo kumpara sa kumpleto-sa-armas at milyun-milyong tropang kaaway, at laging mas maliit ang mga baseng Pulang purok kaysa mga Puting purok. Kailangan ninuman ang magkaroon ng wastong makauring paninindigan at gayundin ng matalas na kalkulasyon para makita ang kaangkupan ng pandaigdigang prinsipyo ng Marxismo-Leninismo sa mga kongkretong kalagayan ng Pilipinas. Ang lakas at kakayahang magmaniobra ng Pulang hukbo sa kanayunan ay laging nakasalalay sa kung gaano na napukaw at napakilos ng rebolusyonaryong proletaryadong partido ang masang magbubukid. Dapat laging itanim sa isip na hindi kailanman nagawa ng nagsanib na lumang partido bago pa man o maging sa panahon ng digmaan laban sa Hapon na maglunsad ng rebolusyong agraryo o ng malawakang reporma sa lupa upang mahamig ang pinakamainit na suporta ng masang magbubukid. Pangalawang usapin lamang ang pisikal na katangian ng bansa at mas mahalaga ang usapin ng rebolusyonaryong pulitika. sa harap ng mga kampanyang “pagkubkob at pagsupil” ng mga kaaway, ang tindi ng armadong pakikibaka sa isang maliit na bansang gaya ng Pilipinas ay maihahambing sa nagaganap sa isang partikular na bahagi ng malaking bansang gaya ng Tsina. Kasabay nito, palaging mahirap, maging sa isang malaking puwersa ng kaaway, ang suyurin ang kanayunan ng isang malakolonyal at malapiyudal na bansa.

Inamin ni Taruc na rebeldeng lagalag ang pananaw niya at ng kanyang mga kampon nang ipagyabang niyang: “Ni wala nga kaming base.” Maaaring maituring na “base” ang bundok Arayat subalit hindi iyon mainam at ni hindi napatatag bago ang pagsalakay ng mga Hapon noong Marso, 1943. Matapos ang pagsalakay noong Marso, nawala na sa isip ng mga Taruc at Lava ang pagbubuo ng mga baseng purok. Tnilad-tilad nila ang mga “iskuwardon” (ang isang iskuwadron ay may isang daan o higit pang mandirigma) sa maliliit na pangkat na may tatlo hanggang limang kasapi at ipinag-utos ang kanilang ganap na pagwawatak-watak; lumabas sa pagtatapos ng 1943 na iyon lamang mga mandirigmang yunit na hindi sumunod sa tagubilin ang natirang buhay. Hanggang sa ngayon, pinagpipilitan pa rin ng mga lava na hindi puwedeng magtayo ng mga baseng purok sa Pilipinas. Kung totoo ang ganito, anong saysay ng pagsisikap at pag-asang palayain ang buong bansa sa mga reaksiyonaryo at patatagin ito bilang isang rebolusyonaryong base? Lahat ng tunay na rebolusyonaryo ay determinadong gawin ang buong bansa na base ng rebolusyon. Sa paghahanda para sa pambansang tagumpay, hindi natin maiiwasang paunlarin ang mga baseng purok sa kanayunan bilang binhi ng kapangyarihang pampulitika na ipatutupad natin sa buong bansa. Sa yugtong ito, hindi tayo makapagbubukas ng sonang gerilya at matagumpay na lumaban sa loob ng mga iyon nang hindi nagpapaunlad ng mga baseng purok gerilya. Ang ibig lamang nating sabihin ay hindi tayo makapagtatagal sa mga mabuway at hindi pa napatatatag na purok. Ang mga baseng gerilya ang matatag na likuran ng sonang gerilya. Pareho ang relasyon ng dalawang ito sa relasyon ng pagpapatatag at pagpapalawak ng puwersa.

Batay sa siping hinango natin sa kutsabahang akda nina Pomeroy at Taruc, madali nating makikita kung bakit nabigo ang mga Taruc at Lava na talagang paunlarin ang armadong puwersa ng mamamayan sa panahon ng pakikidigma laban sa mga Hapon at kung bakit patuloy silang nananalig sa pagbabalik ng mga Amerikano para “palayain” ang sambayanang Pilipino sa mga pasistang Hapones. Madali na nating makikita kung bakit noong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nilansag ng mga Lava at Taruc ang hukbong bayan sa ilalim ng itim na bandila ng “Pagkamakakanan” na nauwi naman sa “Makakaliwang” linya nang mabigo ang kanilang burges na ambisyong pampulitika. Nang magapi sa larangang militar, muling naging palasuko ang pangkating Lava-taruc at nilansag ang hukbong bayan, kaya sumibol naman ang bandidong pangkating Taruc-Sumulong para ipagpatuloy ang mga lagalag na rebeldeng pagkilos at ang panunulisan.

III. Si Taruc bilang pangunahing kinatawan ng nagsanib na lumang partido

Si Luis M. Taruc ay isang pangunahing kinatawan ng nagsanib na lumang partido ng partido Komunista ng Pilipinas at ng partido Sosyalista. Halos pumangalawa siya sa mga Lava sa pakyawang pagpapalahok ng mga pusakal na petiburges sa nagsanib na lumang partido; nagtagumpay siyang maiangat ang sarili mula sa pagiging anak ng magbubukid tungo sa pagiging isang nakatuntong ng kolehiyo at naging isang sastre na may sariling patahian. Pagkatapos, ni Pedro Abad Santos, kinatawan din niya ang kalakhan ng mga kasapi ng Partido Sosyalista na iba’t iba ang hilatsa ng pulitika. Sa kung ilang panahon, mula 1938 hanggang 1954, nagkumpetensiya sila ng mga Lava kung sino ang tatanghaling pinakasagadsarang mananabotahe ng rebolusyonaryong kilusang masa.

Ang pagbubuo ng nagsanib na lumang partido ay tuwirang pinasimunuan ng ngayo’y bantog na anti-komunistang si Earl Browder na noong ay pangkalahatang kalihin ng Partido Komunista ng Estados Unidos. Si Vicente Lava ang pangunahing lokal na ahente na nagtaguyod ng rebisyunistang islogan ni Browder na “Ang Komunismo ay Amerikanismo sa Ikadalawampung Siglo.” Makikita ang impluwensiya ng islogang ito sa lahat ng pahina ng Born of the People. Wala ni isa mang salita ng papuri para kay kasamang Stalin na mababasa sa aklat, pero lugud na lugod sina Taruc at Pomeroy sa liderato ni Roosevelt. Siwalat pa nga nila:

Lagi na ay kapanalig ang turing namin sa mga Amerikano, at taus-puso kaming naniniwala na sa ilalim ng pamumuno ni Roosevelt tutulong ang bansang Amerika sa pagpapasimula ng bagong panahon ng pandaigdigang kapayapaan at demokrasya.

Buong pagmamalaking iniulat nina Taruc at Pomeroy ang katunayang bago pa magsimula ang digmaan laban sa mga Hapones, itinataguyod na ng nagsanib na lumang partido ang linya ng papel na si Quezon at ng Punong Komisyunado ng Estados Unidos na si Sayre sa pamamagitan ng pagsusumite ng isang memorandum na nagsasaad na: “Ang Partido Komunista ay nangangako ng katapatan sa gobyerno ng Pilipinas at ng Estados Unidos.”

Buong pagmamagaling na idinugtong pa ng aklat ng pambansang kataksilan: “May sariling diskarte ang HUK sa lahat ng bagay at sa lahat ng anyo ng pakikipag-ugnayang madla na nakabatay sa katapatan nito sa Konstitusyon at sa simulain ng mga puwersang alyado.” Walang pinagkaiba kay Quezon ang pagpapatutang ito sa imperyalismong Amerikano. Tinatalikdan nito ang prinsipyo ng pagkakaisa at pagtutunggali sa loob ng anti-pasistang nagkakaisang prente at lubus-lubusang isinusuko ang kalayaan at inisyatiba ng proletaryo at ng partido nito.

Noong panahon ng digmaan laban sa Hapon, niyakap ng nagsanib na lumang partido ang mga islogang “Higit sa lahat anti-Hapones” at “Lahat para sa pakikibaka laban sa mga Hapon” na nangangahulugan ng lubus-lubusang pag-alyado sa imperyalismong Amerikano at sa mga reaksiyonaryong anti-Hapones. Pahayag ni Taruc:

Sa ngalan ng pinakamalawak na uri ng pagkakaisa, niyakap namin ang islogang “Higit sa lahat anti-Hapones.” Ganito lamang ang ibig sabihin nito. Tatalikdan natin ang malayang pakikibaka para sa hiwalay na mga karaingan ng uring manggagawa. At upang maipakita ang aming katapatan nilansag namin ang AMT at KPM,* ang mga organisasyon ng mga magbubukid.

Ang pagtataguyod ng pambansang pakikibaka ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa makauring pakikibaka; ang gayong pagtalikod ay katumbas ng pagkakanulo sa proletaryo at sambayanan. Ang paglansag sa mga organisasyong magbubukid sa ngalan ng “mas malawak na uri ng pagkakaisa” ay ang pinakataksil na paghimod sa imperyalistang Amerikano at sa mga reaksiyunaryong alipuris nito.

Hindi kailanman pinagdudahan ng nagsanib na lumang partido ang “pangakong kalayaan” ng imperyalismong Amerikano, manapa’y bulag na tinanggap at sinuportahan. Bagaman naitayo ang mga yunit ng hukbong bayan at ang Nagkakaisang Hukbong Pandepensa ng Baryo (barrio United Defense corps) na gumaganap na “gobyerno” sa antas ng baryo, inihataw pa rin ng pangkating Lava at Taruc ang pananaw na maging sunud-sunuran sa mananakop na panginoon. Ani Taruc:

Nagtatayo tayo ng demokratikong pamahalaan ng mamamayan hindi para salungatin ang gobyerno ng Pilipinas na napipiit sa Washington. Kinikilala natin si Quezon, Osmena at ang kanilang gabinete bilang ating gobyerno.

Gayunding sobrang pagdakila din ang iginawad nina taruc sa alaala ng opisyal ng hukbong Amerikanong si Thorpe na noong mga unang araw ng digmaan ay nangako lamang naman na magbibigay ng armas sa mga HUKBALAHAP ng Gitnang Luzon. Panaghoy pa ni Taruc: Labis naming ikinalungkot ang pagpanaw ni Thorpe. Isa siya sa mga namumukod na opisyal na Amerikanong hindi nasilaw sa kanyang posisyon. Kung hindi siya nasawi, maaaring hinadlangan niya ang mga rekasiyunaryong patakarang umusbong nang lumaon sa puwersang gerilyang nasa ilalim ng impluwensiya ng Amerikano.

Isa pang opisyal na Amerikano, si Anderson, ang sinuob ng papuri dahil sa “pagpaparaya” sa mga yunit ng HUKBALAHAP sa Timog Luzon. Ipinararangal din sa kanya ang pag-isponsor sa nabigong pagpunta ni Jesus Lava sa Australia sa pamamagitan ng pagsakay sa isang submarino. Himutok nga nina Taruc at pomeroy na kung umabot lamang si Lava sa submarino (na hindi naman talaga naghintay sa kanya) nakapag-ulat sana siya sa kumander ng hukbong Amerikano at kay McArthur mismo, at lumaki sana ang tsansang mapahusay ang patakarang lubus-lubusang pakikipag-alyansa sa imperyalismong Amerikano.

Sa aklat, hindi maarok nina Taruc at Pomeroy ang doble-karang kontra-rebolusyonaryong patakaran ng imperyalismong Amerikano at hindi nila makita na ang “mabubuting opisyal” ng hukbong Amerikano ay pabalat lamang ng mga mas buktot na gawain ng mga “masamang opisyal.” Sina Thorpe at Anderson ay talagang kumilos bilang mga ahenteng militar ng imperyalismong Amerikano sa panahon ng digma kahit pa pomustura silang maka-HUKBALAHAP.

Pinalalabo nina Taruc at Pomeroy ang katotohanang likas sa imperyalismong Amerikano at sa mga lokal na reaksiyunaryo ang durugin ang hukbong bayan kailanman makakuha ng tiyempo. Bagaman ibinunyag nila ang anti-komunistang pananalakay ng mga gerilyang USAFFE sa mga yunit ng HUK noong panahon ng digmaan, tumanggi ang dalawang buhong na linawin ang ugnayan ng pagkakaisa at pagtutunggali sa loob ng nagkakaisang prente sa kongkretong kalgayan ng Ikalawang Digmaang Pnadaigdig na nangailangan ng pansamantalang pakikipag-alyansa sa imperyalismong Amerikano at sa mga reaksiyunaryong kumakalaban sa imperyalismong Hapones. Pahayag nina Taruc at Pomeroy sa pagpasada sa isang madugong pangyayari ng kataksilan ng magkasanib na puwersa ng USAFFE at ng maka-Hapong konstabularya ng Pilipinas laban sa isang yunit ng HUKBA- LAHAP: “Inilantad ng sagupaang iyon ang isang pangit na kanser ng partisanong pulitika.” Isang katunggakan ang magsalita ng “kanser ng partisanong pulitika” na para bang posible para sa mga reaksiyunaryo o sa mga rebolusyonaryo na “mapangibabawan” ang pagkapartisano at ang pulitika; ang importante sa mga rebolusyonaryo ay ang malaman kung para kanino sila partisano at ano ang kanilang pulitika.

Sadyang tumanggi sina Taruc at Pomeroy na pumulot ng aral mula sa mga karanasan sa pagtataguyod ng patakarang nagkakaisang prente noong panahon ng pakikidigma laban sa Hapon. Ilan sa mga aral na ito ay ang pagkilala sa pangangailangang magtayo ng isang matibay na partidong Marxista-Leninista, isang malakas na hukbong bayan na pinamumunuan ng partido at, isang gobyerno ng mamamayan na nakabase sa kanayunan at may katangiang nagkakaisang prente na sa kabuuan ay kayang sagupain ang pagbabalik ang imperyalismong Amerikano at ng gobyernong komonwelt sa isang bago at mas mataas na yugto ng rebolusyonaryong pakikibaka. Sa pagtataguyod ng patakarang nagkakaisang prente, tinitiyak natin gaya ng itinuturo ni Tagapangulong Mao na “gamitin ang mga kontradiksyon, hamigin ang nakararami, labanan ang iilan at isa-isang durugin ang mga kaaway,” sa halip na malito sa doble-karang katangian ng ilang pansamantalang alyansa o isuko sa kanila ang ating kalayaan at inisyatiba.

Ang patakarang “umatras para magtanggol” sa panahon ng digmaan ay nagbigay ng inisyatiba sa mga puwersa ng USAFFE sa buong bansa at nagpahina sa rebolusyonaryong kilusan. Ito ay isang patakaran ng paglusaw ng puwersa at pasibong depensa na walang pinagkaiba sa patakarang “magpalamig muna” ng USAFFE na nakasandal sa pagbabalik ng imperyalismong Amerikano. Tapos magapi ang mga pasistang Hapones at ang mga alipuris ng mga iyon, hindi nakapaghanda ang nagsanib na lumang partido para sagupain ang mapanalakay na buwelta ng imperyalismong Amerikano at gobeyrnong komonwelt.

Samantalang iniulat ng aklat na tinututulan na ng Komperensiya ng Komite Sentral noong setyembre, 1944 ang patakarang “umatras para magtanggol,” hindi nito iniuulat na sinasapantaha rin ng mismong komperensiyang ito na magkakaloob ang imperyalismong Amerikano ng tunay na kalayaan, na pinagpasiyahan din ng komperensiya na magtaguyod ng pagliyamentaryong pakikibaka bilang pangunahing anyo ng pakikibaka at binuo ang Demokratikong Alyansa bilang ang pangunahing anyo ng organisasyon para sa parliyamentarismong burges. Kaya, sa pagbabalik ng imperyalismong Amerikano at ng papet na gobyernong Komonwelt, ibinandila ng nagsanib na lumang partido ang islongang “Mabuhay ang mga kaalyadong Amerikano at mabuhay ang gobyernong Komonwelt!” pagmamalaki ni Taruc:

Ang paglusob sa Leyte ng hukbong Amerikano noong Oktubre 20 (1944) ay naghudyat ng kamatayan para sa mga Hapones sa Pilipinas. Tuwang-tuwa kami. Naglathala kami ng espesyal na edisyon ng Hukbalahap at ng Katubusan ng Bayan para ipagdiwang ang pangyayaring iyon.

Sa katunayan, ipinagpilitan ng magkakutsabang awtor na naging posible ang mga lubus-lubusang pag-atake ng mga HUKBALAHAP noong magtatapos ang Oktubre, 1944 hindi dahil sa mga pakikibaka ng mamamayan noong mga nagdaang panahon kundi dahil sipintong pagbabalik ng imperyalismong Amerikano.

Gayun na lamang ang pagsandig ng nagsanib na lumang partido kay Roosevelt:

Iyon ang pinakamapait na dagok sa demokratikong kapayapaang hangad nating makamtan. Natitiyak namin na hindi tinatangkilik ni Roosevelt, ang ama ng Apat na Kalayaan, ang pasistang patakaran ni McArthur sa Pilipinas.

Anong tinding pangangayupapa sa imperyalismog Amerikano. Subalit noong panahon ng pakikidigma laban sa Hapon, magin si MacArthur, sa tingin ng mga Lava, ay isa sa mga maaasahan nilang kapanalig. Hindi nga ba’t handang-handa na si Jesus Lava na sumakay sa submarino tungong Australia para maiulat ang “lahat” kay McArthur?

Pagkatapos ng digmaan, nang patuloy na magngangakngak sina McArthur at McNutt ng “pagrepaso” sa pangako ng Amerika na “paggawad ng kalayaan” sa Pilipinas, tumingala na lamang sa langit sina Taruc at mga katoto at tunggak na inusal-usal na dapat ay habang panahong nabuhay si Roosevelt para mayroon silang matatakbuhan. Hindi sila kontento sa pagkakaroon ng isang “Tagapagtanggol” na Harold Ickes, ang gusto nila ay isang mas bigating Amerikanong kasangga at balde-balde ang iniluha nila sa ngalan ni Roosevelt. Ignorante si Taruc at mga katoto sa nagsanib na lumang partido sa prinsipyo ni Tagapangulong Mao na “panatilihin ang kalayaan, manguna sa inisyatiba at umasa sa ating sariling pagpupunyagi.”

IV. Ang linyang palasuko ng Pangkating Lava at Taruc

Pagbalik ng imperyalistang Amerikano at ng papet na gobyernong Komonwelt noong 1945, kusang dinisarmahan ng nagsanib na lumang partido ang HUKBALAHAP, ginawa itong isang organisasyon ng mga beterano, at isinulong ang islogang “kapayapaan at demokrasya.” Bilang tugon, nagsagawa ang imperyalistang Amerikano at ang mga alipuris nito nang maramihang pag-aresto at masaker laban sa nagsanib na lumang partido at sa HUKBALAHAP. Sa kabila nang lahat ng ito, itinuloy pa rin ni Taruc at mga katoto ang linyang pagsuko at isiniksik ang sarili na mabigyan ng puwesto sa reaksiyonaryong gobyerno.

Ginamit din ng imperyalistang Amerikano ang taktikang panunuhol. Minsan, pomustura si Taruc na nagalit sa Rehimento ni Banal (isang yunit ng HUKBALAHAP) sa pagiging reaksiyonaryo niyon na kumukubra ng "backpay sa imperyalistang Amerikano at unti-unting sumasanib sa mga papet na puwersa. Pero, sa isang banda, pinagtakpan niya ang kataksilan niyon sa pamamagitan ng pagpapahayag na hindi naman mas matino sa kanila ang mga mersenaryo. Dagdag pa niya: “Sa aking paniniwala, hindi oportunista ang mga motibo ni Banal at marami sa kanyang mga tauhan ang hindi maiimpluwensiyahan ng oportunismo.”

Higit pa rito, inamin ni Taruc na siya mismo ay lumalakad ng “backpay” para sa HUKBALAHAP, kaya, ibinigay niya sa kaaway ang listahan ng mga miyembro ng Huk. Nang lumaon, ang listahang ito ang ginamit na talaang itim ng mga kaaway sa pag-usig at pagpaslang sa mga kadre ng Partido at mga mandirigma ng HUKBALAHAP. Para mapangatwiranan ang kanyang kataksilan, idinaing ni Taruc: “Subalit, ngayong maraming pamilya ng mga Huk ang naghihikahos at kailangan natin ng pondo upang maitayong muli ang mga organisasyong masa para sa ating mapayapang pakikibaka legal, nagpasiya kaming humingi ng backpay.” Sa ngalan ng mamamayan, ipinagkanulo ni Taruc ang mamamayan.

Inamin ng Born of the People ang hindi maipagkakailang katotohanang, kahit pinabayaan ng nagsanib na lumang partido ang mga mandirigmang HUKBALAHAP at ang masa, ang mga ito ay kusang nagtanggol sa sarili laban sa pandarambong ng mga imperyalista at mga alipuris nila. Subalit laging binabandila nina Taruc at Pomeroy ang lisyang kaisipang “pagod na sa pakikiigma” ang mamamayan at marapat lamang para sa mga lider ng nagsanib na lumang partido na tumakbo sa eleksiyon sa ilalim ng Democratic Alliance.

Nagbatay si Taruc at mga katoto sa kanilang tindig na hindi anti-gobyernong komonwelt ang Huk at "kinikilala nila si Pangulong Osmena bilang legal na pangulo ng Komonwelt at ang konstitusyong Komonwelt ng legal na konstitusyon ng Pilipinas. Pagkatapos, sobrang plinantsa ng nagsanib na lumang partido at ng Democratic Alliance ang lahat ng isyu na ang gagawin na lamang ng mga karaniwang miyembro ay ang mamili kina Osmena ng Partido Nacionalista at Roxas ng bagong tatag na Partido Liberal sa darating na halalan sa taong 1946.

Ang boto kay Osmena ay tiningnan na boto para sa “kalayaan” sa darating na Hulyo 4, 1946, at ang boto naman para kay Roxas, bilang boto para sa “pagkaantala ng kalayaan” na iminumungkahi nina MacArthur at McNutt. Kaya ibinigay ng nagsanib na lumang partido ang suporta kay Osmena. Sa ganitong linya, naging isang maliit na organisasyong elektoral na lamang ang nagsanib na lumang partido na tuwirang sumusuporta sa Partido Nacionalista sa layuning pareho nang sa Partido Liberal at sa imperyalistang Amerikano na maitayo ang kasalukuyang palsipikadong papet na republika.Isinaisantabi ang rebolusyonaryong papel ng prole- taryadong partido sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan. Sa aklat, patuloy na iginiit nina Taruc at Pomeroy na “Ang tagumpay ni Osmena ay nagdala sana sa bansa sa landas ng tunay na kalayaan at demokrasya.” Anong laki ng kanilang pananalig sa isang reaksiyonaryong pulitiko! At nagtatalong naitanong nila: “Pupuwede nga kayang naiwasan ang pagtataksil?” na sila na rin ang sumagot:

Puwede, kung hinarap lang sana ni Osmena ang mga hamon at inihain ang laban sa bayan. Sa halip, sa tuwina’y pinapayagan niyang mayurakan an mga karapatan ng mamamayan at ang humina ang kanilang puwersa.

Talagang napakalaki ng ibinigay na tiwala kay Osmena ng mga paslipikadong rebolusyonaryo. Para siyang mesiyas na kanilang sinampalataya.

Ngunit pagkapanalo ni Roxas, ang pangkating Taruc at Lava ay kaagad sumuporta sa kanyang anti-komunistang “pacification plan” na dinisenyo para wasakin ang nagsanib na lumang partido at ang HUKBALAHAP. Ginawa nila iyon sa pag-asang mauuto nila si Roxas na magbigay ng ilang pampalubag-loob. Ginawa nila iyon dala ng mga pansariling interes na maibalik sa puwesto ang anim na pinatalsik na kongresista ng Democratic Alliance (kabilang sina Luis Taruc at Jesus Lava).

Garapal na nangampanya ang matataas na lider ng nagsanib na lumang partido at ng HUKBALAHAP na isuko at iparehistro ng masa ang kanilang mga armas, magpalista sa mga talaan ng kaaway at pahintulutan ang pagpuwesto ng mga sundalo sa kanikanilang baryo. Ang kataksilang ito nina Lava at Taruc ay nagbunga ng pagpaslang sa mga rebolusyonaryong kadre at di-mabilang na pang-aabuso sa mamamayan, pati na mga masaker. Walang pinagkaiba ang pakikipagkutsabahang ito sa buktot na diskarte ni Roxas na ipasumite ang listahan ng mga kasapi ng Huk sa mga opisyal na Amerikano kapalit ng “backpay.”

Ang pangkating Lava at Taruc ay nagharap kay Roxas ng limang kahilingan para sa “demokratikong kapayapaan,” na bawat isa’y nagpapahimakas ng pagtalikod sa rebolusyonaryong pakikibaka at pagkilala sa kapangyarihan ng kaaway:

  1. Kagyat na pagpapatupad ng Katipunan ng mga Karapatan, lalo na ng karapatan sa asembleya, pagbawal sa arbitraryong pag-aresto, pagtigil sa malupit at di-makatarungang pagpaparusa, paglitis ng mga walang kinikilingang huwes.
  2. Pag-alis ng lahat ng sakdal laban sa Huk, mga MP at mga guwardiya sibil na nangyari sa loob ng nakaraang limang buwan.
  3. Paghalili sa mga utak-pasistang opisyal ng pamahalaang munisipal at probinsiyal at mga kumander ng militar sa mga lalawigang apektado ng kaguluhang agraryo.
  4. Pagbabalik sa puwesto sa lahat ng kongresista ng Democratic Alliance.
  5. Implementasyon ng mismong programa ni Roxas na reporma sa lupa umpisa sa malinaw na batas hinggil sa partihan sa ani tungo sa ganap na pagkawala ng sistemang kasama.

Ang mga puntong ito ang magiging agenda ng negosasyon ng papet na rehimeng Roxas at ng nagsanib na lumang partido pagkatapos makatupad ni Taruc at mga katoto sa “pacification plan.” Ginalugad ng traydor na si Taruc ang Gitnang Luzon sa pagsusumikap na sirain ang rebolusyonaryong diwa ng masa at hiniling nilang sila’y “magpakahinahon” at “panatilihin ang pasensiya at disiplina.” Sa pagkahirating ipagmagaling ang kontra-rebolusyon, inamin ni Taruc sa aklat:

Ditalyado kong ipinaliwanag ang mga pangako ng gobyerno na ipatutupad nito ang mga batas at ang Konstitusyon at (kahit pa nga hindi ako nagtitiwala sa mga motibo ni Roxas) pinayuhan ko ang mamamayan na magtiwala sa mabuting kalooban ng gobyerno.

Anong kataksilan! Inamin niyang tinangka niyang linlangin ang bayan na pagtiwalaan ang demonyong siya mismo ay walang tiwala. At hiniling niyang ipatupad ang mga reaksiyunaryong batas at konstitusyon laban sa mamamayan.

Paano sinikap pagtakpan nina Taruc at Pomeroy ang malinaw na kataksilan ng mga Lava at Taruc? Ngakngak ng dalawa:

Ang pagkasira ng loob ng maraming mamamayan ay bunga ng likas na paghahangad nila ng kapayapaan at seguridad matapos ang mahirap na panahon ng pananakop ng mga Hapones. Bagaman nangangamba sila sa katusuhan ni Roxas, marami sa kanila ang gustong maniwala. Kahit pa nga isang buhay-aliping kapayapaan ay handa nilang tanggapin, basta iyon ay kapayapaan.

Pero, hindi namamalayan nina Pomeroy at Taruc na ang sariling mukha ang kanilang sinasampal. Sa isang bahagi ng aklat ay sinabi nila:

Sa mga parang, sa mga latian, kagubatan at kabundukan, kung saan ang mga muling nabuong iskuwadron ng Huk ay nagkukubli para maiwasan ang mga engkuwentro (segun sa atas ni Taruc at mga kakutsaba) nakita ko ang matinding pighati ng mga hukbo. Ginawa silang militante ng tatlong taong karanasan nila sa pakikipaglaban sa mga Hapon at sa mga makapili at handang sumabak para ipagtanggol ang kanilang pamilya t ang kanilang mga karapatan. Sinabi nila sa akin na ayaw nilang lagi na lamang tumatakbo, na hindi sila duwag at gusto nilang lumaban.

Anong tingin ni Taruc sa lahat ng ito? Muli ay inamin niya:

Pinayuhan ko silang talikdan ang kanilang pagmamatigas, at ang sumubo lamang sa labanan kung buhay na mismo nila ang nakataya. Pinagusapan nila iyon at sinang-ayunan. Para sa akin, ang pinakamahalagang pangyayari sa buong panahong iyon ay hindi ang mga sagupaang naganap kundi ang mga hindi nangyaring sagupaan dahil sa kahanga-hangang pagtitimpi ng mga kawal ng Huk.

Malinaw na malinaw sa siping ito ang sampalataya nina Taruc at Pomeros sa linyang palasuko, sa pagpapalaganap ng lisyang kaisipan ng pasibong depensa, sa paglalarawang ang masa ay sunud-sunuran at pinalalabas na ang pagiging sunudsunuran ay isang uri ng disiplina.

Wala ring nangyari sa “pacification plan” at sa “mga negosasyon” ng papet na rehimeng Roxas at ng nagsanib na lumang partido. Mula simula hanggang dulo, walang ibang gustong mangyari si Roxas kundi ang “ganap na pagpuksa sa mga komunista,” pati na sa mga Lava at Taruc. Nang mabingit na sa panganib ang kanilang buhay saka lamang pumustura ang pangkating Taruc at Lava na pamunuan ang rebolusyonaryong masa sa armadong pakikibaka. Naubliga silang bumalik sa mamamayan na pinaratangan nilang "handang tanggapin ang isang “buhay-aliping kapayapaan.”

Pag-upo sa poder ng papet na si Quirino, dala ng hindi inaasahang pagkamatay ni Roxas, ito ay nagpadala ng pulyeto kay Luis Taruc at mga katoto na nagsasaad na puwede na silang pumasok sa isang negosasyon at kasunduan ng “pagsuko at amnestiya.” Palibhasa’y likas na mga palasuko, tuwang-tuwang pumasok ang mga Lava at Taruc sa pampulitikang patibong ni Quirino sa kabila ng hiling ng masa na ituloy ang armadong rebolusyonaryong pakikibaka. Muling naging tampok sa katunggakan si Taruc nang pumayag siyang “pasukuin at iparehistro” ang mga mandirigmang HUKBALAHAP.

Tinangkang pagaanin ni Taruc ang kanyang kontra-rebolusyonaryong krimen sa pamamagitan ng pagkukumpisal na:

Dalawang malubhang pagkakamali ang nagawa namin sa pakikipagnegosasyon kay Quirino. hinayaan naming malagay sa katayuang tanggapin ang pagpruklama niya ng amnestiya nang hindi man lamang inisip ang implikasyon niyon na lumalabas na kami ang may-sala. Ikalawa, masyado naming isinaisantabi ang batayang prinsipyo ng pakikibaka laban sa imperyalismong Amerikano.

Sa isang tunay na rebolusyonaryo, hindi man lamang sasagi sa kanyang isipan ang ideya na siya ay may-sala sa ilalim ng mga batas ng kaaway. Sapagkat laging matuwid ang rebolusyonaryong simulain at dapat laging itaguyod hanggang sa tagumpay. Wala nang kahihinatnan ang anupaman nang ituring ng mga pumupusturang lider ng rebolusyon na ang kaaway ay mapagbigay at may mabuting kalooban.

Hinagpis ni Taruc:

Ang kapayapaan ay lubos na nasalalay sa implementasyon ni Quirino sa kanyang mga pangako na hindi naman naipatupad. Sa panahon ng pagtigil ng labanan, patuloy na nanalakay ang konstabularya at mga guwardiya sibil at maraming beses silang nanambang ng aming hukbo. Tahasang sinabihan ng mga guwardiya sibil ang mga kasipi ng Huk at PKM na: Tukoy na namin kung sino kayo. Alam na namin ang gagawin namin sa inyo sa susunod."

Muli, wala na namang nangyari sa huwad na kapayapaan. Dapat kondenahin ang papet na rehimeng Quirino sa madugong kataksilan nito. Ngunit dapat ding kondenahin ang mga Lava ang Taruc dahil sa pagiging mga pusakal na palasuko nila, sa paulit-ulit na paghahatid sa mamamayan sa kamatayan.

Sa hangarin nilang maisulong ang kanilang pansariling interes at makakuha ng mga bulok na pampalubag-loob mula sa imperyalistang Amerikano at mga reaksiyunaryo, agad nakalimutan ng mga Lava at Taruc kung paano ang sambayanang Pilipino magtatamo ng lakas at magiging isang hindi matatawarang puwersa sa pamamagitan ng HUKBALAHAP. Nakagamayan na nang mga buhong na salungatin ang mga aral ni Tagapangulong Mao na “ang kapangyarihang pampulitika ay ibinubuga ng baril.”

Mahalagang pagtuunan nang masusing pansin ang oryentasyon ni Taruc sa paglahok niya sa burges na eleksiyon bilang kandidato ng papet na kongreso noong 1946. Sinabi niya na:

Mag-aaral uli ako. Kaya lang, sa pamantasan naman ngayon ng pulitika. Sa ating bansa, ito’y isang espesyal na gawain. Bata pa ang tao ay nagsasanay na para dito. Sa mga pamantasan bumubuo sila ng mga kasangga at nagpapakadalubhasa sa pansilid-aralang pulitika. Ganito ang kalakaran sa mga bansang kololnya, kung saan ang pulitika’y karaniwang daan para sa madaling pagyaman sa pamamagitan ng pagnanakaw at katiwalian, isang sistemang pinasimulan ng mga mananakop na dayuhan sapagkat sa ganitong paraan ay nabibili nila ang mga pulitiko, kaya nahahamig nila ang pampulitikang kapangyarihan ng bansa. Masyadong masama ang salitang “pulitiko” na ang ibig sabihin para sa mamamayan ay “mandaraya at manlilinlang.”

Anong gandang pagsalamin ng isang “estudyante” sa kanyang sarili. Gusto niyang matuto ng “pulitika” mula sa mga reaksyunaryo. Sa katunayan, handa na niyang damputin ang diskarte ng mga reaksiyunaryong pulitiko kung hindi lamang siya, sampu ng iba pang pulitiko ng Democratic Alliance, pinatalsik sa papet na kongreso. Sa aklat, parehong nangusap sina Taruc at Pomeroy ng pulitika na para bang walang pagkakaiba ang rebolusyonaryong pulitika at reaksiyunaryong pulitika. Sa ganap na pagiging bulag sa pakikibakang pampulitika ng rebolusyonaryong masa, pinakahulugan ng dalawang buhong ang salitang pulitika bilang “isang espesyal na gawain” sa ilalim ng imperyalismo na kaakit-akit dahil sa oportunidad ng mga pulitiko na magpayaman sa pamamagitan ng katiwalian." Napakakitid ng tingin sa pulitika ng mga nakalipas na palsipikadong Marxistang ito na inihalintulad lamang nila sa kontra-rebolusyonaryong pulitika.

Dinakila ng Born of the People ang linyang palasuko. Pinabango ito bilang pagpapakita ng “mabuting kalooban” at “katapatan” ng rebolusyonaryong kilusang masa sa imperyalismong Amerikano at sa mga alipuris na reaksiyunaryo.Ito’y walang iba kundi malinaw na manipestasyon ng reaksiyunaryong idealismo ng mga palsipikadong komunista. Sumasalungat ito sa batayang prinsipyo ng Marxismo-Leninismo. Ito ang kongkretong sagisag ng Kanang oportunismo na ipinamana ng mga Lava at Taruc sa mga bagong rebisyunista sa Pilipinas.

Ang Born of the People ay isang aklat ng pagtataksil sa masa mula simula hanggang dulo. Pagtatangka itong palabasig dakila ang mga taksil sa masang sina Lava at Taruc. Subalit bigo ang pagtatangkang ito. Sa halip, ang ipinakita nito ay ang tunay na mukha ng mga traydor. Dahil sa talagang hindi kumikilala sa rebolusyonaryong gawain at sa lakas ng rebolusyonaryong masa, laging lubos ang pagtitiwala ng mga Lava at Taruc sa imperyalismong Amerikano at sa mga alipuris nitong reaksiyunaryo. Nang maharap sa pasismong Hapones, lubus-lubusan silang sumandig sa imperyalismong Amerikano at sa gobyernong Komonwelt. Nang maharap sa mga pananalakay ng USAFFE, inasam-asam nila ang pagbabalik ni MacArthur o kahit ng multo ni Thorpe. Nang maharap sa papet na si Manuel Roxas, pinalagay nilang mas may maaasahan kay Osmena. Nang maging pangulo si Roxas, bumuntot sila rito hanggang sa halos bigtiin na sila nito. Nang maging pangulo si Quirino, sinunggapan agad nila ang mga patakaran nito ng pagsuko at Amnestiya.

Ang Born of the People ay isang aklat-talaan ng mga malubhang pagkakamaling pampulitika ng mga Lava at Taruc na sumabotahe at nagwasak sa rebolusyonaryong kilusang masa. Nalathala ito noong 1953, samantalang lantaran nang naging anti-komunista si Luis Taruc isang taon pa bago ito lumabas. Sa kabila nito, pinipilit pa rin magpahanggang ngayon ng rebisyunistang si Pomeroy na palabasing isa itong makatotohanang kasaysayan ng rebolusyonaryong kilusang masa. Kanang oportunismo at makabagong rebisyunismo lamang ang maaari nitong palaganapin. Dapat nang buung-buong itapon ang akdang ito sa basurahan ng kasaysayan.

Isang Gubat na Bangungot

Ang librong The Forest ay isang “personal na kasaysayan” ng isang espesyal na ahente ng imperyalismong Amerikano na kasabay nito’y ahente rin ng makabagong rebisyunismong Sobyet. Ang libro ay tungkol sa pagtingin ng isang tao, isang nakakukuliling paguulit-ulit ng burges na tema na walang mararating ang pakikibaka at dumudusta sa rebolusyonaryong pakikibaka bilang isang bangungot.

Ang takutin ang masa sa armadong pakikibaka at papaniwalain silang wala itong kahihinatnan ang imbing layunin ni William J. Pomeroy sa pagsusulat ng aklat na ito. Ginamit niya ang patakbuhing paraang paglalarawan ng sarili bilang isang bayaning dumanas na kalunus-lunos na kapalaran sa loob ng isang gubat at pinalalabas na mas mabangis niyang kaaway ang kagubatan kaysa imperyalismong Amerikano, piyudalismo at burukrata kapitalismo.

Siyempre, para kay Pomeroy, pinakamadaling paraan ang sulatin ang makitid niyang karanasan sa ilalim ng lideratong Jose-Jeus Lava mula Abril 1950 hanggang Abril 1952 para maisagawa ang maitim niyang layunin na makaguhit ng mapanglaw na larawan at madilim na hinaharap ng rebolusyong Pilipino at makapagpalaganap ng mga lisya at kontra-rebolusyonaryong kaisipan. Bagaman 1963 na nang malathala, ang The Forest ay talagang walang ibinigay na paglilinaw tungkol sa “kaliwang” oportunismo ng lideratong Jose-Jesus Lava at sa pumalit na kanang oportunismo ng lideratong Jesus Lava mula 1955. Sukdulan pa ngang isa-isang pinapurihan ni Pomeroy sina Lava, Taruc, pati na si Sumulong.

Samantalang ang isang tunay na rebolusyonaryong proletaryo ay magpupursiging gumawa ng isang malinaw na Marxista-Leninistang pagtatasa at paglalagom sa mga kaganapan, si Pomeroy ay nagtampisaw sa pusalian ng pesimismong burges, itinuring ang sarili na isang “kapus-palad na bayani” gaya sa isang dulang Griyego, inaglahi ang sambayanang Pilipino, at pinagtakpan ang mga sanhi ng pagkabigo ng rebolusyonaryong kilusan. Ang dokumento ng pagwawasto ng Partido, ang “Iwasto ang mga Pagkakamali at muling Itatag ang Partido,”7 ay matagal nang nagbigay ng paglilinaw hinggil sa panahon ng rebolusyonaryong pakikibaka na puntirya ng The Forest na sabuyan ng mga makamandag na kaisipan.

I. Ang burges na tema na walang mararating ang pakikibaka

Mahalagang-mahalagang sariwain ang mga katagang binitiwan ni Tagapangulong Mao hinggil sa kontra-rebolusyonaryong rebisyunistang “teorya ng kalikasan ng tao”:

Sa kongkreto lamang may kalikasan ng tao, wala sa abstrakto. Sa lipunang may-uri, ayon lamang sa katangian ng kanyang uri ang kalikasan ng tao; walang kalikasan ng tao na lampas sa uri. Tayo ay naninindigan sa kalikasan ng tao ng proletaryo at ng sambayanan, saman- talang ang mga panginoong maylupa at ang uring burgesya ay naninindigan naman sa kalikasan ng tao ng kanilang uri, wala nga lamang silang gayong sinasabi sapagkat ito lamang ang kinikilala nilang umiiral na kalikasan ng tao.

Kontra si Pomeroy sa proletaryadong rebolusyonaryong makauring paninindigan. Kaya nagtatago siya sa likod ng mga banal na bukambibig ng burges na humanismo gaya ng “pag-ibig sa tao,” “dangal ng lahat” at “pagkakapatiran ng lahat.” Mabulaklak niyang buladas:

Sama-sama tayong naninindigan sa ngalan ng pag-ibig sa tao, pinauunlad tayo nito, at iniaambag naman ang ating sariling munting kadakilaan;… Lagi kong gabay ang pag-ibig sa tao; ang pag-ibig sa tao ang nagpapatibok sa aking puso… Napagisip-isip kong hindi maaaring magkaroon ng pantay na paggalang ang bawat isa hanggang hindi nagkakaroon ng dangal ang lahat. Ang landas tungo sa pagkakapatiran ng tao ay matatagpuan sa pamamagitan ng pakikibaka para sa ikapagtatamo ng dagal ng bawat isa.

Ang lahat ng pangaral na ito ay tantiyadong makagugulo at makasisira sa pambansa at makauring pakikibaka. Sa aktuwal ay humantong ito sa pag-aglahi sa proletaryo at mamamayang Pilipino. Ngawa ng buhong:

May isang teorya na nagsasabing ang pagkahilahil ay nagbubunga ng paghihimagsik, ngunit totoo lamang ito kadalasan kapag ang pagkahilahil ay bunga ng pagkawala ng dating angkin ng isang tao. Ngunit kung wala namang natutuhan ang isang tao sa loob ng apat na raang taon, ang pagkahilahil ay nalulusaw, napaparam sa puso, nagiging takbo ng buhay. Ang mangilan-ilang naghihihimagsik ay nangapuksa; binabaril sa lansangan ang mga naghuhuramentado. Ang nakararami ay nangakasalampak sa sahig ng isang kubo at malamlam na nakatunghay sa kalooban ng Diyos.

Inaatake ng burges na pesimistang pananaw na ito ang diyalektiko materyalismo at tinatanggihan na ang panloob na batas ng pagkilos ng mga bagay ang nagtutulak sa mga iyon na sumulong at magbago. Tinatanggihan nito ang pagtindig ng mga bago at progresibong puwersa at ang paglalaho ng mga luma at reaksiyunaryong puwersa. Sinasalungat nito ang wastong pananaw na ang kasaysayan ay isang gumugulong na proseso. Tinitingnan nito na “balewala” ang rebolusyonaryong tradisyon at mga pakikibaka ng sambayanang Pilipino. Buktot na inihahambing nito ang rebolusyonaryong masa sa isang baliw na panatiko (isang huramentado) at sinasabing sila’y mangilan-ilang lamang, samantalang sangkaterba ang mga “nanangakatingala sa kalooban ng Diyos.”

Itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao: “Dapat nating linisin ang ating hanay ng lahat ng inutil na kaisipan. Lahat ng pagtinging minamalaki ang lakas ng kaaway at minamaliit ang lakas ng masa ay lisya.”

Sa kawalan ng anumang makauring rebolusyonaryong pananaw, lumubog si Pomeroy sa kailalim-ilaliman ng patalismo at depitismo: “Dito sa madawag na kagubatan, lubus kong nadama sa unang pagkakataon ang kawalang saysay ng isang tao. Walang halaga ang buhay sa di-matingkalang lupalop na ito ng mundo.” Lagi na lamang tuwang-tuwa ang buhong na anti-komunistang ito na magpaulinig ng mga daing na kawalang pag-asa: “… dumatal sa aming buhay ang sandali ng pamamanglaw. Ipinasatadhana ko na lamang ang aking sarili. Sa tingin ko’y sa kagubatan na ako mamamatay,…”

Sa buong aklat, ang pinalalabas ni Pomeroy na pangunahing kontradiksyon sa lipunang Pilipino ay ang tunggalian ng tao (na kanyang kinakatawan) at ng kalikasan (ang kagubatan). Nagngingitngit siya pati sa ulan: “Ang ulan. Ito ang kaaway na habambuhay na bumubuntot sa amin, humahaplit sa lahat ng daraanan at kumukubkob sa bawat kubo.” Heto ang isang palsipikadong rebolusyonaryo na suklam sa tropikong kagubatan at sa ulan, at hindi makita ang importansiya ng mga iyon bilang mga bentaheng kondisyon sa pakikipaglaban sa mga tunay na kaaway. Sa pinakamaselang kalagayan ay naitanong niya sa sarili: “Ano na ngayon ang kagubatan, kaibigan ba o kaaway?”

Kaya naging kakilakilabot na kaaway ang kagubatan para kay Pomeroy ay dahil hindi makapasok ng kampo ang iskuwad balutan (mga porters) sapagkat nahaharang ng mga kaaway kaya hindi makarating ang mga pinamili nilang de-lata at bigas mula sa pamilihan sa bayan. Sa halip magsagawa ng pampulitikang pagsusuri sa kalagayang kinasasadlakan niya at ng iba pa, walang tigil siyang nagtatalak ng kung anu-ano laban sa kagubatan at inintindi niya nang higit sa anupaman ang suliranin nang mabuhay laban sa kalikasan. At isipin na lamang na nasa loob siya ng isang tropi- kong kagubatan na samutsari ang makakaing halaman at hayup at niyugan ang mga hangganan; at marami ritong naglalagos na mga ilog na mayaman sa isda at suso. Ang mga dumagat na nasabat ni Pomeroy ay lumalabas na di-hamak na mas maalam at mas maabilidad kaysa sa buong lideratong Jesus Lava tungkol sa kung paano ang mabuhay sa pusod ng kalikasan.

Patuloy ang paggigiit ni Pomeroy sa kanyang burges na humanismo:

Ang kagubatan ay imposibleng maging lugar ng kalayaan. Nakaharang mga punungkahoy ang iyong makikita saan ka man bumaling. Nakapader ito sa lahat ng sulok pati na sa ulunan na tumatabing sa kalawakan. Sa labas ng kagubatan, mapagmamasdan ang mga sugpungan ng langit at lupa. Dito, nasa puso lamang ang gayong sugpungan.

Pinagsisisihan niya ang pagkakasali sa rebolusyonaryong pakikibaka at ang pagkakabilanggo sa kanya ng kagubatan. Minimithi niya ang mga base ng kaaway, “ang daigdig sa labas ng kagubatan kung saan may mga sugpungan ng langit at lupa.”

Pasadahan natin ang klase ng “sugpungang namamahay sa kanyang puso.” Bago pa man siya makaranas ng anumang kahirapan dala ng opensiba ng kaaway, nagpakita na siya ng pagkasuklam sa kagubatan. Pagtuntong niya sa gubat, naasiwa siya nang mabasa ang kanyang bagong sapatos. Kasunod niyon, pati ang mga walang kakuwenta-kuwenta at maliliit na sagabal ay “minalaking trahedya” nang may akdang ang sarili lamang ang inaalagata. Ang putik, ang mga limatik at hantik, ang mga totoong nangyari at mga sinasapantaha niyang pagbagsak ng mga punongkahoy at sanga ay naging matitinding dalahin ng huwad na bayani. Nang tubuan siya ng alipunga, itinuring niya iyon na isang malaking trahedya sa kanyang buhay.

Lahat na lamang ng bagay sa kagubatan ay parang baliw na itinuturing ni Pomeroy na sagisag ng kamatayan at ng pagkabulok. Isang malagim na pangitain ang naglaro sa kanyang guniguni:

Sa likod ng aming kubo ay may nakayungayong na matandang puno na agnas-agnas na ang katawan. Ang ilan sa mga sanga nito ay bali na; ang mga guwang sa tuod nito ay tuyot na sa piping paghihirap. Napakahaba ng pagkakayungyong nito sa aming ulunan na sa pakiwari’y tuluyan na kami nitong mababagsakan at matatabunan ng nangingitim nitong mga sanga at mga nakakapit na mamasa-masang gabok.

Walang tigil si Pomeroy sa pagpupumilit na makalikha ng isang mapanglaw na kalagayan. Hinagpis niya:

Naroon kami sa mahalumigmig na kadiliman, nalalanghap ang alimuom ng mga halaman, naririnig ang sanlaksang palakang inaawit ang luksang karimlan, at sa kaunauhang pagkakataon kami’y natigib ng piping hinagpis ng mga wala nang patutunguhan.

Ang kagubatan ay puno ng alapaap at nanganganinag sa aking paligid ang kadawagan, bumubutwa mula doon ang mga kamay ng nalulunod… Pakiwari ko, lahat kami’y kaluluwa sa isang multong kagubatan.

Ito ang mga kataga ng pagdidelirio na ginagamit ng anti-komunistang si Pomeroy para siraan ang rebolusyonaryong pag-iisip sa harap ng kahirapan. Wala itong ibang layunin kundi maghasik ng takot sa rebolusyon.

Walang patid at nakakakulili na ang mga hinaing ni Pomeroy. Buga ng bibig niya: “Wala na akong naiisip na patutunguhan; ang iniisip ko na lamang ay ang susunod na matatapakan ng aking mga paa.” Panaghoy niya: “Saan bang lupalop ng impiyerno kami patungo?”

Hindi magtantan ang may-akda kahit sa mga sandali ng kaligayahan gaya nang ihambing niya ang sarili kay Robin Hood ng Sherwood Forest o nang gumuhit siya ng eksena ng pag-ibig nila ni Celia sa isang sapa. Wala ring tantan ang kanyang mga burges na paghahambing gaya, halimbawa, ng paghahambing niya sa mga babae sa kagubatan at sa mga labandera ni James Joyce sa Ilog Liffy sa madaling araw. Lahat ng ito’y nagpapatibay sa kanyang burges na tema na walang mararating ang pakikibaka.

Nang ang isang grupong pang-expansyon ay lumabas ng kampo, pakiramdam ni Pomeroy ay “may kung anong nawala sa aming buhay.” Gayon talaga ang mararamdaman ng isang kubling traydor na hindi kumikilala sa pagpapalawak ng puwersa bilang karugtong ng rebolusyonaryong pakikibaka. Sa unang hudyat ng paglikas na kanyang naranasan, ikinumpisal niyang tanawin pa lamang ng madaliang pag-iempake ay nakapanghina at nakapanlambot na sa kanya wala pa man ang iniulat na panganib. “Kumislot sa aming puso ang unang kirot ng kawalang katiyakan,” panangis niya. Nang matanawan ang isang eroplanong pangmatyag ng kaaway, nangatog ang kanyang mga tuhod at gumawa ng takot na takot na pag-uulat na: "Hanggang naroroon iyon nakadapa kami at pigil ang aming hininga, dahil baka pati paghinga namin ay marinig niyon. OA na rito si Pomeroy.

Nang tanungin niya ang isang Pulang mandirigma kung bakit ito sumama sa rebolusyon, dinala niya ang usapan sa kung paano mahaharap ang pansariling kapakanan. Pinaglaruan niya ang diwa ng paglilingkod sa sambayanan. Sa pagsisikap na makabuo ng larawan ng disiplina sa kampo, ang binigyan niya ng diin ay ang mga mahigpit na patakarang administratibo para sa mga maliit na pagkakamali; kanya pang ipinagmalaki nang husto ang pangyayaring sa munting paglabag sa mga patakaran mandi’y kaaway na tinatrato ang mga kasama na sobra-sobrang nililibak at umaabot pa nga sa pagpataw ng parusang kamatayan. Sagadsaran niyang kinontra ang ideya na ang pagwawasto ay isang makauring edukasyon. Sa napakaraming bahagi ng aklat, paulit-ulit niyang sinabi na "hindi maaasahan ang mga Pulang mandirigma at ang mamamayan sa harap ng opensiba ng kaaway.

Talaga naman kasing walang sampalataya si Pomeroy na magtatagumpay ang rebolusyong Pilipino. Sa paghihiwalay nila ng mga kasama, ang sama ng kanyang naging pahimakas: “Ang kanilang masiglang mga mukha na baka hindi na natin makita pa.” At nagmamalaki pa niyang kuwento: “Magkita-kita tayo sa Muntinlupa, bati namin sa isa”t isa." Ito ang sukdulang kabaligtaran ng naunang “kaliwang” oportunistang pahimakas ng mga Lava: “Magkita-kita tayo sa Malakanyang.” 8

Sa paglalagom ng naging partisipasyon niya sa rebolusyonaryong kilusang Pilipino, ipinahayag niya:

Nang kami ni Celia ay lumampas sa malawak at kinagisnang daigdig upang pumasok sa liblib na kagubatan, hindi namin nadama ang pagkakahiwalay namin sa mundo, sapagkat dama namin ang pagiging bahagi ng isang daki- lang kilusan na may patunguhan at simulain, at ang bawat bulaos ng kagubatan ay landas tungo doon. Nang magkaroon ng sagka sa mga bulaos at sa simulain saka namin naramdaman na kaipala’y bilanggo kami ng kagubatan at hindi alam kung saan patungo ang landas na aming hinahawan.

Ngayon, sa malayo at liblib na pook na ito, kung saan ang bawat pagsanga ng ilog ay naghahain ng kawalang katiyakan, ang pangkat naming ito ang simbolo ng aming pakikibaka, ligaw at hindi alam ang pinatutunguhan.

Nagwakas ang burges na pesimismo ni Pomeroy nang sumuko siya sa mga kaaway. Nagbigay siya ng pag-uulat tungkol sa nangangatog niyang pagsuko:

Ubos-lakas akong sumigaw mula sa pinagkukublihang puno. Lumubay ang putukan sa itaas at nakarinig ako ng tinig na nagsasabing lumabas ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero lumitaw ako mula sa pinagkukublihang puno. Iyon ang pinakahuling puno sa kagubatan para sa akin.

Isinumpa niya ang armadong rebolusyonaryong pakikibaka: “Naiibang uri ng bulag na pakikibaka sa kagubatan.” At pinapurihan niya ang kaaway: “May pagtatakang pinanood ako ng mga sundalo. Kakaiba ito: karamihan sa kanila ay mabait at disente, opisyal man o mga raso.” Dito na isinuko ni Pomeroy ang sarili.

Laban sa pesimismo, itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao: “Maging matatag, huwag matakot sa anumang pagpapakasakit at bakahin ang anumang hirap upang makamtan ang tagumpay.” Dapat nating panatilihin ang ating rebolusyonaryong sigasig at ang ating kapasiyahang lumaban at magwagi. Binaka ni Tagapangulong Mao ang kaisipang palasuko sa ganitong paraan:

Ang hukbong ito ay may matatag na kalooban at determinadong gapiin ang lahat ng kaaway at hindi kailanman susuko. Ano mang hirap at hilahil, hanggang may natitira pang isang tao, patuloy siyang lalaban.

II. Ang lantay militar na pananaw

Hindi tinutulan, manapa’y niyakap ni Pomeroy ang lantay militar na pananaw na nangibabaw sa nagsanib na lumang partido sa ilalim ng lideratong Jose-Jesus Lava. Minsa’y pinupuna niya ang mga pagkakamali ng lideratong ito. Pero dahil lamang iyon sa hindi niya maiwasang ungkatin ang mga dahilan ng pagkatalo para maisulong ang tema niyang burges na pesimismo. Kaya, sukdulan niyang nasabi: “Matagal na tayong nabubuhay sa kabaliwan.”

Sa kanyang pagsasalaysay binabanggit ni Pomeroy ang Partido Komunista bilang “bagwis pampulitika” lamang ng isang ng isang organisasyong militar. Ang sentral na liderato ng nagsanib na lumang partido ay itinuring na isa lamang lupong tagapagpaganap ng ng bagwis pampulitika ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan. Ang komiteng pangrehiyon ng partido ay itinuring na bagwis pampulitika lamang ng pangrehiyong liderato ng hukbo. Kay Pomeroy, militar ang kumukumpas at hindi ang pulitika. Hindi niya kinikilala ang absolutong liderato ng proletaryadong partido sa isang tunay na hukbong bayan.

Tungkol sa ugnayan ng partido at hukbong bayan, binigyang-diin ni Tagapangulong Mao: "Ang Partido ang nagmamanda sa baril at hindi ang baril ang nagmamanda sa Partido. Higit pa rito’y itinuro niya rin sa atin:

Kung gustong magrebolusyon, dapat magkaroon ng rebolusyonaryong partido. Kung walang rebolusyonaryong partido, kung walang partidong binuo sa teoryang Marxista-Leninista at sa Marxista-Leninistang rebolusynaryong istilo, imposibleng pamunuan ang uring manggagawa at ang malawak na masang mamamayan sa paglupig sa imperyalismo at sa mga alipuris nito.

Sa isang puntong mandi’y kinikilala niya ang kahalagahan ng ng sentralisadong pampulitikang pamamatnubay sa rebolusyonaryong pakikibaka, inilarawan ni Pomeroy ang Partido bilang isang koman- distang organisasyong “hiwalay sa hukbo ngunit ipinagsasanggalang niyon.” Sa pagtatangkang palabasing ang Partido Komunista ay kalabisan sa rebolusyonaryong kilusan, pinangalandakan niya na marami sa mga kumander ng HMB ay hindi kasapi ng Partido at sa mga bayang malapit sa kampo sa kagubatan, wala ni isa mang miyembro ng Partido ngunit ang mga bayang iyon ay “solidong makaHUK pati ang mga opisyal ng bayan.” Sa panig namin, sinasabi namin na kung walang malinaw at wastong liderato ng Partido hindi maaaring makonsolida ang isang organisasyong militar at ang mga lokalidad. Ang karanasan ni Ginoong Pomeroy ay nagpapatunay sa kawastuhan ng pahayag na ito.

Itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao:

Ang isang ganap na disiplinadong Partido na armado ng teorya ng Marxismo-Leninismo, na pumupuna sa sarili at nakakawing sa masang sambayanan; isang hukbong nasa ilalim ng pamumuno ng Partido; isang nagkakaisang prente ng lahat ng rebolusyonaryong uri at lahat ng rebolusyonaryong grupo sa ilalim ng gayong Partido—ang mga ito ang tatlong batayang sandatang ginamit natin sa paggapi sa kaaway.

Bagaman tinalakay ni Pomeroy pati ang pinakamaliit na pangyayari, iniwasan naman niyang magbigay ng puspusang pagsusuring pang-idolohiya at pampulitika sa mga pagkakamali ng lideratong Jose-Jesus Lava. Sa halip ay mas nagtuon siya sa “rebolusyonaryong solusyon sa problemang sexual,” sa “diyalektiko ng pag-ibig,” “stratehiya at paraan sa panliligaw,” at sa pakikipagtalik niya kay Celia. Sa pagkakaaresto ng “Politburo-In” o Kalihiman sa Maynila noong Oktubre 1950, hanggang sa mababaw lamang na pagsasapantaha ang kanyang nagawa na iyon ay bunga ng impiltrasyon ng kaaway, kawalang-ingat o kaluwagan sa seguridad. Hindi siya puspusang nagimbestiga sa suhetibismo at “kaliwang” oportu- nismo ng lideratong Jose Lava, kaya pinaalpas niya ang lahat ng tamang dahilan para sulatin ang aklat na ito.

Mabuti na ang aminin niyang ang sanhi ng pagkatalo sa ilalim ng lideratong Jose-Jesus Lava ay “ang napakababang kakayahang teknikal ng hukbong bayan.” Nagpatuloy siya sa pagsasalaysay nang may kahalong pang-uuyam:

Ang kakayahan ng hukbong bayan ay maihahambing sa medyo primitibong paraan ng pagsasaka ng isang karaniwang magbubukid. Natural, maiaangat ang kalagayang ito kung mayroong magtuturo. Ang problema, wala ni isa mang pinunong militar sa bung pambansang kilusang mapagpalaya ng Pilipinas ang may kalibre ng isang propesyunal.

Dito pinangibabaw ni Pomeroy ang armas sa pulitika at ang mga panlabas na kadahilanan sa mga panloob na kadahilanan.

Sa pagpapakita ng sindak sa militar at paghamak sa Pulang mandirigma, daing niya: “Naririto ang ilan sa pinakamatalinong nagtapos sa mga akademya militar ng Estados Unidos para sagupain ang aming hukbo ng mga hindi nag-aral na magbubukid”; at, “… lamang ang mga kaaway sa baril at mga makabagong armas.” Malinaw ang burges na militaristang pag-iisip ni Pomeroy: walang magagawa ang hukbong bayan laban sa kaaway na lamang sa gamit militar yayamang mas importante ang militar kaysa pulitika at walang binatbat ang mga magbubukid sa mga opisyal na nagtapos sa Estados Unidos.

Nang sumulat siya tungkol sa komperensiya ng Komite Sentral ng nagsanib na lumang partido noong Pebrero-Marso 1950, walang anumang binanggit si Pomeroy-tungkol man sa kanya o sa komperensiya—na makapagbibigay-linaw sa mapaminsalang linya at patakarang ginamit ng lideratong jose Lava o tungkol kaya sa bagong linya at mga bagong patakaran na magsusulong sa rebolusyonaryong kilusan. Itinaguyod ng mga desisyon ng komperensiya ang mga maling sapantaha ng lideratong Jose Lava laban sa matagalang digmang bayan at, dahil dito, isinaad ng mga iyon sa kalakhan ang pagpapatuloy ng maling linya at maling mga patakaran. Walang kongkretong pagsusuri sa kalagayan, lalo na sa balanse ng mga nagtutunggaling puwersa. Walang paggagap sa pang-idolohiya, pampulitika at pang-organisasyong lakas ng mga rebolusyonaryong puwersa, at wala ring paggagap sa pangangailangang paunlarin ang armadong puwersa ng mamamayan sa loob ng matagal na panahon. Dahil sa ganito, imposibleng maitakda ang wastong mga tungkulin sa pagtatatag ng Partido, ng hukbong bayan, ng nagkakaisang prente, ng organisasyong masa at mga organo ng kapangyarihang pampulitika. Bagaman nanawagan ang komperensiya para sa “regularisasyon” ng mga yunit gerilya ikinabit naman iyon sa ilusyon ng kagyat na tagumpay militar dahil sa kalawan ng batayang pagpuna sa “kaliwang” oportunismo ng lideratong Jose Lava. Batay sa lisyang pananaw na ang kaaway ay kusang babagsak, lubos na sumandig si Pomeroy at ang mga Lava sa kahihinatnan ng kanilang patakarang “boykot” sa reaksiyunaryong eleksiyon noong 1951. Sinapantaha nila na kung ang moro-morong eleksiyong ito ay magiging mas madumi at madugo kaysa noong 1949, kusang tatalikdan ng mamamayan ang kaaway at lalahok sa hukbong bayan upang kagyat na ibagsak ang estado. Sa esensiya, itinuloy ng lideratong Jesus Lava ang pagkakamali ng lideratong Jose Lava nang basta na lamang ito magtakda ng dalawang taong palugit para sa isang mabilis na tagumpay militar.

Hindi namamalayan ni Pomeroy at mga katoto niyang Lavaista na sa buong panahong ito sila mismo ay naputulan na ng ugnay sa kagubatan dahil sa mapaminsalang “kaliwang” oportunistang linya at mga patakaran ng lideratong Jose-Jesus Lava. Maging ang kanilang mga pulyeto para sa boykot ng reaksiyunaryong eleksiyon ay hindi nagawang ipamahagi sa mga lugar ng bansa na dati ay naaabot ng hukbong bayan. Biglang nabutas ang mga “solidong makaHuk na lugar” dahil una sa lahat hindi maayos na inatupag ang konsolidasyon.

Mismong ang The Forest ay testimonya ng katotohanang upang mailunsad ang pagsalakay sa Sta. Cruz noong Agosto 26, 1950 kinailangang sukdulang banatin ang hukbong bayan. Walang natirang ni isa mang tanod sa kampo dahil kinailangan sa pagsalakay ang partisipasyon ng bawat mandirigma sa kampo. Sa takbo ng pagsalakay, nakagawa ng mga putsistang hakbang gaya ng di-kailangang panununog at pagpatay ng isang opisyal ng kaaway na nag-alok isuko ang kanyang mga tauhan dahil sa kagahulan ng oras sa pag-atras. Kinapos ng oras ang mga sumalakay dahil kailangan nilang umatras sa magkakalayong lugar na hindi tiyak ang seguridad sa mga lugar na daraanan.

Nang ang kaaway naman ang maglunsad ng opensiba laban sa kampo sa kagubatan, lumabas na hindi mahusay na nagampanan ang gawaing pampulitika sa mga kanugnog na lugar at maging sa loob mismo ng kampo. Lumabas na nakasandig lamang pala ang kampo sa pisikal na pagkakakubli nito at hindi bilang isang konsolidadong base. Nadurog ang mga Komiteng Pang-organisa ng Partido sa loob lamang ng isang araw; naharang ng kaaway ang mga pagkain o kaya’y nilagyan ng lason bago pinalarga. Sa loob mismo ng kampo, naging patakaran ang malupit na pagpaparusa upang mapanatili ang “disiplina.” Maging ang personal niyang guwardiya ay pinaratangan at pinagdudahan ni Pomeroy.

Noong Enero 1951 nagtagumpay ang kaaway na mapasok ang kampo, una ang kumpol ng mga kubo ng Departamento ng Edukasyon at ang kubo ni Jesus Lava kung saan nasamsam ang nakaimbak na pagkain para sa buong kampo. Magmula noon naging napakabigat na problema ang suplay ng mga pangngailangan at ang komunikasyon. Ngunit sa kabila nito, matapos ang kumperensiya ng Pebrero-Marso, ang Kalihiman na may 200 tauhang babae at lalaki, at mangilan-ilang armadong armadong bantay, ay itinayo sa kagubatan. Agad iyong naging depenido at hiwalay na target ng puspusang operasyon ng kaaway.

Inamin ni Pomeroy na mga de-lata at bigas ang pagkain sa kampo na binili sa palengke. Totoo ito lalo na matapos wasakin ng kaaway ang mga kaingin. Ang kampo ay halos buung-buong sinusuportahan ng pondong galing sa pagsalakay sa kabayanan at sa mga mala-tulisang yunit para sa “pakikibakang pang-ekonomya” na kinabibilagan ng pangungulimbat sa mga karaniwang pasahero ng bus at tren. Kaduda-duda kung bakit walang sistema ng pangongolekta ng mga kontribusyong bigas at mais o tuwirang pagbili ng bigas sa mga magbubukid sa halip na sa palengke pa sa kabayanan. Hindi makakolekta ng butaw na bigas dahil hindi naman kasi naglunsad ng rebolusyong agraryo o reporma sa lupa ang nagsanib na lumang partido at hindi rin namuno sa mga kampanyang pamproduksyon para masuportahan ang hukbong bayan.

Sa kanyang aritkulong sinulat sa Kampo Crame, ang “paglilinaw sa ‘Philippine Crisis’,” tinipon na ni Jesus Lava ang lahat ng kasinungalingan na sa ilalim ng kanyang liderato hindi kailanman naputol ng kaaway ang suplay ng mga pangangailangan ng HMB. Maisasampal sa kanyang mukha ang The Forest ni Pomeroy. Kaya nga binuwag ang may maraming tauhang Kalihiman ay dahil baka mamatay sa gutom ang mga tauhan niyon kung hindi man malipol sa opensiba ng kaaway. Sa kalakhan, tungkol ang libro sa pagkataranta at bulag na pag-atras sa pamamagitan ng kagubatan at sa lantay na pakikibaka kung paano mabubuhay nang walang masasandigang malawak at matatag na baseng pampulitika.

Walang pinagiba ang istilo ni Pomeroy sa sinungaling na si Lava nang magbitiw naman ito ng mga pasalansang na pangungusap. Ipinahiwatig niya sa unang bahagi ng aklat na sa pag-upo ng lideratong Jose-Jesus Lava noong 1948 "napakaorganisado ng nagsanib na lumang partido at nagkaroon ng “malinaw na estratehiko at mga taktikal na layunin.” Pero kabaligtaran ang ipinakikita ng buong aklat.

Gayunman, hindi sinisi ni Pomeroy ang lideratong Jose-Jesus Lava sa alinmang malaking pagkakamali at sa pagkatalo. Sinisi niya ang masa dahil sa “kanikaniya nilang kahinaan.” Katsang niya:

Kapag pabor sa amin ang takbo ng labanan, nadadaig ng kasiglahan ang ang kahinaan ng bawat isa; kapag ang kaaway ay malakas at dehado kami sa laban, naglilitawan ang mga kahinaang ito at nagmimistulang mga nabulabog na kolokoy ang mga ito na naguunahang magsipagtago.

Anong labong palusot sa malalaking pagkakamali ng lideratong Jose-Jesus Lava.

Palibhasa’y tunay na buhong, ang masa ang sinisi ni Pomeroy. At pinaghalo niya ang pagbubuhat ng sariling bangko at ang pagkondena sa masa. Pagyayabang niya:

Inakala naming makasasabay ang masa sa bilis namin, sa matuling lagitik ng mimeographing machine. Inakala naming ang moral at disiplina sa kampong ito ay siya ring moral at disiplina sa lahat ng dako. Inakala naming sa pagpapabilis ng kumpas ng mga lider, mapabibilis din namin ang rebolusyon.

Kay Pomeroy pala, ang pesimismo at patalismo ay “mataas na moral at disiplina” na marapat tularan?

Inaakala pala ni Pomeroy at mga katoto na mahusay nilang nagampanan ang kanilang papel. Dangan nga lamang at hindi tumugon ang masa. Kaya, gumawa siya ng isang pangit na paghahambing:

Ang katulad namin ay iyong mga nakadukwang sa isang malalim na balon at naghuhulog ng mumunting bato sa loob nito, naghihintay marinig ang paos na alingawngaw ng pagtama ng mga iyon sa tubig na nasa kailaliman. Ngunit kakaibang tunog ang dumating sa aming pandinig, na parang panaghoy ng isang nalulunod sa kailaliman ng balon.

Para kay Pomeroy, hindi ang lideratong Jose-Jesus Lava kundi ang masa ang oportunista. Tahasan niya itong sinabi:

Ang ilan sa mga Huk ay masama ang loob sa masa. Anila, may pagkaoportunista ang masa. Kapag kasama nila kami, kampi sila sa amin; kapag kasama nila ang kaaway, kampi sila sa kaaway… Samantalang sila ang napupuruhan at higit na nahihirapan. Kami ay nasa kagubatan, puwedeng magtago at lumaban, ngunit sila’y lantad sa paniniil. Wala silang kalaban-laban sa pagmamalabis, at sino bang tatagal abusuhin at nakawan buwan-buwan.

Dahil nga ahente ng kontra-rebolusyon, hindi matanggap ni Pomeroy na ang masa mismo ang motibong puwersa ng rebolusyon at ang tunay na lumilikha ng kasaysayan. Tungkol sa masa, lalo na sa masang magbubukid, itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao: “Lahat ng rebolusyonaryong partido at lahat ng rebolusyonarong kasama ay kanilang kikilatisin, sila ang magpapasiya kung kanilang tatanggapin o itatakwil.” Isang kaululan ang ipalagay na kaya ng isang partido o ng isang hukbo na pangalagaan ang sarili at lumaban nang hindi kaisa ang masa. Laging nakaatang sa liderato ng partido ang pagpukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa para sa rebolusyon. Kabaliwan ang ituring ninuman ang sarili na isang mesiyas ng masa at pagkatapos at masuklam dahil ayaw ng masa na maligtas samantalang hindi naman wasto ang linya at ang mga patakaran para mapakilos at mapaglingkuran sila.

Hanggang sa huli, inalipusta ni Pomeroy ang sambayanang Pilipino. Palakat niya:

Para silang mga patay na hindi makatingin sa akin. Tuloy ang hindi nagbabagong takbo ng buhay ng mga taong ito. Marami na silang nakitang sundalo at bihag. Napakarami nang daluyong ng pananakop at paniniil ang nagdaan sa lupaing ito kaya’t manhid na sila. Iniisip ko kung paano natututo ang mga tao na mabuhay na saklot ng lagim.

Ginoong Pomeroy, sinasabi namin na ang malawak na masang sambayanan—lalo na ang aping manggagawa at magbubukid—ay patuloy na magbabangon hanggang makamtan ang tagumpay. Daraan sila sa maraming tagumpay sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas at sa lilim ng dakilang pulang bandila ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tse Tung.

Sa kanyang pamamaalam, ang pangunahing tuon ni Pomeroy ay ang “dulo ng kanyang pisi”; ang muli nilang pagkikita ng kanyang asawang si Celia. Magugunita na ang dalawang ito ay parehong pinalaya noong 1961, na maaga ng napakaraming taon sa paglaya ng iba pang tulad nilang nasintensiyahan mabilanggo dahil sa rebelyong pampulitika. Naghuhumiyaw na sinabi ni Pomeroy na ang nakapilit sa Malakanyang na palayain sila ay ang pandaigdigang kampanya para sa amnestiya na idinaan sa mga liham. Pero ang totoo, nakiaalam ang embahada ng Estados Unidos na sila’y palaba- sin. Malinaw kung gayon na nakatapos na naman si Pomeroy ng isang misyon para sa imperyalismong Amerikano. Kunyari pa si Pomeroy sa pahabol na sipi ng kanyang aklat na inuusig pa rin siya ng mga awtoridad na Amerikano na “tumututol” sa muli nilang pagkikitang mag-asawa. Ang kanyang kaso ay sing gaan ng pagsusumikap niyang malibre sa McCarran Act ng Estados Unidos para muli silang magkasama ni Celia sa bansang ito. Iyon nga lamang at iskandalosong ibubunyag nang gayong paglilibre ang isang espesyal na ahente ng imperyalismong Amerikano at ilalgay nito sa balag ng alanganin ang susunod na imbing misyong iaatang sa kanya. Wala namang naloko dahil nagsasama na ngayon sa London sina Pomeroy at Celia, na tinatamasa ang pagpapala ng imperyalismong Amerikano at saka ng sosyal-imperyalismong Sobyet.

Sa kasalukuyan, patuloy ang kontra-rebolusyonaryong gawain ni Pomeroy. Kung tutuusin ang The Forest ay isang pagtatangkang magamit ang “kaliwang” oportunismo ng lideratong Jose-Jesus Lava bilang pallusot para mapalaganap ang kanang oportunismo at ang makabagong rebisyunismo upang wasakin ang muling lumalakas na rebolusyonarong kilusang masa sa Pilipinas. Ngunit, malas lang ng buhong na rebisyunista, wasto ang muling pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas sa patnubay ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tse Tung at laging matibay na naninindigan laban sa anumang lantaran at kubling pagtatangka na lambungan ang dulo ng tinatahak na landas. Binigyang-diin ni Tagapangulong Mao:

Sumusulong ang daigdig, maningning ang hinaharap at walang sinuman ang makapaglilihis sa pangkalahatang tunguhin ng kasaysayan. Dapat tayong tuluy-tuloy na maglunsad ng propaganda sa masa tungkol sa mga kagana- pan sa pagsulong ng daigdig at sa naghihintay na maningning na hinaharap nang sa gayon ay mabuo ang kanilang tiwala sa tagumpay.

Mga Kontra-Gerilyang Pananaw

Sa esensiya, ang manipis na librong Guerilla and Counter-Guerilla Warfare ay isang paglalahad ng mga kontra-rebolusyonaryo at kontra-gerilyang pananaw ng rebisyunistang si William J. Pomeroy, isang adbenturistang sundalong Amerikano, na ang maigsing panahong inilagi sa piling ng mga “kaliwang” oportunistang lider ng nagsanib na lumang Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosyalista sa Maynila at sa Sierra Madre ay ginamit na puhunang pampulitika at gayundin sa pagbibenta ng kanyang libro.

Sa istilong isang nagsisising adbenturista na naging palasuko, nagpakahirap si Pomeroy para siraan ang armadong pakikibaka, lalo na ang pakikidigmang gerilya, bilang isang rebolusyonaryong sandata; ang gamitin ang mga “kaliwang” oportunistang pagkakamali ng lideratong Jose Lava para maipagtanggol ang kanang oportunismo at makabagong rebisyunismo; siraan ang mga dakilang lider komunista at iitsa-puwera si Tagapangulong Mao Tsu Tung sa usapin ng armadong pakikibaka; ipangaral ang mapayapang pakikipamuhay, mapayapang pagbabago at mapayapang kompetensiya bilang pangkalahatang linya ng pandaigdigang rebolusyon at ipagpilitan ang bulag na pakikipagtulungan sa imperyalismong Amerikano.

Tulad ng mga katoto niyang rebisyunistang Lava sa Pilipinas ngayon, ginamit ni Pomeroy ang istilong magbigay ng matamlay o pabalat-bungang papuri sa itinuturing niyang “munting pangangailangan” ng rebolusyonaryong pakikibaka para lamang maisulong ang kanyang imbing layuning disarmahan ang mambabasa, ang ito’y papagdalawahing-isip at lituhin, at ang ilantad sa pailalim o lantarang kontra-rebolusyonaryong talakayan na bumabatikos sa esensiya ng Marxismo bilang doktrina ng rebolusyonaryong karahasan laban sa makinarya ng burges na estado.

Suriin natin ang aklat ni Pomeroy. May bentahe tayo sa pagsasagawa nito dahil sa pitong taong nakalipas mula nang malathala ito noong 1964 sa bisberas ng pagbagsak ni Kruschov mula sa kanyang rebisyunistang trono.

I. Hinggil sa armadong pakikibaka at “mapayapang pagbabago”

Sa umpisang-umpisa pa lang, iginiit na ni Pomeroy na “para sa mas maraming tao” ang ibig sabihin ng digmaan sa makabagong daigdig ay digmaang nuklear, na gagamitan ng long range missiles, hydrogen bombs, at ng mga modernong sandatang de-pindot na lamang ang pagpapaputok. Ipinaaabot natin sa mga rebisyunista na nangingibabaw ang tao sa mga armas na kanyang ginawa, at ang Marxismo-Leninismo ang ating ispiritwal na bomba atomika, na sa sandaling magagap ng daan-daang milyung mamamayan ng buong daigdig, ay talagang isang materyal na puwersang kayang dumurog sa imperyalismong Amerikano, makabagong rebisyunismo at sa lahat ng reaksiyon. Ayon kay Tagapangulong Mao: “Ang armas ay mahalagang bagay sa digmaan, pero hindi ito ang bagay na nagpapasiya; ang mga mamamayan hindi ang mga bagay ang mapagpasiya.”

Ang paggigiit ni Pomeroy tungkol sa digmaang nuklear at sa mga sandatang nuklear ay isa lamang patutsada para mapalabas na gaya nang sa isang klasikong komprontasyong militar, iniipit ng makabagong rebisyunismong Sobyet ang mga pangunahing puwersa ng imperyalismo sa sentro nito, at binibigyang-daan ang mga pag-atake sa tagiliran na ilulunsad ng mga mamamayan ng mga kolonyang bansa. Isang kaululan ang sabihin ninuman na gumanap na nga ng gayong papel ang makabagong rebisyunismong Sobyet.

Ang totoo niyan, mula nang hatakin ng taksil na rebisyunistang si Kruschov ang Unyon Sobyet sa kapitalistang landas, nagawa ng imperyalismong Amerikano na dalhin ang mga pangunahing puwersang panalakay nito sa Asia, lalo na sa Vietnam at sa buong Indotsina. Sa ilalim ng rebisyunistang pangkating Breshnev, sinalakay mismo ng sosyal-imperylistang Sobyet ang Czechoslovakia, nagpadala ng tropa laban sa “mga kapatid” na bansa sa Silangang Europa at sa Republika ng Mamamayan ng Mongolia, at naglunsad ng madugong pagsalakay laban sa Republika ng Mamamayang Tsino.

Pomustura si Pomeroy na nagpapayo at nangangaral sa imperyalismong Amerikano. Iginiit niya na ang kasalukuyang sitwasyon ng imperyalismong Amerikano sa daigdig ay hindi isang suliraning militar, gaano man pilitin ng imperyalismong Amerikano na magmukhang gayon at ituring na gayon. Kaya, pinayuhan niya ang imperyalismong Amerikano na huwag umasta nang gayon, nang sa gayon ay hindi nito mapukaw ang mas determinadong rebolusyonaryong pagkilos ng mamamayan.

Ipinahihiwatig ni Pomeroy na yayamang ang kabikabilang pagkakaipit na dinaranas ng imperyalismong Amerikano ay galing sa mga pangkabuhayan at pampulitikang kontradiksyon sa organisasyon ng sistema nito, mga pangkabuhayan at pampulitikang solusyon din (at puwera ang militar) ang dapat nitong gamitin. Tahasan niyang sinabi na sa mas mataas na yugto lamang ng digmaang bayan nagiging problemang militar ang problema ng imperyalismong Amerikano. Lahat ng rebisyunistang katsang na ito tungkol sa paghihiwalay ng problemang militar at problemang pangkabuhayan at pampulitika ng imperyalismong Amerikano ay tantiyadong magkukubli sa mapanalakay na katangian ng imperyalismong Amerikano.

Tapos magsimula sa ilang baluktot na pangangatwiran, ipinaliwanag ni Pomeroy sa mataas na tono ng pananalita ng isang rebisyunistang manggagantso na “nungkang nangyari sa kasaysayan ng alimang rebolusyonaryong yugto, na ang armadong paraan lamang ang tangi o ginustong paraan para matamo ang pagbabago at ang kalayaan.” Sa paglilinaw niya ng usapin ng armadong pakikibaka, nakipagbuno siya sa mga gawagawa niyang tauhan na armadong pakikibaka lamang ang gustong gamitin. Subalit ang kanyang imbing layunin ay ang palabnawin ang pundamental na Marxista-Leninistang katotohanan na maibabagsak lamang ang kontra-rebolusyonaryong estado sa pamamagitan ng sandatahang lakas.

Itinuturing niya ang mga puwersa ng rebolusyon sa mga kolonyang bansa na “walang-salang mas gugustuhin ang payapang paraan para pawiin ang mga di-pagkakapantay-pantay sa kabuhayan at sa pulitika.” Iginigiit niya na mag-aarmas lamang ang mga rebolusyonaryo kapag “said” na ang mga mapayapang paraan, subalit ang talagang gusto niyang maiparating ay ang puntong ang mga kontra-rebolusyonaryo ay “atubiling gumagamit ng dahas kapag lamang nauobliga.”

Hindi naman lahat ay habol lituhin ng sira-ulong rebisyunistang ito, dahil hindi naman talaga nito maloloko ang imperyalistang Amerikano at mga alipuris, kundi ang rebolusynaryong masa lamang. Kaso’y nabigo siya. Hindi basta kakagatin ng mga tunay na rebolusyonaryo ang kapayapaan; sila’y naghahanda at naglulunsad ng armadong pakikibaka kailanman maging pabor ang mga kalagayan. Hindi nila ikinalilito ang paghahangad ng kapayapaan sa tunay na pangangailangan at prinsipyo ng armadong rebolusyon. At sila’y hindi napipilitan lamang lumaban, buung-buo ang kanilang sigasig na lumaban. Isang lantay na katunggakan ang ilarawan ang mga rebolusyonaryo na pasibo at desperado sa harap ng kontra-rebolusyonaryong estado at sa harap nang likas na mapanalakay na imperyalismong Amerikano.

Galing ang lahat ng pagkalito ni Pomeroy sa kanyang pangunahing tesis na:

Sa kasalukuyang yugto ng kasaysayan, na mas matindin sa nakalipas, posible mang makamtan ng mga binubusabos na mamamayan ang kalayaan sa napakaraming paraan, na isa lamang ang armadong pakikibaka.

Wala naman itong ibang ibig sabihin maliban sa pagiging isang patakbuhing pagkakaila at pagtatakip sa mga madugong kon- tra-rebolusyonaryong krimen ng imperyalismong Amerikano laban sa mga binubusabos na mamamayan. Ang rebisyunismo ni Kruschov na nitong mga nagdaang taon ay umungot ng “isang daigdig na walang armas, walang sandatahang lakas, at walang digmaan” ay nagbigay sa estado kapitalismo ng batayan para sa ganap na pagtindig ng sosyal-imperyalismo sa ilalim ng rebisyunistang pangkating Breshnev. Mula pa noong dekada sisenta, nagpapaligsahan na ang imperyalismong Amerikano at ang sosyal imperyalismong Sobyet sa pagpapakawala ng kontra-rebolusyonaryong karahasan. Ang mga rebolusyonaryong proletaryo ng buong daigdig ay nananatiling matatag sa pagkilala at pakikibaka laban sa kalupitan ng imperyalismo at mga alipuris nito.

Pinalawig ni Pomeroy ang kanyang rebisyunistang tesis:

Sa bahaging ito, kaya ng kasalukuyang yugto ng kasaysayan, na sa kalakhan ay palipat na sa sosyalismo at sa pagkawasak ng kolonyal na sistema ng imperyalismo, ang patunayang iba sa sinundang malaking pagbabago ng kasaysayan mula piyudalismo tungong kapitalismo ang paraan ng pagbabago nito. Ang naunang paraan ng pagbabago ay tigmak ng mga daluyong ng armadong rebolusyon, mga digmaang sibil at digmaan ng mga bansa na inilunsad ng sumisibol na uring kapitalista upang maagaw ang kapangyarihan. Sa kasalukuyang panahon, hangad ng mga puwersa ng sosyalismo ang isang lipunang walang uri na hindi dadaanin sa digmaan, at sisikapin nitong mapigilan ang mga naghaharing kapitalista naa gumamit ng reaksiyunaryong sandata para mapanatili ang kanilang poder at ang kanilang sistema.

Ang pormulasyon na payapa ang pangkalahatang transisyon ng kapitalismo tungong sosyalismo ay unang pormal na inihain ni Kruschov sa ikadalawampung anti-Staling Kongreso ng Partido Komunista ng Unyon Sobyet noong 1956 na lihis na sa Marxismo-Leninismo. Inuulit lang ni Pomeroy ang sinabi ng yumao niyang rebisyunistang amo. Tinangka ng palsipikadong komunistang ito, na isang ahente ng kontra-rebolusyon, na baligtarin ang Marxismo-Leninismo at palabasing laos na ang armadong pakikibaka. Kinondena niya ang konsepto ng karahasan bilang “isang reaksiyunaryong sandata” nang hindi ipinakikita ang kaibhan ng rebolusyonaryong karahasan at kontra-rebolusyonaryong karahasan.

Patuloy niya:

Ang larawang ito ng pangkalahatang transisyon mula sa isang sistemang panlipunan tungo sa pangalawa na kasalukuyang nagaganap sa daigdig ay nakatutulong sa samutsaring anyo ng pakikibaka na puwede na ngayong umiral nang magkapanabayan: pampulitika, pangkabuhayan, pang-idolohiya, parliyamentaryo, mapayapang pagtutol, demonstrasyong masa, pangkalahatang welga, pati na mga digmaan para sa pambansang kalayaan. Bagaman ang bawat anyo ng pakikibaka ay hinuhubog ng mga makasaysayang kalagayan at ng ugnayan ng mga uri at alyansa sa loob ng isang bansa, hinuhubog din ito ng mga ugnayan ng mga nangungunang kapitalista at sosyalistang bansa sa buong daigdig.

Hindi magagawa ni Pomeroy lokohin ang kahit sino sa pamamagitan ng pagpapalabnaw sa armadong pakikibaka bilang isa lamang “sa samutsaring paraan.” Sa katunaya’y isa lamang ang armadong pakikibaka sa dalawang batayang anyo ng pakikibaka; ang pangalawang anyo ay ang parliyamentaryo o mapayapang pakikibaka. Wala siyang mapapala sa pagpapalabnaw sa dalawang aspeto ng pakikibaka sa pamamagitan ng pagtitilad-tilad sa iba’t ibang anyo ng mapayapang pakikibaka. At ganoon din naman, kapag gumamit tayo ng armadong pakikibaka bilang prinsipal na anyo ng pakikibaka sa kanayunan ng isang malakolonyal at malapiyudal na bansa, gumagmit din tayo ng mapayapa o legal na pakikibaka bilang pangalawang anyo ng pakikibaka para isulong ang armadong pakikibaka. Sa katunayan, ang mapayapang anyo ng pakikibaka ay ang pangunahing anyo ng pakikibaka sa mga kalunsuran ng isang malakolonyal at malapiyudal na bansang gaya ng Pilipinas bago ang pangwakas na pag-agaw sa mga lungsod. Isang katunggakan at putsista ang manangan sa insureksiyon sa mga kalunsuran nang walang koordinasyon sa hukbong bayan na matagumpay na nakapag-ugat sa kanayunan at kaya nang umani ng mga tagumpay sa kalunsuran.

Ang armadong pakikibaka ay walang humpay na inilulunsad sa kanayunan ng daigdig ng Asya, Aprika at Latin Amerika. Ang mga tagumpay na natatamo sa mga pook na ito, tulad nang nakamtan ng mga mamamayang Indotsino ay matinding nagpapahina sa imperyalismong Amerikano at nakatutulong nang malaki sa proletaryo at mga mamamayan ng kalunsuran ng daigdig sa pagsusulong ng kanilang rebolusyonaryong simulain. Sa kabila naman nito, tinutulungan ng rebolusyonaryong kilusang masa sa mga bansang imperyalista ang armadong pakikibaka sa kanayunan ng daigdig. Dapat nating magagap ang diyalektikong relasyon at ang pagsulong ng mga rebolusyonaryong puwersa sa kalunsuran at sa kanayunan ng daigdig.

Ang Dakilang Proletaryadong Rebolusyong Pangkultura sa sosyalistang Tsina ay nakatulong sa dumadaluyong na rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa buong daigdig. Ang pagiging rebolusyonaryo ng daan-daang milyung mamamayang Tsino ay nagbunga nang mas malaking suporta ngayon kaysa noon sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka ng mga binubusabos na mamamayan. Yakap ang proletaryong internasyunalismo bilang pangkalahatang linya ng patakarang pandaigdig nito, maningning na ginagampanan ng Republika ng Mamamayang Tsino ang tungkuli nitong moral at materyal na suportahan ang mga rebolusyonaryong puwersa ng daigdig. Ito ang makaangyarihang likuran ng mga mamamayan ng Indotsina sa kanilang pakikibaka laban sa mananalakay na imperyalismog Amerikano. Ang pakikibaka ng mamamayang Indotsino ang siyang sentro ngayon ng armadong rebolusyon sa daigdig.

Sa pakikibaka para sa kalayaan, hindi lamang ang imperyalismong Amerikano ang binabaka ng mga binubusabos na mamamayan, kundi pati rin ang sosyal-imperyalismong Sobyet. Sa Indotsina ngayon, halimbawa, sinusuportahan ng sosyal-imperyalismong Sobyet ang papet ng imperyalismong Amerikanong gobyerno ni Lon Nol sa Cambodia at patuloy na patago at lantarang sinasabotahe ang pakikibaka ng mga mamamayang Vietnamese at ng Laos. Nang mangusap si Pomeroy ng partikular na anyo ng pakikibaka na “hinubog ng ugnayan ng mga pangunahing bansang kapitalista at sosyalista,” ang ibig niyang sabihin ay ang pagkakasundo at pagsasabwatan ng imperyalismong Amerikano at makabagong rebisyunismong Sobyet na tinatapakan ang pakikibaka ng mga mamamayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Hindi mapapapaniwala ni Pomeroy ang mamamayan na kinakatawan ng makabagong rebisyunismong Sobyet at ng mga alipuris nito ang pangunahing pandaigdigang puwersang mapagpalaya. Sa halip biguin ang mga imperyalistang plano para sa isang malaking digmaan ng pananalakay, tinahak ng makabagong rebisyunismong Sobyet ang landas ng sosyal-imperyalismo at nakakabangga lamang nito ang imperyalismong Amerikano dahil lagi nilang tinatangkang agawin ang mga sakop na teritoryo ng bawat isa. Ngunit kapit-bisig ng dalawang ito sa pagsalungat sa rebolusyonaryong kilusan ng mamamayan at sa pangangaral ng pagsuko at mapayapang pagpapasakop ayon sa kannikanilang paraan ng pagsakop.

Mula nang malathala ang kontra-rebolusyonaryong aklat ni Pomeroy noong 1964, marami ng kaganapan ang nangyari na malinaw na nagpapakita na isa lamang itong “bunton ng kasinungalingan.” Malinaw na nalatag ang pundamental na pagkakaiba ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tse Tung at ng makabagong rebisyunismo. Sa panahon ng kasalukuyang paghahari ng pangkating Breshnev, ang buladas na kapayapaan ni Kruschov ay naging lantay na pandarahas ng monopolyo burukratang burgesya ng Sobyet laban sa mamamayan, sa rebolusyon, sa Komunismo at sa Tsina. Mula pa sa panahon ni Kruschov, lantarang pakikipagkutsabahan sa imperyalismong Amerikano sa pangungulimbat at pagsira sa kalooban ng mamamayan ang ibig sabihin ng makabagong rebisyunismo.12

Sinasabi ni Pomeroy na dahil sa makabagong rebisyunistang Sobyet, nagawa ng mga pinuno ng maraming bansa sa Asya at Aprika—tulad ng India, Ghana at Nigeria—ang makapagmaniobra para sa “kalayaan” nang hindi gumagamit ng armadong pakikibaka. Sinabi pa niya na napawi na sa mga bansang ito ang armadong kontrol at armadong panghihimasok ng imperyalismo. Iminungkahi pa niya na mula sa kanilang kalagayan noong 1964, maaaring sumulong ang mga bansang ito tungo sa “sosyalismo.” kayang-kaya ni Pomeroy magpakulo ng mga rebisyunistang kasinungalingan!

Hindi naman totoong malayaang India at nasa ilalim pa rin ito ng pang-aapi at pagsasamantala ng imperyalismong Amerikano, sosyal-imperyalismong Sobyet, at ng komprdor-burukrasyang burgesya ng India at uring panginoong maylupa. Ang kudetang suportado ng Estados Unidos laban sa gobyernong Kwame Nkrumah ay hindi maittangging ebidensiya na kabaligtaran ng idinadaldal ni Pomeroy. Ang Nigeria ay naging sawimpalad na biktima ng malupit na panghihimasok ng magkasanib na imperyalismong Ingles-Amerikano at sosyal-imperyalismong Sobyet. Inilantad lamang ni Pomeroy ang sarili bilang ahente ng kontra-rebolusyon sa pamamagitan ng tunggak na pagbibigay niya ng mga pruweba para masuportahan ang kanyang rebisyunistang tesis.

Sinasabi ni Pomeroy na “ang armadong pakikibaka ng mamamayan ay nagsimula noong ipagbawal ng batas ang mga unyon ng mga manggagawa at magbubukid na nakikibaka para mapalaki ang parte ng mga manggagawa at magbubukid sa supertubong hinahamig ng mga imperyalista mula sa kanilang paggawa.” Pinalalabas niya na kapag pinayagan ng mga naghaharing uri ang legal na pag-iral ng mga unyng manggagawa at unyong magbubukid mawawala na ang batayan ng armadong rebolusyon. Nagkamali rin siya sa pagtinging gusto lamang ng mga manggagwa at magbubukid na “makaparte nang mas malaki sa supertubo ng imperyalista.” Lahat ng mga buladas na ito ay tantiyado para maatake ang mga batayang prinsipyo ng Marxismo na nagbibigay-sigla sa masang anakpawis maglunsad ng armadong pakikibaka.

Sa unang kabanata pa lamag na may pamagat na “Bakit Digmaang Gerilya” ng kanyang aklat, hindi na naglubay si Pomeroy sa paghimok sa masa na huwag maglunsad ng armadong pakikibaka. Sa huling talata ng kabanatang ito, inamin niya ang katotohanang napakalawak ng mapaggagamitan ng digmaang gerilya ngayong mga panahon na para bang pabor siya rito, lalo na nang sabihin niyang ito ang pinakamabisang panimulang paraan ng masang hindi armado. Pero, muli siyang gumawa ng makapagpapahina ng loob ng maliliit na bansa sa puntong pinalalabas niyang ang digmaang gerilya ay isang anyo ng pakikibaka “na angkop sa malalaking magubat pang lupalop; kung saan halos hindi magagamit ang mga modernong kagamitang pandigma.” Ito’y pag-uulit lamang naman ng lumang kaisipang matgal na niyang naibahagi kay Luis Taruc.

Sa pahayag noong ika-20 ng Mayo, 1970 itinuro sa atin ni Tagapangulong Mao:

Di-mabilang na mga pangyayari ang nagpapatunay na ang isang makatwirang simulain ay umaani nang masaganang suporta, samantalang kakaunti ang suporta sa isang lisyang simulain. Magagawang gapiin ng isang mahinang bansa ang isang malakas na bansa, ng maliit na bnsa ang malaking bansa. Talagang kayang gapiin ng mamamayan ng isang maliit na bnsa ang pananalakay ng isang malaking bansa kung sila’y mangangahas makibaka, mangangahas humawak ng sandata at ilalagay sa kanilang mga kamay ang kinabukasan ng kanilang bansa. Ito ang batas ng kasaysayan.

II. Hinggil sa lideratong Jose-Jesus Lava

Ang kabanatang “The Philippine Model” ay angsentro ng siyam na kabanatng aklat ni Pomeroy. Dito, nagbitiw siya ng ilang umuupasala-sa-sariling pag-amin na kumumpirma sa mga katotohanang binabanggit sa dokumento ng pagwawasto, ang “Iwasto ang mga pagkakamali at muling itatag ang Partido,” ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Tungkulin naming pasinungalingan ang malabnaw na dipensa ni Pomeroy sa mga batayang pagkakamali ng mga Lava. Simple itong magagawa sa pamamagitan ng paglalantad sa magkakasalungat na pahayag, labulabong paghahain ng mga problema, di-pagpapakita ng pagkakaiba ng istratehiya at taktika, at pagbibigay ng pangunahing diin sa mga pumapangalawang usapin.

Kaya mapanganib ang mga akda ni Pomeroy para sa rebolusyonaryong kilusan sa kasalukuyang panahon ay dahil ginagamit ng mga ito ang “kaliwang” oportunismo ng lideratong Jose Lava para mabigyang-katwiran ang kanang oportunismo. Sa kasalukuyan, mandi’y gustung-gusto na rin ng mga Lava na itakwil ang mga pagkakamali ng lideratong Jose Lava, ngunit ang gayon ay para lamang katigan ang kanang oportunismo at makabagong rebisyunismo nina Jesus Lava at William J. Pomeroy. Sinadya nilang palabuin ang kahulugan ng “kaliwang” oporto para mapawalang-sala ang lideratong Jose-Jesus Lava at maatake sa pamamagitan ng pambabaligtad ang Partido Komunista ng Pilipinas at ang Bagong Hukbong Bayan hinggil sa usapin ng armadong pakikibaka. Sinasabi ng rebisyunistang si Pomeroy na matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig “walang organisadong insureksiyunaryong pagpupunyagi na may malinaw na malinaw na estratehiko at taktikal na layunin sa Pilipinas” tulad nang mayroon sa ibang dako ng Asya. Inamin niya naang HUKBALAHAP na naglunsad ng pakikidig- manggerilya laban sa pananakop ng Hapon ay binuwag pagkatapos ng digma at bumaling ang mga kadre at miyembro nito sa “mga legal na anyo ng parliyamentaryo at pangekonomyang pakikibaka.”

Pero, para maipagtanggol ang imbing hangarin ng mga Taruc at Lava na magkaroon ng puwesto sa papet na reaksiyunaryong gobyerno noong panahon iyon, ani Pomeroy:

Kailangang isaalang-alang ng kilusang Huk ang katotohanang limitado ang organisasyon nito sa kalahating dosenang lalawigan sa pulo ng Luzon samantalang nasa iba’t ibang dako ang puwersang gerilyang suportado ng Amerikano. Bukod pa rito, may naasaad sa batas na pangakong kalayaan ang Estados Unidos na ipatutupad sa 1946, at handa na ang isang malakas na papet na organisasyong pampulitika na bawiin ang pagpapatakbo ng bansa sa tulong ng hukbong Amerikano at ng hukbong sandatahan ng Pilipinas na kontrolado ng mga Amerikano.

Ang masa at hindi ang mga Lava at Taruc ang sinisi ni Pomeroy sa pagiging hindi handa ng “kilusan” laban sa pagbabalik ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas. Ang kawalang ito ng kahandaan ang pinalalabas na dahilan sa pagbuwag sa HUKBALAHAP at sa pagsawsaw ng mga Lava at Taruc sa negosyo ng parliyamentarismong burges. Ganap na pinagtakpan ni Pomeroy ang katotohanang nabigo ang mga buhong na ito na wastong magtaguyod ng patakaran ng pagkakaisa at pagtutunggali sa loob ng anti-pasistang alyansa noong panahon ng digma; na itinaguyod ng mga ito ang maling linyang “umatras at magtanggol”; na nakaligtaan nilang balaan ang masa sa pagbabalik ng imperyalismong Amerikano at ng mga mapagsa- mantalang piyudal; at hindi sila nakapagtayo ng matibay na demok- ratikong base para labanan ang pagbabalik ng mga halimaw na iyon.

Buong kahambugang sinabi ni Pomeroy na kustombre ng mga Huk ang pangaraping maging kapanalig nila ang hukbong Amerikano." Dapat paalalahanan ang buhong na rebisyunistang ito na bago, habang at matapos ang anti-pasistang digmaan laban sa Hapon, ang mga Lava at Taruc ang nanindigan na totoong ipagkakaloob ng imperyalismong Amerikano ang kalayaan ng sambayanang Pilipino. (May paniwalang-paniwala pang sinasabi ngayon si Pomeroy na isang “Anti-imperyalistang Liga” sa Estados Unidos para “tumulong na maitadhana ng Kongreso ng Amerika ang batas na maglalagay sa Pilipinas sa landas ng sariling pamamahala.” Anong sariling pamamahala ang pinagsasasabi niya?)

Kinontra ni Pomeroy ang sarili nang aminin niyang sa harap ng kamay-na-bakal ng kaaway ay muling nagorganisa at lumaban ang Huk sa sarili nilang inisyatiba at nang halos walang gumagabay na sentro; na noong panahong ito ay sabog ang Partido Komunista, hindi nagkakaisa sa istratehiya at taktika at walang malinaw na perspektiba tungkol sa hinaharap. Noong tuluy-tuloy at lumalawak ang armadong pakikibaka mula kalagitnaan ng 1946 hanggang 1948, ang mga pinuno ng “kilusan” ay garapal na tumutulong sa kontra-rebolusyonaryong papt na estado sa kampanya niyong pagdurog sa rebolusyonaryong kilusan at nagsusumamong “ibalik sa dating katayuan ang mga demokratikong karapatan.”

Sa hangad na mapagtakpan ang lideratong Jose Lava, sinasabi ni Pomeroy na noong Mayo 1946 napili na ang “lideratong may mas malinaw na pananaw” at napagtibay na ang isang programa ng pakikibaka na “malinaw ang mga layunin ng kalayaan.” Baligtad na namang muli sa nauna niyang sinabi, inamin ni Pomeroy na “ginawa ang gayong hakbang para magamit ang lumalakas na puwersa ng mga Huk bilang kartada sa paghingi ng demokratikong kapayapaan, para sa muling paglulunsad ng parliyamentaryong pakikibaka.” Nagpakagumon ang mga Lava at Taruc sa pagsusumamo sa reaksiyunaryong gobyerno na pagtibayin ang “makabansa at anti-imperyalistang linya,” sa halip na linawin at itaguyod ang tamang istratehiya at taktika ng digmaang bayan.

Kaya, noong Hunyo 1948, pinahintulutan ng “lideratong mas may malinaw na oryentasyon” si Luis Taruc na lantarang makipagtawaran sa papet na rehimeng Quirino sa pagbibenta ng rebolusyon. Pinagbunyi ni Pomeroy ang kataksilang ito sa rebolusyonaryong masa bilang tagumpay ng kilusang Huk. Tuwang-tuwa si Pomeroy na “ang kilusang Huk ay nakapagmaniobra at tumanggap ng amnestiya buhat sa pangulo.”

Inamin pa ni Pomeroy na bagaman itinuloy ng liderato ng Huk ang "armadong pakikibaka at ang pagpapalakas ng puwersa mula 1948 hanggang 1949, hindi naman nito binitawan ang “posibilidad ng demokratikong pakikipagkasundo.” Ayon sa kanya, inakala nito na ang suportang ibinigay sa partido Nacionalista at sa kandidatong si Jose P. Laurel noong eleksiyon ng 1949 ay magbubunga ng isang “mapayapang makabansang kasunduan.”

Malinaw na sinabi mismo ni Pomeroy na dibdibang naglingkod ang mga Lava at Taruc bilang mga kinatawang pampulitika ng burgesya sa loob ng rebolusyonaryong kilusan pati na sa loob ng nagsanib na lumang partido. Nang mabigo lamang sa kanilang burges na ambisyong pampulitika saka nila inagaw ang pormal na pamumuno sa nagsanib na lumang partido mula sa mas walanghiyang Makakanan tulad nina Pedro Castro at Jorge Frianeze.13 Tinangka nilang patuloy na gamitin ang rebolusyonaryong kilusang masa sa paghingi ng pampalubag-loob sa kaaway na mas tuso sa kanila sa larong trayduran.

Kumpisal ni Pomeroy:

Kung sa mula’t mula o hanggang nitong 1948 ay nagluwag lamang ang imperyalistang Amerikano at mga kaalyadong komprdor-panginoong maylupa, natamo sana ang kapayapaan sa Pilipinas nang walang radikal na pagbabago sa sistemang panlipunan at nang walang marming nasayang na buhay at kayamanan.

Hindi namamalayan ni Pomeroy na ipinakikita niyang handa sanang makipagkasundo ang mga Lava at Taruc kung ibinigay lamang ng kaaway ang kanilang mga kahilingan at handang itigil ang armadong pakikibaka para pareparehong mapanatag ang lahat.

Sinabi ni Pomeroy na noong enero 1950, matapos ng tatlong taon ng panunupil at paglaban, idineklara ng kilusang Huk ang pag-iral ng isang “rebolusyonaryong kalagayan.” Isinulong niya ang isang malabong pananaw na “umabante na ang kilusang Huk mula sa taktikal na depensiba at taktikal na pakikipagkasundo tungo sa taktikal na opensiba.” Mapapansin natin dito na alinman sa hindi alam ni Pomeroy ang kanyang sinasabi o sinasadya niya lamang lituhin ang mga mambabasa.

Anong ibig sabihin ng “rebolusyonaryong kalagayan” na sumulpot noon lamang 1950? Madaling makita ang kakaibang pagpapakahulugan ni Pomeroy sa terminong ito, isang pagpapakahulugang hindi kumikilala sa kongkretong kalagayan ng isang malakolonyal at malapiyudal na bansa kung saan ang mga inaaping masa ay nakikibaka na laban sa mga reaksiyunaryo bago man noong 1950. Anu’t anuman, ginamit niya ang termino para palabasing nang pormal na ideklara ng mga Lava at Taruc ang “rebolusyonaryong kalagayan” noong 1950, hinog na ang kondisyon para sa hukbong bayan na wala pang limang libo ang puwersa na maglunsad ng “istratehikong opensiba” upang makamit ang istratehikong layuning agawin ang kapangyarihang pampulitika sa buong bansa sa loob ng napakaigsing panahong dalawang taon.

Ang ibig niyang sabihin ng pag-abante mula sa “taktikal na depensiba at taktikal na pakikipagkasundo tungong taktikal na opensiba” ay pagtalon mula sa paglulunsad ng parliyamentaryong pakikibaka bilang pangunahing anyo ng pakikibaka at paglahok sa Kanang oportunistang palasukong tindig tungo sa “kaliwang” paglihis sa matagalang digmaang bayan at kagyat na paglulunsad ng “istratehikong opensiba” para mapalaya ang bayan sa isang iglap. Ang kapusukan ng mga Lava at Taruc ay katangian ng mga talamak na elementong petiburges na nakapasok sa proletaryadong partido. Tulak ng suhetibismong burges o petiburges ang mga pabigla-bilang pagpaling sa kanan at “kaliwang” oportunismo.

Marami tayong makikitang pumupusturang Marxista-Leninista na mahina ang kukote. Wala pang batayan ng istratehikong opensiba noong 1950. Tulad pa rin ang mga kalagayan noong bago mag-1950 na istratehikong depensiba at taktikal na opensiba pa rin batay sa balanse ng mga puwersa. Ang paglulunsad ng digmaang gerilya at paglaban sa labas ng linya ng depensa (exterior line) sa loob ng larangan (interior line) ang pinakamabisang paraan ng pakikipaglabang magagawa natin sa isang malakolonyal at malapiyudal na bansa, ang isa-isang durugin ang malakas na puwersa militar ng kaaway sa malawak na kanayunan, at magkaroon ng mahabang panahon na kailangan para sa pagmumulat at pagpapakilos sa malawak na masa ng sambayanan sa buong bansa, ang mapalalim ang rebolusyong agraryo at anti-imperyalistang pakikibaka, at maitayo ang mga batayang sandata ng rebolusyon. Kung pinag-aralan lamang ng mga nagpapanggap na rebolusyonaryong ito ang mga akda ni tagapangulong Mao at ang mga kongkretong kalagayan ng Pilipinas, nalaman sana nila ang dapat gawin at hindi isinugal ang maliit na armadong puwersa ng rebolusyonaryong kilusan.

Nagbitiw si Pomeroy ng dalawang magkasalungat na pahayag na parehong tantiyadong magpapagaan at magtatakip sa istratehiko at taktikal na pananagutan ng lideratong Jose Lava:

  1. Ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng kilusang Huk ay ang malupit na panunupil militar, na inilunsad nang may malaking suportang militar ng Estados Unidos, ng isang hukbong inarmasan, sinanay at pinangangasiwaan ng isang pulutong na tagapayong militar na Amerikano.
  2. Bumagsak ang kilusang Huk, una sa lahat, dahil na rin sa mga taktikal na pagkakamali nito; pangalawa lamang ang lakas at ang mga patakaran ng mga puwersang pansupil.

Tulad ng sinumang sinungaling, sariling bibig mismo ni Pomeroy ang nagkanulo sa kanya.

Responsable ang lideratong Jose Lava sa mga istratehikong pagkakamali at hindi lamang sa mga taktikal na pagkakamali. Ang mga istratehikong pagkakamaling ito ay ginamit ng kaaway na nakalalamang sa puwersang militar. Kalokohan ang paggigiit ni Pomeroy na “hindi maiiwasan” ang isang armadong pakikibaka na may “insureksiyunistang katangian.” Lalong kalokohan ang sinasabi niyang dapat ay sinabayan iyon ng iba’t ibang anyo ng legal na pakikibaka." Isang baluktot na interpretasyon ng isang matagalang digmaang bayan ang kanyang sinasabi sa pagmumungkahing dapat itong itinaguyod bilang pampuno sa legal na pakikibaka.

Dapat maging malinaw sa lahat na segun sa angking lakas ng rebolusyonaryong armadong puwersa at ng buong rebolusyonaryong kilusan noong panahon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang patakarang istratehikong depensiba at taktikal na opensiba, na paglipol sa kaaway ang pangunahing anyo, ay dapat inilunsad na bago at pagkatapos ng 1950. Sa buong panahong ito, dapat naglunsad na ng mga legal na pakikibakang masa sa mga lungsod at kabisera upang suportahan ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka.

Napakatanga ni Pomeroy na sabihing ang mga pagkakamali sa teorya at istratehiya ng lideratong Lava ay dahil sa “kalakhan” sa “pagiging hiwalay ng pambansang kilusang mapagpalaya ng Pilipinas sa mga rebolusyonaryong kilusan ng ibang bansa” dahil sa pagiging kapuluan ng Pilipinas.14 Itinatangis niya na isa o dalawang pinuno lamang (siyempre, kasali ang sarili ng tarantado) ang nakalabas ng Pilipinas para makabahagi sa mga karanasan at aral ng mga pakikibaka ng ibang bansa. Sa halip amining nakarating na sa Pilipinas ang mga akda ni Tagapangulong Mao na buong kayabangang ibinasura ng mga Lava at Taruc na anila’y hindi angkop sa bansa, pinili ni Pomeroy na tumahi ng malaking kasinungalingan at sabihing “wala ang kilusang Huk nang ni isang teoretikal na akda ng sinumang Marxista o di-Marxista na maalam sa pakikidigmang gerilya.”

Ang totoo, bago pa man magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakarating na sa Pilipinas ang mga teoretikal na akda nina Marx, Engels, Lenin, Stalin at Mao Tse Tung. Higit pa rito, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may karanasan na ang sambayanang Pilipino at ang HUKBALAHAP na mapag-aaralan at malalagom. Kaso nga lamang at ang laman ng kukote ng mga Lava at Taruc ay ang pagsalubong sa imperyalistang Amerikano, kaya pati na rin sa mga panginoong maylupa, noon pa mang Setyembre 1944, bagaman nahinto na ang patakarang “umatras para magtanggol.” Noong hindi na mapigilan ang paglakas ng armadong pakikibaka ng rebolusyonaryong masa, sinabotahe iyon ng lideratong Jose Lava sa pamamagitan ng paggamit sa 90-week Master Training Schedule ng hukbong Amerikano at sa kaalaman ni Pomeroy tungkol sa hukbong Amerikano bilang mga pangunahing gabay.

Talagang katawa-tawang sabihin na ang kapalpakan ng Oktubre 1950, ang pagkakadakip sa buong prinsipal na liderato ng nagsanib na lumang partido sa Maynila, ay bunga lamang ng “sobrang tiwala,” kawalang-ingat at mga maling hakbanging panseguridad ng pambansang kilusang mapagpalaya." Dapat malinaw na mapaabot sa lahat ng taksil na rebisyunista sa bansa na resulta ang kapalpakang iyon ng napakalaki at napakagagong pagkakamali, ng tahasang pagsalungat sa Marxismo-Leninismo ng mga namumunong kinatawan ng burgesya sa loob ng lumang nagsanib na Partido. Kahit ngayon, inuulit ang ganitong katunggakan ng mga taksil na rebisyunista. Ang pagpirmi ng lideratong Jose Lava sa isang lugar (sa Maynila) kung saan mas lalong mahirap itong makadipensa ay bunga ng kamalian sa teorya at istratehiya.

Sa lubus-lubusang pagtutuon sa mga sekundaryong dahilan para mapagtakpan ang mga pangunahing sanhi ng kabiguan ng lideratong Jose Lava at pati na rin ng pumalit na lideratong Jesus Lava, idinaing ni Pomeroy na “wala ni isa mang lider ang may kakayahang umunawa sa kabuuang teoryang militar o sa mga elemento ng istratehiya at taktika batay sa mga kalagayan ng Pilipinas”; na ang “kakulangan sa lideratong militar ay sinasaliwan pa ng mababang kalidad ng armas at paraang gerilya ng mga Huk”; at “wala ni anumang uri ng tulong, armas, pondo o kagamitan sa pagsasanay man lamang na dumating mula sa labas ng Pilipinas.”

Desidido talaga si Pomeroy na linlangin ang sambayanang Pilipino at ang lahat ng rebolusyonaryo. Naghahanap siya ng mahuhusay na heneral na nagtapos sa burges na akademyang militar at hindi niya nakita kung paano lubos na humuhusay ang tunay na proletryadong rebolusyonaryong partido sa Marxista-Leninistang teorya at praktika at isinisilang ang mga tunay na lider nito sa takbo ng rebolusyonaryong pakikibaka. Hinamak niya "ang mababang kalidad ng armas na naagaw noong panahon ng anti-pasistang pakikidigma laban sa Hapon at ang mga puwede pang maagaw sa kaaway. Matindi niyang inirireklamo na mga machine guns at Browning automatic rifles lamang ang mga sandata ng hukbong bayan. Ano ba gusto niya? Ang magkaroon agad ang hukbong bayan ng mga tangke at eroplano? Baka pati atomic bomb ay gusto niyang magkaroon yayamang sagadsaran siyang tumahi ng kasinungalingan na ang hukbong bayan ay wala ni granada (na meron naman).

Ipinanlulumo ni Pomeroy na halos giting lamang sa pakikibaka ang sandata ng mga manggagawa at magbubukid. Hindi ba ito mabuti? Kung wastong mapanghahawakan ang puwersang pampulitikang ito, di sana’y nalikha nito ang mga bihasang teknisyan, ang sistemang radyo, ang gamit sa komunikasyon, ang mga bomba at ang iba pang ipinagdarasal lamang ni Pomeroy na makamtan. Ang pangunahing pagkakamali ng mga Lava at Taruc ay ang kanilang lantay militr na pananaw at putsismo.

Itinangis ni Pomeroy ang pangyayaring walang tulong na dumating mula sa ibang bansa para sa pambansang kilusang mapagpalaya ng Pilipinas. Sinulat niya na walang grupo o komite na magpapaabot sa daigdig kung ano na ang mga nangyayari sa bansa o mangangalap ng pandaigdigang suporta. Talagang pilipit ang ang pagtingin ni Pomeroy sa dakilang panuntunan ng proletaryong internasyunalismo. Mula’t sapul nakakatanggap ng mga suportang babasahin ang rebolusyonaryong kilusan ng Pilipinas na sobra-sobra sa hinihingi ni Pomeroy. Hindi matatawaran ang malaking tulong ng pandaigdigang teorya ng Marxismo-Leninismo sa isang tunay na rebolusyonaryong kilusan. Lalaging malaking tulong sa sambayanang Pilipino ang mga rebolusyonaryong pakikibaka ng ibang bansa laban sa imperyalismong Amerikano.

Si Pomeroy ang “banyagang tagapayo” hindi lamang ng lideratong Jose Lava kundi pati na rin ng lideratong Jesus Lava. Siya ang nagbibigay ng “tagubiling teoretikal” sa patakaran ng “matagalang pakikidigma na may elemento ng pagkainip (attrition)” na pinagtibay sa isang biglaang komperensiya ng Komite Sentral noong Pebrero-Marso, 1951. Wala ring nangyari sa patakarang ito dahil hindi naiwasto at sa katunayan ay pinatgal pa nga ang “kaliwang” oportunismo ng lideratong Jose Lava. Ayon kay Pomeroy, kinailangan ng ng lideratong Jesus Lava sa dakong huli na “magbago ng taktika” noong 1955 “na sa wakas ay kumilala sa kahalagahan ng matagalang pakikibaka at sa taktikang pagsasanib ng armadong pakikibaka at legal na pakikibaka.” Ang talagang ibig sabihin dito ay ang pagttaguyod ng linyag matagalang legal na pakikibaka at ng lagalag na rebeldeng pananaw ng mga natitirang kasapi ng hukbong bayan na nang lumaon ay nabulok at naging bandidong pangkating pinamunuan nina Taruc at Sumulong.

Laging ginagamit ni Pomeroy ang salitang “taktika” sa pagtukoy sa bawat yugto ng rebolusyonaryong kilusang masa sa ilalim ng mga Lava. Lumilitaw na walang tiyak na istratehikong linya ang liderato ng pangkating Lava. Siyempre, lagi silang may kung anong istratehikong linya at istratehikong pagkakamali. Sa katunayan, ang mga istratehikong pagkakamali ng mga Lava at ng kanilang mga alipuris ay sobra-sobra para ilublob sila sa kangkunga ng kasaysayan.

Mandi’y walang pagkalupig ang burges na liderato ng mga Lavaista, naniwala si Pomeroy na ang muling paglakas ng rebolusyonaryong kilusan noong dekada 60 ay bunga ng matagalang pakikibakang legal sa pamumuno ni Jesus Lava. 15 Alam ng lahat na pagtuntong ng 1960, wala ni isa mang sangay ng Partido ang nasa ilalim ng solo-katawang liderato ni Jesus Lava. Itinaguyod ang tuluy-tuloy na armadong pakikibaka sa kanayunan at ang rebolusyonaryong kilusang masa sa kalunsuran na wala siyang manda. Sa pagitan ng 1955 at 1964, inilunsad ni Jesus Lava ang sumusunod na mga “dakilang gawain” ng matagalang pakikibakang legal: paglayas sa kanayunan, pagkawalay sa pulitika dahil sa pagkukulong sa kanyang kuwarto, ang patakaran niyang buwagin ang partido at ang pagsuko niya sa reaksiyunaryong gobyerno sa katapustapusan. Noong 1963-64, garapal na pinasimulan ng bandidong pangkating Taruc-Sumulong ang sarili nitong kontra-rebolusyonaryong pamumuno sa mga gerilya ng Gitnang Luzon nang hindi man lamang tinutulan ni Jesus Lava.

III. Tungkol sa mga dakilang komunistang lider

Para mapatamis ang kanyang mga kontra-rebolusyonaryong pahayag, tinanggap ni Pomeroy ang katotohanang sinabi ni Marx noon pang 1849 na:

Sa pakikibaka ng isang bansa para sa kanyang kalayaan, hindi ito dapat mahigpit na sumunod sa mga kalakarang prinsipyo ng digmaan. Kailangan ang malawakang pag-aalsang masa, mga rebolusyonaryong paraan, mga pangkat gerilya sa lahat ng dako; ang mga ito ang tanging mga kasangkapang magagamit ng isang maliit na bansa sa pagtatanggol laban sa kaaway na nakalalamang sa bilang at kagamitan. Sa paggamit sa mga ito, magagapi ng isang mahinang puwersa ang mas malakas at mas organisado nitong kaaway.

Makalipas ang isang buong daantaon noong 1949, lubos na pinatunayan ang katumpakan ng teorya at praktika ng digmaang bayan nang tagumpay ng rebolusyong Tsino sa ilalim ng proletaryadong rebolusyonaryong pamumuno ni Tagapangulong Mao Tsetung. Ang nakapagtataka sa isang aklat na naglalayong talakayin ang digmaang gerilya at kontra-gerilya ay ang ganap na pagpupuwera at pagbabasura nito sa teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao at sa kanyang wala pang kapantay na mayamang karanasan sa pamumuno at pagwawagi ng isang digmaang bayan. Nabanggit niya lamang si Tagapangulong Mao sa isang bahagi ng aklat at sa kabanatang “digmaang gerilya” sa kasaysayan ng Estados Unidos at si George Washington ang pinalalabas niyang pasimuno ng digmaang gerilya.

Walang anumang layunin si Pomeroy na talakayin ang digmaang gerilya bilang isang rebolusyonaryong sandata. Sapagkat ang ganito ay mangangailangan ng isang masinsinang pagtalakay sa teorya at praktika ng digmang bayan ni Tagapangulong Mao. Maging sa pagtalakay niya sa kasaysayan ng Estados Unidos, mas interesado siyang ilarawan ang mga dikanais-nais na mga pangyayari sa nakalipas na digmaang gerilya kaysa ipakita ang pakikidigmang gerilya bilang isang positibong paraan ng pakikibaka ng sambayanan sa kasalukuyang panahon. Siniraan niya ang mamamayang naglulunsad ng pakikibaka para sa pambansang kalayaan sa pagsasabing ang “kanilang paraan ng pakikibaka” ay katulad ng ginamit ng American Committees of Safety noong nagdaang 199 taon na gumamit ng mga teroristang paraan tulad ng panununog ng bahay, panghihiya, paggutay ng katawan at iba pang tulad nito.

Ang haba ng pagtalakay ni Pomeroy sa kanyang libro tungkol sa kontra-insureksiyong programa ng Estados Unidos. At inamin niya na mula pa 1961, ibayo nang sinanay at ginamit ang hukbong Amerikano para sa kontra-gerilyang pakikidigma laban sa mga binubusabos na mamamayan ng daigdig. Kinondena niya ang “espesyal na puwersang” Amerikano dahil sa pagsunod nito sa tinatawag niyang “French theory of suppression,” at sa “British Experience.” Pero, hindi niya naipakita sa kabuuan ng aklat kung paano magagapi ng digmaang gerilya ang digmaang kontra-gerilya. Alinsunod sa pangaral para sa “mapayapang pakikipamuhay” at sa pakikipagtulungan sa imperyalismog Amerikano, ginawa niya ang “pagbubunyag” sa kontra-insureksiyong programa ng Amerikano para takutin ang mga kolonya at malakolonyang mamamayan sa halip na ihanda sila para sa magiting na rebolusynaryong armadong pakikibaka.

Lalong naging malinaw ang pagiitsa-puwera ni Pomeroy kay Tagapangulong Mao sa kanyang kabanata tungkol sa mga komunista at sa digmaang gerilya. Nagpapakita lamang naman kasi ito ng kanyang kontra-rebolusyonaryong layunin. Kaya maiintindihan ang pagiits-puwera niya kay Tagapangulong mao. Pati nga sina Marx, Engels at Lenin ay binanggit niya para lamang pagsisiraan. Sa kabuktutan niyang ito marapat lamang natin siyang isumpa.

Naglalaway ang rebisyunistang si Pomeroy na mapalaganap ang kaisipang ang karahasan, lalo na ang digmaang gerilya, ay isang hakbang na dapat iwasan. Aniya sa istilo ng isang palsipikadong tagapagtanggol ng mga komunista:

Sinasabi ng mga tagapagtaguyod ng mapanupil na “special forces” na ang digmaang gerilya ay “inagaw” ng mga komunista para sa “pansarili nilang layunin”; o sa madaling sabi, ginagamit ng mga komunista ang sinaunang anyo ng pakikibaka para manindak… Dalawang larawan ang gustong mabuo ng mga imperyalista sa mga paratang na ito: ang mapagtambal ang mga komunista at ang karahasan sa pagsasakatuparan ng kanilang layunin, at ang maipakitang lahat ng armadong pakikibaka ay “sulsol” ng mga komunista. Ginoong rebisyunista, hindi namin kailangan ang iyong palsipikadong depensa at mga pagtatakip. Lagi naming ipinagmamalaki at nahahandang gumamit ng rebolusyonaryong dahas laban sa kontra-rebolusyonaryong karahasan. Ang ikahihiya namin at pakatutuligsain ay ang ilusyong sa isang mapang-aping lipunan ang aming rebolusyonaryong mithiin ay pangunahing makakamit sa pamamagitan ng mapayapang paraan. Sa ika-100 taong ito ngayon ng Paris Commune, ginugunita natin ang kaisa-isang “amiyenda” na ginawa nina Marx at Engels sa Communist Manifesto na ipinasok sa pambungad ng edisyong Aleman noong 1872 ng dakilang akdang ito:

Isang bagay ang malinaw na napatunayan ng Commune, hindi basta makukuha ng uring manggagawa ang nakatayong makinarya ng estado at gamitin ito para sa kanilang mga layunin…

Kailangang basagin, durugin ang nakatayong makinarya ng estado. Upang walang sinumang malinlang ang mga rebisyunista, kailangan ng lahat ng komunista na basahin at balik-balikan ang akdang State and Revolution ni Lenin. Hindi kailanman kusang isususko ng mga reaksiyunaryong uri ang kanilang kapangyarihan. Kaya, marapat panghawakan ang Marxista-Leninistang linya hinggil sa usapin ng paggamit ng dahas.

Sa tuwina, ang pagkilala sa pangangailangan ng rebolusynaryong dahas laban sa kontra-rebolusyonaryong karahasan ang linyang naghihiwalay sa mga Marxistang rebolusyonaryo at mga oportunista. Ito ang linyang naghiwalay sa Leninismo at sa Ikalawang Internasyunal; nililinaw nito ang pagkakaiba ng rebolusyonaryong tagumpay ng mga Bolshevik sa Rebolusyong Oktubre at ng mala-aliping paglilingkod ng mga rebisyunista at oportunista sa imperyalismo. Ang tagumpay ng rebolusyong Tsino ay muling nagpatunay sa katotohanang “nagmumula ang kapangyarihang pampulitika sa dulo ng baril.”

Sa hindi pagtantan ng kanyang mga kontra-rebolusynaryong pananaw, isang garapal na kasinungalingan ang hinabi ni Pomeroy na paninira kina Marx at Engels. Aniya:

Ang mga pagkatalong dinanas ng mga insureksiyunaryong pakikibakang masa sa kalagitnaan ng ikalabing siyam na siglo noong kinukonsolida ng kapitalismo ang hanay nito ay humantong sa malaking pagbabago ng mga taktika ng Ikalawang Internasyunal tungo sa parliyamentaryong pakikibaka ng mga partido ng uring manggagawa. Iyon ay inindorso nina Marx at Engels.

Makikita natin dito na ang makabagong rebisyunismong itinataguyod ni Pomeroy ay nag-ugat sa klasikong rebisyunismo ng mga pangkating Kautsky at Bernstein na walang lubay at puspusang tinuligsa ng dakilang si Lenin sa pagtatanggol sa Marxismo. Ang tibay ng sikmura ni Pomeroy na dungisan ng pangalan nina Marx at Engels sa pamamagitan ng lantay na pagsisinungaling na ang dalawang dakilang pasimunong ito ng komunismo ay sumang-ayon sa rebisyunistang linya ng Ikalawang Internasyunal. Si Marx ay yumao noong 1883, mga anim na taon pa bago naitatag ang Ikalawang Internasyunal. Paano siya makasasang-ayon? Bagaman buhay pa si Engels, hindi nagbabago ang kanyang tindig hinggil sa usapin ng rebolusyonaryong dahas. Ukilkilin natin kung paano siya matatag na nanindigan laban sa mga rebisyunista. Noong 1895, sumulat siya ng isang pambungad para sa akdang Class Struggle in France ni Marx kung saan muli niyang pinagtibay ang Marxistang doktrina ng rebolusyonaryong dahas. Bago iyon malathala, ipinakiusap sa kanya ng liderato na bawasan nang kaunti ang “matinding rebolusyonaryong” diwa ng akda at gawin iyong “mas suwabe.” Matindi niyang tinuligsa ang malamyang posisyon ng liderato ng partido at ang lubus-lubusang pagpapaloob ng mga aktibidad nito sa legal na balangkas. Gayunman, nagpahinuhod siyang alisin o kaya’y baguhin ang pagkakasulat ng ilang pangungusap. Ngunit pinanatili ng pinaigsing pambungad ang rebolusyonaryong paninindigan nito. Masaklap nito, tinangka ng mga buhong na rebisyunista ng Ikalawang Internasyunal na baligtarin si Engels batay rito at palabasing isa siyang tagapagtanggol ng “mapayapang pag-agaw sa kapangyarihan” at isang disipulo ng “legalidad anuman ang maging kapalit.” Sa sobrang ngitngit inilathala ni Engels ang orihinal na pambungad sa Neue Zeit.

Inamin ni Pomeroy ang katotohanang sinabi ni Lenin noong 1918 na:

yugto ng kasaysayan, isang bagong panahon ng samutsaring uri ng digmaan—mga digmaang imperyalista, mga digmaang sibil sa loob ng isang bansa, ang pagkukrus ng una at ng huli, mga pambansang digmaan, ang paglaya ng mga bansang dinurog ng mga imperyalista at ng samutsaring kombinasyon ng mga imperyalistang puwersa na di-maiiwasang bumuo ng mga alyansa… sa panahon ng malakas na estado-kapitalista at mga dambuhalang empresa at sindikatong militar. Ito ang panahon ng matitinding pagbagsak, ng buu-buong desisyong militar na marahas ang katangian, ng mga krisis. Nagsisimula na ito, malinaw nating nakikita—simula pa lamang ito.

Pagkatapos, sa posturang “nililinaw” si Lenin at pagpapakitang “mapayapa” naman sa kalakhan ang mga puwersa ng sosyalismo, tinanggihan niya ang katotohanan ng sinabi ni Lenin na eksaktaong eksaktong naglalarawan ng daigdig ngayon at sa ilan pang panahong darating. Ngakngak ni Pomeroy:

Ang mga sinabing ito ni Lenin ay madalas sipiin nang labas sa kontexto para mapalabas na ang mga komunista ay mahilig sa karahasan. Subalit ang karahasang sinasapantaha niya ay malinaw na buhat sa mga puwersa ng imperyalismo at hindi sa mga puwersa ng sosyalismo. Sa katunayan ito’y isang pagtasa ng isang panahon ng kasaysayan kung saan ang kaisa-isang sosyalistang bansa ay napapaligiran ng mga mabalasik na puwersang imperyalistang gusto itong durugin, ngunit naglalaban-laban din dala ng walang lubay na pagkokompetensiya. Iyon ang panahon sa gitna ng dalawang digmaang pandaigdig na sumulpot resulta ng mga kompetensiyang ito, isang panahong kinatatampukan ng malupit na makauring karahasan ng pasismo, na lahat ay nagbibigay-diin sa katumpakan ng tantiya ni Lenin.

Malinaw na malinaw na ang sinabi ni Lenin. Wala nang dapat pang “linawin” dito si Pomeroy. Pero ang habol ni Pomeroy ay hindi magbigay-linaw kundi ipakitang wala nang katotohanan ang sinabi ni Lenin, na hindi na ito angkop sa iniisip ni Pomeroy na “bagong” panahon ng kasaysayan. Ngakngak pa ng buhong na rebisyunista:

Gayunman, ito (ang pahayag ni Lenin) ay isang pagtataya ng isang panahon ng kasaysayan na uminog na ngayon sa isang bagong panahon, na ang pangunahing larawan ay ang pagtanggap ng maraming bansa sa sistemang sosyalista at ang paglakas nito kasabay ng ibang makapangyarihang puwersa na patungo sa pagpigil at pagsugpo sa kapitalismo sa paggamit niyon ng karahasan bilang paraan ng paglutas sa mga problema.

Anong gandang larawan ng imperyalismo ang gustong maiguhit ni Pomeroy! Pinalalabas niyang “napipigilan” na ngayon ang imperyalismo na gumagamit ng dahas at pinakikiusap niyang maging mabait tayo sa halimaw na ito. Narito ang isang gunggong na itatanggi ang katotohanang noong 1964, noong lumabas ang kanyang aklat, lantarang nakasabak ang imperyalismong Amerikano sa militar na panghihimasok sa Vietnam sa ngalan ng gawagawa niyong “espesyal na digmaan” at kasado na ang ipadadalang sangrekwang panalakay na sundalong Amerikano. Ang ehemplong ibinibigay natin dito ay iyon lamang pinakamatingkad sa napakaramig marahas na pakikipagsapalaran ng imperyalismong Amerikano.

Sa pagbabalatkayong isang rebolusyonaryo, mismong si Lenin ang ginamit ni Pomeroy para tuligsain si Lenin at nangahas pang sabihing: “Maaaring si Lenin pa nga, na laging nagbibigay-diin ‘sa kongkretong pagsusuri ng kongkretong mga kalagayan,’ ang unang nakakita sa bagong kalagayan.” Ang “bagong kalagayan” ni Pomeroy ay sinasapantahang magpapahintulot ng “mapayapang transisyon.”

Dahil laging nilalamon ang sariling salita, binanggit ni Pomeroy minsan ang tinatawag niyang “paglaganap” ng mga kilusang gerilya ng mamamayan mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pero, biglang bawing sinabi na ang bagay na ito ay hindi tinitingnan ng mga kilusang ito, pinamumunuan man o hindi ng mga komunista, na mahigit pa sa pagiging yugto lamang ng mga taktika ng pakikibaka laban sa imperyalistang dominasyon." Sobra namang pagmamaliit ang mga katagang “yugto ng mga taktika!” Kaugnay nito, ipinagpilitan rin niya na ang mga mapayapang anyo ng pakikibaka ay kapantay, kundi man nakalalamang, ng armadong pakikibaka sa ganitong mga pananalita: Gaya nang naipakita na, ang pampulitikang kilusang masa na gumagamit ng mapayapa, o kung hindi man ay nang mapayapang anyo ng pakikibaka sa kalakhan, kasaliw ng pagkilos ng mga pandaigdigang puwersa na madalas pumigil sa imperyalismo na magsagawa ng mga lantarang panghihimasok o pananalakay, ay madalas magamit ng mga dating kolonyang bansa sa pagtatamo ng kalayaan.

Paulit-ulit na iginigiit ni Pomeroy na ang mga Komunista ay isa sa mga unang kumikilala na ang “kalayaan” at ang “mga programang pangmasa” ay puwedeng makamit sa mapayapang paraan. Sinikap niyang idipensa ang pagtinging ito sa pagsasabing:

Sa Korea, sa Laos, at tulad ng binalak sa Vietnam, agad silang bumaling mula sa armadong pakikibaka tungo sa pagtigil ng labanan at negosasyon para matamo ang pambansang adhikain ng mamamayan. Sa katatapos na pakikibaka sa Pilipinas, mula umpisa hanggang magtapos, hindi kailanman itinago ng mga lider ng Huk ang kahandaan nilang makipag-areglo at ang maabot ang isang demokratikong kapayapaan. Hindi kailanman natali ng mga komunista sa armadong paraan, at kahit nang ginamit ang paraang ito dahil wala nang iba pa, lagi silang handang tigilan ito kailanman uubrang matamo ang mga mithiin nang hindi kinakailangang magsakripisyo.

Isang naiibang katangian ni Pomeroy ang humabi ng kasinungalingan sa pamamagitan ng paghahaluhalo sa mga usapin. Subalit isa-isahin natin ang mga inilatag niyang usapin. Ang pagkakaroon ng kasunduan sa Korea ay sumagisag sa pagtatagumpay ng Demokratikong Republika ng Korea na maipagtanggol ang sarili at sa pagkatalo ng imperyalismong Amerikano sa digmaang pananalakay. Ang naging tindig ng rebolusyonaryong liderato at masang Koreano sa kasunduang pagtigil ng labanan ay ang manatiling handa hindi lamang para ipagtanggol ang hilaga kundi pati rin ang mapalaya ang timog sa pamamagitan ng anumang posibleng paraan para muling mapag-isa ang bansang Korea. Tungkol naman sa Laos, malinaw na ipinakikita ng mga pangyayari na patuloy na nakapagtatanggol ang mamamayang Lao sa pamamagitan ng armadong pakikibaka at nakiki- pag-ugnayan sila ngayon sa dalawang iba pang mamamayang Indotsino sa isang rebolusyonaryong pakikidigma laban sa pananalakay ng imperyalismong Amerikano. Tungkol sa Vietnam, sinasabi namin kay Pomeroy ang hindi na mapagaalinlanganan; na ang mga kasunduan sa Paris ay hindi tunay na magdudulot ng kapayapaan sa Vietnam hanggang walang batayang malalaking tagumpay militar hindi lamang ng mamamayang Vietnamese kundi ng buong mamamayang Indotsino laban sa lumawak na pananalakay ng imperyalismong Amerikano. Dapat itanim ni Pomeroy sa kanyang kukote na ang mga kasunduan sa Paris ay hindi nakapigil sa imperyalismong Amerikano na palawakin ang digmaang pananalakay nito sa ilalim ng “Nixon Doctrine”; isang malaking disgrasya para sa mga mamamayang Indotsino ang talikuran ang armadong pakikibaka na hindi pa ganap na natatamo ang tagumpay at kalayaan sa pamamagitan ng digmaan. Anumang mangyaring kasunduan ay magiging salamin lamang ng resulta ng digmaang bayan.

Sumagad na sa buto ang kawalanghiyaan ni Pomeroy nang tangkain niyang gamitin ang oportunismo ng mga Lava at Taruc bilang isang modelo para sa mga komunista. Alam ng mga komunista ang kanilang Marxista-Leninistang teorya ng estado at rebolusyon, hindi tulad ng mga palsipikadong Lava, Taruc at Pomeroy. Hindi maaaring pahintulutan si Pomeroy na sabihing ang mga komunista ay gunggong na tulad niya na itatapon ang kanilang mga sandata kapag nag-alok ang kaaway ng patakbuhing areglo. Naibasura na ng Partido Komunista ng Pilipinas ang mga oportunistang pagkakamali ng mga Lava at Taruc. Determinado ang Partido na bunutin ang lahat ng makamandag na damong inihasik ng mga oportunistang lider ng nagsanib na lumang partido.

Sa kanyang rebisyunistang linya, naniniwala si Pomeroy na ang “kaalaman ng mga imperyalista sa digmaang gerilya” ay maaaring maging “malalaking hadlang mga pananalakay sa hinaharap.” Puwede natin siyang sabihan na laging sisikapin ng kaaway na matutuhan ang digmaang gerilya upang maikasa nito ang sariling digmaang kontra-gerilya. Ang pagkatalo lamang ang ganap na kukumbinse sa kaaway. Narito ang isang sipi mula kay Tagapangulong Mao na maisusupalpal kay Pomeroy at sa mga amo niyang imperyalista:

Manggulo, mabigo, muling manggulo, muling mabigo… hanggang sa tuluyan silang magapi; ito ang lohika ng mga imperyalista at ng lahat ng reaksiyunaryo sa buong mundo laban sa mga simulain ng mamamayan, at hindi sila tataliwas sa lohikang ito. Ito ay isang Marxistang batas. Kapag sinabi nating “mabangis ang imperyalismo,” ang ibig nating sabihin ay hindi na magbabago ang katangian nito, na hinding-hindi bibitawan ng mga imperyalista ang kanilang balaraw na pang-utas, na hinding-hindi sila magiging Budha hanggang sa kanilang kamatayan.

Lumaban, mabigo, muling lumaban, muling mabigo… hanggang sa magtagumpay; ito ang lohika ng masa, at sila man ay hinding-hindi tataliwas sa lohikang ito. Ito’y isa pang Marxistang batas. Sinunod ang batas na ito sa rebolusyon ng mamamayang Ruso at gayundin sa rebolusyon ng mamamayang Tsino.

IV. Hinggil sa “mapayapang pakikipamuhay” at pakikipagsabwatan sa imperyalismong Amerikano.

Pagkatapos baluktutin at salungatin ang mga rebolusyonaryong pahayag ng mga dakilang lider komunista, sumipi si Pomeroy kay Kruschov na tantiyadong magmamaskara sa tunggak na rebisyunistang ito bilang isang batikang orador na tagapagtaguyod ng rebolusyonaryong armadong pakikibakang masa. Subalit inuulit lamang ni Pomeroy ang lahat ng kasinungalingan ni Kruschov na ang "mapayapang pakikipagkasundo ang pangkalahatang linya ng pandaigdigang rebolusyon.

Noong ikadalawampu’t dalawang Kongreso ng Partido Komunista ng Unyon Sobyet ng taong 1961 pormal na naikasa ng rebisyunistang pangkating Kruschov ang pangkalahatang linyang “mapayapang pakikipamuhay” bilang paglabag sa Marxismo-Leninismo.Ang pangunahing diwa ng linyang ito ay ang “mapayapang pakikipamuhay,” “mapayapang kompetensiya,” at “mapayapang transisyon.” Dagdag pa, buktot na pinalitan ang mga terminong diktadura ng proletaryado at partido ng proletaryado ng mga populistang burges na terminong “stado ng buong bayan” at “partido ng buong bayan.” Ang baluktot na pangkalahtang linyang "mapayapang pakikipamuhay ay iginuhitupang ipambangga sa proletryong internasyunalismo bilang pinakapundamental na prinsipyo sa mga pakikipag-ugnayang panlabas ng mga sosyalistang bansa at ng mga Marxista-Leninistang partido. Iginuhit ito upang baluktutin ang Leninisang patakarang mapayapang pakikipamuhay na pakikipag-ugnayan sa mga sosyalistang bansa at mga bansang iba ang sistemang panlipunan.

Mahigpit na innilagay ng Republika ng Mamamayang Tsino ang patakarang mapayapang pakikipamuhay sa tamang Leninistang kontexto nito. Isa ito sa tatlong aspeto ng proletaryadong patakarang panlabas at pumapangatlo sa mg aspetong gaya ng pagpapaunlad ng pangkapatirang relasyon, pakikipagtulungan at pakikipagdamayan sa mg sosyalistang bansa alinsunod sa prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo at pagsuporta at pagtulong sa rebolusyonaryong pakikibaka ng lahat ng binubusabos na mamamayan at bansa. Ang patakarang pakikipamuhay ay mahalagang bagay sapagkat napalakas nito ang mga bansang sosyalista at ang mga rebolusyonaryong kilusan sa iba’t ibang bansa. Pinatupad din ito ng Tsina base sa Limang Prinsipyong:

  1. pagrespeto sa saklaw ng kanikaniyang teritoryo at sa karapatan ng bawat bansa na magpasiya sa sarili;
  2. kasunduang hindi mananalakay ang sinumang bansa ng kapwa bansa;
  3. hindi panghihimasok ng anumang bansa sa mga panloob na usapin ng isang bansa;
  4. pantay na pag-uugnayan at pantay na pakinabang; at,
  5. mapayapang pakikipamuhay.

Ayon kay Pomeroy, batay ang konseptong “mapayapang pakikipamuhay” sa “mga realidad” ng daigdig na nasa transisyon mula kapitalismo tungong sosyalismo. Apat ang “realidad” na paulit-ulit niyang tinalakay sa kanyang aklat:

Una, ang mamamayan ng daigdig ay nahaharap sa imperyalismo “na may napipintong pinakakakilakilabot na anyo ng karahasan, ang digmaang nuklear.” Sa bagay na ito, pinalalabas ni Pomeroy ang mga rebisyunistang Ruso na tagapagligtas ng daigdig dahil meron din silang puwersang nuklear. Pinalalabas niya, na dahil sa kanila, “napagiisip-isip ng imperyalismong Amerikano na hindi nito mapalalawak ang digmaan ng panunupil nang walang panganib na hindi iyon mauwi sa lubus-lubusang digmaang nuklear na lilipol sa lahat.” Kaya, dahil parehong nuclear powers, ang Unyon Sobyet at ang Estados Unidos lamang ang puwedeng magpasiya sa kinabukasan ng sangkatauhan o sa hinaharap ng bawat mamamayan at bansa. Naipaliwanag na natin na hindi sandata ang nagpapasiya sa kasaysayan kundi ang masang namulat at napakilos alinsunod sa wastong teoretikal at praktikal na rebolusyonaryong paggabay. Mahigpit na tinangka ng imperyalismong Amerikano at makabagong rebisyunismong Sobyet na mamonopolyo ang mga armas nuklear para gipitin ang mamamayan at maisulong ang kanikanilang imperyalistang interes.

Ikalawa, “nagbabago ang mabangis na katangian ng imperyalismo.” Sa pagtatanggol sa rebisyunistang posisyong ito, sinabi ni Pomeroy na ang mga gumagawa ng patakaran ng imperyalismong Amerikano ay may dalawang bagwis na ang isa ay “mapagmahal sa kapayapaan” (na minsan ay tinatawag niyang “realistiko”) at ang isa naman ay mapandigma (na tinatawag din niyang “agresibo”). Sinasabi niya na ang linyang mapayapang pakikipamuhay ng pangkating Kruschov ay “suportado ng isang seksiyon ng burgesya ng mga maunlad na bansa, na malalim na nakauunawa sa ugnayan ng mga puwersa at sa mga kagimbal-gimbal na ibubunga ng modernong digmaan.” Sa tingin namin, ang pangkalahatang linyang “mapayapang pakikipamuhay” ay pabor sa pananalakay ng imperyalismong Amerikano at mas pa ang malalaking burgesya sa Estados Unidos kaysa ang mamamayan ang pinapaboran nito.

Ikatlo, “lahat halos ng bansang kalalaya pa lamang” (tulad ng India, Ghana, atbp.) ay nagtataguyod ng “patakarang walang pinapanigan” at sang-ayon sa ideya ng “mapayapang pakikipamuhay” at “nakatuon ang buong pansin sa mapayapang pag-unlad ng ekonomya at ng lipunan.” Kaugnay nito, sinasapantahang "nagbukas ang Unyon Sobyet ng mga landas tungo sa mga mapayapang di-kapitalistang pag-unlad para sa mga bansang ito. Sa tingin namin ang mga landas na ito ay mahusay na nakaangkop sa pambubusabos at pagsasamantala ng imperyalismong Amerikano, sosyal imperyalismong Sobyet at mga lokal na reaksiyunaryo ng Asya, Aprika, at Latin Amerika, sa mamamayan.

Ikaapat, ang “kilusan para sa kapayapaan” sa iba’t ibang bansa ay rumirenda sa kabangisan ng imperyalismong Amerikano. Kaugnay nito, inilarawan ni Pomeroy kung anong klaseng “kilusang pangkapayapaan” ang namamahay sa kanyang utak. Ayon sa kanya, iyon ay ang kilusang nagtataguyod sa islogan ni Johnson na “digmaan laban sa kahirapan”; isang kilusang namamalimos ng “karapatang sibil” sa halip na ilantad at labanan ang imperyalistang estado; at isang kilusang itinuturing ang kasunduan sa pagbabawal ng experimental na pagpapaputok ng mga sandatang nuklear (na isang pagtatakip sa pag-iimbak ng gayong mga sandata) bilang bahagi ng kampanya para sa kapayapaan at sa pagbabawas ng dami ng mga kasangkapang pandigma tulad din ng kahilingang alisin sa Vietnam ang mga sundalong Amerikano. Sa tingin namin, tiyak na tatawanan ng mga militanteng masang manggagawa, magbubukid, kabataan at mga intelektuwal na kalahok sa iba’t ibang anyo ng anti-imperyalistang protesta ang kababawan ng rebisyunistang si Pomeroy.

Tungkol sa patakaran ni Kruschov sa Cuba noong mga huling buwan ng 1962, sulat ni Pomeroy:

Ang posisyon ng Unyon Sobyet, isang bansang mayroon ding missiles, sa pangyayaring ito, na matatag na pumanig sa Cuba, ay pumigil sa tumitinding kampanya ng panghihimasok ng imperyalista sa bansang ito at nakatulong nang malaki para maipamukha sa imperyalismong Amerikano ang pagiging matatag ng rebolusyong Cubano.

Nakatutulong kay Pomeroy na kaligtaang ang rebolusyonaryong pagkakaisa at kagitingan ng mamamayang Cubano ang nagtaboy at dumurog sa puwersang panalakay ng imperyalistang Amerikano sa Playa Giron at iyon ang nagbabala sa imperyalismong Amerikano na gayundin ang sasapiting kapalaran ng anumang pagsalakay na gagawin nila sa hinaharap. Nakatutulong rin sa kanya na kalimutang adbenturista ang pagkakasa ni Kruschov ng mga sandatang nuklear sa Cuba at palasuko naman nang alisin ang mga iyon noong magkontra-banta ang lider ng imperyalistang Amerikanong si Kennedy laban sa Unyon Sobyet. Nangayupapa ang gunggong na rebisyunista sa imperyalismong Amerikano na umabot sa pagpayag nito sa kahilingan ng imperyalista na inspeksiyunin ang teritoryo ng Cuba na isang paglapastangan sa karapatan ng mamamayang Cubano na magpasiya sa sarili. Kung pakasusuriin, lalabas sa bandang huli na ang rebolusyonaryong pagkakaisa ng mamamayang Cubano ang pumigil sa imperyalistang Amerikano na magsagawa ng pinakamatinding pagsalakay.

Nang magbigay ng komentaryo hinggil sa tindi ng marahas na panghihimasok ng imperyalismong Amerikano sa Timog Vietnam noong 1964, mas ipinalagay ni Pomeroy na ang kanyang mga “puwersang pangkapayapaan” ang umubliga o nagpapahinuhod sa imperyalismong Amerikano na umatras sa halip na ipakita ang tunay na balanse ng mga puwersa at ang tagumpay ng mga rebolusyonaryong puwersa laban sa sunud-sunod na planong kontra-insureksiyon ng imperyalismong Amerikano. Gayundin, mas pipiliin niyang makipagtalo tungkol sa iniisip niyang “agresibong sektor” at “mapayapang sektor” ng imperyalismong Amerikano na sumusuri sa planong pananalakay at sa batayang katangian ng imperyalismong Amerikano. Tinangka ni Pomeroy na ipalaganap ang kasinungalingang “ibayong natutulak ang mga imperyalista na isaisantabi na ang mga paghahanda para sa malakihang pakikidigma.” Ngayong kumalat na sa buong Indotsina ang digmaan sa Vietnam, talagang mapapahagalpak tayo ng tawa sa balikukong pagsusuri ni Pomeroy na:

imperyalismong Amerikano, ang magwagi sa Timog Vietnam sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng digmaan sa lahat ng lumayang bansa sa Asya, ay isang patunay sa napakalaking kasiglahang inihahatid sa mga mamamayan ng Timog Vietnam ng mga tagumpay ng mga bansang sosyalista at ng mga pambansang kilusang mapagpalaya ng ibang bansa. Kasabay nito, ang kabiguan ng imperyalismong Amerikano na maisagawa ang gayong plano ay tanda ng lakas ng mga puwersa ng kapayapaan na umaawat sa imperyalismo na maglunsad ng gayong pananalakay.

Pinakamabuti sa atin ang sundin ang mga tagubilin ni tagapangulong Mao na: “Dalawa lamang ang maaaring ibunga ng digmaan: Una, ang digmaan ay maaaring magbunga ng rebolusyon at, pangalawa, maaaring mapigilan ng rebolusyon ang pagkakaroon ng digmaan.” Sa kanyang taimtim na pahayag noong Mayo 20 ay sinabi ni tagapangulong Mao: “Hindi pa nawawala ang mga panganib ng bagong digmaang pandaigdig at kailangang maging handa ang mga mamamayan ng lahat ng bansa. Gayunman, rebolusyon ang pangunah- ing tunguhin sa daigdig ngayon.”

Binigyang-diin na rin ni Lenin noong una pa man na digmaan ang kahulugan ng imperyalismo: … sadyang hindi maiiwasan ang mga digmaang imperyalista sa ilalim ng gayong sistemang pangkabuhayan hanggang umiiral ang pribadong pag-aari ng mga gamit sa produksyon." Pagdidiin pa ni Lenin: “Ang digmaang imperyalista ay bisperas ng sosyalistang rebolusyon.” Totoo pa rin hanggang ngayon ang siyentipikong pananaw na ito. napakakontra-rebolusyonaryo ni Pomeroy na ipaggiitang ang transisyon mula kapitalismo tungong sosyalismo ay mapayapa.

Ang akdang Guerilla and Counter-Guerilla Warfare ni Pomeroy ay isang pumpon ng mga rebisyunistang kasinungalingan na papuntang lahat sa kontra-rebolusyonaryong kaisipang kailangan ng mga rebolusyonaryong puwersa na makipagsabwatan sa imperyalismong Amerikano. Pinakamalinaw na ipinapahayag ang kaisipang ito sa huling talata ng aklat:

Ang pag-angkop ng imperyalismo sa mga realidad na kinakaharap nito sa lahat ng dako ng mundong dumaranas ng pagbabagong kaakibat ng transisyon mula kapitalismo tungong sosyalismo ay makapagpapalaki sa posibilidad na maging mapayapa ang kaganapan ng transisyon. Ang tunggalian ng mga kolonyalista at anti-kolonyalista, imperyalista at anti-imperyalista, imperyalismo at mga puwersa ng sosyalismo ay mapait na magpapatuloy sa lahat ng larangan subalit malaki ang posibilidad na magkaroon ito ng iba pang kalakip na anyo ng pakikibaka, na mas maliit ang kabayaran at mas mapayapa kaysa sa digmaang gerilya na siyang larawan ng kasalukuyang panahon.

Ang dapat na naging pamagat ng aklat ni Pomeroy ay "Ang mga kontra-gerilyang pananaw ng isang taksil na rebisyunista. "Kontra si Pomeroy sa digmaang gerilya at pabor sa “ibang anyo ng pakikibaka na mas mura at mas mapayapa.”

Naniniwala si Pomeroy na mapahihinuhod ang imperyalismong Amerikano na kumilos laban sa katangian at interes nito batay sa mga “realidad.” Sinabi niya na sa nakaraang dalawampung taon (mula 1944) iginawad ng kasaysayan sa imperyalismo “ang lahat ng kailangang leksiyon tungkol sa mga kilusang mapagpalaya sa mga bansang kolonya” para ito maging mapayapa. Inihalimbawa niya ng Pransiya at Britanya na “napilitang lunukin ang mapait na katotohanang ito at kung ilang beses na tinalikdan ang mga pagtatangkang supilin ang mga kilusang mapagpalaya nang maging masyadong malaki ang magiging kabayaran at malamang na mas matalo nang malaki.”

Ibig sabihin, gusto ni Pomeroy gayahin ng imperyalismong Amerikano ang ginawa ng Pransiya at ng Britanya. Kaya lang, napaglabu-labo niya ang kanyang mga gusto at ang kalikasan ng mga bagay. Likas ba sa imperyalismong Amerikano na makipagkomptensiya sa Pransiya at sa Britanya sa pagiging mapayapa? At dapat bang kilalanin na hindi na marahas ang katangian ng dalawang dating imperyalistang bansang ito? Tiyak na tututol sa palagay na ito ni Pomeroy ang mga mamamayang tuwirang binusabos ng mga bansang iyon. Tungkol naman sa imperyalismong Amerikano, alam na alam na lahat na ito ang pumalit sa Nazismo ng Alemanya at sa Pasistang Hapones pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang paggigiit ni Pomeroy na nagbago na ang ang mabangis na katangian ng imperyalismong Amerikano o kaya’y hindi na ito ang numero unong kaaway ng mamamayan ng daigdig at ang pangunahing haligi ng pandaigdigang kapitalismo at pandaigdigang reaksiyon ay pag-atake sa lahat ng positibong laman ng Deklarasyon sa Moscow noong 1957 at sa Pahayag ng Moscow noong 1960 (dalawang dokumentong kaya niya pinagsisipi ay para mapabango ang ilang pahina ng kanyang aklat).

Walang ibig sabihin ang pagkukumpara ni Pomeroy ng “malakolonyal na taktikang panunuhol ng dolyar” at ng “mabangis na patakarang diplomasyang barko de-gera” para maigilgil ang katarantaduhang ideyang may “mapayapang katangian” ang imperyalismong Amerikano. Inutil ding magngangakngak siya ng pag-unlad ng isang “maliwanag na pagkakaiba ng patakaran sa loob ng mataas na sirkulong pampulitika ng pamunuang Amerikano” para mapagtakpan ang mahalagang katangian ng imperyalismong Amerikano. Ang mga Fulbright, Mansfield at ang “dumaraming bilang ng mga imperyalistang kinakatawan nila” ay hindi makapananakip sa mabangis na katangian ng imperyalistang Amerikano. Sa paggamit ng iba-ibang taktika, laging nagsisimula ang mga reaksiyunaryo sa kanilang kontra-rebolusyonaryong katangian at pangangailangan. Dapat makita ng mga rebolusyonaryo ang doble-karang kontra-rebolusyonaryong taktika ng kaaway, ang labanan iyon nang ngipin sa ngipin, at gamitn ang mga kontradiksyon sa hanay nito para maisulong ang mga pundamental na rebolusyonaryong simulain. Ang pakikipagsabwatan sa imperyalismong Amerikano sa ilalim ng mga rebisyunistang layunin ay maaari lamang humantong sa pagbibenta ng mga prinsipyo.

Talagang mali at kataksilan ang igiit ni Pomeroy ang sumusunod:

Anuman ang oryentasyon ng mga “realistikong” sektor ng mga imperyalista, anumang pagpaling mula armadong panunupil at panghihimasok tungo sa pakikipag-areglo at pakikipagsabwatan sa mga kilusang mapagpalaya ay talagang maituturing na pagkagapi para sa marahas na imperyalismo at sa pagtatangka niyong paatrasin ang rebolusyonaryong pagbabago sa daigdig sa pamamagitan ng dahas. Ito’y mangangahulugan, na sa pagpupusirgi nilang masagip ang sarili sa ganap na pagbagsak, ang mga imperyalista ay nauobliga na gamitin ang ilan sa mga posisyong iminumungkahi ng kasalukuyang kilusang pangkapayapaan, isang tunguhing makapagpapalakas sa kilusan para sa kapayapaan at demokrasya sa Estados Unidos at magpapahina nang malaki sa ultra-reaksiyunaryong mapandigmang bagwis ng imperyalismo.

Ang paghahambing ng mga makabagong rebisyunista sa"realistiko" at “mapandigmang” bagwis ng imperyalismong Amerikano ay laging lumilikha ng kaguluhan. Matagal nang alam ng mga rebolusyonaryo sa buong daigdig na ang pagbubusising ito ay isa lamang taktika para mapagtakpan ang mabangis na katangian ng imperyalismong Amerikano at palabnawin ang pangunahing pandaigdigang kontradiksyon ng busabos na mamamayan at imperyalismo. Masyadong binibigyan ng importansiya ni Pomeroy ang kanyang “kasalukuyang kilusang pangkapayapaan” para maipakita kung gaano “kamatuwid” ang imperyalismong Amerikano at hindi makatwiran ang mga armadong rebolusyonaryo. Ang uri ng pakikipag-areglo at pakikipagsabwatan sa imperyalismong Amerikano na gustong mangyari ni Pomeroy ay kataksilan sa rebolusyonaryong masa.

Sa ganang amin, araw-araw na pinatitindi ng imperyalismong Amerikano ang armadong pagpapalawak at paghahanda nito sa digmaan at hindi ito kailanman tumigil sa pananalakay, panghihimasok, subersiyon at pananabotahe.

Inilantad ni Pomeroy ang pagiging ahente niya ng imperyalismong Amerikano nang sabihin niya ang sumusunod:

Nakadepende nang malaki sa ikikilos ng mga imperyalista, lalo na sa imperyalistang Amerikano, ang usapin kung ang mga mamamayan ng daigdig na matagal nang nagdurusa sa ilalim ng mga kolonyal na kalagayan ay makapagtatamo ng kalayaan at mapananatili nila iyon sa mapayapang paraan.

Ang mga rebisyunistang ahente lamang ng imperyalismong Amerikano ang “didepende nang malaki” sa ikikilos ng imperyalismong Amerikano hinggil sa usapin ng pagtatamo ng kalayaan. Dapat laging nasa mga kamay ng rebolusyonaryong kilusan ang buong inisyatiba. Dapat maging determinado ang masa na gumamit ng rebolusyonaryong dahas para maigupo ang mga nang-aapi at nagsasamantala sa kanila. Hindi mapapalaya ng “mapayapang paraan” sa kuko ng imperyalismo ang alinmang busabos na bansa.

Ang pagtingin ng mga mamamayan at ng lahat ng rebolusyonaryo sa imperyalismong Amerikano at sa lahat ng reaksiyunaryo at pinakamatalas na ipinahayag ni tagapangulong Mao:

Ang lahat ng reaksiyunaryo ay tigreng papel. Nakakatakot sila sa itsura, ngunit hindi sila masyadong malakas sa totoo. Kung sa pangmatagalang panahon titingnan, hindi ang mga reaksiyunaryo kundi ang mamamayan ang tunay na malakas.

Dagdag pa ni Tagapangulong Mao:

Dahil sa malupit na palakad ng imperyalismong Amerikano, nagiging kaaway ito ng mamamayan ng daigdig na lalo at lalong kinasusuklaman. Silang mga ayaw magpaalipin ay hindi kailanman masisindak ng mga bomba atomika at hydrogen bombs ng mga imperyalistang Amrikano. Hindi mapipigilan ang rumaragasang ngitngit ng mamamayan ng daigdig laban sa mananalakay na Amerikano. Tiyak na magtatamo ng ibayong malalaking tagumpay ang kanilang mg pakikibaka laban sa imperyalismong Amerikano at sa mga alipuris nito.

Anti-Marxismo at eklektisismo

Sa kalakhan, ang Guerilla Warfare and Marxism ay isang koleksiyon ng mga halaw sa iba’t ibang akda. Pinamatnugutan ito ni William J. Pomeroy na umaming sentral na layunin ng aklat ang:

pagtingin hinggil sa armadong pakikibaka, ang ipakita kung paano sumulpot ang mga ito sa loob nang mahigit isandaang taon ng samutsaring pangyayari, at kung paano, base sa mga bagong karanasan, magagamit ang mga ito para linawin ang mga paksa ng pagtatalo na sumulpot sa mga kasalukuyang armadong pakikibaka.

Makikita agad sa isang sulyap lamang sa nilalaman, sa pangalan ng mga may-akda at sa bilang ng mga pahinang inilaan sa bawat artikulo, na mali ang pamagat ng aklat at ang sinasabing sentral na layunin at isang ganap na sinungaling ang patnugot na walang muwang at kontra sa Marxismo at sa rebolusyonaryong digmaang gerilya. Sa sarili niyang paraan ng pagpili at pagsusunud-sunod ng mga halaw na kinabibilangan ng mga lantarang anti-komunista, isang baluktot na paglalarawan ng Marxismo at ng lahat ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka ang ipinakita ni Pomeroy.

Sa pagturing sa sarili bilang isang Marxistang hukom at beteranong rebolusyonaryo, pinakamakapal ang sinulat ni Pomeroy sa kanyang aklat. Nagbigay siya ng isang mahabang pangkalahatang pambungad at mga pambungad sa bawat seksiyon, na puro naglalarawan ng kanyang anti-Marxistang paninindigan at sentrong layuning banatan si Kasamang Mao Tse Tung at ang kanyang Marxista-Leninistang teorya ng digmaang bayan. Dahil hindi niya pinagsisisihan na minsa’y naging bayaran siya ng taksil na anti-komunistang si Luis Taruc, isinama niya sa kanyang koleksiyon ang sipi mula sa kontra-rebolusyonaryo at pagbubuhat-ng-sariling-bangkong aklat na Born of the People. Isinama niya rin ang sipi mula kay Jorge Maravilla (na walang iba kundi siya rin) tungkol sa rebolusyonaryong pakikibaka sa Pilipinas, lalo na ang hinggil sa pagbagsak ng lideratong Jesus Lava noong 1950.

Ang pinagsama-samang sipi mula kina Marx, Engels, Lenin at Mao, ay di-hamak na mas maigsi kaysa sa mga patutsada ni Pomeroy. Sinarili ni Pomeroy at ng mga katoto niyang manunulat ng rebisyunistang World Marxist Review (gaya nina Enrique Lister ng Espanya, Zizis Zografos ng Gresya, Bashir Hadj Ali ng Algeria, Juan Rodriguez ng Venezuela, Alberto Gomez ng Columbia, Jose Manuel Fortuny ng Guatemala, Jose Guello at Asdrubal Dominguez ng Dominican Republic, at Luis Corvalan ng Chile) ang mga pahina ng aklat at mas marami pa silang sinabi kaysa pagsama-samahin man ang sinabi nina Marx, Engels, Lenin, Mao Tse Tung at Ho Chi Minh. Para kay Pomeroy, talagang walang alam si Stalin tungkol sa Digmaang Sibil at sa anti pasistang Dakilang Digmaan para sa Pagta- tanggol ng Inang Bayan bagaman pinahintulutan nito si Tito at ilang di-gaanong kilalang tao tulad nina I. Minz at A. Fyodorov na magsalita tungkol sa armadong pakikibaka sa Unyon Sobyet.

Si Pomeroy ay talagang isang experto sa pandurugas sa idolohiya na ang ilang pahinang sinipi mula sa mga dakilang lider kumunista ay nagawa niyang maging pambalot ng kanyang bulok na kalakal. Tumbok ng lahat ng pahina ng kanyang aklat ang garapal o kaya’y tusong pagtuligsa sa pandaigdigang kahalagahan ng teorya at praktika ng digmaang bayan ni Kasamang Mao Tsetung. Kaiba sa iba pa niyang mga kontra-rebolusyonaryong rebisyunistang akda, si Kasamang Mao Tsetung, ang Lenin ng kasalukuyang panahon, ay madalas banggitin ni Pomeroy sa Guerilla and Counter Guerilla Warfare, iyon nga lamang at para ipakita na isa lamang si Mao sa maraming lider na kapantayan nina Kwame Nkrumah, Regis Debray, Ernesto “Che” Guevarra, ni Pomeroy mismo at ng mga katoto niyang rebisyunista.

Ang Guerilla at Counter-Guerilla Warfare ay isang patakbuhing imitasyong piyesa. Pansamantala, sapat na ang pagtutuon ng pag-aaral na ito sa mga kontra-rebolusyonaryong rebisyunistang pahayag ni Pomeroy para mailantad ang pangkalahatang katangian ng aklat at ang kanyang kontra-rebolusyonaryong layunin sa pagbubuo nito. Gayunman, itinatagubilin sa lahat ng kasama na masusing pag-aralan ang bawat siping mababasa sa akda at alamin ang teoretiko at istorikong konteksto niyon.

I. Marxismo-Leninismo at ang usapin ng armadong pakikibaka

Para mapabulaanan ang rebolusyonaryong diwa ng Marxismo-Leninismo, ibig sabihin, ang armadong pagpapabagsak sa reaksiyunaryong estado at pagtatayo ng diktadura ng proletaryo, sinabi ng kontra-rebolusyonaryong rebisyunistang si Pomeroy na isang “katawa-tawang paninira” kung sasabihing ang Marxismo-Leninismo ay “nangangahulugan” ng mga marahas at armadong paraan.

Para maidipensa ang kanyang pananaw na sa esensiya ang Marxismo-Leninismo ay isang mapayapang pagpupunyaging mabago ang lipunan, ilang tauhan ang nilkha niya sa kanyang guniguni at pagkatapos ay kanyang inaway at inakusahang nag-aarmas na walang suporta ng masa at walang “rebolusyonaryong kalagayan.” Para bang iginigiit niya ang suporta ng masa para sa armadong rebolusyon. Totoo na bawat rebolusyonaryong pakikibaka ay dapat na maging pakikibakang masa upang magtagumpay; tinututulan namin ang adbenturismo tulad ng pagtutol namin sa pagiging palasuko. Subalit ang talagang gustong ibando ni Pomeroy sa buong mundo ay isang matagalang legal na pakikibaka na nangingilag sa armadong pakikibaka hanggang “pinahihintulutan ng mga reaksiyunaryo ang gayong legal na pakikibaka.” Sa ubod ng reaksiyunaryong linyang ito ay ang posisyon na mapayapa ang transisyon mula kapitalismo tungong sosyalismo at nagbabago ang mabangis na katangian ng imperyalismo. Paulit-ulit rin niyang iginiit ang mapanlinlang na puntong ang paglulunsad ng armadong pakikibaka sa alinmang bansa ay pagkontra at pagtalikod sa mga gawaing pampulitika na humahatak ng suportang masa. Dapat nating sabihin sa kanya na sa kongkretong kalagayang malakolonyal at malapiyudal ng Pilipinas, napakilos at natamo ang suportang masa sa mga kanayunan sa pagsulong ng armadong pakikibaka. Ngayon pa lamang nakapagsasagawa ng mga gawaing pampulitika na sakop ang pagbubuo ng Partido, ng hukbong bayan, ng mga lokal na organo ng kapangyarihang pampulitika at mga organisasyong masa. Imposible para sa proletaryadong Pilipino ang pamunuan ang mga magbubukid at hatakin sila bilang ang pangunahing puwersa para sa pagpapabagsak sa reaksiyunaryong estado nang hindi naglulunsad ng armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo at pagtatayo ng mga base.16

Ang talagang layunin ni Pomeroy sa kanyang pangkalahatang pambungad at mga pambungad sa bawat seksiyon ng aklat ay ang palabnawin ang rebolusyonaryong diwa ng Marxismo-Leninismo; mapabulaanan ang pagsulong ng Marxismo-Leninismo sa bago at mas mataas na yugto ng kaisipang Mao Tsetung; palabuin ang mga batayang katangian ng kasalukuyang panahon; lantarang tutulan ang teorya ng digmaang bayan kapag hindi na niya ito kayang palabuin; tumangging magbigay nang buhay na paglalarawan ng rebolusyonaryong kalagayan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lalo na tungkol sa mga bansa sa kanayunan ng daigdig; at kondenahin sa tuwina, alinsunod sa kanyang rebisyunistang linya, ang anumang lantad o kubling armadong pakikibaka ng mga binubusabos na mama- mayan.

Sa pagbaluktot sa Marxismo-Leninismo bilang isang anyo ng pasipismong burges, umabot si Pomeroy na sukdulang sabihing hindi malinaw ang pagkakaintindi nina Marx at Engels sa salitang “dahas” nang sabihin nila sa Communist Manifesto noong 1847 na “makakamtan lamang ng mga Komunista ang kanilang layunin sa pamamagitan ng marahas na pagpapabagsak sa lahat ng umiiral na kalagayang panlipunan.” Ani Pomeroy:

Sa tingin nila—gayundin ng mga nangungunang Marxistang sumunod sa kanila—ang dahas ay tumutuhog sa samutsaring anyo ng pakikibaka ng uring manggagawa gaya ng kilos masa, pangkalahatang welga, at maging sa may pagkapasibong boykot, pati sa armadong pag-aaklas, (lalo na sa isang pagkilos na kasanib ang lahat ng ito).

Dahil baon sa kumunoy ng ideyalismong burges, hindi abot ng taksil na rebisyunistang ito ang Marxistang pagsusuri at ugaling “pagsanibin ang dalawa” sa pamamagitan ng pagngawa ng misteryosong “samutsaring anyo” at “kumbinasyon ng lahat ng ito.”

Tulad ng lahat ng taksil na rebisyunista, sinadyang iwasan ni Pomeroy ang paglalatag at ganap na pagsasaalang-alang sa dalawang pangunahing aspeto ng rebolusyonaryong pakikibaka, ang armadong pakikibaka at ang parliyamentaryo o mapayapang pakikibaka. Dapat sabay na gamitin ang dalawang aspetong ito ng rebolusyonaryong pakikibaka na wasto lamang mapagkakawing sa pamamagitan ng pagtukoy kung ano ang prinsipal o pangunahing anyo at ano naman ang sekundaryo o pumapangalawang anyo ng, halimbawa, rebolusyong Pilipino. Ugali ni Pomeroy ang ibasura ang importansiya ng armadong pakikibaka (na may iba’t ibang partikular na anyo) sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbanggit ng samutsaring anyo ng parliyamentaryong pakikibaka o sa pamamagitan ng pag-atake sa mga gawagawa niyang tauhan na ipinalalagay niyang naglulunsad ng armadong pakikibaka na di-gumagamit ng samutsaring anyo ng parliyamentaryong pakikibaka.

Ipaabot natin kay Pomeroy na naglulunsad tayo ng armadong pakikibaka sa Pilipinas bilang prinsipal na anyo ng pakikibaka at kasabay nito ay ginagamit natin ang parliyamentaryong anyo bilang sekundaryo. Ang Partido Komunista ng Pilipinas ang siya ngayong namumuno sa paglulunsad ng parehong anyo ng rebolusyonaryong pakikibaka samantalang ang mga taksil na rebisyunistang Lava na pinamamalita ni Pomeroy sa ibang bansa ay atrasadong-atrasado sa rebolusyonaryong pagkilos sa kalunsuran at kanayunan at laging dinuduro at inaalipusta ang mamamayan tulad ng ginagawa ng imperyalistang Amerikano at mga reaksiyunaryo.

Kinikilala nating mga Komunistang Pilipino tulad ng pagkilala ng mga tunay na Marxista, na para sa binubusabos na mamamayan, ang armadong pakikibaka ang pinakamahalagang anyo ng rebolusyonaryong pakikibaka sa bandang huli, at talagang mas importante kaysa parliyamentaryong pakikibaka. Kailangan nating ipaalaala kay Pomeroy na sa karanasan ng Paris Commune noong 1872 mas malinaw na nakita nina Marx at Engels ang importansiya ng pagdurog at pagwasak sa makinarya ng burges na estado at ang pagtatatag ng diktadura ng proletaryo.

Ang kaibhan ng siyentipikong sosyalismo sa sosyalismong utopian at palsipikadong sosyalismo ay ang teorya ni Marx ng diktadura ng proletaryo. Inialay nina Marx at Engels ang kanilang buhay para sa paglilinaw ng teoryang ito at sa mahirap na pagpupunyaging maisakatuparan ang teoryang ito.

Noong 1852, sinabi ni Marx:

Matagal pa bago ako isilang sa mundo, inilarawan na ng mga burges na historyador ang kasaysayan ng tunggalian ng uri at ng mga ekonomistang burges naman ang balangkas pangkabuhayan ng mga uri. Ang nagawa ko lamang na bago ay ang patunayang: 1)nakakabit ang pag-iral ng mga uri sa isang yugto ng pag-unlad ng produksyon; 2) na hahantong sa diktadura ng proletaryo ang tunggalian ng mga uri; at, 3) na mismong ang diktadurang ito ay kumakatawan lamang ng transisyon tungo sa paglalaho ng lahat ng uri at tungo sa isang lipunang walang uri.

Nang pumanaw sina Marx at Engels, isinulong ng dakilang si Lenin ang Marxismo sa mas mataas at bagong yugto sa pamamagitan ng ibayong pagpapaunlad sa teorya at praktika ng rebolusyong proletaryo at diktadura ng proletaryo sa panahon ng imperyalismo. Matagumpay niyang pinamunuan ang armadong pag-agaw ng mga Bolshevik sa kapangyarihang pampulitika sa Rebolusyong Oktubre noong 1917 at itinatag ang unang sosyalistang estado. Dahil sa malinaw na paggagap sa rebolusyonaryong diwa ng Marxismo, nagawang gamitin ni Lenin ang mga paborableng kalagayang iniluwal ng unang digmaan ng mga imperyalista para sa armadong rebolusyon. Malinaw na sumibol ang Leninismo mula sa mapait na pagtatanggol sa Marxismo laban sa rebisyunismo ng mga ninuno ni Pomeroy sa Ikalawang Internasyunal na higit pang nabulok noong ibayong maging mabangis ang imperyalismo.

Sinagisag ng rebolusyong Oktubre ang tagumpay at katumpakan ng Leninismo bilang isang yugto ng pagsulong ng Marxismo. Ganap na binago nito ang pandaigdigang rebolusyon sa pagbibigay dito ng katangiang proletaryo at nilinaw at ipinakitang matatamo ang sosyalistang layunin ng mga armadong rebolusyon ng lahat ng binubusabos na mamamayan sa pamumuno ng proletaryo. Nabutasan nang malaki ang imperyalistang prente sa Kanluran. Kaagad na pumailalim ang diktadura ng proletaryo sa Unyon Sobyet sa malupit na pagsubok ng Digmaang Sibil o ng Digmaan Laban sa Panghihimasok ng ibang bansa na sinundan ng anti-pasistang Digmaan para sa Pagtatanggol sa Inang Bayan na pinamunuan ni Kasamang Stalin. Sa matitinding digmaang ito, ipinagtanggol ng mamamayang Sobyet sa pamumuno ng Partido ni Lenin ang sosyalistang Inang Bayan sa pamamagitan ng paglulunsad ng armadong pakikipaglaban sa pananalakay ng mga imperyalista.

Sa pagtahak sa landas na inilatag ng Paris Commune na ibayong hinawan ng Rebolusyong Oktubre, ang proletaryo at mamamayang Tsino sa pamumuno ni kasamang Mao Tsetung ay naglunsad ng matgalang digmaang bayan, ginapi ang kanilang kaaway at lumikha ng malaking butas sa imperyalistang prente sa Silangan. Ang wastong teorya at matagumpay na praktika ni Kasamang Mao sa digmaang bayan ay nakapagdulot ng panibagong dakilang ambag sa kabang-yaman ng Marxismo-Leninismo. Sa pamamagitan ng ambag na ito, lalong yumaman ang Marxista-Leninistang teorya ng diktadura ng proletaryo at sumulong sa bago at mas mataas na antas. Sa lahat ng binubusabos na bansa, malaki man o maliit, sa kanayunan ng daigdig, ipinakita ni Kasamang Mao Tsetung kung paano maisasagawa ang digmaang bayan laban sa malalaking imperyalistang puwersa.

Ibayong binago ng rebolusyong Tsino ang katangian ng pandaigdigang rebolusyon sa pamamagitan ng ibayong pagpapatingkad sa proletaryadong katangian nito. Kung paano ikinawing ni Lenin ang sosyalistang rebolusyon sa Kanluran sa pambansang demokratikong rebolusyon sa Silangan, gayon naman ikinawing ni kasamag Mao Tsetung ang pambansang demokratikong rebolusyon sa Silangan sa sosyalistang rebolusyon sa Kanluran. Ang mga paraan nina Lenin at Mao sa pag-agaw ng kapangyarihang pampulitika sa kanikanilang bansa ay naging kapupunang bahagi nang isa’t isa. Sa pagdurog sa kaaway, ang una ay kumilos mula sa kalunsuran tungong kanayunan at ang pangalawa ay kumilos naman mula sa kanayunan tungong kalunsuran.

Nagbago nang malaki ang pandaigdigang kalagayan bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Resulta ng pagkasalantang dinanas ng pandaigdigang kapitalismo at nang sunud-sunod na pagsulpot ng mga sosyalistang bansa, naging posible para sa maliliit at mahihinang bansa na pagpasiyahan nila ang kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng paghihimagsik, lalo na sa kanayunan ng daigdig sa Asya, Aprika, at Latin Amerika. Obligadong harapin ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna ng imperyalismong Amerikano ang walang humpay na lumalaking bilang ng mga binubusabos na mamamayan na handang lumaban sa kanila. Matatag na sumusulong ang armadong pakikibaka ng Asya, Aprika at Latin Amerika dahil sa ibayong pagkapit ng kanilang mga lider sa teorya ni tagapangulong Mao ng digmaang bayan at istratehikong linyang kubkubin ang kalunsuran mula sa kanayunan.

Parami nang paraming mga binubusabos na mamamayan ng Asya, Aprika, at Latin Amerika ang nakagagagap sa teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao kaya napaliligiran na ngayon ng kanayunan ng daigdig ang kalunsuran ng daigdig, kahit umiihip pa rin ang mabahong hangin ng modernong rebisyunismo na sinisikap mailayo ang mga binubusabos na mamamayan ng daigdig sa armadong rebolusyon. Sa posturang inaatake ang isang tao, ang dakilang Marxista-Leninistang si Stalin, ipinagkanulo at binanatan ni Kruschov ang Partido ni Lenin, inilagay ang Unyon Sobyet sa kapitalistang landas, winasak ang pandaigdigang kilusang komunista, binago ang pulang kulay ng ilang bansa at ibinenta ang mga prinsipyo sa imperyalismong Amerikano. Pagkatapos ni Kruschov, sumige naman ang tropa ni Breshnev para palaganapin ang makabagong rebisyunismo at isagawa ang pinakamalupit na hakbang ng sosyal-pasismo at sosyal-imperyalismo.

Sa pagkakaharap sa problemang pigilan ang panunumbalik ng kapitalismo sa isang sosyalistang lipunan, isinulong ni Kasamang Mao Tsetung ang teorya ng patuloy na rebolusyon sa ilalim ng diktadura ng proletaryo at personal niyang inilunsad at pinamunuan ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura. Sa takbo ng Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura, naging malinaw sa mga Marxista-Leninista sa buong daigdig na ang Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ay ang malinaw na linyang naghihiwalay sa tunay na Marxista-Leninista at palsipikadong Marxista-Leninista. Ang kaisipang Mao Tsetung ay kinikilala bilang ang Marxismo-Leninismo ng kasalukuyang panahon na ang imperyalismo ay patungo sa ganap na pagbagsak at sumusulong ang sosyalismo tungo sa pandaigdigang tagumpay.

Ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura ay isang mapait na pakikibakang masa na inilunsad ng proletaryo laban sa burgesya sa isang sosyalistang lipunan. Nagbunga ito ng pagtibay ng diktadura ng proletaryo at ng pagbagsak ng mga buhong na lider na kapitalista ang tunguhin sa pamumuno ng Kruschov ng Tsina, si Liu Shao Chi. Naging pinakamalakas na moog ng sosyalismo ang Tsina, na nagtitiyak ng ganap na pagbagsak ng imperyalismo at ng pandaigdigang tagumpay ng sosyalismo. Nagbigay ito ng malakas na suporta sa lahat ng armadong rebolusyong inilunsad ng mga busabos na bansa at mamamayan. Itinataguyod nito ang pangunahing tunguhin ng daigdig ngayon na walang iba kundi rebolusyon. Napakalaki ng importansiya ng sosyalismo sa Tsina hindi lamang para sa mamamayang Tsino kundi pati sa mamamayan ng buong daigdig. Ang daan-daang milyung mamamayang Tsino ay handa ngayon higit kailanman sa anumang magiging kaganapan habang ibayo silang nagbibigay ng malakas na suporta sa armadong rebolusyon ng mga binubusabos na mamamayan.

Matibay na naninindigan ang Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung sa rebolusyonaryong dahas. Sa mahigit na isandaang taong pagitan nina Marx at Mao Tsetung, buhay na diwa ng Marxismo ang rebolusyonaryong dahas sa teorya at sa praktika.

Itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao:

Ang pag-agaw sa kapangyarihan sa pamamagitan ng armadong lakas, ang paglutas ng mga usapin sa pamamagitan ng digmaan, ay ang sentral na tungkulin at pinakamataas na antas ng rebolusyon. Nananangan ang Marxista-Leninistang prinsipyong ito ng rebolusyon sa lahat ng lupalop ng Tsina at sa lahat ng bansa.

II. Ang pandaigdigang importansiya ng teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao

Ang teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao ay nilagom mula sa tuluy-tuloy na dalawampu’t dalawang taon ng digmaang bayan sa isang malawak na bnsang tulad ng Tsina. Ito’y isang digmaang nagdaan sa Rebolusynaryong Digmaang Agraryo, sa Digmaan Laban sa Hapon, at sa Digmaang Mapagpalaya ng Bayan laban sa pangkating Amerikano-Chiang Kai Tsek. Sa buong kasaysayan ng sangkatauhan at ng pandaigdigang kilusang komunista hindi pa nangyari ang gayon katagal at gayon kalawak na digmaang bayan laban sa pinakamakapangyarihang imperyalista at papet na hukbo na tigib ng mga pangkalahatan at partikular na pangyayari. Hindi matatawaran ang mga batas na nalagom mula sa digmaang ito. Ang buong saklaw ng istratehiya at taktika ng digmaang bayan na binalangkas ni Tagapangulong Mao ay nagpatunay sa sapantaha ni Engels na: “Ang paglulunsad ng pagpapalaya sa proletaryo ay magkakaroon ng partikular na katangiang militar at lilikha ng partikular at bagong paraang militar.”

Kontra-rebolusyonaryong ideyalista lamang ang hindi makakakita sa pandaigdigang importansiya ng tagumpay ng digmaang bayan sa Tsina at sa katunayang malalim ang epekto nito sa kalagayan ng daigdig. Hindi puwedeng sabihin na iba ang laki ng Tsina kaya iba rin ang rebolusyong Tsino sa iba pang rebolusyonaryong pakikibaka pagdating sa teorya at praktika. May ilang makitid ang utak na nagaakalang angkop lamang ang teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao sa isang malawak na bansang gaya ng Tsina at nagngangangakngak na para bang ang bansang ito ay hindi binubuo ng iba’t ibang bahagi, kung saan sumusulpot ang pinakamasalimuot na problema at nilutas ni Tagapangulong Mao. Dapat nating kilalanin ang pandaigdigang kawastuhan ng teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao at ang mayamang praktika ng karanasang batayan nito. Tinanggap ito ng mga tunay na Marxista-Leninista sa buong daigdig bilang isang mahalagang sangkap ng kasalukuyang Marxismo-Leninismo at ginagamit itong gabay sa paglulunsad ng rebolusyon.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, patuloy na nanahak ang mga binubusabos na mamamayan ng Asya, Aprika at Latin Amerika sa landas ng matagalang armadong rebolusyon. Karamihan sa mga naglulunsad ng armadong pakikibaka sa kanayunan ng daigdig ay gumagamit sa istratehikong linya ni Tagapangulong Mao na pagkubkob sa kalunsuran mula sa kanayunan. Ang suma total ng mga pakikibaka ng mga bansang lumalaban para sa pambansang kalayaan at demokrasya sa mga kolonya at malakolonya ay nakakatulong sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mga proletaryo sa kalunsuran ng daigdig. Mula sa pangunahing larangan ng pandaigdigang pakikibaka laban sa imperyalismo, tumutulong ang mamamayang Vietnamese, Cambodian at Lao sa paglikha ng kalagayan sa Estados Unidos at iba pang kapitalistang bansa kung saan parami nang paraming mamamayan ang bumabangon laban sa kasamaan ng imperyalismong Amerikano. Ang krisis ng imperyalismo, lalo na nang punong haligi nitong Estados Unidos, ay bunga sa kalakhan ng mga tagumpay ng digmaang bayan.

Na maaaring makapaglunsad ng armadong pakikibaka ang mga mamamayan ng Asya, Aprika at Latin Amerika na hindi na maghihintay pa ng “rebolusyonaryong kalagayang” angkop sa insureksiyong lungsod sa mga kapitalistang bansa ay isang patotoo sa teorya ni Lenin na hindi parepareho ang antas ng pag-unlad ng imperyalismo at wasto namang pinaunlad ni Tagapangulong Mao sa teorya at praktika. Ang pinakamahinang kawing ng imperyalistang kapangyarihan ay nasa kanayunan ng daigdig gaya ng nasa kanayunan din ng isang malakolonyal at malapiyudal na bansa ang mga ito. Ang kanayunang ito ay nagbibigay sa mamamayan ng malawak na lugar ng maniobrahan at hindi ito lubus-lubusang masasakop ng kaaway gaya ng pagsakop nito sa kalunsuran, lalo na sa yugto ng istratehikong opensiba. Hangga’t hindi pa hinog ang kalagayan para sa pag-igpaw sa mga lungsod, ang mga ito ang pinakaligtas na sentro ng kapangyarihang pampulitika at pangkabuhayan ng kaaway.

Itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao:

Yayamang ang mga pangunahing lungsod ng Tsina ay matagal nanghawak ng mga makapangyarihang imperyalista at ng mga kaalyadonilang reaksiyunaryong Tsino, obligado ang mga rebolusyonaryongpuwersa na gawing maunlad at konsolidadong baseng pook ang mgaatrasadong nayon, ang gawin ang mga iyon bilang tanggulang militar,pampulitika. pangkabuhayan at pangkultura ng rebolusyon sapakikipaglaban sa mga buhong nilang kaaway na ginagamit angkalunsuran sa pag-atake sa distrito sa kanayunan, at unti-untingipagwagi sa ganitong paraan ang ganap na tagumpay ng rebolusyon sapamamagitan ng matagalang pakikibaka; kailangan natin itong gawinkung ayaw nating makipagkutsabahan sa imperyalismo at sa mgaalipuris nito, manapa’y determinadong patuloy na makibaka, at kunggusto nating palakasin at hasain ang ating puwersa at umiwas sa mgamapagpasiyang pakikipagsagupa sa malakas na kaaway samantalangmahina pa ang ating lakas.

Ang lakas ng loob ng pipitsuging rebisyunistang si Pomeroy na sabihing walang pandaigdigang importansiya ang teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao at ang rebolusyong Tsino ay hindi man lamang maaaring gawing “modelo para sa Asya.” Tahasan niyang sinabi:

Sa katunayan, bihira sa mga nagtagumpay na pakikibakang gerillyaang sumunod sa gayong paraan (ng pagtatayo ng mga napalayang purokat pagkubkob sa kalunsuran mula sa kanayunan), taliwas sa malaganapna paniniwala at sa sinasabi ng mga lider Tsino mismo na ito angmodelo.

Nilibak rin niya ang teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao na umano’y “taliwas” sa pundamental na konsepto ng internasyunalismo ayon sa Marxista-Leninistang teorya dahil, aniya, hindi nito kinikilala ang “alyansa ng mga sosyalistang bansa at uring manggagawa” at ng mga rebolusynaryong puwersa sa mga kapitalistang bansa at mga pambansang kilusang mapagpalaya sa mga kolonya at malakolonyang bansa. Sa lalong pag-uulol ng kanyang pang-aalipusta, sinabi niyang lalong “nagiging matingkad” ang “di-Marxistang paglalahat” ng teorya at istratehiya ni Tagapangulong Mao kapag inilalapat iyon sa pandaigdigang prinsipyo. Buong kasinungalingan niyang ibinando na “ibinasura” sa Vietnam ang teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao ng “tatlong-panig na pagkakaisa ng mga kilusang mapagpalaya, mga sosyalistang bansa at mga rebolusyonaryo at progresibong kilusan sa mga kapitalistang bansa.”

Sa paggigiit na walang pandaigdigang importansiya ang rebolusyong Tsino, sinamba ni Pomeroy ang Rebolusyong Oktubre bilang ang tanging pandaigdigang modelo ng armadong rebolusyon. Umabot pa siya na sukdulang pagsabungin ang Rebolusyong Oktubre at ang Rebolusyong Tsino, si Lenin at si Mao Tsetung, at ang Leinismo at ang Kaisipang Mao Tsetung, imbes na kilalanin ang pagpapatuloy ng kaunlaran at ang iba-ibang yugto ng pag-unlad. Baka bumangon si Lenin sa kanyang libingan dahil sa pagkaladkad ng isang buhong na rebisyunista sa kanyang pangalan laban sa Marxismo-Leninismo.

Gustong patayin ng anti-Marxista at anti-Leninistang si Pomeroy ang sigla ng Marxismo-Leninismo at ang patuloy na pag-unlad ng teorya at praktika nito. Sa pagpapakitid sa kahulugan ng “rebolusyonaryong kalagayan,” na pinalalabas niyang iyon lamang mga kalagayang kinapalooban ng Rebolusyong Oktubre, ang mga kalagayang nagpahintulot sa kagyat na pagsakop ng kalunsuran sa isang imperyalistang bansa pagkatapos ng matagal na pakikibakang legal, ganap niyang tinalikuran ang katotohanang ang pandaigdigang rebolusyong proletaryo ay ipinaglaban sa iba’t ibang kalagayan, nagdaan sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad at nagdulot ng pagbabago sa daigdig kung kaya umiiral na ang isang rebolusyonaryong kalagayan sa buong kontinente ng Asya, Aprika at Latin Amerika pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at higit na mainam na ngayon ang pandaigdigang rebolusyonaryong kalagayan. Gayon na lamang ang pagsulpot ng mga paborableng kalagayan para sa rebolusyon sa mga kanayunan ng daigdig na puwede nang makapaglunsad at makaabante sa matagalang digmaang bayan ang maliliit at mahihinang bansa rito hanggang sinusunod nila ang teorya at istratehikong linya ni Tagapangulong Mao.

May isang batayang pagkakaiba na dapat kilalanin sa pagsasaalang-alang sa mga rebolusyonaryong puwersa. Dito ang tagal ng legal na pakikibaka bilang pangunahing anyo ng pakikibaka ay kailangan at wasto basta may desisyon ang mga puwersa na maglunsad ng armadong pakikibaka; malaking kapinsalaan ang ibubunga sa rebolusyonaryong puwersa kapag hindi nila naagaw kaagad ang mga lungsod. Dito kailangan at wasto ang matagalang pakikibakang legal bilang pangunahing anyo ng pakikibaka hanggang naglulunsad ng gawaing pang-idolohiya at pampulitika para ihanda ang proletaryo sa armadong pag-agaw sa kapangyarihan. Subalit, sa kanayu- nan ng daigdig kung saan ang mamamayan ay duaranas ng sapin-saping pambubusabos ng imperyalismo at ng lokal na reaksiyon, mas mainam para sa rebolusyonaryong puwersa ang maglunsad ng matagalang digmang bayan sa malawak na teritoryo ng kanayunan. Ito ay pagsunod sa teorya ni Lenin na hindi parepareho ang antas ng pag-unlad ng imperyalismo at sa Marxista-Leninistang paraan ng pag-atake sa kaaway sa pinakamahinang parte nito. Ang rebolusyong proletaryo sa kalunsuran ng daigdig ay nakasalalay sa pambansang demokratikong rebolusyon sa kanayunan ng daigdig sa puntong ang armadong pakikibaka sa kanayunan ng daigdig ay tiyak na makatutulong na mapabilis ang pagkahinog ng rebolusyonaryong kalagayan sa kalunsuran ng daigdig.

Nag-uulol ang galit ni Pomeroy sa pandaigdigang importansiya ng rebolusyong Tsino na itinanggi niya ang kahalagahan kahit para sa mga mamamayang Asyano. Ibinatbat niya na ni hindi “huwaran ng mga Asyano” (isang terminong pinauso ng mga akademistang burges) ang rebolusyong Tsino sa pamamagitan ng pagtalakay sa “mga partikular na kalagayan” at sa “iba’t ibang anyo” ng armadong pakikibaka sa Asya upang paghiwahiwalayin ang mga ito at ganap na maibukod sa rebolusyong Tsino. Sa paggamit sa empirisistang paraan ng pagsusuri, tinangka ng kontra-rebolusyonaryong ideyalistang ito na alisan ng kanikanilang pandaigdigang importansiya ang iba’t ibang armadong pakikibaka sa labas ng Tsina. Sa pagpupumilit na maihiwalay ang rebolusyong Tsino, pinaghiwahiwalay din ni Pomeroy ang mga rebolusyonaryong kilusan ng bawat bansa at itinaas ang itim na bandila ng pagmamalaki sa sarili sa halip na itaguyod ang pagsasanib ng Marxista-Leninistang teorya at kongkretong kalagayan ng isang bansa. Palsipikado ang anumang pagpuna sa dogmatismo kapag ginagamit lamang itong kasangkapan para maisulong ang empirisismo. Ang empirisismo ni Pomeroy ay madaling nauwi sa pagpupunyaging alisan ng pandaigdigang importansiya maging ang Rebolusyong Oktubre bagaman minsan ay pomupustura siyang dogmatikong iginigiit na gawing prinsipal na anyo ng armadong pakikibaka sa Asya, Aprika at Latin Amerika ang mga pag-aalsa sa kalunsuran.

Walang lubay sa kanyang kontra-rebolusyonaryong rebisyunistang pananaw, binaluktot ni Pomeroy ang kasaysayan ng Vietnam. Hinabi niya ang alamat na ang pambansang kilusang mapagpalaya ng mamamayang Vietnamese na pinamunuan ni Kasamang Ho Chi Minh ay bigla na lamang nahulog mula sa langit at bumaba sa Hanoi upang itatag ang Demokratikong Republika ng Vietnam sa pamamagitan ng aklasang lungsod. Ang totoo niyan, kinailangan ng mga rebolusyonaryong puwersang ito na maglikom ng lakas mula sa mamamayan ng kanayunan bago sila nakapaglunsad ng anumang pagbabangon sa kalunsurang kontrolado ng mga pasistang Hapones. Sa kalakhan, ang lakas na iyon na nahubog mula sa masang magbubukid ay kinailangan pang dumaan sa pagsubok ng armadong pagsalakay ng kolonya- listang Pranses at mga kaalyado, pagkatapos mapalaya ang Hanoi. Kahit ngayon ang mamamayang Vietnamese at ang mga mamamayan ng buong Indotsina ay higit na umaasa sa kanilang lakas sa kanayunan para bakahin ang imperyalismong Amerikano, ang pinakamalakas at pinakamabangis na imperyalistang mananalakay.

Malinaw na makikita ang impluwensiya ni tagapangulong Mao sa pahayag na ito ni Vo Hguyen Giap:

Samantalang ang uring manggagawa ang uring namumuno sarebolusyon, ang uring magbubukid ang pangunahing puwersa ngrebolusyon, na tigib ng diwang anti-imperyalista at anti-piyudal.Higit pa rito, sa paglulunsad ng Digmaang Laban sa Pananalakay, sakanayunan kami umasa sa pagtatayo ng aming mga base na siya naminglunsaran ng aming pakikidigmang gerilya para makubkob ang mgakaaway sa kabisera hanggang sa mapalaya ang mga kabisera.

Sa pagtatangkang mapalabas na “isa lamang sa gayong bagay” ang teorya at istratehikong linya ni Tagapangulong Mao at walang halaga para sa buong Asya, Aprika at Latin Amerika, kung anu-anong kabulastugan ang pinalaganap ni Pomeroy, kung anu-anong mga tahasang anti-komunistang pahayag ang kanyang binitiwan at tulad ng isang intrigero, itinuring niya na mas superyor ang mga kasalukuyang inilulunsad na armadong pakikibaka, na sa katunayan naman ay ginagabayan ng istratehikong linya ni Tagapangulong Mao na pagkubkob sa kalunsuran mula sa kanayunan, kaysa doon sa mga nagtagumpay at napatatag na.

Ikinalulugod ni Pomeroy ang hindi paggamit sa mga tagubilin ni Tagapangulong Mao hinggil sa digmaang bayan ng lideratong Jose-Jesus Lava noong 1950 kahit inamin niya (ano pa ba ang magagawa kundi aminin) na nabigo ang “kaliwang” oportunistang lideratong ito. Kaya lang, dahil gago nga, ipinalalagay niyang dapat na sagadsarang nilabag ng armadong pakikibakang iyon ang teorya ng Digmang Bayan ni Tagapangulong Mao upang nagwagi sana. Ibinatbat pa niya na nanalo sana ang lideratong Jose-Jesus Lava kung hindi gumampan ng pangunahing papel sa armadong pakikibaka ang Partido Komunista. Inihalimbawa niya ang pangyayaring hindi ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista ang namuno sa armadong pakikibaka sa Algeria at sa Cuba.

Tungkol sa Aprika, ani Pomeroy:

Kasaysayan sa nakararaming bansang Aprikano ang pagtatayo ngpartido ng uring manggagawa, na walang proletaryo at alyansangmanggagawa-magbubukid o mga radikal na grupog petiburges salideratong hindi naman mula sa mga kalagayang ito.

Isang Aprikang ganap na hiwalay sa makabagong sibilisasyon ang gustong mailarawan ni Pomeroy, na hindi alintana ang mahabang panahong pagiging kolonya ng kontinenteng ito ng mga imperyalistang kapangyarihan. Ang isa pang bagay na ginawa niya para maibasura ang rebolusyong Tsino at si Tagapangulong Mao ay ang ipahiwatig na walang matututuhan sa kanila ang mamamayang Aprikano. Sa katunayan, mas nagpupugay siya ngayon kina Amilcar Cabral ng Partido Africano da Independencia da Guine e Cabo Verde at Eduardo Mondlane ng FRELIMO kaysa sa mga lider ng mga matagumpay na rebolusyon at patungo na sa sosyalistang rebolusyon sa ilalim ng isang malinaw na lideratong Marxista-Leninista.

Sinikap ni Pomeroy na mabansagang “di-Marxista” ang wastong mga ideya ni Tagapangulong Mao na pumatnubay sa rebolusyong Tsino sa bawat tagumpay. Kontra-rebolusyonaryong ideyalista lamang ang magtatakwil sa mga tagumpay ng pambansang demokrtikong rebolusyon at sosyalistang rebolusyon sa Tsina sa ilalim ng pamumuno ni Tagapangulong Mao. Suriin natin nang bahagya ang pinaggagawang kabulastugan ng ulol na rebisyunistang ito sa kasaysayan ng Tsina. Sa hangaring mabaligtad ang mga kaganapang hinusgahan na ng kasaysayan ng Tsina, sinabi ni Pomeroy tungkol sa mga insureksiyon sa kalunsuran noong 1927 sa Tsina:

Nabigo ang mga ito hindi dahil sa hindi angkop sa Tsina ang mga prinsipyo ng isang rebolusyon na ang insureksiyon sa kalunsuran ay gumaganap ng pangunahing papel kundi dahil sa hindi pareparehong antas ng pag-unlad ng rebolusyong Tsino at ng alyansang manggagawa-magbubukid nito at dahil sa pagtaliwas sa mga insureksiyunaryong prisipyo (ang Canton Commune, halimbawa, ay mas hawig sa Paris Commune kaysa sa insureksiyong Oktubre sa Petrograd at Moscow).

Ganap na binalewala ng tunggak na rebisyunistang ito ang malakolonyal at malapiyudal na kalagayan ng Tsina na sakop din ng batas na hindi pantay na pag-unlad ng mga rebolusynaryong puwersa. Ipinagpipilitan niya na angkop din noon sa Tsina ang mga insureksiyong lungsod kung dogmatiko lamang kinopya ang Rebolusyong Oktubre, at hindi ang Paris Commune. Subalit, hindi siya nag-abalang ipaliwanag pa kung ano ang mga pagkakaiba ng Paris Commune at ng insureksiyong Oktubre, kung alin-aling pagkakaiba ang sa palagay niya ay mas mahalaga kaysa sa pagkakaiba ng mga kapitalistang bansa sa mga malapiyudal na bansa. Ang pagkakamali ng mga pag-aalsang lungsod sa Tsina noong 1927 ay ang paglaban hanggang kamatayan sa mga siyudad at ang pagsandig sa suporta ng ibang bansa. Tumama lamang sila sa puntong inihudyat nila ang armadong paglaban sa mga reaksiyunaryong Kuomintang. Ang landas tungo sa kanayunan at sa mga kabundukan ng Chingkang ay wastong ipinakita ni Tagapangulong Mao.

Para mamaliit ang umaasa-sa-sariling mga rebolusyonaryong pagpupunyagi ng mamamayang Tsino sa paggapi sa imperyalismong Hapones at sa mga reaksiyunaryong Kuomintang kasunod niyon, itinuring niyang “mahalagang salik” sa panghuling matagumpay na opensibang inilunsad ng Pulang Hukbong Tsino ang mga kagamitang militar na umano’y inintrega ng Pulang Hukbong Sobyet galing sa mga imperyalistang Hapon sa Manchuria. Pero ganap niyang binalewala ang katotohanang bagaman mayroong koordinasyon ang Pulang Hukbong Tsino at Pulang Hukbong Sobyet, ang pangunahing suporta ng mga tagumpay militar ay ang matiyagang paggampan ng gawaing masa at ang matagalang armadong pakikibakang inilunsad ng Partido Kumunista ng Tsina at ng mamamayang Tsino sa pook na iyon. Dapat ding ipagdiinan na ang mga sandatang nasamsam sa mga imperyalistang Hapones ay higit na naintrega sa Kuomintang. Sa ilalim ng wastong pamumuno ni Tagapangulong Mao, parehong nagawang palayain ng sambayanang Tsino ang hilaga at ang timog na bahagi ng kanilang bansa sa sarili nilang pagpupunyagi at pagsisikhay.

Sapagkat ipinalalagay niyang dapat umasa nang malaki ang bawat mamamayang nakikibaka para sa pambansang kalayaan sa materyal na tulong ng ibang bansa, ibinatbat ni Pomeroly na walang diwa ng internasyunalismo ang teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao. Ang pagpapalaganap ng wastong teorya at ang pagbaluktot sa mg anti-imperyalistang patakaran at pagkilos ng isang sosyalistang bansang tulad ng Tsina ay isang mahalagang suporta sa mga binubusabos na mamamayan ng daigdig. Mahusay ding ginampanan ng Tsina ang tungkulin nitong magkaloob ng materyal na suporta sa iba’t ibang rebolusyonaryong kilusan at mga anti-imperyalistang bansa. Gayunman, matibay na pinanghawakan ng Tsina ang prinsipyong kayang palayain ng mamamayan ang kanilang bansa nang higit na umaasa sa sarili. Tungkol sa rebolusyonar- yong pakikibaka ng mga Vietnamese laban sa pananalakay ng imper- yalistang Amerikano, nagsilbing isang maaasahang likurang base ang Tsina at puspusan itong nagkaloob ng malaking kailangang suporta para sa mamamayang Vietnamese. Sa kabilang banda, pakitang-taong suporta lamang ang ibinigay ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet sa Vietnam para magamit lamang iyon bilang kartada sa pakikipagtawaran sa imperyalismong Amerikano sa ngalan ng mamamayang Vietnamese, sa pagsabotahe sa rebolusyong Vietnamese at sa paghahasik ng intriga sa mga rebolusyonaryong puwersa. Hindi nakisali ang Tsina sa tinatawag ni Pomeroy na “alyansa ng mga sosyalistang bansa,” isang pagsasanib ng mga tunay na sosyalistang bansa at palsipikadong sosyalistang bansa, para sumuporta sa pakikibaka ng mamamayang Vietnamese. Sapat na ang bilateral na ugnayan ng Tsina at Vietnam para magampanan nang isa’t isa ang kanikanilang internasyunalistang tungkulin.

Ngayong ang digmaang pananalakay ng Amerikano sa Vietnam ay lumalaganap na sa buong Indotsina, ang nakita nating ganap na nalusaw ay ang mga pagpapanggap ng sosyal-imperyalismong Sobyet, hindi ang teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao at ang istratehikong linyang pagkubkob sa kalunsuran mula sa kanayunan. Garapal na sinuportahan ng sosyal-imperyalismong Sobyet ang reaksiyunaryong pangkating U.S.-Lon Nol sa Cambodia, kinatigan ang pananalakay ng Amerikano sa mamamayang Lao at patuloy na pakitang tao at huwad na suporta lamang ang ipinagkaloob sa Demokratikong Republika ng Vietnam. Gaya nang naipakita na, talagang gustong magamit ng sosyal-imperyalismong Sobyet ang pakikibaka ng mamamayan ng Indotsina laban sa pananalakay ng Estados Unidos at para sa pambansang katubusan para makakuha ng pabor sa imperyalismong Amerikano. Subalit ibayong nananatiling matatag na nagkakaisa ang mamamayang Indotsino sa pakikibaka para kanilang paglaya sa mga mananalakay na imperyalistang Amerikan o at mga reaksiyunaryong alipuris nila.

III. Pag-aangat ng digmaang gerilya sa antas ng Marxista-Leninistang teorya at istratehiya

Sa maagang yugto ng Rebolusyonaryong Digmaang Agraryo o Ikalawang Rebolusyonaryong Digmaang Sibil, inilatag ni Tagapangulong Mao ang mga batayang taktika ng digmaang gerilya sa ganito: “Umatras kapag umatake ang kaaway, bulabugin kapag nagkampo; salakayin kapag nahapo; habulin kapag umatras.” Ibayong umunlad ang mga taktika ng digmaang gerilya sa panahon ng pakikidigma laban sa Hapon. Sa katunayan, ang buong digmaang gerilya ay umangat sa antas ng istratehiya. Sa mahabang yugto ng istratehikong pagtatabla ng puwersa sa panahon ng pakikidigma laban sa Hapon, gumanap ng pangunahing papel ang digmaang gerilya sa pagpukaw sa malawak na masa ng mamamayan sa buong bansa at sa pakikipaglaban sa kaaway na higit na nakalalamang sa puwersa militar. Gumampan ito ng mapagpasiyang papel sa pagpaparami, pagpapatibay at paghinog ng mga panlabang yunit na pagkatapos ay puwedeng maiangat sa antas ng regular na puwersang makilos sa huling yugto ng digmaan laban sa Hapon at sa panahon ng Ikatlong Rebolusyonaryong Digmaang Sibil. Mahahalaw natin mula sa mayamang karanasan ng digmaang bayan sa Tsina ang pandaigdigang aral na ang digmaang gerilya ay hindi lamang naghahanda kundi sa tuwina’y nagsisilbi ring katuwang ng regular na digmaang makilos.

Nang ang digmaang gerilya ay maiangat sa antas ng Marxista-Leninistang teorya at istratehiya ni Tagapangulong Mao, iyon ay naging mabisang rebolusyonaryong sandata ng mga binubusabos na mamamayan na kailangang lumaban sa mas malakas at mas nasasandatahang modernong hukbo ng imperyalismo at mga reaksiyunaryo. Sa anu’t anuman, ang digmaang gerilya ay hindi na ngayon parehong matagumpay na magagamit ng mga rebolusyonaryo at reaksiyunaryo.

Ang nagtatakda ngayon sa batayang katangian ng digmaang gerilya ay ang paggamit dito ng mga rebolusyonaryong puwersa sa kanayunan ng daigdig. Ang mga kontra-gerilyang taktika ng Amerikano, ang panunulisan o anumang pagtatangkang gamitin ang digmaang gerilya nang walang kasamang pagbubuo ng rebolusyonaryong partido, nagkakaisang prente, mga baseng pook sa kanayunan, organisasyong masa at mga organo ng kapangyarihang pampulitika ay nakatakdang mabigo sa harap ng tunay na rebolusyonaryong digmaang gerilya sa tanglaw ng teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao.

Sa buong daigdig ang digmaang gerilya ay naging ang pinakamabisang sandata ng mga sinisikil na bansa at binubusabos na mamamayan sa panahon at pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit, sa Pilipinas, hindi ito mahusay na nagamit ng lideratong Jose-Jesus Lava ng nagsanib na lumang partido. Sa di-pagkilala at pag-aaral sa Marxista-Leninistang katangiang iniambag ni Kasamang Mao Tsetung sa digmaang gerilya, pinagtibay ng lideratong ito noong 1950 ang “kaliwang” oportunistang linyang “kagyat na tagumpay militar” at inatasan ang maliliit na yunit gerilya na wala pang limang libo ang kabuuang puwersa, na maglunsad ng “istratehikong opensiba” laban sa kaaway. Sa pagsunod sa “todo-largang armadong pakikibaka,” hindi binigyang-pansin ng lideratong ito ang hakbang-hakbang na pagbubuo ng partido, ng hukbong bayan at ng nagkakaisang prente, pati ang baytang-baytang na pag-angat ng armadong pakikibaka batay sa rebolusyong agraryo at sa pagtatatag ng mga rebolusyonaryong base.

Batay sa kaniyang maigsi at makitid na karanasan sa piling ng lideratong Jose-Jesus Lava, hindi naalis ni Pomeroy ang pagkasuklam niya sa digmaang gerilya. Ginamit pa niya ang mga pangalan nina Marx at Engels sa pagtatangkang maipuwers ang digmaang gerilya sa mg istratehiya at taktikang mapagpipilian ng mga proletaryo at ng rebolusyonaryong partido nito, lalung-lalo na sa kanayunan ng daigdig. Katsang niya:

gerilya, bilang isang anyo ng pakikibakang masa, hindi tinangka ninuman sa kanila na ikawing ito sa mga taktika ng uring manggagawa sa pagtatamo ng kapangyarihan, na tinitingnan sa punto ng insureksiyon kung saan ang mga organisadong masa ng mamamayan ay maisasabak sa mapagpasiyang pagkilos sa mga mapagpasiyang panahon.

Pinalalabas ni Pomeroy na siya ay isang saradong insureksiyunista. Subalit sa likod ng posturang ito ay ang kanyang kalkulalsyon na yayamang hindi naman kaagad makapagsasagawa ng insureksiyon sa kalunsuran ang mga mamamayan sa mga kolonya at malakolonyang bansa, maipipilit niya, kung gayon, na huwag silang sumabak sa anumang armadong pakikibaka at sa halip ay lumahok sa parliyamentaryong pakikibaka bilangang tangi o ang pangunahing anyo ng pakikibaka sa loob ng isang matagalan at walang tkdang panahon. Ito ang tinatawag nating “kaliwa” sa porma pero kanan sa esensiya. Ganap siyang nahubaran ng maskara nang kanyang ibatbat na:

Ang pagiging popular ng armadong pakikibaka sa mga kilusang mapagpalaya sa maraming bansa ay hindi dapat tumakip sa katotohanang maraming beses nang nakamit ang kalayaan mula sa imperyalistang paghahari sa ibang paraan gaya ng pangkalahatang welga, mga demonstrasyong masa, at organisasyon at ahitasyong pampulitika na malinaw na nagpapakita ng kagustuhan ng mamamayan.

Umabot siya hanggang sa pagkilala na mapayapa at tunay na naging malaya ang mga bansang iyon na ang “kalayaan” ay “iginawad” ng mga imperyalista o kaya’y bunga ng kasunduan ng mga imperyalistang bansa at lokal na burgesya, lalo na ng mga elementong komprador-burgesya o maging ng mga komprador-burukrata. Ginawang katawatawa ni Pomeroy ang sarili sa pagsisinungaling na ito at sa paglalabulabo ng mga termino: "Sa mga malayang estadong ito ang rebolusyon o proseso ng pagpapalaya ay maaaring hindi nakumpleto ng pakikibaka lamang para sa kalayaan (amin ang pagdidiin). Ipinalalagay niya na “malaking kasiyahan sa mga Marxista” ang pagkakaroon ng mga bansang nanahak sa “di-kapitalistang landas” na walang Marxista-Leninistang liderato at pinaghaharian ng imperyalismong Amerikano, sosyal-imperyalismong Sobyet at lokal na komprador-burukrata kapitalismo.

Gusto ni Pomeroy makalikha ng malaking larawan ng pagkatalo ng mga binubusabos na mamamayan ng daigdig. Sa pamamagitan lamang ng mabulaklak na pananalita, inaasahan niyang makukumbinsi ang lahat na mas tumitimbang ang pansamantalang pagkatalo ng ilan bansa kaysa sa malaki at solidong tagumpay ng mga digmaang bayan sa Tsina at iba pang bansa. Ibinasura rin niya ang katotohanang ang mga rebolusyonaryong puwersang lumasap ng pansamantalang pagkatalo ay maaaring muling magsikhay ma makabangon at ipagpatuloy ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka hanggang sa makamit ang tagumpay. Ngakngak niya:

Gustong pagtakpan ng kagilagilalas na tagumpay ng digmaang gerilya sa ilang pakikibaka—lalo na sa Tsina, Vietnam, Algeria at Cuba—ang katotohanang sa panahon ding iyon maraming prinsipal na digmaang gerilya tulad sa Malaya, Pilipinas, Gresya, Burma at Kenya ang lumasap ng pagkatalo, samantalang matinding dagok naman ang naranasan ng mga pakikibakang gerilya sa Congo, Peru, Bolivia at kung saan-saan pa. Segun dito, malinaw na makikita na ang armadong pakikibaka o mga taktikang gerilya ay hindi nasasabing epektibong pangkalahatan o pandaigdigang prinsipyo.

Ang malinaw na gustong palabasin ni Pomeroy ay mabisang prinsipyo ang armadong kontra-rebolusyon at ang pasipismong burges.

Pinalalabas ni Pomeroy na ang mga rebolusyonaryong puwersa ay pasibo, walang kusang palo at naghihintay lamang na mapilitang maglunsad ng armadong pakikibaka. Daldal niya:

Mas gusto ng alinmang kilusang mapagpalaya ang mapayapa at legal na paraan para matamo ang kalayaan. Natutulak ang mga kilusang ito ng mamamayan na gumamit ng dahas para matamo ang pangkalahatang mithiin dahil sa pagsupil sa kanila na maipahayag ang kanilang mga karaingan at pagtugon ng tumitinding karahasan ng desperado at bumabagsak na sistemang imperyalista.

Ang gusto niya ay magsagawa lamang ng “mga paghahanda para sa armadong pakikibaka” kapag “sarado na ang lahat ng pinto para sa legal at mapayapang paraan ng paghahangad ng pagbabago”—kapag “ang gayong hakbang ay hiningi ng aksiyon ng mga reaksiyunaryong puwersa.”

Para ibayong masuportahan ang kanyang rebisyunistang tindig, ginamit ni Pomeroy ang matingkad na pagkatalo nina Ernesto “Che” Guevarra at Regis Debray para mapalabas na ang Rebolusyong Cubano" ang “pandaigdigang modelo” ng armadong rebolusyon na nakahihigit sa Rebolusyong Tsino. Ikinatuwa niya ang pagkabigo ng Latin American Organization of Solidarity (OLAS) na maibandila ang Rebolusyong Cuba pati ang adbentura nina Guevarra at Debray sa Bolivia na hindi maayos na pinagtuunan ang pagtatayo ng partido, nagkakaisang prente at ang gawaing masa bilang kailangang suporta sa armadong pakikibaka. Para kunwa’y matabunan ang mga sipi kina Castro, Guevarra at Debray, ang buong seksiyon tungkol sa Latin Amerika ay inilaan niya sa mga siping galing sa mga kontra-rebolusyonryong sina Juan Rodriguez, Alberto Gomez, Jose Manuel Fortuna, Jose Cuello at Asdrubal Dominguez at Luis Corvalan.

Ang mga Latinong rebisyunista at kanang oportunistang ito ay sumuporta sa ideyalista at oportunistang linya ni Pomeroy na “pagsasanib ng lahat ng anyo ng pakikibaka” nang hindi nagtutuon sa pangunahing anyo ng pakikibaka at sa istratehikong layunin ng pag-agaw sa kapangyarihan; sa pagbanat sa likhang-isip na tauhan na armadong pakikibaka o pakikibakang gerilya lamang ang gusto"; sa linyang suportahan ang “mas mabait na demonyo,” na kadalasan ya ang papet na pangkating nasa poder na mabilis na kinasusuklaman ng mamamayan; at sa linyang magtuon ng pangunahing pansin sa mapayapang pakikibakang lungsod bilang paghahanda sa mg pag-aaklas sa hinaharap at pansamantalang makipagkutsabahan muna sa mga reaksiyunaryo.

Sa pag-atake sa digmaang gerilya bilang isang rebolusyonaryong paraan, ang layunin ni Pomeroy ay ang iduyan-duyan ang mga rebolusyonaryong puwersa sa kanayunan ng daigdig sa paghihintay sa walang katiyakang pagdating ng insureksiyong lungsod na batay sa iniisip na kondisyong tulad ng sa rebolusyonaryong kalagayan ng Rebolusyong Oktubre at sa paglulunsad ng digmaang gerilya batay lamang sa “rebolusyonaryong sitwasyon” na may kahiwagaang sinasabi ni Pomeroy. Anu’t anuman, konsistent ang tingin ni Pomeroy na ang paglahok ng mga kilusang masa sa matagalang mapayapa at legal na pakikibaka ang tangi o pangunahing anyo ng pakikibaka. Dahil dito, sobra-sobra ang kanyang papuri sa mga rebisyunistang partido at rebisyunistang manunulat gaya ng ipinakikita ng kanyang aklat sa seksiyon tungkol sa Latin Amerika. Pinalalabas niyang sang-ayon ang mga iyon sa armadong pakikibaka, lamang at nasa yugto pa rin ng walang katiyakang mapayapang paghahanda para dito o kaya’y nasa yugto pa rin ng pagbitiw sa mga naunang armadong pakikibaka. Itinuturing niya ang mga rebisyunista niyang katoto na mas mabigat kaysa sa mga dakilang rebolusyonaryong lider gaya, halimbawa, sa mga lider ng Tsina at ng Indotsina.

Bakit ba itinataguyod ni Pomeroy ang matagalang mapayapang pakikibaka laban sa teorya ni Tagapangulong Mao na matagalang digmaang bayan sa kanayunan ng daigdig? Sa tingin niya kasi, dahil kayang makita ng imperyalismong Amerikano ang mga “realidad” (lalo na ang superpower na pagmaniobra ng Unyon Sobyet at ang mapayapang mga kilusang masa) unti-unting mababago ang mabangis na katangian nito. Katsang niya:

Ang mga kasalukuyang armadong pakikibakang masa ay hinuhubog sa kalakhan ng mga imperyalistang taktika ng karahasan at ang mga ano ng pakikibaka sa mga darating na panahon ay maapektuhan nang malaki ng tindi ng pagkaobliga ng imperyalismo na kilalanin ang mga realidad sa nagbagong balanse ng mga puwersa. Ilang rebolusyonaryo ang nagsasabing hindi kayang kilalanin ng imperyalismong Amerikano ang gayong katotohanan o ang magsagawa ng anumang hakbang para harapin ang gayon na kaiba sa ginagawa nito ngayon. Subalit ang isang Marxista-Leninista, samantalang handa sa anumang anyo ng pakikibaka, ay dapat ding maging handa sa kasalimuotan ng pagbabago.

Sa gayong “kasalimuotan ng pagbabago” (isang mahiwagang termino na nangangahulugan ng kawalang-kakayahang “hatiin ang isa sa dalawa”), iginigiit ni Pomeroy na babaguhin ng imperyalismong Amerikano ang katangian nito.

Ganap nang inilantad ni Pomeroy ang pagiging ahente niya ng imperyalismong Amerikano. Nilibak niya ang binansagan niyang “apokaliptikong pangitain” na ang imperyalismo at kapitalismo ay palibot at lukob ng lumalakas na digmaang gerilya. Ipinahihiwatig niya na iyong mga naniniwalang napakainam ng pandaigdigang rebolusyonayong kalagayan ay hindi mga Marxista-Leninista at nadadala ng “damdamin at init ng ulo.” Sinabi niyang may “pagka-istatiko” ang pangkalahatang pormulasyon na nasa krisis ang imperyalismo at ang kapitalistang sistema sa kabuuan at ang pormulasyong rebolusyonaryo ang kasalukuyang panahon. Ginawaran niya ang imperyalismong Amerikano nang lahat ng puwede niyang maisip na kasiglahan at gusto niyang mangyari na ngumanga na lamang ang mga rebolusyonaryong puwersa sa harap ng naghihingalo at nanghihinang halimaw na iyon. Hindi siya sumasang-ayon sa pananaw na panahon ngayon ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung, na ang imperyalismo ay patungo na sa ganap na pagbagsak at ang sosyalismo ay sumusulong tungo sa pandaigdigang tagumpay. Lagi siyang nakatuon sa mga partikularidad ng ilang bansa tulad ng gawain ng isaang empirisista na may mekanistikong layuning maihiwalay ang partikular sa pangkalahatan o unibersal.

Sa magaspang na pagpanig sa imperyalismong Amerikano, ibinatbat ni Pomeroy na kasalanan ng mga rebolusyonaryo dahil naglunsad sila ng mga armadong pakikibaka kaya gusto silang durugin ng imperyalismong Amerikano sa pamamagitan ng dahas militar. May pagbabantang idinaing niya na “iyong mga saradong naniniwala sa armadong pakikibaka” ay tiyak na madudurog o mapipilitang magsagawa ng mga mahirap na pag-atras. Ang mga imperyalistang kontra-insureksiyong operasyon ay espesyal na dinisenyo para sa ganitong uri ng pagkakamali." Sa paglalahat, itinuring niya ang armadong pakikibaka bilang ang “uri ng ganitong pagkakamali.”

Ipinagmayabang niya ang maunlad na teknolohiyang militar ng imperyalismo at tinatakot ang mamamayan sa sinasapantahang bisa nito sa pagsupil sa rebolusyonaryong kilusan. Pakakak niya:

Ang mga kasalukuyang pagtatangka ng imperyalismo na masupil ang rebolusyonaryong kilusan sa pamamagitan ng paggamit ng pinakaabanteng teknolohiyang militar—gaya ng mga helikapter, napalm, paggamit ng kemikal sa digmaan, mga kagamitang elektroniko—ay tulad sa paggamit ng uso noong kaunlarang militar sa pagtataboy sa mga rebolusyonaryong kilusan sa mga lansangan sa panahon nina Marx at Engels, mahigit isandaang taon na ang nakararaan.

Padaplis na ipinanakot niya ang digmaang nuklear, at sinabing labis siyang "nag-aalala na baka matulak ng mga armadong rebolusyonaryong pakikibaka ang imperyalismong Amerikano na magpasimula ng digmaang nuklear. Daldal niya:

Ang mga pagbabago ay maaaring magbunga ng digmaang nuklear sa pagitan ng sosyalismo at imperyalismo—isang uri ng armadong sagupaan na sinisikap mapigilan ng mga sosyalistang bansa at ng mga kilusang komunista sa buong daigdig dahil sa lagim na idudulot niyon sa sangkatauhan.

Samantalang gustong takutin ni Pomeroy ang mamamayan sa teknolohiyang militar at armas nuklear ng imperyalismong Amerikano, gusto rin niya silang papaniwalain na di-magluluwat ay hindi na maipagtatanggol pa ng alinmang kapitalistang puweersa ang pandaigdigang kapitalistang sistema at mismong ang imperyalismong Amerikano, ang pangunahing tagapagtanggol ng gayong sistema, ay bibitiw na rin sa papel nito bilang pulis dala ng masidhing habag sa mamamayang Amerikano na nagbabayad ng buwis at sa pagdadalang-habag na rin sa mga pakikibakang masa na hindi na makita ang saysay ng armadong pakikibaka, lalung-lalo na ang digmaang gerilya. Katsang niya:

Nangyari na ito sa imperyalismong Pranses at Ingles at hindi malayong mangyari sa imperyalismong Amerikano, sa pagkakaroon ng mga pagbibiyak sa hanay nito hinggil sa usapin ng gastos sa mga digmaan ng panunupil.

Ngakngak pa niya:

Hindi makatotohanan… na sabihing ito (ang papel ng pagiging pulis ng imperyalismong Amerikano) ay hindi mapagbabago ng pakikibakang masa laban dito, at malinaw na sa bawat posibilidad ng pagbabago sa pandaigdigang sitwasyon kusang susulpot ang iba’t ibang anyo ng pakikibaka ng mga rebolusyonaryong kilusan at isa na lamang sa mga ito ang digmaang gerilya.

Sa aklat, pumapangalawa kay Pomeroy bilang garapal na tagapagtanggol ng imperyalismong Amerikano si Henry Winston ng taksil na rebisyunistang Partido Komunista ng Estados Unidos ng Amerika na nangangaral sa mga Amerikanong negro na subhan ang kanilang katapangan, mahalin si Uncle Tom at mapayapang humiling ng karagdagang representasyon sa lahat ng antas ng imperyalistang estado. Tulad ni Pomeroy, binalaan ni Winston ang mga Amerikanong negro na tantanan ang kanilang “terorismo” at “paghahamon” at baka durugin tuloy sila ng mga mapagharihariang puti. Sa kanya ibinigay ni Pomeroy ang pribilehiyong magtapos ng kanyang aklat.

4. Balik-aral hinggil sa usapin ng armadong pakikibaka sa Pilipinas

Inamin ni Pomeroy na noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagsanib na lumang Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosyalista ay nagkaroon ng armas at nahasa sa digmaang gerilya at noong magtatapos ang digma ay tinalikuran ng liderato ang armadong pakikibaka para lumahok sa mga mapayapang anyo ng organisasyon at pakikibaka. Kusang nagpatuloy ang armadong pakikibaka; sumulong ito noong 1946-1948 nang walang pagpaplano at inisyatiba ng liderato ng nagsanib na lumang partido. Ginamit ng mamamayan ang mga armas na naiwan sa kanila sa diwa ng pagtatanggol sa sarili dahil bago pa man magwakas ang digmaang bayan laban sa pasismong Hapon, dumanas na sila ng pagpapahirap at armadong pananalakay ng mga sundalong Amerikano at mg lokal na alipuris nito.

Pormal na pinagtibay lamang ng Lava at Taruc ang patakaran ng armadong pakikibaka noong May 1948 tapos mabigong makakuha ng puwesto sa reaksiyunaryong gobyernong burges. Maging noong sinasapantahang ipinatutupad na ang patakarang ito, tuloy pa rin ang maniobra ng mga Lava at Taruc na makapuwesto sa reaksiyunaryong gobyerno at handa nilang wakasan ang armadong pakikibaka kapalit nito. Madali tayong makapagbabanggit ng mga pangyayari para patunayan ito. Ang mga ito’y ang pakikipagkasundo sa papet na rehimeng Quirino tungkol sa amnestiya noong 1948; ang paghaharap ng isang mapanuyong memorandum ng nagsanib na lumang partido saisang anti-komunistang kumite ng reaksiyunaryong kongreso noong Disyembre 1948; at ang suportang ibinigay sa pagtakbo ni Laurel noong 1949 kapalit ng bigong pag-asam na magbibigay ng mga pribilehiyo sa pangkating Lava at Taruc ang Partido Nacionalista. Alinsunod ang lahat ng ito sa patakaran ng pangkating Lava at TAruc na pinagtibay noong Setyembre pa lamang ng taong 1944 at pinatupad sapul noon para sa pagtanggap sa pagbabalik ng imperyalismong Amerikano at ng papet na rehimeng Osmena at sa paglahok ng nagsanib na lumang partido sa parliyamentaryong pakikibaka sa ilalim ng Democratic Alliance.

May kahambugang sinabi ni Pomeroy na ang liderato ng nagsanib na lumang partido ay nanahak sa “sarili nitong landas,” palayo sa landas ng rebolusyong Tsino. Gayunman, inamin niya na ang mga kasamang Tsino ay “nagpasok ng mga kaisipan ng Pulang Hukbong Tsino sa organisasyon ng Huk” noong panahon ng Hapon. Ngunit, ayon sa kanya, nanahak ang pangkating Lava at Taruc “sa patnubay ng panlipunang balangkas ng magsasakang Pilipino, sa katangian ng kalupaan at sa hiograpikong kondisyon ng Pilipinas.” Sa nagyayabang na tono sa landas na ito, sinabi ni Pomeroy na hindi kailanman pinakinabangan ng pangkating Lava at Taruc kahit noong 1950 ang “modelo ng Tsina” na pagtatayo ng baseng purok at pagkubkob sa kalunsuran mula sa kanayunan. Kinapitan niya ang walang batayang palagay na “sa katunayan, bihira sa mga nagtagumpay na digmaang gerilya ang sumunod sa gayong modelo, taliwas sa paniniwala nang marami at sa mga sinasabi mismo ng mga lider Tsino na iyon ay isang modelo.” Tinitingnan niyang wasto at positibo ang gerilyaismo, ang taktika ng rebeldeng lagalag, at noong 1950 ang mapusok na hangarin ng pangkating Lava at Taruc na agawin ang kapangyarihan sa kalunsuran sa loob ng dalawang taon.

Gunggong lang ang magmamayabang ng kabiguan. Anti-Marxistang kontra-rebolusyonaryo lamang ang magsasabing ang paglabag sa tamang Marxista-Leninistang mga tagubilin, lalo na sa teorya ng digmaan bayan at istratehikong linya ni Tagapangulong Mao, ay siya mismong patunay ng “kamalian” at “kasinungalingan” ng kung ano ang tama at totoo. Nagtagumpay ba ang pangkating Lava at Taruc o sumulong sa rebolusyonaryong pakikibaka sa pamamagitan ng sinadya nilang pagtangging magtayo ng mga baseng purok at sundin ang linyang pagkubkob sa kalunsuran mula sa kanayunan? Hindi! Samantalang inaamin ni Pomeroy na sinuway ng pangkating Lava at Taruc ang teorya ng digmaang bayan at hindi nagtagumpay ni sumulong sa armadong pakikibaka, pinagpipilitan niya tulad ng isang ulol na anti-Marxistang kontra-rebolusyonaryo na dapat ay mas matinding sinuway ang teorya. Malinaw na isang mas matindi pang kabiguan ang hangad niya.

Ang pagkabigo noong 1950 ng patakarang “puspusang armadong pakikibaka” ng lideratong Jose Lava ay ipinaliwanag ni Pomeroy sa paraang ganap na itinatakwil ang teorya ng digmaan ni Tagapangulong Mao at labag sa mga batayang prinsipyo ng Marxismo-Leninismo. Apat ang ibinigay niyang dahilan ng pagkabigo: 1) Nagkamali ang Partido sa pagpapalagay na ang mga imperyalista at mga kaalyado nito ay nasa isang sitwasyong hindi na nila muling mapapaige at hindi na sila puwedeng “maghari tulad ng dati.” 2) Ang buong atensiyon at ang lahat ng kadre ng partido ay ibinuhos sa armadong pakikibaka; iprinoklama ang panginigbabaw ng “hegemonya ng partido sa rebolusyon”; hindi nakapagpalitaw at nakapagtayo ng nagkakaisang prente laban sa imperyalismong Amerikano at hindi kumampi sa Partido Liberal laban kay Magsaysay. 3) Naging pabaya ang Partido hinggil sa mga hakbanging panseguridad. 4) Ang Pambansang kilusang mapgpalaya ng Pilipinas ay nakahiwalay sa mga kaalyado sa ibang bansa dahil sa pagiging kapuluan ng Pilipinas.

Isa-isahin natin ang mga dahilang ito:

1. Pareho pa rin ang opinyon ni Pomeroy sa opinyon ng lideratong Jose-Jesus Lava noong 1950 na angkop sa isang malapiyudal at malakolonyal na bansang gaya ng Pilipinas ang “Kaliwang” oportunistang linya ng madaliang tagumpay militar sa loob ng dalawang taon. Ang sisi niya sa mga Lava ay dahil sa pagpili ng maling tiyempo sa pagpapalabas at pagpapatupad ng gayong patakaran. Ang tamang tiyempo para kay Pomeroy ay kapag umabot na ang imperyalistang krisis sa antas na ang mga imperyalista at mga kaalyado nila ay nasa “di-na-mapaiigeng sitwasyon” at “hindi na makapaghahari tulad ng dati.” Kaya, sinisisi niya ang sobrang pagtaya ng mga Lava sa “lawak ng imperyalistang krisis.” Ayon kay Pomeroy, malawak ang saklaw ng maniobra ng mga imperyalista, kaya nga hindi na nila kailangang magpadala ng hukbong Amerikano sa Pilipinas, at ang mamamayan ay madaling mahimok sa mga pangakong “reporma.” Sa madaling sabi, ang gusto sana ni Pomeroy ay matiyagang naghintay ang oportunistang pangkating Lava sa napipinto, kundi man ganap, na pagbagsak ng imperyalismo sa mismong teritoryo nito bago sumabak sa armadong pakikibaka.

Sa punto ng idolohiya, isang tunay na Lavaistang rebisyunista si Pomeroy. Nginakngak niya ang gayong suhetibismo na nagtulak sa lideratong Jose-Jesus Lava na umasa nang malaki sa mga panlabas na kalagayan sa pagsasagawa ng armadong pakikibaka sa “kaliwang” oportunistang paraan. Ang kaibhan nga lamang ay, noong 1950, inaasahang magbibigay-daan ang mga panlabas na kalagalyan sa “dagliang tagumpay militar” sa Pilipinas. Ngayon namang mga panahon, inaasahan ang mga ito ni Pomeroy at ng mga Lava na magbibigay-katwiran sa matagalang mapayapang pakikibaka. Inuusal-usal ang rebisyunistang linyang ito sa panahong mas malala ang krisis ng imperyalismong Amerikano kaysa dati at walang kasing-inam ang rebolusyonaryong kalagayan. Sa paggunita sa 1950, tahasang sinabi ni Pomeroy na isang "bigong pag-asam na makakatulong ang “hampas ng pakikibakang gerilya” sa pagtulak sa mga imperyalista at mga kaalyado nila sa krisis.

2. Talagang mali at napaka-adbenturista na inilunsad ang “puspusang armadong pakikibaka” sa paraang lahat halos ng kadre ay binaltak sa legal na pakikibaka at napabayaan ang nagkakaisang prente. Bagaman nakikita ni Pomeroy ang mga pangyayari, lagi naman niyang tinatangkang baluktutin ang mga iyon at mali ang mga panukalang kanyang ibinibigay. Sa gitna nang lahat ng ito ay ang kanyang paniniwalang sa paglulunsd ng armadong pakikibaka kailangang talikuran ang gawaing pampulitika, ang pakikibakang legal at ang nagkakaisang prenteng gawain. Ang “Kaliwang” oportunismong pagkakamali ng lidertong Jose-Jesus Lava, sampu ni Pomeroy, ay malinaw na maipaliliwanag sa tanglaw ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung sa mga batayang dokumento ng muling pagtatatag ng Partido Kumunista ng Pilipinas.

Hindi pa kuntento sa tahasang pagtuligsa sa teorya ng digmaang bayan at istratehikong linyang pagkubkob sa kalunsuran mula sa kanayunan ni Tagapangulong Mao, garapal na sinalungat ni Pomeroy ang pangkalahatang linyang ang rebolusyong Pilipino ay isang bagong demokratikong rebolusyong pinamumunuan ng proletaryo at ng rebolusyonaryong partido nito. Sinabi niya na ang paggamit ng terminong “bagong demokrtikong rebolusyon” (na hindi naman totoong naisagawa) at ang pagproklama ng prinsipyo ng “hegemonya ng partido sa rebolusyon” ang siyang dahilan kung bakit hindi naitatag ng mga Lavaista ang nagkakaisang prente at hindi naapuhap ang mga anyo ng pakikibaka na makapagpapakilos sa malawak na masa ng sambayanan. Ayon sa kanya, tinakot at ginalit ng mga ito ang “pambansang burgesya” at itinulak sa panig ng ahente ng imperyalistang si Magsaysay. Ipinanukala niya na sa halip na armadong pakikibaka kung ano sanang misteryosong mapayapang maniobra ang isinagawa sa paglaban kay Magsaysay noong 1951 at 1953. Kahit ngayon, mas ipinalalagay niya na hindi naman talaga handa ang mga reaksiyunaryo na maglunsad ng sagadsarang istratehikong opensiba laban sa “Kaliwang” oportunistang Lava na aabot hanggang sa ganap na pagdurog niyon.

3. Talagang pahahagalpakin ng tawa ni Pomeroy ang madla sa sinasabi niyang “ang mga kapabayaan sa mga hakbanging panseguridad” ay isa sa apat na pangunahing dahilan ng pagkatalo ng buong rebolusyonaryong kilusan. Ang mga epekto ay hindi maaaring maging sanhi. Ang pagkabuwag ng pinakamataas na organo ng nagsanib na lumang partido dala ng mga pagsalakay ng kaaway sa Maynila noong Oktubre 1950 ay hindi malinaw na maipaliliwanag nang hindi iniuugnay sa mg malalang paglabag sa Marxista-Leninistang teorya at istratehika.

4. Hindi puwedeng maging pangunahing dahilan ng pagkabigo ng mga Lava ang “pisikal na pagkakahiwalay” ng pakikibaka ng pambansang kilusang mapagpalaya ng Pilipinas. Hindi naman iba ang hiyograpikong kalagayan ng Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit matagumpay na nakapaglunsad ng digmaan laban sa mga pasistang Hapones at mga papet na hukbo nila nang kung ilang taon ang mamamayan.

Ang anti-Marxista at anti-Leninistang linya ng mga Lava, Taruc at ni Pomeroy sa idolohiya, pulitika, organisasyon at armadong pakikibaka ang dahilan ng pagkabigo ng rebolusyonaryong kilusang masa sa mga naunang taon ng dekada 50. Dahil dito, mahalaga sa tuwina na analisahin at sumahin natin ang ating rebolusyonaryong karanasan sa tnglaw ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Kung hindi sinunod ng mga Lava, ni Taruc at ni Pomeroy ang teorya ng digmaang bayan ni Tagapangulong Mao at dumanas sila ng matinding pagkatalo, mas dapat tayong magsagawa ng buhay na pag-aaral at praktika sa subok nang teoryang ito sa halip na ipagpatuloy ang pagsalungat dito gaya nang ginawa ng pangkating Lava dala ng kanilang katunggakan.

Hanggang ngayon, si Pomeroy ay propagandista pa rin ng mga taksil na rebisyunistang pangkating Lava sa ibang bansa. Sa paggamit ng pinakamahalay na kasinungalingan, siniraan niya ang Pansamantalang Politburo na naghanda sa muling pagtatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas alinsunod sa teoretikal na pundasyon ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung na aniya’y “nananawgan na muling maglunsad” ang pambansang kilusang mapagpalaya ng “puspusang aramadong pakikibaka” tulad sa ginawa ng lideratong Jose-Jesus Lava noong 1950.

Lantarang sinuportahan ni Pomeroy ang mga taksil na rebisyunistang Lava. Gaya ng inamin niya, ang palsipikadong partido komunista ng mga taksil na rebisyunistang ito ay naglabas ng isang pahayag sa Information Bulletin ng rebisyunistang partido ng Czechoslovakia noong 1967 na umaatake sa pahayag ng Pansamantalang Politburo ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Mayo 1967 at walang kawawaang pinabulaanan ang linyang resulta ng kontra-rebolusyon ang pagturing sa partido na isang iligal na organisasyon at armadong pakikibaka ang paraan para maibagsak ang reaksiyunaryong estado.

Dapat pagsabihan si Pomeroy na sa kasalukuyan ang Partido Komunista ng Pilipinas ay walang pagod na nagsasagawa ng buhay na pag-aaral at pagsasapraktika ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung alinsunod sa mga kalagayan ng Pilipinas, muling itinatag ang sarili sa ganitong proseso, naglulunsad ng armadong pakikibaka sa kanayunan at nagtatayo ng mga rebolusyonaryong base sa hanay ng mga masang magbubukid at mabilis na pinauunlad ang nagkakaisang prente batay sa alyansang manggagawa at magbubukid, isang batayang alyansang nakakawing sa mga progresibong saray ng lokal na burgesya gaya ng petiburgesyang lungsod at ng pambansang burgesya.

Sa kasalukuyan, pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang Bagong Hukbong Bayan at nakikipaglaban sa mga kaaway nang ngipin-sa-ngipin. Sa kabilang dako, nagpakabuhong ang mga taksil na rebisyunistang Lava at naging mga impormer ng kaaway at mga pasistang gangster sa pamumuno ng isinusukang bandidong pangkating Briones-Diwa-Pasion. Sa pagkapahiya at sa pagpapalayas sa kanila sa kanayunan ng Bagong Hukbong Bayang pinamumunuan ng Partido, nakipagsabwatan ang taksil na rebisyunistang pangkating Lava sa Task Force Lawin at sa special terror squads ng papet pasistang pangkating Marcos sa kanilang pangingikil, pangungulimbat at iba pang gawaing kriminal sa Gitnang Luzon.

Bagaman laging ipinagmamalaki ni Pomeroy na ang mga taksil na rebisyunistang Lava ay naglulunsad na ng parliyamentaryong pakikibaka bilang pangunahing anyo ng pakikibaka mula pa 1956, alinsunod sa pandaigdigang kampanya ng modernong rebisyunismo, sila’y nilayuan at pinagtabuyan ng rebolusyonaryong kilusang masa na dumadaluyong sa Kamaynilaan at sa iba pang lungsod, mga kapitolyo at mga munisipalidad. Sila’y naging bantog na pinakamasahol na naninira sa Partido Komunista ng Pilipinas, sa Bagong Hukbong Bayan, sa mg rebolusyonaryong lider at sa malawak na masa ng sambayanan.

Sa salita at gawa, lagi nilang sinisikap na maging ang pinakatuso sa pagbibigay ng suporta sa imperyalismo, sa sosyal-imperyalismong Sobyet, sa pangkat ng papet pasistang Marcos at sa uring panginoong maylupa.

Nagpakaabala ang mga taksil na rebisyunistang Lava sa paggamit sa Movement for the Advancement of Nationalism, Malayang Samahang Magsasaka, Congress of Trde Unions of the Philippines, Kilusan, Bertrand Russell Peace Foundation (Phil.) Inc. at MalayangPagkakaisa ng Kabataang Pilipino para atakihin ang Partido Komunista ng Pilipinas at ang Bagong Hukbong Bayan at para lituhin ang masa. Hanggang sa papel lamang naman ang pagiging organisasyon ng mga pangkat na ito at iisang tao ang kanilang mga miyembro. Napakinabangan ng mga taksil na rebisyunistang Lava ang mga organisasyong ito sa pamamalimos ng pribilehiyo sa mga reaksiyunaryo at sa pagpapanatili ng kanilang mga burukratikong interes sa loob ng kanilang pangkat at sa loob ng reaksiyunaryong gobyerno.

Gaya ng ang modernong rebisyunismong Sobyet ay isang lumilipas na bahagi ng pag-unlad ng imperyalismo, gayundin ang rebisyunismo ng mga Lavaista isang lumilipas na bahagi ng pag-unlad ng dayuhan at piyudal na dominasyon sa Pilipinas. Malaki ang naitulong ng mga taksil na rebisyunistang Lava sa rebolusyong Pilipino sa pagiging masamang halimbawa ng mga ito para sa kasalukuyang mga rebolusyonaryong proletaryo. Kahit mas lalong naging garapal ang pagsasalita nila ngayon na parang sila"y mga Marcos, Taruc, Lacsina, Manglapus at iba pang reaksiyunaryo, may kung ilang panahon ding nagsilbi ang mga Lavaista sa pagpapatalas ng pag-unawa ng mga rebolusyonaryo sa pinakatusong anyo ng idolohiya at gawain na gustong sumabotahe at dumurog sa rebolusynaryong kilusang masa. Dahil sa pagkakaroon ng pangkating Lava, napalalim ng Partido at ng masa ang kanilang pag-unawa na sa pakikibaka laban sa imperyalismo kailangan ding bakahin ang oportunismo at ang rebisyunismo.

Sa Ngalan ng Imperyalismong Sobyet

Ang akdang Half a Century of Socialism (Soviet Life in the Sixties) ay naglantad kay Pomeroy bilang ahente kapwa ng modernong rebisyunismong Sobyet at imperyalismong Amerikano. Kunwa’y ipinagbubunyi ng aklat ang ika-50 anibersaryo ng Dakilang Sosyalistang Rebolusyong Oktubre ngunit ang ipinagbubunyi nito sa totoo ay ang pagkakanulo sa Marxismo-Leninismo at ang ganap na panunumbalik ng kapitalismo sa bayang sinilangan ni Lenin. Sinuob nito ng hungkag na papuri ang ika-20 at ika-22 Kongreso ng rebisyunistang Partido Komunista ng Unyong Sobyet (CPSU) at ang ika-23 Kongreso at pangkalahatang pulong ng Komite Sentral ng CPSU mula 1965 hanggang 1967 kung saan nahigitan ni Breshnev ang nagawa ni Krushchov sa ganap na panunumbalik ng kapitalismo sa Unyon Sobyet.

Alinsunod sa pananaw ng reaksyunaryo at ideyalistang burges, minaliit ni Pomeroy ang diyalektikong materyalismo, ang batas ng kontradiksyon at ang makauring pag-analisa, sa pagsasabing “masyadong makitid” ang mga ito. Nanlilibak niyang ngawa: “Ang isang reaksyunaryo na pula’t puti lamang ang tingin sa anumang bagay ay tiyak na matatauhan kapag nakaharap ng isang disenteng kapitalista o kaya’y isang kasama sa rebolusyon na halang ang bituka.” Anong tinding kontra-rebolusyonaryong punto de bista sa realidad! Kitang-kita ang kanyang buktot na layunin: ang dustain ang rebolusyonaryong proletaryo at sambahin ang kontra-rebolusyonaryong burgesya.

Bilang kalahok mismo sa tunggalian ng uri sa panig ng burgesya, inihapag niya ang kanyang sariling rebisyunistang “pula’t puting pagtingin” na parehong-pareho naman nang sa kanyang mga panginoong rebisyunistang Sobyet. Ngawa niya: “Ang maso at karet ay angkop na sagisag ng panahon ni Lenin.” At biglang bawi: “Ngayon naman ang mga sagisag ay ang computer, ang transistor at ang atomic ring.” Nilait niya sina Lenin at Stalin bilang mga huwaran ng “kawalan ng kaunlaran” at ibinulalas ang pagkasuklam sa diktadura ng proletaryo. Nangangayupapa siyang nagpugay sa mga kasalukuyan niyang taksil na rebisyunistang panginoong sina Breshnev at Kosygin bilang mga huwaran ng “kaunlarang teknikal” at sinuob ng mga mabulaklak na papuri ang pasistang diktadura ng monopolyo burukrata burgesyang Sobyet.

Kinakatsang ni Pomeroy na ang pagkakaiba ng tinatawag niyang nakaraan (ang panahon ni Lenin at Stalin) at ng kasalukuyan (ang panahon ng kanyang mga rebisyunistang panginoong Sobyet) ay nasa “pagsulong ng teknolohiya.” Ito’y pagtatakip sa pagtalikod sa Leninismo at sa mapayapang ebolusyon ng diktadura ng proletaryo tungo sa diktadura ng burgesya sa pamamagitan ng mga maniobra ng mga mandarambong na sina Krushchov at Breshnev na binabansagang ang pangalawang Krushchov. Sa proseso, nagawa rin niyang magpukol ng papuri sa malalaking pandaigdigang burgesya. Pahayag niya:

Lubos na nauunawaan ng mga mamamayan ng mga maunlad na bansa ang mga kaibhan ng kanilang kalagayan ng pamumuhay at mga pananaw sa kalagayan sa buhay at pananaw ng kanilang mga ninuno noong pagpasok ng bagong siglo o papatapos ang dekada 20. May ngiti ng pagmamalaki na ginugunita nila ang mga nakalipas na kalagayan ng pamumuhay. Kung umubra ito sa ilalim ng kapitalismo, na kontra sa pagbabago, mas lalong uubra ito sa ilalim ng sosyalismo na mas mabilis at mas masugid na binabago ang kalagayan ng pamumuhay.

Simple lang naman ang diskarte sa panlilinlang ni Pomeroy. Iniibabaw niya ang teknolohiya sa pulitika, at pinaghahambing ang sosyalismo at kapitalismo batay sa mga teknolohiya. Pinalalabas niya na tinatamasa ng mamamayan ng mga kapitalistang bansa ang mga biyaya ng kaunlarang teknikal tulad ng pagtatamasa ngayon ng mamamayan ng Unyon Sobyet sa gayong mga biyaya. Ang wakas ng baluktot na linyang ito ay “ang may ngiti ng pagmalalaking paggunita” sa “atrasadong mga panahon” nina Lenin at Stalin. Ngunit talaga bang magagawa ito ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet? Matingkad na makikita kung gaano na nabulok ang lipunang Sobyet matapos talikuran ang diktadura ng proletaryo.

Tinuligsa ni Pomeroy ang Rebolusyong Oktubre hanggang sa kaibuturan niyon at hinamak ang papel niyon sa kasaysayan sa pagpapasulong ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo. Sukdulan pa niyang sinabi na "maling sabihin na hindi magkakaroon ng sosyalistang rebolusyon sa ibang lugar kung hindi naunang nagkaroon ng Unyon Sobyet. Ang Rebolusyong Oktubre ay tunay na pangyayari sa kasaysayan at wala ni isang tunay na rebolusyonaryo ang mag-aalinlangan sa kahalagahan nito sa mga susunod pang sosyalistang rebolusyon. Pinatotohanan at isinakatuparan nito ang teorya ng proletaryong rebolusyon at diktadura ng proletaryo at ito’y naging batong-panulok [unang pundasyon] ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon. Ipinakilala ng mga tagumpay nito ang Marxismo-Leninismo sa mga mamamayan ng daigdig. Sabihin pa, isang katunggakan para kay Pomeroy na magngangakngak na posibleng magkaroon ng sosyalistang rebolusyon kahit walang Rebolusyong Oktubre.

I. Hinggil sa diktadura ng proletaryado

Ani Marx:

Sa pagitan ng kapitalista at komunistang lipunan ay may isangpanahon ng rebolusyonaryong transpormasyon nang una tungo saikalawa. Kalakip ng panahong ito ang isang panahon ng pampulitikangtransisyon kung saan ang estado ay hindi maaaring maging anupamanmaliban sa rebolusyonaryong diktadura ng proletaryo.

Sa patnubay ng Marxismo at batay sa dakilang praktika ng diktadura ng proletaryo sa Unyon Sobyet, malinaw na binigyang diin ni Lenin:

Ang transisyon mula kapitalismo tungong sosyalismo aykumakatawan sa isang buong kabanata ng kasaysayan. Hanggang hindinatatapos ang kabanatang ito, inaasam-asam ng mga mapagsamantala namanumbalik ang dating kalagayan, at ang mga pag-asam na ito aymauuwi sa mga pagtatangkang papanumbalikin ang mga datingkalagayan.

Kaya, kaugnay nito, paulit-ulit niyang binigyang-diin: “Kailangan ang diktadura ng proletaryo.”

Sa patnubay ng Marxismo-Leninismo at batay sa istorikong karanasan ng diktadura ng proletaryo sa Tsina at sa ibang bansa, sinabi ni Tagapangulong Mao nang mas lalong maliwanag:

Ang sosyalistang lipunan ay sumasakop sa isang may kahabaangkabanata ng kasaysayan. Sa istorikong kabanata ng sosyalismo,mayroon pa ring mga uri, mga makauring kontradiskyon at mgatunggalian ng uri, may tungalian sa pagitan ng sosyalistangtunguhin at kapitalistang tunguhin, at namamalaging banta angpanunumbalik ng kapitalismo. Dapat palakasin ang ating mgainstrumento ng diktadura, at hindi pahinain.

Sa pagkatuto sa istorikong karanasan ng Unyon Sobyet at ng iba pang rebisyunistang bansa, isinulong ni Tagapangulong Mao ang teorya ng tuluy-tuloy na rebolusyon sa ilalim ng diktadura ng proletaryo at pinamunuan ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura para mapigilan ang panunumbalik ng kapitalismo sa isang sosyalistang lipunan. Ang bagong teoretikal at praktikal na mga ambag na ito ni Tagapangulong Mao na pinasimulan ng bantog niyang akdang “Hinggil sa Paglutas ng mga Kontradiksyon sa Hanay ng Mamamayan” noon pa mang 1957 ay nagdala sa teorya at praktika ng Marxismo-Leninismo sa isang ganap na bago at mas mataas na antas. Ang lahat ng ito ay alinsunod sa Marxista-Leninistang pananaw na sa isang sosyalistang lipunan, na may habang isang buong kabanata ng kasaysayan, mayroon pa ring mga uri, mga makauring kontradiksyon at mga tunggalian ng uri.

Ano naman ang sinabi ni Pomeroy laban sa buod ng teorya at praktika ng Marxismo-Leninismo, ang diktadura ng proletaryo? Aniya:

ang nangingibabaw ay isang “estado ng buong bayan.” Sa madalingsabi, ang diktadura ng proletaryo ay hindi na ipinalalagay na isanginstrumento sa pagsupil ng mga kontra-rebolusyonaryong tunguhin,kundi bilang isang instrumentong tuwirang nakatuon na lamang sakaaway mula sa labas.

Ito ay isang dalisay na Kruschovismo at Brezhnevismo.

Matagal pa bago ang marahas na kontra-rebolusyonaryong kudeta na inilunsad ni Kruschov, pinagpilitan na ng mga kapitalista-ang-tunguhin sa Unyon Sobyet na wala nang mga uri, makauring kontradiksyon at mga tunggalian ng uri. (Maging si Kasamang Stalin ay adelantadong nagpahayag noong 1936 na wala ng tunggalian ng uri sa Unyon Sobyet, ngunit winasto niya ang maling pagtinging ito noong 1952.) Lumabas na ang pagpapatigil o pagpapalabnaw ng paglulunsad ng rebolusyonaryong tunggalian ng uri ay pagpapahintulot sa mga kinatawan ng burgesya na makasingit sa estado at partido ng proletaryo, maagaw ang liderato at mapanumbalik ang kapitalismo. Ang hindi mulat at masigasig na pagkumpas ng proletaryong pulitika sa lahat ng bagay ay pagkumpas ng burges na pulitika sa isang sosyalistang lipunan. May mga natitira, lingid at lihim na kinatawan ng malalaking burgesya (na iniitlog ng imperyalistang patakarang mapayapang ebolusyon) na handang umigkas sa kontra-rebolusyonaryong aksyon sa balatkayong teknikismo at ekonomismo anumang sandaling malingat ang diktadura ng proletaryo sa pangangalaga at determinasyong ituloy ang rebolusyon.

Tapos mapanumbalik ang kapitalismo sa pamamagitan ng mapayapang ebolusyon, hayagang iwinagayway ng mga anti-Marxista at anti-Leninista ang teoryang “estado ng buong bayan” at “partido ng buong bayan” para ipangalandakan ang pagkalusaw ng diktadura ng proletaryo at ng partido ng proletaryo. Itinayo ang bagong diktadura ng burgesya tulad nang kay Kruschov at kay Breshnev. Kaya, hindi na nakapagtataka na aminin ngayon nang buhong na anti-komunistang si Pomeroy na hindi na itinuturing ng kanyang panginoong rebisyunista ang diktadura ng proletaryo bilang ka- sangkapan sa pagsupil sa mga kontra-rebolusyonaryong tunguhin sa loob ng bansa. Para sa kanila ang kapangyarihang estado na mismo ang kasangkapan sa kontra-rebolusyon.

Sa buong aklat ni Pomeroy, malinaw na ang uri ng mga “tao” sa Unyon Sobyet na namumuhay sa istilong kapitalista ay nabibilang sa burgesya. Trinansporma nila ang sosyalistang ekonomya tungo sa monopolyo kapitalismong estado. Dinambong nila ang sentrong kaban ng estado at ng iba’t ibang kompanya at mga bukirin, namuhay nang maluho para ng mga burges sa Kanluran, nilustay ang kayamanan ng lipunan na inipon sa loob nang kung ilang dekada sa pamamagitan ng sipag ng mga mamamayang anakpawis ng Unyon Sobyet at pinatindi ang pambubusabos at pagsasamantala para mapalaki ang kanilang tubo. Isang monopolyo burukratang burgesya ang kumukontrol sa estado at sa Partido, nagpapatakbo sa mga kasangkapan ng produksyon na parang mga kapitalistang empresa at nilalason ang edukasyon at kultura para umangkop sa mga kapitalistang mithiin nito. Nakakubabaw ang isang bagong burgesyang Sobyet sa manggagawang Sobyet, sa mga mamamayan ng iba’t ibang nasyunalidad at mga mamamayan ng iba’t ibang bansa, lalung-lalo na sa ilang bansa sa Silangang Europa at Republika ng Mamamayan ng Mongolia. (19)

Ang “diktadura ng proletaryo” ay itinuturing ni Pomeroy na isang kasangkapan “laban lamang sa kaaway mula sa labas.” Gayunman, kapansin-pansin na hindi man lamang niya inatake, kahit pakunwari, ang imperyalismong Amerikano sa huling kabanata ng kanyang aklat kung saan pinakapuspusan niyang inilarawan ang rebisyunistang pananaw ng transisyon ng sosyalismo tungong komunismo. Sa kabilang dako, walang lubay ang kanyang pang-aalipusta sa Lenin ng kasalukuyang panahon, kay Tagapangulong Mao, at sa kanyang mga paninindigan -ang pandaigdigang rebolusyong proletaryo sa kasalukuyang panahon, ang Dakilang Proletaryadong Rebolusyong Pangkultura, ang proletaryo at mamamayang Tsino at ang Partido Komunista ng Tsina. Malinaw kung gayon na ang pagpapalakas ng armas at paghahanda sa digmaan ng mga rebisyunistang lider Sobyet ay nakalaan laban sa Tsina, sa komunismo, sa mamamayan at sa rebolusyon.

Sa tingin ng rebisyunistang si Pomeroy, ang usapin ng kapangyarihang pampulitika at ang diktadura ng proletaryo ay pansamantala at panimula lamang at pagkatapos ay ang pagtatayo na lamang ng ekonomya ang mahalaga. Kayat katsang niya:

Kung tatanungin ang isang Komunistang kadre tungkol sa magandangibubunga ng kanyang ginagawa, malamang na maging sagot niya na angmatinding pakikibaka para sa kapangyarihang estado ay pasakalye palamang ng pakikibaka, ang simula ng mga problema, tapos nito sakapa lamang magsisimula ang mabigat at nakakapagod na gawain….

Sinasabi namin na ang pakikibaka para sa kapangyarihang estado ay hindi nagtatapos sa pagkakaagaw nito, at hindi ito pinakukupas ng pagtatayo ng ekonomya. Magpapatuloy ang tunggalian ng uri ng proletaryo at burgesya sa loob ng buong istorikong kabanata ng sosyalismo. Marapat lamang na ipagpatuloy ng proletaryo ang rebolusyon, pamunuan ang lahat at patatagin ang makauring diktadura nito.

Lalo lamang nilamon ni Pomeroy ang sariling mga salita nang ibulalas niya:

Pagkatapos ng ilang dekada ng mahigpit na sentralisadongdiktadura ng proletaryo na kinailangan para maisulong atmaipagtangol ang pagtatayo ng sosyalismo, sumulpot naman angproblema ng pagpapalawak ng demokra- tikong partisipasyon sa lahatng larangan ng buhay….

Sa tono ng pananalita parang kinikilala niya rito ang pangangailangan ng diktadura ng proletaryo sa pagsusulong at pagtatanggol sa pagtatanggol ng sosyalismo. Pero ang talagang motibo niya ay mapalabas na ang diktadurang ito ang umiipit sa demokrasya. Tinanggihan niya ang katotohanang sa panahon nina Lenin at Stalin, nalikha ng diktadura ng proletaryo ang pinakamalawak na demokrasya para sa mga manggagawa, magbubukid at rebolusyonaryong intelektuwal, samantalang sinusupil nito ang mga kaaway ng bayan. Nabuko ang pagkamuhi niya sa tunay na demokrasya nang sabihin niyang hindi sa ang rebolusyonaryong pagkilos kaysa sa gawaing pangkabuhayan at sa paggigiit na ang mismong gawaing pangkabuhayan ay insigidang rebolusyonaryo. Ngakngak niya: “Ang isang sosyalistang empresang mahusay na pinatatakbo ay baka maging di-hamak na rebolusyonaryo pa ang mga ibubunga kaysa pinakamalaking demonstrasyon…” Kontra-rebolusyonaryo lamang ang magsasaisantabi ng proletaryong pulitika o magpapailalim nito sa gawaing pangkabuhayan. Itinuturo sa atin ni tagapangulong Mao: “Ang gawaing pampulitika ang nagabibigay-buhay sa gawaing pangkabuhayan.”

Ang ika-20 Kongreso ng CPSU ay pinagkapuri-puri ni Pomeroy na umpisa ng “demokrasya” sa Unyon Sobyet. Ito ang kongreso ng kadiliman noong 1956 kung kailan naglunsad ng surpresang pagsalakay ang mga modernong rebisyunista, isang kontra-rebolusyonaryong kudeta, laban sa diktadura ng proletaryo at tinangkang ihasik sa buong daigdig ang makamandag na mga rebisyunistang kaisipang “parliyamentaryong landas,” “mapayapang transisyon” at makauring pakikipagsabwatan sa imperyalismong Amerikano. Isinakatuparan ni Kruschov ang kanyang mga rebisyunistang hangarin sa maskarang “pagsugpo sa bulag na pagsamba kay Stalin.”

Nagbigay si Mao ng napapanahong pagpuna sa mga taksil na rebisyunistang Sobyet, nang mariin niyang sinabi:

Sa palagay ko may dalawang “espada”: ang isa ay si Lenin at angikalawa ay si Stalin. Itinapon na ng mga Ruso ang espada niStalin… Tungkol naman sa espada ni Lenin, binitiwan na rin ba itong ilang lider ng Unyon Sobyet? Sa tingin ko, matagal na itongbinitawan. May kabuluhan pa ba ang Rebolusyong Oktubre? Puwede parin ba itong maging modelo para sa lahat ng bansa? Sinasabi ngulat ni Kruschov sa ika-20 Kongreso ng Partido Komunista ng UnyonSobyet na puwedeng maagaw ang kapangyarihang pampulitika sapamamagitan ng parliyamentaryong paraan, ibig sabihin, hindi nakailangan pang matuto ng lahat ng bansa mula sa RebolusyongOktubre. Sa sandaling buksan ang pintuang ito, para na ringibinasura ang Leninismo.

Sa pagkatig sa anti-Marxista at anti-Leninistang tindig ng ika-20 Kongreso, itinuring ni Pomeroy na “demokratiko” ang anumang aksyon o asal na “kontra sa pagsamba kay Stalin.” Ganap niyang ibinasura ang kabanata ng kasaysayan na nauna sa kontra-rebolusyon ng taksil na rebisyunistang pangkating Sobyet sa pamamagitan ng simpleng salamangka na ibunton ang lahat ng sisi kay kasamang Stalin, ang nangungunang kinatawan ng proletaryo tapos ni Lenin at bago ang pagkamkam sa kapangyarihan nang mga buktot na rebisyunista. Tulad nang kanyang among rebisyunistang Sobyet, wala siya ni katiting na pagpipitagan sa Marxista-Leninistang teorya ng mga uri, ng masa, ng mga partido at mga liderato. Ang ganap na pagtakwil kay kasamang Stalin ay isang buktot na pagtuligsa sa dakilang lider ng diktadura ng proletaryo at sa pandaigdigang kilusang komunista sa loob ng kulang-kulang tatlumpung taon. Ang pangangatwiran ng mga taksil na rebisyunista ay kumulapol maging kay Lenin nang pinakanakaririmarim na pandudusta bunga ng kanyang pagiging dakila at pinagpipitagang lider ng Sobyet at ng proletaryo ng buong daigdig at dahil sa malupit na pagsugpo sa mga kontra-rebolusyonaryo.

Ang itinuturing ni Pomeroy na “demokrasya” ay ang kudetang burges na isinagawa ng kanyang mga among rebisyunistang Sobyet, ang laganap na pasistang pamumurga sa lahat ng organisasyon ng Partido at gobyerno, mula sa ituktok hanggang sa laylayan, at ang paghalili sa mga namumunong proletaryong kadre nang burges na intelehensiya at nang mga pinakamasasamang latak ng lipunang burges. Halos 70 porsiyento ng kasapian ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Unyon Sobyet na nahalal noong ika-19 ng Kongreso ng 1952 ang pinurga sa ika-22 Kongreso noong 1961. Ang pagpurgang ito sa ibabaw ay sumasalamin sa mas malaking pagpurga sa ilalim. Isinaayos ng ika-22 Kongreso ang rebisyunistang programa ni Kruschov hinggil sa “tatlong kapayapaan” (“mapayapang pakikipamuhay,” “mapayapang kompetensiya,” at “mapayapang transisyon”) at “dalawang kabuuan” (ang “partido ng buong bayan” at “estado ng buong bayan”). Pagdating ng ika-23 Kongreso noong 1966, pinurga ang halos 60 porsiyento ng miyembro ng Komite Sentral ng CPSU na nahalal sa ika-20 Kongreso. Benindisyunan ng ika-23 na Kongreso ang “bagong istema” o “repormang pangkabuhayan” na unang pinagtibay sa plenum ng Setyembre 1965 ng Komite Sentral ng CPSU na hawak ni Breshnev at ibayong nagsulong sa ganap na pagpapanumbalik ng kapitalismo.

Para kay Pomeroy, “kahanga-hanga” ang paglalabasan ng lahat ng uri ng halimaw mula sa kanikanilang lungga sa Unyon Sobyet. Labis niyang ikinagalak na sa mga halalan sa Sobyet ay nawala ang prestihiyo ng Partido Komunista at nahalal sa puwesto ang mga sagadsarang kontra-reboluyonaryo; na kontrolado ng mga burges na tagapamahala ang mga gamit sa produksyon at hinihigop ang yaman ng lipunan ng kanilang matataas na sahod at allowances, malalakig bonus at iba pang espesyal na pribilehiyo; na ginagaya ng burges na intelehensiya ang pinakabulok sa burges na Kanluraning Kultura sa maskarang “internasyunalismo.” At ang lahat ng katiwaliang ito ay tinitingnan niya bilang “liberal na kapaligiran” at bilang “paglawak ng demokrasya.” Sa pagtataguyod ng tinatawag ni Pomeroy na “sosyalistang legalidad,” laksang bilang ng mga tunay na komunista ang ipinatapon ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet sa mga mental hospitals, sa mga bilangguan at mga concentration camps sapul noong lusawin ni Kruschov ang diktadura ng proletaryo. Naganap ang mga harap-harapang pagpaslang. Dinispatsa ang mga tangke at armored cars para supilin ang pag-aaklas ng mga rebolusyonaryong masa ng iba’t ibang nasyunalidad laban sa malupit na pamumuno ng mga rebisyunista. Itinanim sa utak ng hukbong Sobyet ang rebisyunistang idolohiya at tinanggal ang mga rebolusyonaryong elemento. Nagpalabas ng sangkaterbang batas at kautusang pasista gaya ng “paglilimita sa mga gawaing hawak ng mamamayan,” “mga amiyenda sa mga batayang prinsipyo ng batas kriminal,” batas hinggil sa mga batayang alituntunin ng paggamit ng paggawa bilang kaparusahan" at mga “regulasyon hinggil sa panimulang pagkakapiit.” Lumobo ang bilang ng mga pulis at espiya na naging parang mga asong ulol sa pagmamalabis. Walang lubay na ginamit ng hukbo, ang pulisya, ang mga bilangguan at ang mga korte sa pagpapatupad ng diktadura ng burgesya laban sa mamamayang Sobyet. Sa ilalim ng taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev, higit na naging mabangis ang sosyal-pasismo, sosyal-militarismo, at ang kapalaluan ng Dakilang Rusya kaysa sa panahon ni Kruschov.

Talagang ikinumpara ni Pomeroy ang “demokrasya” sa burukratismo at sinabing ito’y isang “kontroladong palakad sa pamamagitan ng mga daluyan” na dinisenyo ng taksil na rebisyunistang pangkatin. Para sa kanya kasumpa-sumpa ang rebolusyonaryong kilusang masa. Kaya, pahayag niya:

Kahanga-hanga ang pagkatalo ng Stalinismo at ang pagpapalawak sa demokrasya. Mula sa kasalukuyang repormang pangkabuhayan, sampu ng mga hinihinuhang mga epekto nito sa mga burukratikong gawi, makikita ang pagpunta nito tungo sa mas masaklaw na pagbabago. Ang gayong mga proseso ay hindi kailanman nakita sa mga pakikibakang masa ng mga mamamayang Sobyet.

Inamin ni Pomeroy na ang pag-alipusta kay stalin at ang “repormang pangkabuhayan” ay hindi kailanman nakita sa pakikibakang masa, manapa’y isinaksak lmang sa masa.

Sa ilalim ng pamumuno ng taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev, ganap na tumindig ang sosyal-imperyalismong Sobyet at nanalakay ng teritoryo ng ibang bansa at nagsamantala sa mga mamamayan ng mga bansang iyon. Pinatindi nito ang kanyang bagong tsarista at kolonyal na paghahari sa mga bansa sa Silangang Europa at sa Republika ng Mamamayang Mongolia. Sinalakay nito ang Czechoslovakia at pinagmalupitan ang mamamayan ng bansang iyon. Hindi nito pinalalampas ang munti mang paglihis ng opinyon ng liderato ng ibang rebisyunistan bansa at ugali na nitong gamitin ang Warsaw pact at ang COMECON para balaan ang takutin ang ibang bansa. Gayundin, hindi ito naglubay sa mga pagtatangkang sabotahiin at gibain ang Republika ng Mamamayang Albanya. Maraming ulit itong marahas na nanalakay sa teritoryo ng Tsina at tinangkang higitan pa amg mga lumang tsars. Sa iba’t iba pang panig ng daigdig, lalo na sa Asya, Aprika, at Latin Amerika, panay ang pakikipagkutsabahan o kaya’y pakikipagkompetensiya nito sa imperyalismong Amerikano sa pagsasamantala at pagmamalupit sa mamamayan.

II. Hinggil sa ganap na panunumbalik ng kapitalismo

Sinabi ng dakilang Lenin: “sadyang dapat na mangibabaw ang pulitika sa ekonomya. ang makipagtalo laban dito ay pagkalimot sa ABAKADA ng Marxismo.” At inulit ni tagapangulong Mao ang Marxista-Leninistang pananaw na ito: “Ang idolohiya at ang pulitika ang kumukumpas, ang kaluluwa ng lahat. Walang patutunguhan ang gawaing pangkabuhayan at teknikal kapag nanamlay nang kahit bahagya ang ating gawaing pang-idolohiya at pampulitika.” Samakatuwid, sa isang sosyalistang lipunan, marapat tumalima ang lahat ng proletaryong rebolusyonaryo na sundin ang kanyang tagubilin: “Gagapin ang rebolusyon, paunlarin ang produksyon.” Talagang mali kapag nangibabaw ang produksyon sa rebolusyon o kapag ito na ang kumukumpas. Kaya, isang kalapastanganan ni Pomeroy at ng mga amo niyang rebisyunistang Sobyet na “ipagdiwang” ang ika-50 anibersaryo ng Dakilang Sosyalistang Rebolusyong Oktubre sa ganitong diwa:

May mga pulang bandila at demonstrasyong masa sa pagdiriwang, pero dala lamang naman ng kapistahan; hindi sila para maggiit ng mga kahilingan, kundi para ipagbunyi ang kaunlarang nasasaad sa ulat ng organisasyon, sa talaan ng estadistika, sa computer… Ang kasalukuyang rebolusyon ay ipinagpapatuloy sa mga pagawaan at laboratoryo.

Ito’y malinaw na pagiging isang lantay na materyoso na likas sa burgesya.

Sa ganitong punto sinabi ni Pomeroy na ang Unyon Sobyet ang “pinakamaunlad na sosyalistang bansa” at “nasa antas na mas mataas, mas masalimuot at mas maunlad kaysa narating ng mga kapatid nito sa bagong lipunan.” itinuturing niyang "pinakamalaking kabuluhan ng ika-50 anibersaryo ng Unyon Sobyet iyong "pagkakasaad sa kagyat na programa ng kasalukuyang henerasyon ng isang bagong lipunang komunista kung saan masagana ang buhay ng lahat’ at “ikinakasa na ng industriya ang kasaganaang makatutugon sa dumadaming mga pihikang pangangailangan at gusto ng mamamayan.” Dahila lamang lahat sa bagong teknolohiya, ipinagmamalaki niya na meron nang “labis-labis na kasaganaan” sa Unyon Sobyet. Katsang niya:

Ang pinuproblema ngayon ng mga mamamayan ng Unyon sobyet ay hindi na ang kung saan susunod na makaaapuhap ng isang librang patatas kundi saan makabibibli ng pinakabagong modelo ng telebisyon, samantalang ang pila sa pagbili ng pantalon ay kasalukuyang pinapalitan ng pila sa pagbili ng kotse.

Pero ito nga ba ang katotohanan?

Sa kanyang mismong aklat, pabagubago si Pomeroy sa kanyang mga pagsisinungaling at madalas niyang sampalin ang sariling mukha. iniulat niya na sa kanyang daigdig ng “sobrang kasaganaan” marami siyang nakitang pulubi sa lansangan at hindi iyon nakapagpahina sa kanyang pananampalataya s klase ng sosyalismong isinaksak ng mga panginoon niyang rebisyunistang Sobyet sa kanilang sistema. Samantalang ikinatwiran niyang isang materyal na insentibo ang pagbibigay ng importansiya sa pribadong pag-aari sa mga kotse, iniulat naman niya na talagang kapos at palpak ang pampublikong sistema ng transportasyon sa buong Unyon Sobyet. samantalang sinasabi niyang isang materyal na insentibo ang pagbibigay-importansiya sa pribadong pag-aari sa mga lote at malalaking bahay, sinasabi rin niya ang mahabang pila ng mga nag-aabang sa mga pampublikong tenement, na hindi kontento ang mga nakatira sa mga siksikang tenement na ito, na may lihim na naniningil nang mataas na upa, at pinauuso ng mga pribadong gumagawa ng mga bahay ang paninindikato ng mga materyales sa konstruksyon. Samantalang pabor siya sa pagpapalawak ng mga pribadong lote at pribadong paghahayupan para madagdagan ang kita ng isang tao, nagbigay siya ng ilang katibayan na nagpapatunay na nakapipinsala ang gayon sa mga kolektibong pagsasaka. Samantalang nagyayabang siya na hindi na nagkukulang ang mga pangunahing bilihin gaya ng patatas at pantalon, iniulat niya na pinatalsik si Kruschov ng mga humalili sa kanya dahil sa kakulangan ng mga produktong agrikultural gaya ng patatas at bulak. Tumestigo rin siya na may mga mahabang pila at pag-aagawan sa kakarampot na bilihin sa mga department stores ng mga pamilihang lungsod gaya ng Moscow at Leningrad.

Kasi’y wala naman talagang sobra-sobrang kasaganaan para sa mamamayang Sobyet. Iyong sinasabi ni Pomeroy na nagtatamasa ng “sobra-sobrang kasaganaan” ay nabibilang sa mga pinagpalang saray ng burgesya. Sila iyong mga “manager,” “mga experto” at “mga propesyunal” na dumadambong sa kayamanan ng Unyon Sobyet. Halos, sampu, isandaan, hanggang isang libong beses na malaki ang kanilang kinikita kaysa sa mga pangkaraniwang manggagawa. Kumpisal ni Pomeroy mismo, sila iyong kayang bumili ng kotseng gawa ng Fiat at Renault at makabili rin ng sariling bahay at lupa para hindi danasin ang mga “paghihirap” na dinaranas ng masa.

Sa kalagayan ngayon ng Unyon Sobyet, isang kahibangan para kay Pomeroy at sa mga amo niyang rebisyunista ang maglako ng pag-asang sa loob ng sampung taon (1966-1967) libre na ang pasahe sa pampasaherong sasakyan at hindi na maniningil ng upa sa bahay. Kitang-kita naman na kaya pagkalalaki ng mga pangako ng taksil na rebisyunistang pangkatin ni Breshnev ay para kapag nabigo sila masisisi nila ito sa kanilang naturingang sosyalismo at ibayong mapangatuwiranan ang garapal na pagpapanumbalik ng kapitalismo. Sa panahon ni Krushov marami rin siyang malalaking pangako kungkol sa “materyal at teknikal na pundasyon ng komunismo.” Nang hindi niya matupad ang mga pangakong ito, sumige ang mga pumalit sa kanya na pabilisin ang panunumbalik ng kapitalismo sa paraang tulad ng pag-inom ng lason para maibsan ang pagkauhaw.

Sampulan natin ang bulok at makasariling argumentong burges ni Pomeroy. Tungkol sa pribadong pag-aari ng kotse: “Ang isang nakatira sa malayong lugar at nakaranas ng pag-aagawan sa sasakyan sa mga oras ng pasukan at uwian sa lungsod ng Moscos ay talagang maghahangad bumili ng kotse.” Tungkol sa pribadong pag-aari ng lupa’t bahay:

Ang isa sa mg bentahe ng pagkakaroon ng sarilig lupa’t bahay ay puwede itong retokehin o partisyunin nang ayon sa gusto nang may-ari, samantalang sa pabahay ng gobyerno kailangan pang humingi ng pahintulot sa awtoridad bago ito magawa. Pero, ang talagang magututlak na bumili ng bahat at lupa ay dahil mas mabilis makagagawa ng dagdag na kabahayan sa ganitong paraan; karaniwan na kasing maghintay ang mga mamamayan nang matagal na panahon para sa bagong pabahay ng gobyerno.

Hindi ba malinaw na nabubuhay ang pinagpalang saray ng burgesyang Sobyet sa kapinsalaan ng mamamayang Sobyet?

Kasama sa "lalong nagiging pihikang pangangailangan at gusto ng pinagpalang saray ng burgesya ang paggamit ng miniskirt, ang paggawa sa mga tugtuging jazz ng amerikano sa mga pondahan (cafe) na kanilang istambayan at ang paggaya ng House of Modes ng Moscow sa mga pinakahuling uso sa London at New York. Natural, ang mga ka-eklatang ito ng Kanluran ay tanda lamang ng walang pakundangang luho at kabulukan na likas sa mataas na pamantayan ng pamumuhay ng pinagpalang saray ng burgesya. Ito ang tinatawag ni Pomeroy na “kaunlaran.”

Sa pagtatangkang baluktutin ang Marxista-Leninistang puna na pinagsasamantalahan ng pinagpalang saray ng burgesya ang masa ng manggagawang Sobyet, sinabi ni Pomeroy na iyong “pagtaas ng antas ng pamumuhay at materyal na kagalingan” ang “binabanatan” ng mga Marxista-Leninista na kapitalismo. Mistulang bata ang naging ganting banat niya kay tagapangulong Mao sa puna niyong panunumbalik ng kapitalismo sa pagdadalirot ng pangyayaring kumain din naman si Mao sa masaganang hapag ng kanyang kaibigan na siyempre pa ay kabilang sa pinagpalang saray ng burgesya. Ang tubo ng kapitalismo ay talagang pinagpapasasaan ng pinagpalang saray na ito ng burgesya. Sa kabilang dako, dumaranas ang masang Sobyet ng tumitinding kahirapan, kawalang hanapbuhay, mataas na presyo ng bilihin, kakulangan ng tustos, mababang kalidad ng mga produkto at mga katulad nito.

Napakalinaw ng ibig sabihin ng mga modernong rebisyunistang Sobyet sa “pagsasanib ng personal na interes at pampublikong interes.” Iyon ay ang pagpapanaig ng personal na interes ng iilan, ng pinagpalang saray ng burgesya, sa interes ng mamamayan.

Talagang isang garapal na atake ang ginawa ni Pomeroy sa Marxismo-Leninismo, lalo na sa diyalektikong materyalismo, nang siyang magsermon na: “Ang paghahambing sa kaibhan ng personal at panlipunang interes, ang sabihing ang personal na interes ay salungat sa mga interes ng rebolusyon, lahat ng ito ay salungat sa mga prinsipyo ng sosyalismo.” May kontradiksyon sa pagitan ng pansariling interes at panlipunang interes. Ang di-pagkilala sa kontradiksyong ito ay pagtatakip sa pansariling interes at pagsusulong sa modernong rebisyunismo.

Kaya, importanteng laging isaisip na sa paglilingkod natin sa mamamayan, dapat nating bakahin ang pansariling interes at itakwil ang rebisyunismo. Ang tunay na Komunista ay hindi makasarili at ang kanilang buhay at nakalaan sa paglilingkod sa mamamayan. Sa tuwina’y kanilang alagata ang maseguro ang mga batayang pangangailangan ng mamamayan at ang walang lubay na pagtaas ng pangkalahatang antas ng pamumuhay, na walang agwat ang pamumuhay ng mga kadre at mga karaniwang manggagawa. Kaya naman sentralisadong pagpaplano ang ipinatutupad ng proletaryo sa isang sosyalistang lipunan para matiyak na ang pangkalahatang antas ng kagalingan ng mamamayan ay maiangat kasabay ng pag-angat ng produksyon. Sa Republika ng Mamamayang Tsino sa kasalukuyan, napangangalagaan ang kabuhayan ng mamamayan at hamak na mas mainam kaysa sa Unyon Sobyet sa kabila ng ipinagmamalaki niyong “kalamangan sa teknolohiya.” Dumako tayo sa kongkrtong kahulugan ng ilang pangungusap na binitawan ni Breshnev sa ika-23 Kongreso ng CPSU:

Ang mabagal na pag-unlad ng agrikultura ay bunga ng paglihis ng produksyon sa mga batas pangkabuhayan, ng pagpapabaya sa mga materyal na pang-engganyo at sa tamang kumbinasyon ng pampubliko at personal na interes.

Dito ay sinisi si Kruschov ng mga pumalit sa kanya dahil sa makupad nitong pagpapalaki sa mga pribadong lupang taniman at makupad na pagpapaunlad sa pribadong pag-aari sa agrikultura. kaugnay nito, iniulat ni Pomeroy:

Sa panahon ng pagiging punong ministro ni Kruschov (na laging pinupuna dahil sa pagpapabaya sa agham pangkabuhayan) maraming matinding paghihigpit sa mga kasapi ng mga kolektibang sakahan sa paglilinang ng pribadong sakahan.Inalis ang mga paghihigpit pagkatapos mapatalsik sa kapangyarihan si Kruschov.

Sinisisi rin ni Pomeroy ang kolektibisasyong ipinatupad ng mga dakilang proletaryong tagapagtatag ng unang sosyalistang estado. Daing niya:

Ang “pagiging atrasado” ng agrikultura ay hindi lamang dahil sa malaking pagpapabaya sa mga batas pangkabuhayan. Ang malaking problema sa kolektibisasyon na nagsimula halos apat na dekada na ang nakararaan ay ang kakulangan ng mga kagamitang kailangan sa modernisasyon ng agrikultura, at ang mga magbubukid na tali pa rin sa kinagisnang atrasadong pagsasaka ng maliliit ng bukirin ay wala pang nalalaman sa teknolohiya ng bagong sistema.

Inuna ng mga modernong rebisyunista ang paggamit ng makina at ang teknolohiya kaysa sa pulitika, sa kooperatiba at sa kolektibisasyon. Sampalataya sila sa teorya ng “mga puwersa ng produksyon”—ang teorya ng pagpapaunlad sa kapitalismo sa dahilang walang makina. Pero, sa kabila ng pagyayabang nila na mataas na ang antas ng teknolohiya ngayon, mabilis silang bumalik sa sistemang kulak at winasak ang batayan ng sosyalistang agrikultura. Tinutuligssa nila ang pagkakatayo ng mga commune ng Tsina tulad ng kung paano nila winawasak ang sosyalistang agrikultura sa Unyon Sobyet. Dapat malaman na hindi sana nagkaroon ng batayan ang mabilis na industriyalisasyon sa Tsina kung hindi nagkaroon ng matatag at palagiang pag-aangat ng kooperasyong agrikultural at kung walang epektibong pagtakwil sa linya ni Liu Shao-chi sa teorya ng “mga puwersa ng produksyon.”

Pinababa ng modernong rebisyunismong Sobyet ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayang Sobyet at binawasan din ang kanilang materyal na kagalingan. Nagbunga ng matitinding kapinsalaan sa ekonomya ang imbing hakbang ni kruschov na gawing patakarang estado ang pangongopya sa mga paraan ng kapitalistang administrasyon sa Estados Unidos. Subalit sa halip na ibasura ang bulok na patakaran, sinisi lamang ng taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev si Kruschov dahil hindi niya nilubos ang pagpapabuti at pagpapatupad sa mga kapitalistang paraan ng pangangasiwa. Ang rebisyunistang programa ng ika-22 Kongreso ng CPSU ang nagbibigkis sa taksil na rebisyunistang Kruschov-Breshnev. Ang pagpapanumbalik ng kapitalismo ang diwa nito. Iyon ang tinatawag ng taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev na “pagsunod sa mga siyentipikong batas pangkabuhayan.” At kaugnay nito, may pagma- malaking inulit ni Pomeroy ang reaksiyunaryong pahayag ng Pravda: “Subalit ang katotohanang ang isang batas ay maaaring humantong sa mga pangyayaring hindi natin gusto o inaasahan ay hindi sapat para hindi na ito ituring na batas, at ang isang batas ay hindi maaaring ipawalang-bisa dahil lamang sa hindi ito kinikilala ng mamamayan.” Ito’y isang burges na metapisikong pahayag na salungat sa Marxista-Leninistang batas na nagsasabing ang mamamayan ang puwersang nagpapakilos ng kasaysayan. Isang matinding kawalanghiyaan!

Sobra-sobrang papuri mula kay Pomeroy ang natanggap ng taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev dahil sa “malaking pagbabagong” nagawa nito sa sistemang pangkabuhayan ng Sobyet mula 1965. Ito ang “bagong sistemang pangkabuhayan,” na tinatawag ding “repormang pangkabuhayan” na legal na nagtataguyod sa kapitalistang prinsipyo ng tubo para sa kapakinabangan ng oligarkiya ng malalaking monopolyo burukrata at ng pinagpalang saray ng burgesya, na puro pasakit ang dala-dala para sa mamamayang anakpawis ng Unyon Sobyet. Ang bagong larawan nito ay sinasapantahang pagkakaloob ng materyal na pang-engganyo, gaya ng mga bonus at iba pang pagtaas ng sahod, para pagtubuan ang pagpapatakbo ng negosyo. Idinidikta nito ang paraan ng kapitalistang pamamahala sa lahat ng larangan ng ekonomya ng Sobyet at binibendisyunan nito ang bonus bilang “pampasigla ng moral.” Kaakibat nito ang ganap na pagputol sa mga sosyalistang ugnayan sa produksyon at ang ganap na paglansag sa mga sosyalistang batayang pangkabuhayan. Inalis nito ang sosyalistang patakarang sentralisadong pagpaplano ng estado sa ekonomya at ipinalit ang walang direksiyong pagkilos ng mga empresa at ng agrikultura na pinatatakbo para pagtubuan.

Kaugnay nito, nakangising sinabi ni Pomeroy: “Ang pagpaplano at partihan sa naunang kondisyong tagsalat ay iba sa pagpaplano at partihan sa patuloy na lumalaking kondisyong tagyaman.” Satsat niya:

Ang materyal na pang-engganyo ay nabibigyan nang pinakamalaking pansin sa antas ng gawaing pang-industriya. Ipinakikita ng mga kahirapang pangkabuhayan na hindi uubra ang sentralisadong pagpaplano at ang sistemang kota sa produksyon sa ganitong yugto ng kaunlaran ay hindi umiengganyo ng ganap na mahusay na paggamit ng mga planta at mga kagamitan. Nadama na mas makakamit ang mga layuning ito sa pamamagitan ng pagkakawing sa personal na interes ng manggagawa sa produktong nalilikha, iyong pagkakaloob ng dagdag na kita para maging mahusay at mabuti ang pagtatrabaho.

Ang pahayag na ito ay alinsunod sa pahayag ni Kosygin noong 1965:

Binibigyan ng pangunahing pansin ng kasalukuyang rebopusyong siyentipiko at teknikal ang mga problemang gaya ng mga pamantayang teknikal, kalidad, tibay ng kalakal at mga pakinabang ng mga iyon. Ang mga salik na ito ang kasalukuyang tuon ng mapayapang kompetensiyang pangkabuhayan ng mga sosyalista at kapitalistang bansa.

“Dalawang pangunahing hakbang na bumubuo sa diwa ng repormang pangkabuhayan” ang turing ni Pomeroy sa sumusunod: “pagbibigay sa bawat empresa nang mas malaking responsibilidad sa pagpaplano, paglikha, paggamit ng bagong teknolohiya, at paggamit ng tubo, at sa pangangasiwa ng pagbibenta ng kanilang mga produkto”; at “higit na pagbibigay-pansin sa materyal na pang-engganyo sa mga manggagawa para humusay ang kanilang pagtatrabaho at mapalaki ang nalilikhang produksyon.”

Ang sobrang laki ng responsibilidad ng bawat empresa ay talagang nangangahulugan nang higit pang paglusaw at pagdurog sa ekonomyang Sobyet at pagpapalakas sa mala-panginoong katayuan ng mga burges na manager at direktor sa bawat empresa. Ang ibig sabihin ng pagbibigay-pansin sa materyal na pang-engganyo sa mga manggagawa" ay pagpapahintulot sa mga burges na manager at direktor na tratuhin ang mga manggagawa bilang mga suwelduhang alipin at ang ipahamig sa mga burges na manager at direktor ang trubo ng empresa. Mismong si Pomeroy ay nakapansin na:

Ang pagpapalawak ng mga karapatan ng empresa at ang pagpapatibay ng pang-engganyong pangkabuhayan ay maaaring magbunga ng mga makitid na tunguhin, ang itaguyod ang interes ng empresa salungat sa interes ng lipunan, at pati kasuwapangan sa pera…

Sinipi rin ni Pomeroy ang “expertong” Sobyet na si Oleg Yun na nagsabing:

Ang bagong sistema ng pamamahala at pagpaplanong pang-industriya ay lubhang nagpalaki sa karapatan ng mga manager ng pabrika… sa larangan ng pagpaplano, ng pagbubuo at pagsasaayos ng kapital, sa paggamit ng mas maunlad na teknolohiya at mga paraang sabay-sa-panahon, sa mga tustos ng materyales at makinarya, sa pagbibenta ng mga yaring produkto, sa pananalapi, pag-upa ng manggagawa at pagpapasahod, at iba pa.

Ang “bagong sistemang pangkabuhayan” ay nagkaloob sa mga empresa ng kapangyarihang “ariin, gamitin at itapon” ang lahat ng pag-aari; ipagbili ang “kalabisang kasangkapan, kagamitan sa transportasyon, mga hilaw na sangkap, mga materyales at panggatong; magmantini ng mga gusali, mga bodega, mga kasangkapan sa transportasyon at mga sasakyang nakaistambay”; ang “gamitin ang hawak nilang pondo” para sa pagtatayo ng mga bagong planta “na labas sa plano.” Napakalaki ng tsansang makapangulimbat ng kayamanan. Ang mga manager ay nagbibenta pa ng gamit sa produksyon para kumita ng tubo tulad ng de-makinang kasangkapan, makinang pambuhat, mga generators, mga makina ng trren at mga tubo na dapat ay pag-aari ng estado. Pinagtutubuan ng mga empresang Sobyet ang isa’t isa. Pati mga gamit sa produksyon at mga hilaw na sangkap ay napupunta na rin sa mga pribadong empresa. Ang mga manager ay binigyan ng kapangyarihang ipirmi o baguhin ang pasahod, ang kategorya at bonus ng mga manggagawa at kawani, ang tumanggap at magtanggal ng manggagawa at maggawad ng parusa sa kanila, at pagpasiyahan ayon sa gusto nila ang balangkas at mga tauhan ng empresa. Nagbunga ito ng pagsulpot ng malalang problema ng kawalan ng trabaho sa Unyon Sobyet. Lumaganap ang kawalan ng trabaho sa dalawang kadahilanan: bumagsak ang isang empresa at binuwag o kaya’y tinanggal ang mga manggagawa o ginawang mga apprentices para mas lalong mapalaki ng mga manager at direktor ang kanilang tubo. Sa madaling sabi, ang mga empresang sosyalistang pag-aari ay ginawang kapitalistang kompanyang pag-aari ng mga pinagpalang saray ng burgesya, at malaking seksyon ng masang anakpawis sa industriya at agrikultura ay ginawang suwelduhang alipin na kailangang magbenta ng kanilang lakas paggawa. Sa harap ng malalang problema ng kawalang hanapbuhay sa Unyon Sobyet, garapalan ang kailangang pagsisinungaling ni Pomeroy para mapalabas niyang kulang ang mga manggagawa sa bansang iyon.

Tumitingkad ang igtingan ng mga uri resulta ng “repormang pangkabuhayan.” Ang mga lider ng empresang industriyal, “mga sakahang estado,” at mga bahay-kalakal ay nagtamasa ng mataas na sahod at bonus na di-hamak na mas malaki nang kung ilang beses kaysa sa sahod ng mga manggagawa; nagpasasa sa matataas na allowance at ilang espesyal na pribilehiyo; at nagpakasawa sa iligal na gawain gaya ng manipulasyon ng salapi ng kompanya, pakikipagsapalaran, paglahok sa iligal na komersiyo (blackmarketing) at mga iligal na negosyo. Sagadsaran nilang inabuso ang kanilang kapangyarihan, at pinagsamantalahan at binusabos ang masang anakpawis.

Mga produktong sa tingin nila’y pagtutubuan ang gusto na lamang gawin ng mga empresa, kaya’t nagkalinsag-linsag at naging magulo ang kabuuang pagsulong ng ekonomya at nagkaroon din ng kakulangan ng mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw na pamumuhay, ng mga hilaw na sangkap at mga piyesa. Nagkompetensiya ang mga kompanyang pareho ang ginagawang produkto. para makahamig ng malaking tubo, patuloy nilang itinaas ang presyo. Patago rin nilang napalalaki ang kanilang tubo sa pamamagitan ng paggamit ng mga patakbuhing materyales, kaya patakbuhin din ang mga produktong gawa nila.

Bagaman may anarkiya sa relasyon ng mga negosyong Sobyet, hindi maiiwasan ang tunguhing malikom at matipon ang kapital sa ilang empresa. Nalalamon nang malaki at malakas na nagosyo ang maliliit at mahihinang negosyo sa pamamagitan ng malakihang pagsasanib upang ganap na makapangibabaw ang prinsipyo ng tubo at makahamig ng pinakamalaking tubo ang monopolyo burukratang burgesya. Ang mga nagsanib na empresa ay naging isang nagsasariling negosyo at tunay na monopolyo. Ang "bagong sistemang pangkabuhayan ay nangangalandakan ng awtonomya ng bawat empresa dahil lamang sa layunin nitong wasakin ang prinsipyo ng sentralisadong sosyalistang pagpaplano at itayo ang isang sentralisasyong angkop sa monopolyo estado kapitalismo. Isang halimbawa ng malaking monopolyong empresa sa Unyon Sobyet ay ang Ministry of Investment and Automation Tools, isang indipendiyenteng ahensiya ng gobyerno na nagtutuos ng mga negosyo.

Sa kanayunan ang “repormang pangkabuhayan” ay nagbunga ng pribadong ekonomyang Kulak. Naalis ang mga sosyalistang paghihigpit sa pribadong sakahan at pribadong paghahayupan. Mismong si Pomeroy ay di-sinasadyang nakapagbigay sa atin ng datos ng 1966 (na bagaman pinaliit ay marami pa ring naipakikita na nagpapamalas ng anti-sosyalistang takbo ng pangyayari sa agrikultura. kabilang sa kabuuang produksyong ito, ang 60 porsiyento ng produksyon ng patatas ng bansa, 40 porsiyento ng produksyon ng gulay, 40 porsiyento ng produksyon ng karne, 39 porsiyento ng produksyon ng gatas at 68 porsiyento ng produksyon ng itlog. Sa baluktot niyang anti-sosyalistang pangangatwiran, sinabi ni Pomeroy na dapat palawakin ang pribadong sakahan at paghahayupan dahil sa malaking produksyong nagagawa nito. At ito umano ay alinsunod sa “siyentipikong batas pangkabuhayan.” Ganap niyang binalewala ang katotohanang napabayaan ang mga sakahang kolektiba at sakahang estado dahil mas binigyang-pansin ang pribadong agrikultura.

Karaniwan, bawat pamilya ay pinapayagang mag-ari ng kalahating ektaryang lupa at ang mag-ari ng baka at iba pang hayup. Pinahihintulutan ang kolektibong sakahan na magkaloob ng makinarya sa bawat miyembro para sa paglilinang ng kanikanikalgn pribadong sakahan, mga sasakyan para sa pagdadala ng kanilang produkto sa pamilihan, pastulan para sa pribado nilang paghahayupan at pautang para sa karagdagang bibilhing hayup. Samantalang parang lumalabas na mas malaki ang kinikita ng mga pribadong magsasaka at nagmamay-ari ng hayup, unti-unti silang namanipula ng mga pribadong komersiyante sa takbo ng malayang kompetensiya.Ang mga lider ng sakahang estado at mga kolektibang sakahan ay karakarang naging mga kulak at komersiyante sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilang mga sarili nang mas malaking pribadong sakahan, sa pag-upa sa mga naglilinang niyon bilang mga suwelduhang manggagawa, at paggamit ng lahat ng pupuwedeng panggugulang sa pamamagitan ng kanilang posisyon.

Higit pa rito, ang mga sakahang estado at kolektibang sakahan ay inilipat ng taksil na rebisyunistang Breshnev sa mga “field teams” na binubuo lamang ng isa hanggang tatlong pamilya na malayang nagsasaayos ng produksyon, umuupa ng suwelduhang manggagawa at gumagawa ng sarili nilang kuwntada. Pati mga lupang isinabansa ay pinamahagi na rin sa mga “teams” na pinaupahan sa mahabang panahon at pribadong sinaka. Sa mga natitira pang sakahang estado at kolektiba ay ganap na naging kapitalista na rin ang patakaran. Buung-buong ipinangawisa sa mga lider ng mga sakahang ito ang produksyon, pagbibenta, kompetensiya, pag-upa ng mga manggagawang maglilinang niyon, at ibinubulsa ang nakakamal ng tubo. Habang itinataas ng estado ang takdang kota sa produksyon (lalo na ang butil) na dapat ditong ibenta, lagi namang nagagawa ng mga lider na ipasa sa masang magbubukid at manggagawang bukid ang pagkargo niyon.

Para masuportahan ang kung tutuusin ay pribadong pag-aari sa lupaing agrikultural, inalis ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet ang lahat ng paghihigpit sa presyo ng produktong agrikultural at ang presyo ng karne sa malayang pamilihan. Sangkatebang malalaking pamilihan ang itinayo at naging matindi ang malayang kompetensiya para sa ikasisiya ng mga pribadong komersiyante. Pagkalalaki ng ginasta sa pagtatayo ng malalaking malayang pamilihan na may modernong pasilidad at hotel para sa mga pribadong komersiyante. Mabibili sa mga malayang pamilihang ito ang mga produktong indusl at pati mga gamit sa produksyon. Ang mga produktong agrikultural at industriyal na wala sa mga “tindahan ng estado” ay mabibili nang mas mahal sa mga malayang pamilihan. Mabibili dito pati ang mga produkto ng mga iligal na kompanya. Pumasok na rin sa panunubuan at malayang kompetensiya ang mga “tindahang estado.” Naging magulo ang takbo ng buong sektor ng komersiyo sa kapinsalaan ng mamamayan.

Upang maitayo ang “komunismo,” humingi ng tulong ang mga taksil na rebisyunistang Sobyet sa mga dayuhang monopolyong pangkatin. Isinakatuparan ni Breshnev ang pangarap ni Kruschov na “tumanggap ng pautang mula mismo sa mga demonyo.” Umutang ito sa Amerikano, Pranses, italyano at sa mga monopolyo kapitalistang empresang Hapones. Namalimos ito ng utang sa Kanlurang Alemanya sa pamamagitan ng pagbibenta ng sobereniya o karapatang magpasiya sa sarili ng Demokratkong Republika ng Mamamayang Aleman. Pinapasok nito ang bansang Hapon sa Siberia na nagbunga ng pagbibenta ng likas na yaman ng Unyon Sobyet. Isang nakasusukang kawalanghiyaan para sa isang bansang nagsasabing ito’y “sosyalista” ang mamalimos ng utang mula sa mga bansang talunan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ayon na rin mismo kay Pomeroy, “labis na binigyang-pansin” ng Unyon Sobyet ang pag-aangkat ng mga kalakal mula sa mga imperyalistang bansa sa kabila ng pangangalandakan nito ng sobra-sobrang kasaganaan.

Sa ganap na panunumbalik ng kapitalismo sa Unyon Sobyet ito ay naging sosyal-imperyalista at pinagsamantalahan at ginawang kolonya ang ilang bansa sa Silangang Europa at ang Republika ng Mamamayang Mongolia. Ang mga kolonyang ito ay naging mga taniman, sangay ng mga pabrika sa pagpoproseso, pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap, lagakan ng puhunan, tambakan ng produktong industriyal ng Unyon Sobyet. Pinatingkad ni Breshnev ang patakaran ni Kruschov na “pandaigdigang hatian ng gawain” na nagdidikta sa mga kasapi ng COMECON na tugunan ang mga pangangailangan ng monopolyo burukrata kapitalismong Sobyet.

Umabot na rin sa ibang bansa sa Asya, Aprika at Latin Amerika ang mga kuko ng Sosyal-imperyalismong Sobyet. Kunwari’y nagkakaloob ito ng pautang na babayaran sa mahabang panahon sa mababang interes ng dalawa’t kalahating porsiyento. Pero sa totoo patakbuhing mga kalakal na mahal ang presyo ang ipinapautang nito. Isa ring malaking komersiyante ng mga kagamitang pandigma ang Sosyal-imperyalismong Sobyet, at pinipresyuhan sa gusto nilang taas ang mga armas at kagamitang pandigma na ibinibenta nito sa iba’t ibang bansa kaya malaki ang tinutubo. Mas de-kalidad ang mga armas na ibinibenta nito sa India at United Arab Republic kaysa sa Demokratikong Republika ng Mamamayan ng Vietnam dahil dolyar ang ibinabayad ng mga bansang ito o kakya’y mga lokal na kalakal na masyado nilang binabarat.

Alinsunod sa pagiging sosyal-imperyalista at sosyal-pasista nang katangian nito, buung-buong lumahok na rin ang Unyon Sobyet sa militarsimo. Lalo at lalong nauwi ang mga gawaing pangkabuhayan nito sa pagpaparami ng armas at sa paghahanda sa digmaan. Mas gugustuhin pa nitong lumikha ng baril kaysa mantekilya. Ang pondong pangmilitar nitong 1970 ay tumaas ng 100 porsiyento kumpara noong 1966. Bagaman ang kinikita ng mamamayang Sobyet ay 60 porsiyento lamang ng kinikita ng mamamayang Amerikano, pareho ang taunang halagang ginagasta ng Unyon Sobyet at Estados Unidos sa mga kagamitang pandigma.

Nang sulatin ni Pomeroy ang kanyang aklat noong 1967, masama ang kabuuang lagay ng ekonomya sa Unyon Sobyet. Subalit mas sumahol pa iyon noong mga sumunod na taon bunga ng “bagong sistemang pangkabuhayan” o “repormang pangkabuhayan” na isinulong ng taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev. Sa ilalim ng pamumuno ni Stalin, napakabilis ng pagsulong ng industriya ng Sobyet. Noong 1950-53, halimbawa, ang karaniwang taunang tantos ng paglaki ng industriyang Sobyet ay n 16 porsiyento. ngunit bumagsak ito sa 9.6 porsiyento sa loob ng siyam na taon pagkatapos ng ika-20 Kongreso ng CPSU noong 1956 sa ilalim ni Kruschov. Bumagsak pa ito sa 8.5 porsiyento sa loob ng limang taon mula nang mamuno si Breshnev noong 1965. Sa kabila ng pagyayabang ni Pomeroy at ng mga amo niyang rebisyunistang Sobyet tungkol sa “mas mataas na antas ng teknolohiya” ngayon, tuluy-tuloy ang pagbagsak ng laki ng nalilikhang produksyon ng paggawa sa Unyon Sobyet.

Lalong sumahol ang atindi ng kakulangan sa produksyong industriyal dahil sa di-0pantay na pag-unlad ng produksyon sa iba’t ibang sangay. Inamin ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet na kalahati lamang ng talagang pangangailangan sa iba’t ibang uri ng bakal ang kayang tugunan noong 1970 at marami sa mga departamentong nangangailangan ng produktong bakal ang hindi matustusan. Kapos rin ang tustos ng panggatong para sa trans- portsyon at para gamit sa baxhay. Halos lahat ng republika ng Unyon sobyet ay dumanas ng kasalasan sa mga materyales sa pagtatayo ng gusali. Nabinbin ang operasyon ng maraming pabrika dahil sa kakulangan ng mga hilaw na sangkap. Mas masahol ang ginawa ni Breshnev kaysa kay Kruschov sa larangan ng agrikultura. Base sa dinuktor na estadistika na opisyal na inilabas ng mga taksil na rebisyunista mismo, ang taunang produksyon ng butil ng bawat magsasaka ng Unyon Sobyet noong 1965-1969 ay mas mababa ng 16 kilo kaysa noong 1964, ang taon ng pagbagsak ni Kruschov: ang taunang produksyon ng bulak bawat tao—ang pangunahing pinagkikitaang pananim—ay nabinbin noong 1969; malaki ang ibinagsak ng produksyon ng patatas, gulay at iba pa. Mas grabe ang kalagayan sa paghahayupan. Malaki ang inilagapak ng taunang produksyon ng baka, baboy, at tupa sa pagtatapos ng 1969 kunpara sa pagtatapos ng 1915. Nang kapos sa tustos ng mga gulay at karneng baka talangang hindi makapagluluto si breshnev ng isang “putahe” ng komunismo, tulad din ng pagkabigo ng hinalinhan niyang si Kruschov.

Mas maliit pa sa mababang target ng "limang taong planong pangkabuhayan para sa mga taong 1966-1970 ang natamo ng taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev. Sa halip na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mamamayan, itinaas nito ang gastos ng kanilang araw-araw na pamumuhay. Kapos ang tustos, mababa ang kalidad at napakamahal ng mga pangunahing bilihin sa Unyon Sobyet, pati na ang tinapay, asin at posporo. Gunggong talaga si Pomeroy para isipin o umasa na magkakaroon ng “sobra-sobrang kasaganaan” sa paggamit sa kapitalistang pamamaraan ng mga amo niyang rebisyunistang Sobyet. Matindi na ang paghihirap ng masang anakpawis ng Sobyet; at ang ugat ng kanilang paghihirap ay ang ganap na pagpapanumbalik ng kapitalismo ng mga taksil na rebisyunistang Kruschov-Breshnev.

III. Hinggil sa usapin ng kultura

Si tagapangulong Mao Tse Tung ang Lenin ng ating panahon. Minana niya, ipinagtanggol at pinaunlad ang Marxismo-Leninismo nang buong husay, malikhain at komprehensibo at iniangat iyon sa isang mas mataas at ganap na bagong yugto, ang Kaisipang Mao Tsetung. Sa kanya natin utang ang di-magagaping pang-idolohiyang armas na nagtitiyak sa ganap na pagbagsak ng imperyalismo at pandaigdigang taumpay ng sosyalismo.

Sa pagsilang ng modernong rebisyunismo at panunumbalik ng kapitalismo sa Unyon Sobyet at iba pang bansang sosyalista, tuwang-tuwa ang mga imperyalista at mga alipuris nila at binati ang isa’t isa dahil sa paniniwalang ang diktadura ng proletryo ay mapayapang mapapabagsak sa paglipas ng ilang henerasyon. Subalit pumunta sa unahan si Tagapangulong Mao at ibinigay ang susi sa kalutasan ng mga problema sa panunumbalik ng kapitalismo sa bansang sosyalista tapos mapag-aralan at malagom ang istorikong karanasan ng mga bansang sosyalista. Inihain niya ang teorya ng walang lubay na rebolusyon sa ilalim ng diktadura ng proletaryo at matagumpay itong naisapraktika sa Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura.

Ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura ay isang dakilang rebolusyonaryong kilusang masa sa pamumuno ng proletaryo para sa pag-agaw sa kultura at pag-aangkop nito sa sosyalistang sistemang pangkabuhayan. Nagbunga ito ng pagpapatalsik sa mga nanunungkulang kasapi ng Partido na tumatahak sa kapitalistang landasin, pinatatag nito ang diktaaryo sa Tsina at pinanday ang Republika ng Mamamayang Tsino para maging ang pinakamatatag na tanggulan ng sosyalismo sa buong daigdig. Sa takbo ng makasaysayang rebolusyong ito na hindi pa nangyari kailanman, nanguna ang mga anak ng rebolusyon sa pagbigo sa mga pangarap ng mga imperyalista at sosyal-imperyalista na mapapanumbalik ang kapitalismo sa Tsina.

Dahil sa lahat ng ito, kinamuhian ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet at ng bayaran nilang si Pomeroy si Tagapangulong Mao at ang lahat ng kanyang pinaninindigan. Matindi ang kanilang agam-agam sa di-maiiwasan nilang pagkagapi sa mga kamay ng rebolusyonaryong masa. Kung anu-ano ang kanilang sinasabi para makalimutan ang malagim nilang hinaharap. Kaya itinuring ni Pomeroy ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura na “batay sa pagpupunyaging maitatag ang komunismo sa napakababang antas.”

Tinangka pa ni Pomeroy baluktutin ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura sa ganito:

Sa panahon ng proletaryong rebolusyong pangkultura, angnangyaring walang pakundangang pagbasura sa lahat ng panitikan,sining at iba pang anyong pangkultura ng nakalipas na panahon aynagdulot ng matinding pagkabahala sa mga mamamayang Sobyet nanakilala ko, na ang gayong asal ay nakikita bilang isangsagadsarang nasyunalismo. Halos lahat ay nagsasabi sa akin nasinira ng mga Pulang Taliba, na siyang nagsagawa nito, ang larawanng sosyalismo at komunismo sa mata ng daigdig.

Napakainam nang ibinunga ng buwelo ng agos ng Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura. Naanod ang mga multo at halimaw na kumukumpas sa kultura. Ngunit sa kalakhan, hindi naman totoong nagkaroon ng “walang pakundangang pagbasura at pagwasak” ng panitikan, sining at mga anyong pangkultura ng nakalipas na panahon. Ang mga tradisyunal at banyagang panitikan na kapakipakinabang sa kasalukuyang mga pangangailangan ng rebolusyong Tsino ay nilapatan ng wastong rebolusyonaryong pagtingin na matingkad na makikita sa mga modelong panitikan at sining na nalikha sa panahon ng Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura. Maging ang mga matatandang panitikan at sining na talagang hindi proletaryo ang katangian ay maingat na itinago upang magsilbing masamang halimbawa. Tungkol sa mga Pulang Taliba, sila ang bumubuo ng isang dakilang kilusang masa na nagpasigla sa rebolusyonaryong diwa ng kabtaan na maglingkod sa sambayanan, ang pumanday sa kabataan sa mga rebolusyonaryong pakikibaka sa pamumuno ng proletaryo at nagsanay sa daan-daang milyong kabtaan bilang mga tagapagpatuloy ng rebolusyon. Suklam na suklam ang mga imperyalista at sosyal-imperyalista sa mga Pulang Taliba sapagkat ang pagsulpot nila ay dumurog sa buktot na pangarap na makapanaig ang makabagong rebisyunismo sa Tsina gaya ng pananaig niyon sa Unyon Sobyet paghalili ng “ikatlo o ikaapat na henerasyon.”

Gaya ng mga gunggong na hindi bibitawan ang kanilang gasgas nang salamangka, hinahangad ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet sa pamamagitan ni Pomeroy na sirain si tagapangulong Mao at ang lahat ng pinaninindigan niya gaya ng kung paano nila sinikap masiraan ang dakilang Marxista-Leninistang Kasamang si Stalin. Parang sirang plaka silang nagsasasatsat ng tinatawag nilang “pagsamba sa pagkatao” at sa “masamang epekto ng stalinismo.”

Ang mga taksil na rebisyunista ay sing gunggong ng mayfly na gustong itumba ang higanteng puno," sa pagtatangka nilang mailarawan ang pandaigdigang teorya ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung bilang isa lamang expresyon ng “makabayang pananaw.” Sakop ng teoryang ito ang bagong-demokratikong rebolusyon at ang sosyalistang rebolusyon at tinitiyak ang transisyon ng sosyalismo tungong komunismo. Kung paghahambingin ang mga dakilang ambag ni Tagapangulong Mao at ang yugto ng Leninismo, walang tunay na rebolusyonaryo ang makakalimog magbigay sa kanya ng marapat pa pagpipitagan bilang dakilang lider ng proletaryo ng buong daigdig.

Sa labis na paghahangad na maipakita sa aklat niya ang isang kulturang “nasa mas mataas na antas” ng kasalukuyang sistemang pinaghaharian ng monopolyo burukrata kapitalistang Sobyet, ang nailarawan ni Pomeroy ay isang bulok na kulturang burges na ang pinakamagandang maipagmamalaki ni Pomeroy mismo ay ang “liberalismo,” “impluwensiyang Kanluranin” at maging pati ang “mistisismo.” Ito ang pinagkamalan niyang bunga ng “limampung taong rebolusyong pangkultura.” Kaya, siniraan niya ang Rebolusyong Oktubre samantalang sinasabing ginugunita niya ito sa kanyang akda.

Tuwang-tuwa siyang makitang “nagsimula na ang tunguhin ng liberalismo” at pinapurihan ang editoryal ng Pravda (Enero 27, 1967) “na nagpapahiwatig ng unti-unting pananaig ng mga puwersa ng liberalisasyon.” Nang may pagmamalaki sa kanyang burges na idolohiya, pinagsigawan niya: “Ang madamdamin o marubdob na pagtanggap sa Marxismo… ay nakadagdag sa pagkabulag kaya hindi naiwasto ang Stalinismo sa mahabang panahon.” Malinaw dito na ang “anti-Stalinismo” ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet ay maskara lamang ng kanilang anti-Marxismo at anti-Leninismo.

Madalas magkunwari ang mga buhong na anti komunistang ito na kinikilala si Lenin at ginagamit ang kanyang pangalan. Ngunit gaya ng sinabi minsan ni Lenin:

Laging gayon ang kaso sa kasaysayan na kapag pumanaw ang mgarebolusyonaryog lider na mabango sa mga busabos na uri, ginagamitng mga kaaway ang kanilang pangalan para malinlang ang mgabinubusabos.

Kumbaga, ginagamit ng mga taksil na rebisyunista ang pangalan ni Lenin para banatan si Lenin at sumasangguni sa Leninismo para lamang banatan ang Leninismo.

Itinuturing ni Pomeroy ang mga bulok na burges na sina Boris Pasternak, Alexander Solzhenitsyn, Yevgeny yevstushenko, Anatoly Zhigulin, Bulat Okujava, Andrei Voznesensky at mga kauri nila bilang ang mga pambato ng Panitikang Sobyet sa tinatawag niyang “50-taon ng rebolusyong pangkultura.” Itinuturing niya na pangunahing kuwalipikayon ng mga ito ang pagiging mga “anti-Stalinista.” At kasabay nito ay ipinangangalandakan niya ang teorya ng panitikan sa ngalan ng panitikan. Pagmamagaling niya:

Ang sinumang nahahandang mamuna ay dapat ding nakahandangmapuna, bagaman inaasahan na ang pagpuna sa panitikan ay mananatilisa loob ng balangkas ng panitikan.

Ang “pagpuna sa panitikan sa loob ng balangkas ng panitikan” ay pagtanggi sa katangiang pampulitika ng bawat obrang pampanitikan. Itinuturo sa ain ni tagapangulong Mao:

Sa daigdig ngayon lahat ng kultura, lahat ng panitikan at sining ay nabibilang sa tiyak na uri at nakakawing sa tiyak na linyang pampulitika. Walang masasabing sining alang-alang sa sining, isang sining na walang makauring batayan, sining na hiwalay o walang kinalaman sa pulitika. Ang panitikan at sining proletaryo ay bahagi ng buong simulain ng proletaryong rebolusyon; ang mga ito ani Lenin ang mga granahe at gulong ng buong rebolusyonaryong makinarya.

Pinakapuri-puri ni Pomeroy si Andrei Voznesensky na pinarangalan niyang ang “pinakamahusay na makatang isinilang sa panahon ng ligalig sa panitikan.” Iniulat niya na sila’y nagkasundo na ang ika-20 Kongreso ay nakapag-ambag nang malaki sa pagsisiwalat ng saloobin."Kasabay niyon sinang-ayunan din ng buhong na rebisyunistang si Pomeroy ang tinatawag ni Voznesensky na “panunumbalik ng mistisismong nakakintal na sa kaluluwa ng Ruso na mamamasdan sa karamihan sa ating panitikan.”

Natutuwa siya na ang kaso nina Sinyavsky at Daniel ay naging sentrong usapin sa loob ng unyon ng manunulat ng bansa para sa karagdagang “liberalisasyon.” Tinitingnan niyang “Konserbatibo” ang pabalat-bungang posisyon ni Breshnev sa “prinsipyo ng pagiging partisano sa sining at panitikan at sa makauring pagtrato sa pagtatasa ng lahat ng tungkol sa larangan ng kultura.”

Binaluktot ni Pomeroy ang sinabi ni Lenin na “Ang Marxismo ay isang halimbawa kung paano sumulpot ang komunismo mula sa suma total ng kaalaman ng tao,” at inihambing iyon sa sinabi ni Breshnev na “ang tungkulin ng Komsomol ay tulungan ang nakababatang henerasyon… na ikintal sa kanilang isipan ang lahat ng kaalaman tungkol sa mga pagpapahalagang nalikha ng sangkatauhan.” At kaugnay nito, pinapurihan niya ang mga rebisyunistang elemento sa kabataan sa pagkakaroon nila ng pinakamalawak na interes sa “Kanluraning panitikan” na “hindi kailanman taliwas sa talagang minimithi ng kabataan.” Kanino ba sila pinakainteresado sa Kanluraning panitikan? Kina Hemingway, Salinger, John Updike, Kafka, Beckett at Ionesco. Tinapos ni Pomeroy sa kosmopolitanismong burges ang proletaryong internasyunalismo.

Masayang iniulat ni Pomeroy na sina Shelley at Byron ay sinisipi at tinatalakay sa mataas na paaralan sa Unyon Sobyet “dahil sa pagiging tagapagtanggol nila ng uring manggagawang Ingles.” Pabor siya na si Hemingway ang paboritong awtor ng mga rebisyunistang elemento ng kabataang Sobyet at pinapurihan ang depitistang burges na awtor dahil sa “tapang ng kanyang mga bayani, sa pagtutuon sa likas na kabutihan at kagitingan ng mamamayan,” at sa “moral na tono ng kanyang mga pagtatangi.”

Pabor din siya kay John Steinbeck na maging isa pang “paboritong awtor.” Pinuri niya ang mga akda ni John Steinbeck na Grapes of Wrath at Winter of Our Discontent dahhil sa pangangaral niyon ng pagtutol laban sa karahasan." Agad makikita ng isang tunay na Marxista-Leninista ang pagiging pesimistang manunulat na burges ni Steinbeck, na interesado sa paglalantad ngunit takot sa rebolusyonaryong karahasan. Kaya naman sinusuportahan ng buhong ng anti-komunistang ito ang kasalukuyang pananalakay ng Estados Unidos sa Vietnam. Ang sinumang laban sa rebolusyonaryong karahasan ay insigidang tagapagtaguyod ng kontra-rebolusyonaryong karahasan.

Sa pagsupla sa anumang argumento na ang mga rebisyunistang intelektuwal na Sobyet ay gumon na gumon sa Kanluraning panitikang burges, lalo lamang ipinakita ni Pomeroy ang pagkakontra-rebolusyonaryo niya at ng mga katoto niyang rebisyunistang Sobyet. Pahayag niya:

Makikita sa mga intelektuwal ng Sobyet ang masidhing respeto sa mga kilalang alagad ng panitikan at sining ng Rusya, at sa isang bansa ang ganito ay masasabing isa sa pinakamabisang depensa laban sa subersiyon ng kanluran. Dumudulog sila kina Pushkin, Tolstoy, Gogol, Chekov, at maging kay Dostoevsky para sa pagpapatuloy ng kultura.

Ni hindi man lamang nagpabalat-bunga si Pomeroy sa dakilang proletaryong manunulat, si Maxim Gorky. Kasumpa-sumapa na ang sanggunian niya at ng mga katoto niyang taksil na rebisyunista ay ang mga burges-piyudal na maestro ng sining at panitikan. Walang anumang makitang kapakipakinabang o kapuripuri ang mga anti-Marxista at anti-Leninistang ito sa mga natamo ng proletaryong Sobyet sa larangan ng kultura. ang tangi nilang mga kinikilala ay ang mga elemento sa kultura na humahamak sa diktadura ng proletaryo at iyong mga sumusuporta sa panunumbalik ng kapitalismo sa Unyon Sobyet. Kaya, ang mga bulok na awtor na burges na sina Ilya Ehrenburg at Mikhail Sholokhov ang opisyal na napisil ng mga taksil na rebisyunistang pangkating Kruschov-Breshnev at pati ng imperyalismong Amerikano na mga manunulat.

Bagaman parang ipinagkakaila ni Pomeroy sa ilang banda na masyadong imwensiyado ng Kanluraning kulturang burges ang mga taksil na rebisyunistang Sobyet, hindi niya naiwasang banggitin pati ang pinakabulok na manipestasyon ng gayong impluwensiya, gaya halimbawa nang matanong siya ng isang binatilyo na nagbablackmarket kung may mga ibinibenta siyang angkat na kalakal o ng isang kabataang naghahanap ng droga. Ikinalugod niya na ang itinuturing niyang modelo ng kabataang Sobyet, na mga Amboy kumg magsiporma, ay sumasayaw sa tugtog ng American Jazz sa Kremlin Palace of Congress. Pagmamalaki niya:

Ang pinakamagaling na jazz orchestra ng Sobyet, gaya ng grupong Jazz 64 at Jazz 65, ay mahuhusay na musikerong dumadalisay sa pinakamagaganda sa Kanluraning jazz at inilalapat iyon sa panlasang mamamayang Ruso.

Aniya: Tinitingnan ng kabataan ang kanilang interes sa gayong mga aspetong pangkultura bilang alinsunod sa kanilang internasyunalismo at hindi isang gawaing anti-Sobyet. Para sa kanila ang anumang pagsasagka sa gayong mga interes ay isang paglihis sa internasyunalismong itinataguyod ng kanilang mga organisasyon.

Sumulpot ang modernong rebisyunismo resulta ng kabiguang maagaw ang kultura mula sa burgesya at bunga na rin ng puspusang pagsusumikap ng imperyalismo na maisaksak ang impluwensiya nito sa idolohiya. Sapagkat ang kultura ay ang kalipunan ng mga pagpapahayag o pagsalamin ng pulitika at ekonomya, ang kulturang Sobyet—gaya mismo ng iniulat at pinapurihan ni Pomeroy—ay isang testimonya sa lubusang panunumbalik ng kapitalismo sa Unyon Sobyet.

Malinaw na bago pa ang ganap na panunumbalik ng kapitalismo humanawak muna ang hanay ng mga kontra-rebolusyonaryo sa kultura. Hindi nila kagyat na inagaw ang kapangyarihang pampulitika o lantarang ginawang ppribado ang sosyalisadong gamit sa produksyon. Pinasok muna nila ng Partido, ang gobyerno, ang hukbo at ang iba’t ibang larangan ng kultura at unti-unti nilang ginawang kasangkapan. Kumilos sila sa loob na buung-buong nakatuon sa gawaing pang-idolohiya hanggang mahinog ang mga kalagayan. Sa bagay na ito, itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao:

Para maibagsak ang isang kapangyarihang pampulitika, una sa lahat, laging kailangang makahubog ng opinyong publiko, ang kumilos sa larangang pang-idolohiya. Pareho itong totoo para sa rebolusyonaryong uri at sa kontrarebolusyonaryong uri.

Hinggil sa usapin ng tunggaliang pang-idolohiya sa isang lipunang sosyalista, binigyang-diin ni tagapangulong Mao:

Natamo natin ang batayang tagumpay na matransporma ang pag-aari sa mga gamit sa produksyon, subalit hindi pa natin nakakamit ang ganap na tagumpay sa larangang pampulitika at pang-idolohiya. Sa larangang pang-idolohiya, hindi pa malinaw ang usapin kung sino ang magwawagi sa tunggalian ng proletaryo at burgesya. Kailangan pa nating maglunsad ng matagalang pakikibaka laban sa idolohiyang burges at petiburges. Mali ang hindi ito naunawaan at bitiwan ang pakikibakang pang-idolohiya. Lahat ng maling kaisipan, lahat ng makamandag na damo, lahat ng multo at halimaw, ay dapat uriratin; hindi kailanman dapat pahintulutang lumaganap ang mga iyon nang hindi namamalayan.

Mahaba-habang panahon pa ng lilipas bago mapagpasiyahan ang usapin ng tunggaliang pang-ideolohiya sa pagitan ng sosyalismo at kapitalismo. Sapagkat ang impluwensiya ng burgesya at ng mga intelektuwal na galing sa lumang lipunan ay mananatili sa ating bansa sa mahabang panahon sampu ang kanilang makauring idolohiya. Kung hindi ito ganap na mauunawaan, o talagang hindi nauunawaan, mangyayari ang pinakamasahol na pagkakamali at isasaisantabi ang paglulunsad ng pakikibaka sa larangang pang-idolohiya.

IV. Hinggil sa “mapayapang pakikipamuhay” at sosyal-imperyalismo

Mula kay Kruschov hanggang kay Breshnev, sumalamin ang patakarang panlabas ng Unyon Sobyet sa ganap na panunumbalik ng kapitalismo. Bagaman pabalat-bungang pinagtutuunan ng pansin ng mga pinunong rebisyunistang Sobyet ang proletaryong internasyunalismo, sa totoo’y ipinagkakanulo nila ang interes ng mga manggagawa ng buong daigdig at ng lahat ng binubusabos na mamamayan sa pandaigdigang burgesya, lalo na sa monopolyong burgesyang Sobyet. Mula dekada 60, ang ganap nang sosyal-imperyalismong Sobyet (nakabatay sa monopolyo kapitalistang estado) ay naging kahanay ng imperyalismong Amerikano sa pagiging isa sa mga pangunahing kaaway ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon. Naging prinsipal na kakutsaba ito ng imperyalismong Amerikano sa kontra-rebolusyon at laging nakikipagpaligsahan sa imperyalismong Amerikano sa kontra-rebolusyon.

Ang kampanyang anti-Stalinismo na inilunsad ni Kruschov ay pormal na naghudyat ng pagsisimula ng burges na patakarang panlabas ng Unyon Sobyet. Motibo at ibinunga ng kampanya mismo ang isang matinding kaguluhan at bitak sa pandaigdigang kilusang komunista. Sa ilalim ng bandilang anti-Stalinismo, nagsilabas sa kani-kanilang lungga sa lahat ng Partido Komunista at estadong sosyalista ang mga makabagong rebisyunista at Kanang oportunista at kumilos para maagaw ang kontrol sa partido at sa estado, na naging matagumpay naman sa maraming kaso. Ang biglaang ganap na pagtatakwil kay kasamang Stalin ay naging sorpresang atake sa pandaigdigang kilusang komunista na hindi nagbabago ang pagpipitagan sa kanya bilang dakilang lider at guro ng sambayanang Sobyet at ng mga manggagawa ng buong daigdig. Sa pagtangging magpahatak sa anti-komunistang posisyon ni Kruschov, matibay na nanindigan ang Partido Komunista ng Tsina, ang Partido Manggagawa ng Albanya at iba pang Marxista-Leninistang partido.

Sa pagbabandila sa linyang “mapayapang transisyon” at “landasing parliyamentaryo,” tinuligsa ng ika-20 Kongreso ng CPSU ang Marxista-Leninistang teorya ng estado at rebolusyon. Hayagang prinoklama ng mga Sobyet na nagkanulo kina Lenin at Stalin na ang transisyon ng kapitalismo tungong sosyalismo ay mapayapa na at nagbabago na ang mabangis na katangian ng imperyalismong Amerikano at nagiging mapagpahinuhod at puwede nang maluklok sa puwesto ang Partido Komunista sa mga bansang dominado ng rehimeng reaksiyunaryo sa pamamagitan ng eleksyon at parliyamentaryong landas. Itinago ng mga modernong rebisyunista ang istorikong karanasan ng proletaryo ng buong daigdig. Sa pamamagitan ng mga taksil na rebisyunistang pangkating Lava na kaagad tumugon sa panawagan ni Kruschov nakawing sa rebisyunistang linya ang nagsanib na lumang partido ng Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosyalista.

Walang patumangga ang naging pagkakanulo ni Kruschov at ng mga katotong taksil na rebisyunista, pati na ni Breshnev at Kosygin, sa Leninismo.

Iniangat nila ang “mapayapang pakikipamuhay” sa antas ng pangkalahatang linya at pinagkawing iyon sa tatlong “mapayapa” at dalawang “buo.” Ipinagmalaki nila ang kanilang mga pakikipagkasundo sa imperyalismong Amerikano na monopolyohin ang armas nuklear bilang susi ng pandaigdigang kapayapaan. Sa kabila ng duetong pag-awit ng “kapayapaan,” ang Unyon Sobyet at Estados Unidos ay kapwa nag-iimbak ng mga armas at naghahanda sa digmaan laban sa mamamayan at umaastang superpower na nagsasabwatan at nagsasalpukan tulak ng kani-kanilang pansariling interes, sa kapinsalaan ng mga mamamayan ng daigdig.

Ang pagtutol ng Tsina na mabendisyunan ang monopolyo sa armas nuklear ng mga superpower at sa imperyalistang pribilehiyong ipanakot ang armas nuklear ay binaluktot ni Pomeroy na “pagpapaibabaw ng pambansang interes sa pakikibaka para sa kapayapaan at para sa pagkakaisa ng mga rebolusyonaryong puwersa laban sa imperyalismo.” Pagkatapos ng mga kasunduang “magdisarma” (tulad ng “nuclear test ban treaty” at nonproliferation treaty) na nilagdaan ng Unyon Sobyet at Estados Unidos, gaano na kalayo ang iiusad ng ganap na paglansag sa armas nuklear? Wala ni isang pulgada.

Sa lubus-lubusang pagsalungat sa prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo, nagbigay-daan sa imperyalistang Amerikano ang mga taksil na rebisyunistang Sobyet sa usapin ng prinsipyo. Bago makipagkita kay Eisenhower noong 1959, walang kadahidahilang pinunit ni Kruschov ang kasunduang Sino-Soviet hinggil sa kooperasyong nuklear at pumanig sa mga reaksiyunaryong Indian na hinahamon ang Tsina ng isang digmaan at pangahas na sinasakop ang teritoryo ng Tsina. Habang nasa Estados Unidos, nagbitiw siya ng mga gunggong na mga kontra-rebolusyonaryong pahayag tulad ng “kahit ang mga kapitalista ay puwedeng umanib sa kilusang komunista” at “ang komunismo ay isang putahe ng karneng baka.” Pagkatapos ng pagbisita niya sa Estados Unidos, nagpunta siya sa Tsina at nakiusap sa lideratong Tsino na tanggapin ang alok ng Estados Unidos na “dalawang Tsinang” patakaran at ang pagsakop ng Estados Unidos sa Taiwan, ang pagpapalaya sa mga espiya at ahente ng Estados Unidos na naaresto noong panahon ng digmaan sa Korea at baguhin ang pakikitungo nila kay Eisenhower dahil sa sinasabing mapayapang katangian nito.

Tinanggihan ng Tsina ang lahat ng kahilingang ito ni Kruschov sa kabila ng pagbabantang pagkakaitan nito ang Tsina ng tulong pangkabuhayan. Nang wala siyang makuhang kahit na ano sa gusto niya, tinangka niyang sabotahiin ang Great Leap Forward at sinamantala ang imperialist blockade at ang mga likas na kalamidad na nagpapahirap sa Tsina. Nang hindi man lamang kinunsulta ang mga lider Tsino, iniutos niya ang kagyat na ganap na pagpapauwi sa mga expertong Sobyet na isang lantarang paglabag sa kasunduang Sino-Soviet na pagtutulungan ng dalawang bansa at hindi pinansin ang kahilingan ng Tsina na repasuhin ang pangyayari at ibalik ang mga experto. Ngunit gustong palabasin ngayon ni Pomeroy na ito’y “dahan-dahang paglisan” na ibinunga ng “mga pagkakaiba” sa pagpapatupad ng mga batas pangkabuhayan." Dakdak niya:

Ang mga di-pagkakaunawaan sa pagpapatupad ng mga batas pangkabuhayan ang lumalabas na siyang dahilan ng dahan-dahang pagbawi sa Tsina ng mga teknisyang Sobyet na ang mga rekomendasyon ay tinanggihan o pinawalang-bisa.

Ang tunay na dahilan ay ang pagngingitngit ni Kruschov sa pagtanggi ng Partido Komunista ng Tsina na sumunod sa rebisyunistang linyang kanyang ibinabatbat sa sulsol ng kanyang pag-astang isang superpower, sa pangangayupapa sa imperyalismong Amerikano at sa balak niyang gawing bahagi ang Tsina ng sistemang pangkabuhayan ng Unyon Sobyet. Pagkatapos mawala ang mga “tulong” ng Sobyet, natuklasan ng mamamayang Tsino na ang mga patakbuhing kalakal ng Sobyet at ang mga serbisyong teknikal nito ay napakamahal na pinipresyuhan samantalang binabarat ang ipinambabayad na mga produkto kaya mabuti na lamang at nawala ang mga “tulong.” Natuklasan din na pinalitan lamang ng Unyon Sobyet ang etiketa ng mga kalakal na nanggagaling sa Kanlurang Alemanya na ibinenta uli sa Tsina nang may malaking patong na tubo.

Sabihin pa, nakakatawa ang ipinagsisigawan ni Pomeroy na “hindi na nasa kinakailangan pa ng mamamayang Tino na problemahin ang patatatayo ng ekonomya nito sa pamamagitan ng pagkakait sa sarili ng mga pangunahing pangangailangan, gaya ng dinanas ng mamamayang Sobyet noong una, kung pinagtibay ng mga lider ng Tsina ang patakarang ganap na paglahok sa loob ng balangkas ng sosyalistang komunidad.” Sa kabila ng pananabotahe ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet, at ng mga Tsinong ahente nila, tulad ni Liu Shao Chi, nagtagumpay sa dakong huli ang Great Leap Forward at pinatunayan niyon na wasto ang linya ni tagapangulong Mao na “loubus-lubusang pagkilos, pagkakaroon ng matayog na pananaw at pagkakamit nang mas malaki, mas mabili, ma mahusay at mas matipid na mga resltang pangkabuhayan sa pagtatayo ng sosyalismo” at sa “pagpapanatili ng kasarinlan at paghawak sa inisyatiba at pagsandig sa sariling kakayahan at mga pagsusumikap.”

Anong “sosyalistang komunidad” ang pinagsasabi ni Pomeroy? Halos sakalin na ng Unyon Soobyet ang tinatawag nitong mga kapatid na bansa. Sa ilalim ng Council of Mutual Economic Assistance, ginamit nito ang malaharing posisyon para obligahin ang mga bansang ito na magsilbing mga palengke, mga subsidyaryong pabrika, taniman ng ma prutas, gulayan at rantso ang ekonomiya ng kanikanilang bansa para makahamig ng malaking tubo ang mga taksil na rebisyunistang Sobyet. Sa ilalim ng Warsaw Treaty Organization, gumamit ito ng pinakamalupit na pamamaraan para mapanatili ang kontrol sa mga bansang iyon at nagtalaga doon ng sangkaterbang sundalo. Ang “sosyalistang komunidad” ay walang iba kundi ang kolonyal na emperyo ng sosyal-imperyalismong Sobyet.

Talagang sinunod ng taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev ang pandaigdigang patakaran at dinala iyon sa kasukdulan sa pamamagitan ng lantarang pananalakay sa mga kolonya nito pati an rin sa Republika ng Mamamayang Tsino. Sinalakay nito ang Czechoslovakia na may daan-daang libong banyangang puwersa sa ilalim ng kumpas at nagtayo ng papet na gobyerno sa dulo ng bayoneta. Nagtalaga ito ng ilang dibisyon ng hukbong Sobyet sa Republika ng Mamamamongolia at nagkasa ng milyun-milyong sundalo sa hangganan ng Tsina at Unyon Sobyet. Ilang ulit nitong pinagbantaan ang Tsina na babagsakan ng bombang nuklear at pumasok sa mga teritoryo ng Tsina tulad sa Chenpao Island at sa Tiehliekti area. Sinakop nito ang teritoryong mas malaki pa kaysa sa hinangad ng mga dating tsar.

Naging ganap na sosyal-imperyalismo ang modernong rebisyunismong Sobyet sa ilalim ng mga tagapagtaguyod at tagapagpatupad ng Krushcovismo pagkatapos ni Kruschov. Pinalianag ni Lenin na ang kahulugan ng sosyal-imperyalismong ito ay “sosyalismo sa salita, imperyalismo sa gawa, ang pagpapaunlad ng oportunismo tungo sa imperyalismo.” Sa sandaling maagaw ng pangkating rebisyunista ang kapangyarihang pampulitika ng proletaryo, alinman sa maging sosyal-imperyalismo ang isang sosyalistang estado gaya ng nangyari sa Unyon Sobyet, mauwi ito sa pagiging isang papet o kolonyang estado, gaya ng Czechoslovakia, Republika ng Mamamayan ng Mongolia at iba pang bansang rebisyunista. Sa pagkakauha nila sa kapangyarihang estado, mas mapanganib at demonyo ang modernong rebisyunistang Kruschov-Breshnev kaysa sa mga klasikong rebisyunistang Kautsky-Bernstein. Ang mga palsipikadong anti-imperyalistang ito na imperyalista sa totoo ay maaaring gumamit ng pinakamalupit na hakbang at pinakamaruming salamangka laban sa mamamayan.

Sa ngalan ng sosyal-imperyalismo, bumalangkas ng sangkaterbang “teorya” ang mga taksil na rebisyunistang Sobyet para mabuo ang “doktrinang Breshnev.”

Una, ang teorya ng “limitadong kapangyarihang magpasiya sa sarili ng isang bansa.” Ibig sabihin nito, nasa Unyon Sobyet ang “kataas-taasang karapatang magpasiya” na “walang takda” samantalang “limitado” ang sobereniya o karapatang magpasiya sa sarili ng ibang bansa. Ang sinasabing mga interes ng sosyalismo na dapat pangalagaan ay walang iba kundi ang mga interes ng sosyal-imperyalismong Sobyet.

Pangalawa, ang teorya ng “pandaigdigang diktdura.” Ang ibig sabihin nito ay maaaring militar na manghimasok o okupahin ng mga tropang Sobyet ang ilang bansa sa Silangang Europa at ang Republika ng Mamamayang Mongolia. Ang Warsaw Pact ay pamaluka lamang ng sosyal-imperyalismong Sobyet; ang karatulang “suporta sa kabatid na bansa” ay ibinabandera bilang panggarantiya sa papet na gobyerno tulad ng sa Czechoslovakia.

Pangatlo, ang teorya ng “sosyalistang komunidad.” Ito ay ang kolonyal na emperyo na Unyong Sobyet ang naghaharing estado at kolonya naman ang mas mahihinang bansang rebisyunista. Sinasabing “hindi mapaghihiwalay” ang mga kolonya at ang naghaharing estado.

Pang-apat, ang teoryang “pandaigdigang hatian ng gawain.” Ibig sabihin, ang mga bansa sa Silangang Europa, ang Republika ng Mamamayang Mongolia at ang mga bansa sa Asya, aprika at latin Amerika ay dapat magpakadalubhasa sa paglikha ng “tradisyunal na panluwas na kalakal” na kailangan ng Unyon Sobyet. Gustong mapalawak ng Unyon Sobyet ang sakop ng kolonya nito para makakuha ng ma hilaw na sangkap mula sa mga atrasadong bansa na pagtutubuan nito nang malaki.

Ikalima, ang teorya na “sangkot ang ating interes.” Ibig sabihin, dahil isang ’superpower" ang Unyon sobyet may karapatan itong manghimasok sa mga gawain ng ibang bansa at makipagsabwatan sa ibang superpower, sa imperyalismong Amerikano, laban sa mamamayan. Sa ilalim ng teoryang ito ilang ulit gumamit ng Unyon Sobyet ng “gunboat diplomacy.”

Sa pakikipag-ugnayan nito sa mga bansa sa Asya, aprika at lating ameriak, laging hangad ng unyong sobyet ang makapangibabaw sa pulitika at makahamig ng supertubo sa pamamagitan ng mga “tulong” nito. Kunwari’y nagpapautang nang may mababang interes pero minamahalan naman ngm ga kalakal at serbisyo teknikal nito. Ang kalakhan ng pautang ay binabayaran ng mga hilaw na sangkap na masyadong binabarat ang presyo. Mangangalakal din ng armas ang Unyon sobyet na ibinibenta sa presyong gusto nito. kailangang pag-aralang mabuti kung paano napagsasamantalahan ng Unyon Sobyet ang India, ehipto, Indonesia at iba pang bansa.

Sa ganap na pagsalungat sa prinsipyo ng proletaryong inter- nasyunalismo, ma marami pang ipinaalang tulong militar sa mga reaksiyunaryong Indian ang Unyon Sobyet kaysa sa Estados Unidos. ilang beses ginamit ng India ang mga itinustos na armas sa palalo at expansiyunistang pananalakay sa Tsina at pakistan. Patuloy din ang “tulong” pangkabuhayan at pampananalapi ng Unyon Sobyet sa mga pasistang Indonesian na nagpapatay sa halos isang milyong mamamayang Indonesian, kabilang na ang daan-daang libong Komunista. dahil ma malaki ng interes nito sa Estados Unidos sa pagbubukas ng Suez Canal, nakipagkutsaba ito sa imperyalismong Amerikano at sa mga Zionistang israelista at walang lubay na nagmaniobra para sa isang “kasunduang pampulitika” na hindi alam ng mga Palestino at Arabo.

Gustong palabasin ni Pomeroy na puspusan ang pagsuporta ng mga taksil na rebisyunistang sobyet sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Vietnamese para sa pamyaan at pambansang katubusan laban sa imperyalismong amerikano. Agad niyang kinalimutang banggitin ang katotohanang hindi kailanman ginusto ni Kruschov na sumuporta sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mga Vietnamese. Pero gustong palabasin ni Pomeroy ngayon na nagbibigay ng bilyun-bilyong ruble na “tulong” ang taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev. Dapat ipagdiinan tungkol sa tulong para sa Vietnam na ugali na ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet na sobrang palakihin at dayain ang kuwentada para lokohin ang mamamayang Sobyet.

Palsipikado at patraydor ang pagsuporta at pakikitungo ng rebisyunistang sobyet sa vietnam. Sa katunayan, mas marmi pang ibinigay na “tulong,” pati na mas malaks na kagamitang militar, ang Unyon Sobyet sa ibang bansa. Ang tunay na layon ng “tulong” ng Sobyet sa Vietnam ay para magamit na kartada ang digmaan sa vietnam sa pakikipagtawaran sa imperyalismong Amerikano at makasangkapan ito sa pagkakalat ng mga intriga sa mga rebolusyonaryong puwersa. Minsan nga, ang lakas ng loob na hiniling ng Unyon sobyet sa Tsina na payagan itong magkaroon ng sariling paliparan at base militar sa Tsina dahil gusto nitong maipadala ang sariling “tulong” sa Vietnam. Siyempre pa, tinanggihan ng Tsina ang kahilingang ito yamang lagi namang mamalayang nakakadaan sa Tsina ang “tulong” ng sobyet sa Vietnam. pagkatapos ng pagtangging iyon, pinakalat ng mga taksil na rebisyunistang sobyet na ayaw raw ng tsina na padaanin ang “tulong” ng Sobyet.

Paulit-ulit na ibinandila ng mga taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev ang islogang “nagkakaisang pagkilos” at nagkakaisang anti-imperyalistang pakikibaka" tungkol sa digmaang pananalakay ng Estados Unidos sa Vietnam. Pero gusto lamang naman nilang mawala na ang paglayo sa kanila ng iba pang bansa resulta ng kanilang mga kontra-rebolusyonaryong pagkilos at ang siraan ang mga rebolusyonaryong puwersa na nag-iwan sa kanila. Kung talagang habol nila ang makatulong sa Vietnam, lagi namang puwede nilang gamitin ang kasunduang bilateral. Pero ang layon kasi nila ay ang pagkaguluhin ang mga rebolusyonaryong puwersa at pagdudahan ang katotohanang ang Tsina at pinakamalapit, pinakamalakas at pinakamaaasahang likuran hindi lamang ng mamamayang Vietnamese kundi pati na rin ng buong mamamayang Indotsino. sa pagkalat ng digmaang pananalakay ng amerikano sa buong Indotsina, ang Tsina ang naging pinakamatatag na tagapagtanggol ng rebolusyonaryong pakikibaka ng mga mamamayang Vietnamese, Cambodian at Lao, at ang Unyon Sobyet ang pinakapalsipikadong kakampi na laging namimingwit ng oportunidad para makakuha ng pabor sa imperyalismong Amerikano.

May sabwatan at bakbakan sarelasyon ng sosyal-imperyalismong Sobyet at imperyalistang Amerikano. Ito’y dalawang “superpower” na nagkaisa sa pagsupil sa rebolusyon, sa mamamayan, sa Tsina at sa komunismo. Kasabay niyon, likas sa pagiging imperyalista nila ang magbakbakan sa muling pagpaparte ng daigdig. Bawat isa’y may sariling plano ng kanyang paghahari. Ang pagkakaiba lamang nila ay itinatago pa noon nang isa ang pagiging imperyalista sa pamamagitan ng pagdadaldal ng mga anti-imperyalistang islogan, gaya nang malinaw mismong ipinakikita ni Pomeroy sa ginagawa niya.

Mahalaga at kailangang pag-aralang mabuti ang sosyal-imperyalismong Sobyet at ang bawat pagtatangka ng lokal na taksil na rebisyunista na magpalaganap ng modernong rebisyunismo sa Pilipinas. Kaya, hindi dapat palampasin ang librong Half a Century of Socialism ni Pomeroy. Ang ating pag-aaral ay dapat magpatalas sa pagkaunawa natin sa Marxismo-Leninismo at rebolusyonaryong pulitika, magpaunlad sa kasalukuyan nating pagkilos at istilo sa pakikipaglaban para sa demokrasya ng mamamayan at mabigyan tayo ng malinaw na pagtingin sa hinaharap—ang sosyalismo.

Ipinagkaloob sa atin ni tagapangulong mao ang kanyang teorya ng patuloy na rebolusyon sa ilalim ng diktadura ng proletaryo at ipinakita sa atin sa praktika kung paano mapipigilan ang panunumbalik ng kapitalismo sa isang lipunang sosyalista. Natapuan na ang panlaban sa pinakamasahol na oportunismo at sa sosyal-imperyalismo. Ito ay ang Marxismo-Leninismo-kaisipang Mao Tse tung, ang rebolusyonaryong teorya ng proletaryo sa kasalukuyang panahon na ang imperyalismo ay patungo na sa ganap na pagbagsak at ang sosyalismo ay sumusulong tungo sa pandaigdigang tagumpay.

Sa loob ng Unyon Sobyet, papabagsak na rin ang mga taksil na rebisyunista. Binigyang-diin ni Tagapangulong Mao:

Ang Unyon sobyet ay ang unang sosyalistang estado at ang partidokomunista ng unyon sobyet ay binuo ni Lenin. Bagaman naagaw na ngmga rebisyunista ang liderato ng partidong Sobyet, ipinapayo ko samga kasama na panatiliing matatag ang pananalig na ang mamamayangSobyet at ang mga kasapi at kadre ng Partido ay mabubuti, nanaghahangad sila ng rebolusyon at hindi magtatagal ang paghahari ngrebisyunista.

Binigyang-diin din ni tagapangulong Mao:

Nang magkakapit-kamay, napakarami nang nagawang katiwalian atkasalanan ang rebisyunismong sobyet at imperyalismong Amerikanokaya’t hindi sila patatawarin ng rebolusyonaryong mamamayan sabuong daigdig. Bumabalikwas na ang mga mamamayan sa lahat ng bansa.Nagsimula na ang bagong kabanata ng kasaysayan ng pakikibaka labansa imperyalismong amerikano at modernong rebisyunismong Sobyet.

May sariling mga hangganan ang kontra-rebolusyonaryong sabwatan ng imperyalismong Amerikano at sosyal-imperyalismong Sobyet laban sa mamamayan, sa komunismo at sa Tsina. Sa lumalalang krisis ng pandaigdigang imperyalismo, titindi at pabibilisin ng sagupaan ng mga imperyalistang puwersa para sa muling pagpaparte ng daigdig ang kanilang wakas. gaya ng imperyalismong "Amerikano masyadong nababanat ng sosyal imperyalismong Sobyet ang sarili nito. Sa sobrang pagkakabanat nito, hindi maiiwasang lumala ang krisis nito sa sariling tahanan. Nakaupo ito sa isang bulkan. Di-magluluwat magbabangon ang proletaryo at mamamayang Sobyet at ang mga mamamayan ng bawat nasyunalidad para ibagsak ang monopolyo burukratang burgesya at ang lahat ng alipuris nitong taksil na rebisyunista. Ang sosyal-imperyalismo ay isa lamang panandaliang yugto sa pagbagsak ng imperyalismo.

Panawagan sa atin ni tagapangulong Mao:

Mamamayan ng daigdig, magkaisa at labanan ang digmaangpananalakay na inilulunsad ng anumang imperyalismo ososyal-imperyalismo, lalo na iyong bomba atomika ang gamit nasandata. Kapag sumilab ang gayong digmaan, dapat gamitin ngmamamayan ng daigdig ang rebolusyonaryong digmaan parabigyang-wakas ang digmaang pananalakay, at ang mga paghahanda aydapat nang simulan ngayon!

Sa ngalan ng imperyalismong Amerikano

Ang akdang American Neo-colonialism ay isang pagtatangkang lituhin ang mga mambabasa tungkol sa likas na katangian at pag-unlad ng imperyalismong Amerikano sa pamamagitan ng mga gasgas na sosyal-demokratikong argumento. Ang librong ito’y isang pagbibigay-matuwid sa imperyalismong Amerikano, laluna sa tuwirang paghahari ng Estados Unidos sa Pilipinas mula 1899 hanggang 1946. Ito’y isang malinaw na malinaw na katibayan ng papel ng may-akda bilang ahente ng imperyalismong Amerikano.

Ibinatbat ni Pomeroy na hindi kailangan at walang pakinabang ang Estados Unidos sa pagkolonya nito sa Pilipinas. Sa pagtatanggol sa ganitong paninindigan, ginamit niya ang diskarteng paghaluhaluin ang mga huwad na anti-imperyalistang pahayag, ang mga bungang-isip ng kanyang guniguni at pagbaluktot sa mga tunay na pangyayari upang desperadong baluktutin ang teorya ni Lenin hinggil sa imperyalismo at mapagtakpan ang pagsasamantala at pambubusabos na ipinalasap ng imperyalismong Amerikano sa mamamayan.

Sa kabila ng pamagat, halos hindi tinatalakay ng libro ang neo-kolonyalismo. Sa katunayan, sa kalakhan ay tungkol ito sa mga pagsisimula ng tuwirang kolonyal na paghahari ng Estados Unidos sa Pilipinas at sa iba’t ibang opinyon sa mga sirkulo ng imperyalistang Amerikano tungkol sa kolonyang Pilipinas. Sa bandang huli na ng aklat dumako si Pomeroy sa taong 1970 na may ilang mga paglalahat na hango sa empirisista at makaisang panig na pananaw sa mga pangyayari sa pagtatapos ng siglo. Inilarawan niya ang Pilipinas bilang isang halimbawa ng isang bansang kinolonya sa maigsing panahon at hindi pinakinabangan, pagkatapos ay ginawang mala-kolonya sa loob ng walang takdang panahon upang mapagkitaan ng imperyalismong Amerikano.

Namamasdan g buhong na rebisyunista na mula’t sapul ay gumagamit ang imperyalismong Amerikano ng mga ’di-agresibo at mala-kolonyal na diskarte" na lumalabas na mas bentahe kaysa sa tuwirang kolonyal na dominasyon. Mahalay niyang nihambing ang terminong “mala-kolonyalismo” sa “supra-imperyalismo” ni Kautsky na “isang yugto na mapapalis na ng mga digmaan,” “isang yugto nang sama-samang pagpapaunlad sa daigdig ng nagsanib na pandaigdigang kapital.”

Pinagsikapan ng aklat na maipakita kung paano tumitindig ang neo-kolonyalismo sa pamamagitan ng pagbakas sa mga kontradiksyon sa hanay mismo ng imperyalismong Amerikano: sa pagitan ng mga “gustong mapalawak ang sakop na teritoryo sa pamamagitan ng dahas” at ng mga “nagdidili-diling magpalawak ng sakop na teritoryo” o sa pagitan ng “lideratong militar” at lideratong sibil." Ang layon ng buhong na rebisyunista ay hindi ang ilantad at tutulan ang kontra-rebolusyonaryong doble-karang taktika ng isang likas na mabangis at uhaw-sa-dugong imperyalistang kapangyarihan. Ang layon niya ay ilako ang lisyang kaisipan na ang mismong mga kontradiksyon sa hanay ng mga imperyalistang Amerikano ay nangingibabaw sa lahat ng iba pang kontradiksyon at ang lahat ng mga kaganapan sa daigdig ay bunga sa kalakhan ng mga kagustuhan mismo ng mga imperyalista, hindi ng tunggalian sa pagitan ng rebolusyon at kontra-rebolusyon ni sa pagitan ng pananalakay at pagtatanggol laban sa pananalakay. Ito ay upang ilako ang lisyang kaisipan na nagiging mapayapa ang imperyalismo sa dakong huli tulak ng “pagiging makatwiran” ng ilang imperyalista at ang pananalakay at kolonyal na paghahari ay “napipisil na patakaran” lamang ng ilang imperyalista na “nagdadalawang-isip” na gimagamit paminsan-minsan.

Ang totoong pinagtatakpan dito ay ang katotohanang likas na katangian ng monopolyo kapitalismong Amerikano ang mandambong ng mga kolonya, ng mga sakop ng impluwensiya, mga pinagkukunan ng hilaw na sangkap, mga pamilihan at paglalagakan ng puhunan hanggang sa kakayanin nito. Tulad ng ginawa ni Kautsky, ipinalit ni Pomeroy ang usapin ng porma sa usapin ng esensiya sa kanyang baluktot na tindig na alamin ang katotohanan mula sa mga impperyalista mismo, lalo na sa mga “nagdidili-dili” at mga “di-militarista” tulad ni Jacob Schurman o Andrew Carnegie. Batay sa mga mapanlinlang na pagsasapantahang ito, kanyang sinabi na:

May dahilang maniwala na kung sinunod lamang ang patakarang ipinanukala ni Jacob Schurman at iba pa noong maagang bahagi ng1899, maaaring naiwasan ang trahedya ng malupit na digmaan ng panunupil na tumagal nang higit sa kalahating dekada.

Itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao:

May ilang monopolyo kapitalistang pangkat sa ilang kapitalistang bansa ang uhaw sa digmaan at ayaw ng kapayapaan na umaasa sa pananalakay para magkamal ng tubo.

Ani naman ng dakilang si Lenin:

Pananakop at ang mga karahasang kasaliw nito, gayon ang mga relasyong karaniwan sa pinakahuling yugto ng kapitalistang pa-unlad"; ito ang hindi maiiwasang maging bunga, at naging bunga, ng pagtindig ng mga ganap na makapangyarihang monopolyo.

Ang hindi pagkakakita sa mabangis at uhaw-sa-dugong katangian ng imperyalismong Amerikano ay pagkahulog sa mga patibong nito. Ito ay di-pagkilala sa walang katapusang ambisyong manakop ng imperyalismong Amerikano sa loob ng nakalipas na pitong dekada at sa mga matinding imperyalistang digmaan ng pananalakay sa kasalukuyang panahon na hindi lamang nagbabakbakan para sa mga bentaeng pangkabuhayan ang mga imperyalista kundi nahaharap din sa mga higanteng daluyong ng mga sosyalista at bagong demokratikong rebolusyon na nagkakait sa kanila ng mga teritoryong mapagsasamantalahan.

Binigyang diin ni Tagapangulong Mao:

Manggulo, mabigo, muling manggulo, muling mabigo…hanggansa sakanilang katapusan; gayon ang lohika ng ma imperyalista sa pagtugon sa simulain ng mamamayan, at hindi sila kailanman tataliwas sa lohikang ito. Ito ay isang Marxistang batas. Kapag sinabi natin na “ang imperyalismo ay mabangis,” ang ibig nating sabihin ay hindi magbabago ang likas na katangian nito, na hindi kailanman bibitawan ang itak na pangkatay, na hindi sila kailanman magiging mga Buddha, hanggang sa kanilang kamatayan.

Lumaban, mabigo, muling lumaban, muling mabigo, lumabang muli…hanggang sa magtagumpay; gayon ang lohika ng mamamayan, at sila man ay hindi rin tataliwas sa lohikang ito. Ito ay isa pang Marxistang batas. Sinunod ng Rebolusyong Ruso ang batas na ito, gayundin ng Rebolusyong Tsino.

I. Hinggil sa pagsakop sa Pilipinas at pananatiling isang kolonya ng Estados Unidos

Sa pagbibigay ng posibleng pinakamaigsing pagpapakahulugan sa imperyalismo, tinawag ito ni Lenin na monopolyong yugto ng kapitalismo. Ang itinuring niyang pinakamahalaga sa gayong pagpapakahulugan ay ang pangyayaring sa isang banda, ang pananalaping kapital ay ang kapital ng bangko nang kakarampot na malalaking monopolistang bngko, na nakasanib sa kapital ng mga monopolistang pagsasanib ng malalaking industriyalista (combines); at sa kabilang banda, na ang pagkakahati ng daigdig ay ang transisyon mula sa isang kolonyal na patakaran na malayang lumawak hanggang sa mga teritoryong hindi nasakmal ng anumang kapitalistang kapangyarihan, tungo sa isang kolonyal na patakaran ng monopolistikong paghawak sa isang teritoryo ng mundong ganap na naparti-parte na.

Ang pag-unlad ng kapitalismo bago nagkaroon ng monopolyo, kung saan ang malayang kompetensiya ay tampok na larawan, ay nagwakas sa mga taon ng 1860 at 1870. Pagkatapos ng panahong ito, nagsimula ang matinding “paglakas” ng ma kolonyal na pananakop at hindi naiwasan ng mga imperyalistang kapangyarihan ang magtunggali para sa partihan ng teritoryo ng daigdig. Binigyang-diin ni Lenin:

Hindi maiiwasang sumulpot ang panahong ito ng monopolyong pag-aangkin sa mga kolonya at, resulta nito, ang isang naiibang tindi ng tunggalian para sa partihan at muling pagpaparti-parte ng daigdig.

Ang digmaang Kastila-Amerikano noon 1898 ay ang unang digmaang imperyalista na ang layunin ay ang muling pagpaparte ng daigdig. Ang pag-agaw sa Pilipinas bilang isang kolonya ay isang mahalagang bahagi ng kampanya ng isang impeyalistang kapangyarihang mabilis na umuunlad para mapalawak ang teritoryong pangkabuhayan nito. Inilalako ngayon ng mga rebisyunistang tulad ni Pomeroy ang baluktot na kaisipang sa kalakhan ay ayaw ng imperyalismong Amerikano ng mga kolonya. Ngunit matagal nang panahong binigyang-diin ni Lenin na hindi titigil ang mga imperyalista sa pananakop ng mga koloya. isang hindi maitatangging pangyayari sa kasaysayan na ang Pilipinas ay sinakop ng imperyalismong Amerikano kasama ng iba pang bansa. Ani Lenin:

Sa samutsaring “lumang” motibo ng kolonyal na patakaran, idinagdag ng pananalaping kapital ang tunggalian para sa pagkukunan ng mga hilaw na sangkap, sa pagluluwas ng puhunan, sa mga sakop ng impuluwensiya, ibig sabihin, mga teritoryong pangkabuhayan na may mga kasunduang pinagkikitaan, mga pampalubag-loob, monopolyong tubo, at iba pa.

Subalit ipinagkakaila ni Pomeroy, sa paraang binabaligtad niya, ang mga layunin ng imperyalismong Amerikano. Tuso niyang inilarawan ang “katwirang ang lokal na pamilihan at ang lokal na larangan ng paglalagakan ng puhunan sa lobb ng Estados Unidos ay nasasagad na at ang tanging mapagbabagsakan ng mga produktong Amerikano at ng mga nalikom na kapital ay ang mga teritoryo sa ibayong dagat” bilang “isa sa mga pangunahing argumento ng mga tagapagtaguyod ng imperyalistang pananakop.” dito itinuturing niya na walang pagkakaiba sa motibo ang argumento ng isang Marxista-Leninista at ang mismong sinasabi ng mga monopolyo kapitalista na kanilang interes. Gayunman, maaaring magkatulad ang dalawang ito sa punto ng pagsalamin sa tunay na kalakaran ng imperyalismo.

Sinikap niyang maibasura ang Marxista-Leninistang pangangatwiran na ang kapitalistang krisis ng sobrang produksyon ay humantong sa imperyalistang pagpapalawak ng mga monopolyo sa pamamagitan ng pagbansag dito bilang “isa sa mga pangunahing argumento ng mga tagapagtaguyod ng imperyalistang pananakop.” Ipinakipagbatbatan niya na pagpasok ng bagong siglo ay puwede nang binitawan sana ng imperyalismong Amerikano ang mga gawain na humablot dito sa sariling lupain, lalo na ang gayong mga gawain tulad ng pagsakop at pagpapanatili sa Pilipinas bilang isang kolonya. Iginigiit niya na kaya ng mga monopolyong amerikano na walang hanggang magpalawak sa sariling lupain yayamang, aniya, lumago at lumawak ang lokal na pamilihan at larangan ng negosyo sa Estados Unidos sa paglipas ng panahon, resulta ng pagsulong ng teknolohiya at pagbubukas ng mga bagong larangan ng produksyon at pati ang pagkakaroon ng mga “repormang pangkabuhayan” sa kapitalistang sistema, partikular ang mga “hakbang laban sa mon opolyo (anti-trusts measures)” at ang paggamit ng patakarang pasingil ng mataas na taripa. Daldal niya:

Ang pamilihang panloob at larangan ng negosyo nito (ng imperyalismong Amerik, na kayang palawakin nang husto, ay nagpahina sa sigla nitong pumasok sa mga dayuhang pamilihan; naging mas makulay ang papel ng mas mataas na taripa para protektahan ang sariling pamilihan kaysa sa pagsakop ng mga kolonya, ng mga kolonyang pamilihan at mga pagkukunan ng kayamanan.

Pagdidiin ni Lenin:

Kadalasan ipinagtatanggol ng mga burges na iskolar at mga publisista ang imperyalismo sa patagong paraan; pinagtatakpan nila ng ganap na dominasyon nito at ang malalim na pag-uugat nito, ang maliliit at hindi mga importanteng ditalye ang kanilang ipinakikita at ginagawa nila ang lahat ng puwede nilang magawa para mailayo ang atensiyon sa mga importanteng aspeto sa pamamagitan ng mga ganap na katawa-tawang mga “plano” ng reporma, gaya ng mahigpit na pangangasiwa sa mga trusts, bangko at iba pa.

Pinalitan ni Pomeroy si Kautsky sa pakikipagtalo na nagsagawa na ng ma “reporma” upang malabanan ang mga monopolyong kalakaran at upang “mapalaki ang kakayahang kumunsumo ng mamamayan.” Anong hibang na depensa sa imperyalismong Ameerikano!

Kapupulutan ng aral ang gunitain ang kabalyero ni Pomeroy na si Andrew Carnegie, na tumiwalag sa anti-imperyalistang liga dahil sa malaki niyang interes sa US Steel Corporation, isang higanteng trust. Ginagamit ng trust na ito ang malaking naipong kapital para magkamal ng malaking tantos ng tubo sa ibang bansa, lalo na sa mga kolonya at malakolonya. Ang tubo ang kalakaran at ang lohika ng mga trusts at mga imperyalistang estado.At sisikapin ng mga imperyalistang Amerikano na parating naroon kung saan magkakamal sila ng mas malaking tubo. Para sa mga imperyalista, ang mga kaunlaran sa teknolohiya, ang pagkakabukas ng mga bagong larangan ng produksyon at “mga reporma sa balangkas” [ng kapitalismo] ay mga dagdag na kondisyon para lalo pang pagsamantalahan at higit na busabusin ang mamamayan ng kanilang bansa at ibang bansa, kaysa magpatighaw sa kanilang kasakiman at umawat sa kanilang pananalakay. Katunggakan na lamang ni Pomeroy ang mag-isip ng baligtad nang ganito.

Binigyang-diin ni Lenin:

Natural, sisikapin ng mga burges na repormista, lalo na ng mga katoto nilang disipulo ni Kautsky sa kasalukuyan, na maliitin ang kahalagahan ng mga pangyayari… sa pamamagitan ng pakikipagtalo na ang mga hilaw na sangkap “ay puwedeng” makuha sa bukas na pamilihan nang walang “magastos at mapanganib” na kolonyal na patakaran; at “puwedeng” mapalaki nang husto ang tustos ng mga hilaw na sangkap sa pamamagitan lamang ng pangkalahatang pagpapahusay ng mga kalagayan sa agrikultura. Subalit ang gayong mga argumento ay nagiging depensa para sa imperyalismo, isang pagtatangkang bigyan ito ng magandang kulay, sapagkat pinagtatakpan ng mga ito ang pangunahing katangian ng pinakahuling yugto ng kapitalismo: ang mga monopolyo.

Pinaliit ni Pomeroy ang aktuwal na papel ng mga dominanteng monopolyong Amerikano sa pagsakop sa Pilipinas at pagpapanatili nito bilang isang kolonya at walang lubay na pinalaki ang papel ng mga kompanyang agrikultural na Amerikano sa bansa (lalo na sa asukal na remolatsa, tabako at produksyon ng gatas) sa pagtutol niya sa pagkuha o pagpapanatili ng mga kolonya. Minaliit niya ang mga monopolyong Amerikano at minalaki ang mga kompanyang agrikultural na nasa bansa. Halimbawa, ang dali niyang narating mang malabong punto na ang kompanyang Amerikano na gumagawa ng asukal na remolatsa ay lumalabas na mas makapangyarihan kaysa sa monopolyong kompanyang Amerikano sa asukal na ang lawak ng interes sa asukal ng Pilipinas. Sa ugnayan ng mga industriyal na monopolyo at ng mga kompanyang agrikultural sa pangkalahatan, ang huli ay ipinailalim sa una.

Sa buong aklat, naging abala si Pomeroy sa paglikha ng ilusyon na ang mga imperyalistang Amerikano ay hindi kailanman ganap at sarado ang intres sa pagsakop sa Pilipinas at pagpapanatili nito bilang isang kolonya. Naniniwala siya na ang “naiibang larawan” ng imperyalismong Amerikano ay ang pagiging mas gusto nito na walang kolonya. At sa puntong ito nahulog siya sa isang pasalansang na pahayag:

Ang dahilan kung bakit pinanatiling kolonya ang Pilipinas sa loob ng limampung taon sa kabila nang medyo mas maaga ritong pagkakabasura ng tradisyunal na kolonyalismo sa teorya ay ang pangyayaring patuloy na lumalakas ang puwersa at ang pagkakasakal sa bansa ng mga mananalakay na hukbo.

Ang ugat ng kalituhan ni Pomeroy ay ang hindi niya pagkakawing sa ekonomya at pulitika ng imperyalismong Amerikano. Hindi niya kinikilala na ang mga kolonya ng imperyalismong Amerikano ay pinagtutubuan nito kaya hindi niya maipaliwanag kung bakit nito pinananatili ang kolonyal na paghahari. Resulta nito, sinasabi niyang hindi gayon ang katangian ng imperyalismong Amerikano. Ani Lenin tungkol kay Kautsky:

Ang diwa ng usapin ay ang paghihiwallay ni Kautsky ng pulitika ng imperyalismo sa ekonomya nito, ang pagsasalita niya ng pagkakawing ng mga teritoryo (annexations) bilang isang paakarang “ang gusto” ng pananalaping kapital, at ibinabatbat ito laban sa isa pang burges na patakaran na, aniya, ay posible ayon sa mismong batayang ito ng pananalaping kapital. sabihin pa, lumalabas na ang mga monopolyo sa ekonomya ay katugma ng mga hindi-monopolistiko, mga hindi marahas at hindi mapanakop na mg patakaran sa pulitika. Lumalabas, kung gayon, na ang pagpaparte-parte sa mga lupalop ng mundo, na talagang buung-buong nangyari sa panahon ng pananalaping kapital, at ang bumubuo ng batayan ng kasalukuyang naiibang anyo ng kompetensiya sa pagitan ng pinaka- malalaking kapitalistang estado, ay katugma ng patakarang hindi imperyalista. Ang resulta nito ay ang hindi pagbibigay-pansin at ang pagpapalabnaw sa pinakamatingkad na mga kontradiksyon sa pinakahuling yugto ng kapitalismo, sa halip na maging paglalantad ng lalim ng mga iyon; ang naging resulta ya repormismo sa halip na Marxismo.

Sa pamamagitan ng lantay na kasinungalingan, pinuri ni Pomeroy ang imperyalismong Amerikano sa pag-angat nito bilang Numero Unong imperyalistang kapangyarihan sa pamamagitan ng dalawang digmaang imperyalista “na napakaliit lamang ng partisipasyon sa kagyat na pag-agaw ng mga kolonya” at “pag-iwas sa magulong mga alyansa sa Europa at Asya.” May pagdidiin pa niyang sinabi:

Tapos na ang usapin ng kolonyal na sistema ng Amerikano, at ang patuloy na pagiging isang kolonya ng Pilipinas noong panahong iyon (1916) ay isang maling bansag sa patakaran ng imperyalismong Amerikano. Sa palagay ng marami, ang tatlumpung taon sa pagitan ng pagpapatibay ng Jones Act at ng ganap na pagkakaloob ng kalayaan ay isang hindi kailangang panahon ng pagkabalam.

Sinadyang pagtakpan ni Pomeroy ang katotohanang nilutas ng kapitalismong Amerikano ang suliranin nito ng sobrang produksyon noong mga unang dekada ng ikadalawampung siglo sa pamamagitan ng pagsakop ng mga kolonya. Tulad ng karnaiwang diskarte ng mga tagapagtanggol ng imperyalista, pinaliit niya ang kabuuang lagak na puhunan ng imperyalismong Amerikano sa ibang bansa noong panahong iyon na pinalabas na wala pang diyes porsyento ng suma totaol ng pambansang produkto ng Estados Unidos. Upang maigiit angkasinungalingan na ang imperyalismong Amerikano ay hindi kailanman masyadong sumandig sa mga lagak na puhunan at kalakalan sa ibang bansa, ikinumpara niya ang mga iyon sa imperyalismong Ingles sa panahon ng kalakasan niyon noong 1914, noong mahigit sangkapt ng kayamanan niyon ay nasa lagak na puhunan sa ibayong-dagat at ang kalakalang panlabas ay halos sangkapat ng kabuuang pambansang produkto.

Upang paliitin ang imperyalistang papel ng Estados Unidos sa Asya, sinabi niya na higit na mas malaki ang pakikipagkalakal at mg lagak na puhunan ng ma monopolyong kompanyang Amerikano sa Europa, Canada at Latin Amerika. Nang sa wakas ay paksain niya ng Pilipinas, pinalabas niyang napakaliit ng pakikipagkalakal at lagak na puhunan ng Estados Unidos sa bansang ito na halos trenta porsiyento lamang ng suma total nang sa buong Asya, na sa bansang Hapon pa lamang ay kalahati na ang napupunta.

Ang baluktot na lohika sa likod ng mga kuwentada ni Pomeroy ay, kung maliit at “walang bale” sa pandaigdigang suma total ang kalakalan at lagak na puhunan ng Estados Unidos sa Pilipinas, samakatuwid ay hindi gaanong imperyalista ang mga monopolyong kompanyang Amerikano sa bansa. Si Pomeroy ay walang iniwan sa panginoong maylupa na naniniwalang habang lalolng maraming kasam ang kanyang pinagsasamantalahan, lalo namang nagiging maliit ang pagsasamantala niya sa bawat kasama, at habang lalong dumarami ang ginagmait niyang mga paraan ng pagsasamantala lalo namang nagiging hindi na mapagsamantala ang bawat paraan.

Isang katunggakan ang maliitin ang kalakalan at mga lagak na puhunan ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasabing mas matindi ang “pangongolonya” ng imperyalismong amerikano sa Europa. Tanga lamang ang maniniwala sa gayong mabulaklak na kasinungalingan. Sa loob ng Pilipinas, humahamig ng supertubo sa kalakalan at sa lagak na puhunan ang imperyalismong Amerikano at ganap na ipinailalim ang sambayanang Pilipino sa kolonyal na dominasyon. Tungkol sa lagak na puhunan ng Estados Unidos sa Europa, angkop na gunitain ang sinabi ni Lenin:

nag-iisip na muli itong partihin na makakuha ng anumang teritor- yo, at 2) ang mahalagang larawan ng imperyalismo ay ang tunggalian ng ialng malalakas na kapangyarihan sa pagpupursiging makapangibabaw, hindi tuwirang sa kanilang hanay mismo na magpapahina sa mga karibal at makapipinsala sa kanyang dominasyon, kundi sa pagsakop ng teritoryo.

Nagbabala si Lenin laban sa empirisistang paraan ng pag-aaral sa imperyalismo: Ang simpleng paghahambing ng mga kolonya sa mga hindi kolonya, ng isang imperyalismo sa ibang imperyalismo, ng isang malakolonya o kolonya sa lahat ng iba pang bansa, ay isang pag-iwas at pagtatakip sa tunay na esensiya ng usapin.

Bago sumilab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig nagmaniobrahan muna ang mga imperyalistang kapangyarihan na makakamkam sa mismong bansa ng bawat isa, bukod pa sa pagbabangayan nila tungkol sa kanikanilang kolonya at malakolonyang teritoryo na pinagsasamantalahan at binubusabos. Naganap ang dalawang digmaang pandaigdig upang muling partihin ang mundo sa pamamagitan ng armas sapagkat hindi na kayang lutasin ng mga imperyalistang kapangyarihan ang kanilang mga sigalutan sa mapayapang paraan. Bilang mahalagang bahagi ng pandaigdigang kapitalismo, laging sumasangkot ang imperyalismong Amerikano sa mga digmaang ito. Pagkatapos ng bawat digmaan, nababago ang pagkakahati ng pangkabuhayang teritoryo na palaging napalalaki ng imperyalismong Amerikano ang sarili nitong pangkabuhayang teritoryo. Ani Lenin:

Ipinakikita sa atin ng kabanata ng pinakahuling yugto ng kapitalismo na umuunlad ang ilang ugnayan sa pagitan ng mga kapitalistang pagsasanib (combines), batay sa pangkabuhayang pagkakatilad ng mundo; samantalang kaagapay at kakawing nito, umuunlad ang mga ugnayan sa pagitan ng mga pampulitikang pagsasanib, sa pagitan ng mga estado, batay sa pagkakatilad ng mundo segun sa teritoryo, sa tunggalian para sa mga kolonya, sa “tunggalian para sa pangkabuhayang teritoryo.”

Ang Pilipinas ay sinakop ng Estados Unidos upang ang Dagat Pasipiko ay magawa nitong “Lawa ng Amerika” at upang magkaroon ng base sa bago nitong patakarang “open door” hinggil sa Tsina, isang patakarang nagpupursiging magkaroon ng parte sa isang malaking pangkabuhayang teritoryo na noon pa man ay inaangkin na ng iba pang imperyalistang kapangyarihan.22 Subalit pinagkakaila ni Pomeroy ang istratehikong importansiya ng Pilipinas sa plano ng imperyalismong Amerikano; sukdulan pa niyang sinabi na ang kolonyal na pagsakop sa Pilipinas ay pabigat pa sa imperyalismong Amerikano sa Asya kaysa pakinabangan. tinatawag niya ito na isang “pagsahol” ng patakaran ng “kahinaan.” Itinuturing niya ang “open-door” policy na isang patakaran ng kahinaan sa halip na isang madaling lihim na landas para sa isang umaangat na imperyalistang kapangyarihan sa masigasig na pagpupursige nitong makapasok sa Tsina at sa buong Asya.

Inilarawan ni Pomeroy ang imperyalismong Amerikano bilang isang kapus-palad na pipitsuging puwersa na kayan-kayanang benggahin ng bansang Hapon noong unang dalawang dekada ng ika-20 siglo. Buung-buo niyang pinagtakpan ang mahigpit na alyansa ng imperyalismong Ingles at Amerikano sa Asya at ang katunayan na ang bansang Hapon ay nangungutang sa Estados Unidos. Dahil na rin sa kapahintulutan ng imperyalismong Amerikano at Ingles kaya sinakop ng bansang Hapon ang Korea at nagkaroon ito ng sakop na teritoryo sa Tsina. Ngunit iginigiit ni Pomeroy na noon pa mang 1916 takot na takot na ang imperyalismong Amerikano sa pagkapanalo ng mga Hapones sa mga Ruso noong 1905 at pati sa pagkamkam ng mga hapones sa lahat ng espesyal na pribilehiyo ng Alemanya sa Tsina noong Unang Digmaang Pandaigdig na gusto na nitong bitawan ang Pilipinas bilang kolonya o kaya’y magmantini na lamang sa bansa ng pananatiling walang magdidiskitang kahit sino. Sa buong libro, mas binigyan pa ni Pomeroy ng timbang ang pang-iipit ng bansang Hapon sa Estados Unidos kaysa sa walang lubay na paggigiit ng sambayanang Pilipino ng kalayaan bilang isa sa dahilan na nagobliga sa Estados Unidos na mangako ng huwd na kalayaan para sa Pilipinas. Aniya:

Tulad ng dati, ang pagpapakita ng bansang Hapon ng lakas ay may epekto sa mga gawain ng estados Unidos sa Pilipinas. Walang dudang pinabilis nito ang mga hakbang para magbigay ng pangako ng kalayaan para sa Pilipinas, sa mga kadahilanang ang gayon ay nagpapakita na hindi agresibo ang layunin ng Estados Unidos sa Asya, kaya nawawalan ng dahilan ang bansang Hapon na magtaguyod ng isang mapandigmang postura tungkol sa pananatili ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Pomeroy:

Ang mga dahilan ng kabiguan ng mga puwersa ng imperyalistang Amerikano na masustini ang panimulang pagpasok nila sa Asya ay nasa dalawang aspeto ng kanilang kalagayan. Ang una ay dahil ayaw nilang mangalap ng sapat na puhunan na nailalagak sa Tsina para makipagkompetensiya at makaagaw ng mga lugar na magsisilbing pamilihan at lagakan ng puhunan mula sa ibang imperyalistang naroon sa bansang iyon; maraming matatagpuang iba pang lugar na madaling mapapasok sa pamamagitan nang hindi gaanong lantarang pangongolonya. Ang pangalawa ay ang katunayang hindi pa handa ang gobyerno at makinarya ng Estados Unidos para sa mga imperyalistang ambisyon sa pamamagitan ng pagbangga sa malalakas na karibal sa Asya sa pamamagitan ng dahas.

Isang kahibangan kahit para kanino na asahang pantay-pantay ang kantidad ng iniluluwas na labis na puhunan ng Estados Unidos sa iba’t ibang panig ng daigdig at pagkatapos ay palabasin kapag hindi ganito na hindi pa ito handa para itaguryo ang mga imperyalistang ambisyon. Nasa likas na katangian ng bagong imperyalismo ang magsagawa ng pinakamatingkad na hindi pantay-pantay at mga panandaliang uri ng kaunlaran sa loob at labas ng bansa nito. Ani Lenin:

Ang daigdig ay pinaparte-parte ng mga kapitalista, hindi dahil sa kung anupamang malisya, kundi dahil sa ang inabot ng tingi ng pagkakatipon ng puhunan ay nagtutulak sa kanilang gawin ang ganitong diskarte upang makapagkamal ng tubo. At pinaparti-parte nila ang mundo “segun sa laki ng puhunan,” segun sa angking lakas," sapagkat walang ibang paraan ng partihan sa ilalim ng produksyong pangkalakal at kapitalismo. Subalit nagiiba-iba ang lakas kaakibat ng tindi ng kaunlarang pangkabuhayan at pampulitika. Upang maunawaan kung ano ang mga nangyayari, kailangang malaman kung ano ang mga nalutas na usapin ng pagbabago ng lakas.

Kahit ano ay sasabihin ng buhong na rebisyunistang si Pomeroy mapagtakpan lamang ang kolonyal na rekord ng imperyalismong Amerikano sa Asya. Pinipilit niyang palabuin ang mga malinaw na nangyari sa kasaysayan. Gunggong at traydor lamang ang susulat ng isang buong aklat upang ibatbat ang isang hibang na paninindigan na ayaw ng imperyalismong Amerikano na dumambong ng pamilihan at paglalagakan ng puhunan sa Pilipinas at sa Tsina at ang gobyerno nito ay hindi pa handang magtaguyod ng mga imperyalistang ambisyon nitong papasok ng bagong daantaon.

2.Isang maling kuwentada ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas

Read in English

Amado Guerrero
l , 19Ap

Revolutionary School of Mao Tse Tung Thought, Communist Party of the Philippines
Maliwanag ang sinabi ng dakilang si Lenin tungkol sa mga kolonya:

Kalimitang malaki ang nakakamal na tubo sa mga gilid-gilid nabansang ito, sapagkat kapos ang kapital ssa mga lugar na iyon, masmura ang halaga ng lupa, mababa ang pasahod, mura ang mga hilaw nasangkap.

Sinabi rin niya:

Siyempre, “pinakamainam” para sa pananalaping kapital, atpinakamalaki ang tubong mahahamig nito mula sa gayong panlulupig namaglalaho pati ang kalayaang pampulitika ng nalupig na bansa atmamamayan.

Tanging ang kolonyal na pananakop ang nagbibigay sa mgamonopolyo nang lubus-lubusang garantiya laban sa lahat ng panganibng pakikipagtunggali sa mga kakompetensiya, pati na sa panganib naidipensa ng mga kakompatensiya ang mga sarili sa pamamagitan ngisang batas na nagtatayo ng isang monopolyong estado.Habanglalong umuunlad ang kapitalismo, lalong nadarama ang kakulangan samga hilaw na sangkap, lalong nagiging matindi ang kompetensiya atang paghahanap ng mga mapagkukunan ng mga hilaw na sangkap sa buongdaigdig, lalong nagiging desperado ang tunggalian para sa pagsakopng mga kolonya.

Binigyang-diin din niya na ang pananalaping kapital ay interesado hindi lamang sa mga alam nang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap kundi pati sa mga puwedeng mapagkunan, dahil napakabilis ng kasalukuyang pag-unlad ng teknolohiya, at ang lupang walang pakinabang ngayon ay maaaring maging makabuluhan sa hinaharap.Totoo rin ang ganito sa paghahanap ng ma mineral, sa mga bagong paraan ng pagmamanupaktura at paggamit ng mga hilaw na sangkap, at iba pa.Kaya, hindi maiiwasan ang pagpupursige ng pananalaping kapital na palawakin ang mga sakop ng impluwensiya nito at maging aktuwal na kanyang teritoryo.

Ani Lenin:

Ipinapakita sa ain ng kabanata ng pinakahulng yugto ngkapitalismo na umuunlad ang ilang ugnayan sa pagitan ng mgakapitalistang pagsasanib (combines) batay sa pangkabuhayangpagkakatulad ng mundo; samanta;a, kaagapay at kakawing nito,umuunlad ang mga ugnayan sa pagitan ng mga estado batay sapagkakatilad ng mundo segun sa teritoryo, sa tunggalian para sa mgakolonya, sa “tunggalian para sa pangkabuhayang teritoryo.”

Ang Pilipinas ay sinakop ng Estados Unidos upang ang Dagat Pasipiko ay magawa nitong “Lawa ng Amerika” at upang magkaroon ng base sa kamakailan lamang nitong “open door policy” hinggil sa Tsina, isang patakaran ng pagpupursiging magkaroon ng parte sa isang malaking pangkabuhayang teritoryo na noon pa man ay inangkin na ng iba pang imperyalistang kapangyarihan. (22)Subalit tinatanggihan ni Pomeroy ang istratehikong importansiya ng Pilipinas sa plano ng imperyalismong Amerikano; sukdulan pa niyang sinabi na ang kolonyal na pagsakop sa Pilipinas ay pabigat pa sa imperyalismong Amerikano sa Asya kaysa pakinabangan.Tinatawag niya ang “open door policy” na isang patakaran ng kahinaan sa halip na isang madaling lihim na landas para sa isang umaangat na im[eryalistang kapangyarihan sa masigasig na pagpupursigi nitong makapasok sa Tsina at sa buong Asya.

Inilalarawan ni Pomeroy ang imperyalismong Amerikano bilang isang kapus-palad na pipitsyging puwersa na kayang-kayang banggahin ng bansang Hapon noong unang dalawang dekada ng ikadalawampung siglo. Buung-buo niyang pinagtakpan ang mahigpit na alyansa ng imperyalismong Ingles at Amerikano sa Asya at ang katunayan na ang bansang Hapon ay nangungutang sa Estados Unidos.Dahil na rin sa kapahintulutan ng imperyalismong Amerikano at Ingles kaya sinakop ng bansang Hapon ang Korea at nagkaroon ito ng sakop na teritoryo sa Tsina.Ngunit iginigiit ni Pomeroy na noon pa mang 1916 takot na takot na ang imperyalismong Amerikano sa pagkapanlo ng mga Hapones sa mga Ruso noong 1905 at pati sa pagkamkam ng mga Hapones sa lahat ng espesyal na pribeliheyo ng Alemanya sa Tsina sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig na gusto na nitong bitawan ang Pilipinas bilang kolonya o kaya’y magmantini na lamang sa bansa ng pananatilin walang magdidiskitang kahit sino.Sa buong libro mas binigyan pa ni Pomeroy ng timbang ang pang-iipit ng bansang Hapon sa Estados Unidos kaysa sa walang lubay na paggigiit ng sambayanag Pilipino ng kalayaan bilang isa sa mga dahilan na nagobliga sa Estados Unidos na mangako ng huwad na kalayaan para sa Pilipinas.Aniya:

Tulad ng dati, ang pagpapakita ng bansang Hapon ng lakas ay mayepekto sa mga gawain ng Estados Unidos sa Pilipinas.Walang dudangpinabilis nito ang mga hakbang para magbigay ng pangako ng kalayaanpara sa Pilipinas, sa mga kadahilanang ang gayon ay nagpapaakita nahindi agresibo ang layunin ng Estados Unidos sa Asya kaya nawawalanng dahilan ang bansang Hapon na magtaguyod ng isang mapandigmangpostura tungkol sa pananatili ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Pomeroy:

Ang mga dahilan ng kabiguan ng mga puwersa ng imperyalistangAmerikano na masustini ang panimulang pagpasok nila sa Asya ay nasadalawang aspeto ng kanilang kalagayan,Ang una ay dahil ayawnilang mangalap ng sapat na puhunan na mailalagak sa Tsina partamakipagkompetensiya at makaagaw ng mga lugar na magsisislbingpamilihan at lagakan ng puhunan mula sa ibang imperyalistang naroonsa bansang iyon; maraming matatagpuang iba pang lugar na madalingmapapasok sa pamamagitan ng hindi ganong kalantarang pangongolonya.Ang pangalawa ay ang katunayang hidi pa anda ang gobyerno atmakinarya ng Estados Unidos para sa mga imperyalistang ambisyon sapamamagitan ng pagbangga sa malalakas na karibal sa Asya sapamamagitan ng dahas.

Isang kahalangalan para kahit kanino na asahang pantay-pantay ang katidad ng iniluluwas na labis na kapital ng Estados Unidos sa iba’t ibang panig ng daigdig at pagkatapos ay palabasin kapag hindi ganito na hindi pa ito handa p[ara itaguyod ang mga imperyalistang mabisyon.Nasa likas na katagian ng bagong imperyalismo ang magsagawa ng pinakatingkad na hindi pantay-pantay at mga ningas-kugon na klase ng kaunlaran sa loob at labas ng bansa nito.Ani Lenin:

Ang daigdig ay pinaparte-parte ng mga kapitalista hindi dahil sa kung anupamang malisya, kundi dahil sa inabot nang tindi ng pagkakatipon ng kapital ay nagtutulak sa kanilang gawin ang ganitong diskarte upang makapagkamal ng tubo.At pinaparti-parte nila ang mundo ’segun sa laki ng kapital,""segun sa angking lakas," sasapgkat walang ibang paraan ang partihan sa ilalim ng produksyong pangkalakal at kapitalismo. Subalit mag-iiba-iba ang lakas kaakibat ng tindi ng kaunlarang pangkabuhayan at pampulitika.Upang maunawaan kung ano ang mga nangyayari, kailangang malaman kung ano ang mga nalutas na usapin ng pagbabago ng lakas.

Kahit ano ay sasabihi ng buhong na rebisyunistang si Pomeroy mapagtakpan lamang ang kolonyal na rekotd ng imperyalismong Amerikano sa Asya. Pinipilit niyang palabuin ang mga nalinaw na nangyari sa kasaysayan. Gunggong at traydor lamang ang susulat ng isang buong aklat upang ibatbat ang isang hibang na paninindigan na ayawng imperyalismong Amerikano na dumambong sa pamilihan at paglalagakan ng puhunan sa Pilipinas at sa Tsina at ang gobyerno nito ay hindi pa handang magtaguyod ng mga imperyalistang ambisyon nitong pagpasok ng bagong daantaon.

Isang maling kuwentada ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas

Maliwanag ang sinabi ng dakilang Lenin tungkol sa mga kolonya:

Kalimitang malaki ang nakakamal na tubo sa mga gilid-gilid nabansang ito, sapagkat kapos ang kapital sa gayong mga lugar, masmura ang halaga ng lupa, mababa ang pasahod, mura ang mga hilaw nasangkap.

Sinabi rin niya:

Siyempre, “pinakamainam” para sa pananalaping kapital, atpinakamalaki ang tubong mahahamig nito mula sa gaong panlulupig namaglalaho pati ang kalayaang pampulitika ng nalupig na bansa atmamamayan.

Tanging ang kolonyal na pananakop ang nagbibigay sa mga monopolyo nang lubus-lubusang garantiya sa mga monopolyo ng panganib ng pakikipagtunggali sa mga kakompetensiya, pati na sa panganib na ididipensa ng mga kakompetensiya ang mga sarili sa pamamagitan ng isang batas na nagtatayo ng isang monopolyong estado.Habang lalong umuunlad ang kapitalismo, lalong nadarama ang kakulangan sa mga hilaw na sangkap, lalong nagiging matindi ang kompetensiya at ang paghahanap ng mga mapagkukunan ng mga hilaw na sangkap sa buong daigdig, lalong nagiging desperado ang tunggalian para sa pagsakop ng mga kolonya.

Binigyang diin niya na ang pananalaping kapital ay interesado hindi lamang sa mga alam nang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap kundi pati sa mga puwedeng mapagkunan, dahil napakabilis ng kasalukuyang pag-unlad ng teknolohiya, at ang lupang walang pakinabang sa ngayon ay maaaring maging makabuluhan sa hinaharap.Totoo rin ang ganito sa paghahanap ng mga mineral, sa mga bagong paraan ng pagmamanupaktura at paggamit ng mga hilaw na sangkap, at iba pa.Kaya, hindi maiiwasan ang pagpupursige ng pananalaping kapital na palawakin ang mga sakop ng impluwensiya nito at amaging ang kanyang aktuwal na teritoryo.

Talagang katawa-tawa ang umasang tulad ni Kautsky na ang imperyalismo ay sasandig sa “bukas na pamilihan” para sa mga hilaw na sangkap nito. Talagang naging mas bentahe para sa imperyalismong Amerikano kaysa noong panahon ng kolonyalismong kastila na hawakan ang Pilipinas bilang isang kolonya nito at kunin ang mga hilaw na sangkap ng bansa na walang sinusunod na batas Espanyol.Maaaring natawa ang mga imperyalistang Amerikano sa sermon ni Kautsky na ang “mapayapang demokrasya” imbes na ang “pananakop militar” ay maaaring mas mabilis na nagbukas sa Ehipto para sa kalakalang Ingles kung gayon ang sinabi niya nang si Dewey ay maglayag tungong Manila Bay.

Upang makaguhit ng isang larawan ng mga mangangalakal na Amerikano na walang mapala sa kolonya nilang Pilipinas, mabusising tinalakay ni Pomeroy ang mga kalamangan ng mga Ingles sa umpisasa pag-aangkat ng mga kalakal na bulak, pagluluwas ng abaka at sa pagbabarko sa panahon ng sampung taong transisyon (1899-1909) sa ilalim ng kasunduan sa Paris. Sinadya niyang palabuin ang maliwanag na pangingibabaw ng mga kompanyang Amerikano sa komersiyo at sa paglalagak ng puhunan pagkatapos mapagtibay ang Payne-Aldrich Act noong 1909 na nagtakda ng “malayang kalakalan” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at nagpahintulot sa Estados Unidos na manipulahin ang taripa laban sa mga dayuhang kakom- petensiya. Magandang gunitain na bago pa man sumilab ang Digmaang Kastila-Amerikano, mas malaki nang parte sa kalakalan ng Pilipinas ang mga komersiyal na kompanyang Amerikano, lalo na sa asukal.Iyon nga lamang at pinalalabas ni Pomeroy na pagkatapos lamang masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas saka kumita ang mga mag-aalak na Amerikano, na hindi pa sa kolonyang mamamayan kundi sa mga sundalong Amerikano mismo.

Baligtad sa ipinakita ni Lenin na sariling interes ng imperyalismo ang mangolonya, inilalarawan ni Pomeroy ang pagiging kolonya ng Pilipinas na mas naging “malaking sakit ng ulo” pa ng imperyalismong Amerikano kaysa kanilang nakulimbatan.Madiing-madiin niyang sinabi na ang mga imperyalistang Amerikano ay mga “urong-sulong na kliyente,” na bantulot maglagak ng puhunan sa Pilipinas at hindi naglagak nang ayon sa inaasahan sa kanila, dahil sa ipinalalagay na mga kahirapan. Itinuturing niya na ang Organic Act of 1902 ay nagsasaad ng mga “anti-monopolyong pagtatakda” imbes na bilang isang legal na instrumento na magagamit ng kolonyal na gobyerno ng Estados Unidos sa pagkakaloob ng prankisa, pagkilala sa mga karapatan sa pagmimina at pagbibenta o pagpapaupa ng lupa sa mga mangungulimbat na Amerikano.

Pinagkakamalan ni Pomeroy ang maigsing panahon ng pag-uumpisa ng paglalagak ng puhunan ng Estados Unidos (noong 1902 at mga sumunod na taon) na kumakatawan sa buong panahon ng tuwirang pananakop ng Estados Unidos.Itinuturing niya iyon na masyadong nakapanghihina ng loob dahil masyadong “magastos” para sa mga imperyalistang Amerikano ang sumabak sa pagpapahusay ng mga kalsada at komunikasyon.Hindi niya tinitingnan na hindi lamang paborable ang mga iyon para sa mga negosyong Amerikano at sa mga operasyong militar sa Pilipinas kundi binabayaran din ng buwis na ipinapataw sa mga kolonyang mamamayan. 23Ang pangungutang ng gobyerno para sa pagpapaige ng mga lalawigan at munisipyo ay pinagtabuan ng malalaking tubo ng mga nagpapautan na Amerikano.nagkamal naman ng malaking tubo ang mga kompanyang Amerikano mula sa pagsusplay ng mga materyales at pagkuha ng kontrata sa paggawa ng mga tulay at kalsada at pagtatayo ng komunikasyon.Sa kabila nito, basta na lamang binanggit ni Pomeroy ang mga “pagkalugi” na dinanas sa pagpapatakbo ng mga perokaril sa Cebu at Panay bilang isang malaking dahilan ng “pagkadismaya” sa Pilipinas bilang kolonya.Hindi niya isinaalang-alang na nagkamal ng tubo ang mga monopolyong Amerikano sa pagtatayo ng mga perokaril na ito at pinagtakpan niya ang sandamukal na tinubo ng Amerikano sa pagkuha nito sa pagpapalawak at sa operasyon ng Manila Railroad Company.

naghatid lamang ng mga “kahirapang” pangkabuhayan sa imperyalismong Amerikano sa halip na magdulot ng pakinabang at ang gayong “mga kahirapan” ang palaging humihikayat sa imperyalismong Amerikano na hayaan na ang Pilipinas sa isang “matatag na gobyerno” ng mga papet na Pilipino.Sa sarili niyang paraan, ipinangaral niya ang ideya ni Kautsky na “mapayapang demokrsya” bilang isang mas mabisang paraan para sa mga kapitalistang bansa upang makakuha ng mga bentaheng pangkabuhayan.Dahil sa masamang hangarin ay initsa-puwera niya ang hindi mapigilang paggigiit ng sambayanang Pilipino para sa pambansang kalayaan at demokrasya na palaging sinisikap mapigilan ng imperyalistang Amerikano at ng mga papel na lokal na lider sa pamamagitan ng kanilang kahinahinalang mga kasunduan hinggil sa “kalayaan ng Pilipinas.”

Upang mapagtakpan ang lawak ng pagsasamantala ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas, gumawa si Pomeroy ng isang madayang pagtutuos at ipinagwagaywayan ang isang palsipikadong kuwentada.Tinataya niya an ang mga gastos sa militar na pananakop, pagsupil sa mga rebelde, pagmamantini ng mga kampo at garison ay umaabot nang hindi kukulangin sa limandaang milyong dolyar noong panahong mapagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos ang Tydings-McDuffie Act noong 1934.Nagkakatsang siya na hindi pa kasali sa halagang ito ang tinatawag niyang “hindi matutuos” na gastos sa muling pagskop sa kapuluan at sa “rehabilitasyon” nito resulta ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Ibinatbat niya na ang gayong mga gastusing militar ay hindi napunuan ng mga tinubo ng Estados Unidos sa kalakalan at mga lagak na puhunan sa Pilipinas.

Sinabi niya na kung pinapatungan ng bente porsiyento ang mga kalakal ng Estados unidos, ayon sa pagtataya ng mga komersiyante bago napagtibay ang Payne-Aldrich Act, ang mga pabrikante at komersiyanteng Amerikano ay kumita ng $160 milyon dolyar* mula sa kalakalan ng Estados Unidos at ng Pilipinas sa unang tatlong dekda ng pananakop ng Estados Unidos. Tinatawag niya itong isang “mabait na pagtataya” para sa kanila ang kumita ng 200 milyong dolyar sa loob ng naturang panahon, samantalang kasali pa ang mga di-nakikitang gastos sa seguro at sa transportasyon. Idinain niya na ang mga kalakal na iniluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos ay mas malaki pa ng 400 milyong dolyar kaysa inaangkat.** (Hanggang noong 1927, 1.2 bilyong dolyar ang iniluluwas laban sa 900.1 milyong dolyar na inaangkat.)Ikinalulungkot niya na ang kabuung tubo ng Estados Unidos “ay di-hamak na mas maliit” kaysahalaga ng nalilibre sa mga buwis ng mga kalakal ng Pilipinas na pumapasok sa Estados Unidos sa ilalim ng patakarang “malayang kalakalan” na itinatadhana ng Payne-Aldrich Act.Batay sa kanyang gunggong at mali-maling kuwentada, nagkungklusyon si Pomeroy na ang mga imperyalistang Amerikano ay nalugi kaysa kumita sa kalakalang Estados Unidos-Pilipinas.Subalit sinasabi niya na “sa ilang banda,” na hindi naman niya ipinakita sa kuwentada, ang kita sa pagluluwas ay napunta sa mga kompanyang Amerikano sa bansa, sa pagrirepina ng asukal, sa pagmamanupaktura ng mga produktong galing sa niyog at sa paghawak ng komersiyo.Gayunman, sinasabi niya na mas malaking halaga ang kumakatawan ng kabayaran ng mga nagbubuwis na mamamayang Amerikano sa mga “Pilipinong gumagawa ng podukto” na di-hamak na mas malaki sa tinutubo ng Estaos Unidos sa kalakalan.

Ibinabatbat ni Pomeroy na ang kabuuang tubo na kinita sa lahat ng negosyo sa buong panahon ng tuwirang pananakop ng Estados Unidos ay malayong makapuno sa diperensiya ng kalakalanm huwag nang isali pa ang mga ginastos sa milirar.itnuturing niya na mababa ang antas ng paglalagak ng puhunan ng Estados Unidos na malaki lamang ng bahagya sa 200 milyong dolyar noong pagtibayin angTydings-McDuffue Law.Ayon sa kanya, kinakatawan ng malaking parte nito ng mga ipon at mga tubo na inilalagak bilang puhunan.Bagaman inaamin ni Pomeroy na ang malaking tubo ay kinita mula sa orihinal na lagak ng puhunan, iginigiit niya ang kabuuang kinitang tubo ay hindi nakapampuno sa “diperensiya ng gastos sa militar at kalakalan.”

Sa pagtingin sa gastusing militar sa pagsakop sa Pilipinas at sa pagpapanatili nito bilang kolonya, ganap na itinago ni Pomeroy ang katotohanang hindi solong kinargo ng mga mponopolyong Amerikano ang mga iyon.Sa isang banda pa nga, nagkamal ng tubo ang mga monopolyong Amerikani sa kagyat at sa pangmatagalang takbo ng pagkolonya nito sa Pilipinas.Ang gastos sa militar na pananalakay ay ipinakrgo sa mamamayang Amerikano at gayundin sa mga mamamayang biktima ng kanilang pananalakay at pangongolonya.Tapos na malupig, ang sambayananag Pilipino ay inobligang magbayad ng buwis na kailangan para mabayaran ang mga gastusing militar ng Estados Unidos at para sa pananatili ng Pilipinas bilang isang kolonya.Tungkol sa mga gastos militar na nagugol ng Estados Unidos sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, malinaw nang kumita ng malaki, at wala pang kapantay na tubo ang mga monopolyong Amerikano mula sa produksyon ng mga kagamitang militar kaya nagawa nito sa paglaon na maging Numero Unong imperyalistang kapangyarihan sa pamamagitan ng pananako, panghihimasok at subersiyon ng ibang bansa.

Masyadong mababaw at malabo para kay Pomeroy ang i[palagay na maaari lamang kumita ng tubo ang mga komersiyanteng Amerikano sa mga produkto ng Estados Unidos na ipinapasok sa Pilipinas.Tuwiran nilang hawak ang malaking parte ng mga produktong agrikultural na iniluluwas ng Pilipinas.Talagang hindi sapat ang paghambingin ang deklaradong halaga ng mga pag-aangkat at pagluluwas para masukat ang mga tubong nahahamig ng mga imperyalistang Amerikano.At isang lantay na pagsisisnungaling ang sabihing bente porsiyento lamang ang tinutubo ng mga komersiyanteng Amerikano sa mga angkat na produkto ng Estados Unidos.Ang pinakamahalagapagtitimbang kung magkano ang tinutubo ng mga imperyalistang Amerikano (at hindi lamang ng mga komersiyante)sa kalakalang Estados Unidos-Pilipinas ay ang pagsasaalang-alang ng murang hilaw na sangkap na ipinagpapalit ng mga yaring produktong Amerikano at nakatakdang imanupaktura ng mga kompanyang Amerikano.Sa esensiya, pinagsasamantalahan ng mga imperyalistang Amerikano at ng mga komprador-panginoong maylupa ang mga anakpawis na Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga iyon ng murang mga hilawna sangkap sa napakababang sahod at pagbili ng mga yaring produktong Amerikano nang napakamahal.Resulta ng ganito, nananatili ang Pilpinas na isang maliit na kolonyal at agraryo ekonomya na walang kakayahang malayang manahak sa landas ng nagsasariling ekonomya at ng industriyalisasyon at lagi na lamang nasa ilalim ng manipulasiyon ng imperyalismong Amerikano.

Ang mga libro ng Kawanihan ng Sensus at Estadistika ay nagpapakita na ang nakatalang halaga (book value) ng mga probadong lagak na puhunan ng Estados Unidos sa Pilipinas bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang pandaigdig ay 537 milyong dolyar (piso?) o 268.5 milyong dolyar.Hindi makukuha ng buo ang nakatalang halaga sa mga libro ng gobyernong kolonyal.Pero sinobrahanni Pomeroy ang kanyang papel bilang Tagapagtanggol ng imperyalistang Amerikano sa pamamagitan ng pagturing sa ganitong antas ng lagak na puhunan ng Estados Unidos na “mababa” sabay lundag sa kongklusyon na hindi masyadong malaki ang kinitang tubo o hindi sapat para lampasan ang mga gastos sa militar at ang “mag pagkalugi” sa kalakalan.Dapat nating bigyang-diin ang katunayang sa kabila ng maliit na lagak ng puhunan sa mga kolonya at mala-kolonyang bansa, napakalaki ng maaaring malikha at maiuwing tubo sa mga kapitalistang Amerikano.Ngunit tulad ng mga amo niyang imperyalista, ayaw ni Pomeroy maglabas ng kuwentada tungkol dito.Ang tantos ng tubo samga subsidiaryo ng Estados Unidos sa mga mala-kolonya ay ilang beses na mas malaki kaysa sa Estados Unidos at ibang kapitalistang bansa. Kakatiting lamang ng taunang kinikita ang muling inilalagak bilang puhunan at malilikom taun-taon.Masyadong mababaw para sa kahit kanino ang magtuon lamang ng pansin sa laki ng lagak na puhunanng Estados Unidos sa Pilipinas at ituring ito pagkatapos na hindi tumitimbang dahil masyado itong maliit kaysa sa mga lagak na puhunan ng Estados Unidos sa kanlurang Europa o Canada.malaki ang lagak na puhunan ng Estados Unidos sa ibang kapitalistang bansa dahilgayon kalaki ang kailangan upang makasingit sa medyo siksik an nang lugar at upang magkaroon ng mahalagang papel sa mga patakarang pangkabu- hayan at pampulitika ng mga bansang iyon.Ang minamata ni Pomeroy na “maliit” na lagak na puhunan ng Estados Unidos ay malaki at istratehiko nang kapital kung dito lamang sa Pilipinas at kaya na nitong humamig ng supertubo at kontrolin ang buong ekonomiya ng bansa. (24)

Sa kaso ng MERALCO, halimbawa, dalawang milyon lamang ang kapital nito sa umpisa noong 1901.Pagkalipas ng 60 taon, ang malaking parte ng saping puhunan ay ibinebenta sa magkakasosyong kompanyang Pilipino sa halagang 50 milyong dolyar.Kitang-kita ang tindi ng paglaki ng lagak na puhunan.Ngunit masmatindi pa ang ang laki ng dibidendo na iniuuwi ng mga kapitalistang Amerikano sa loob ng animnapung taon.Madali kay Pomeroy na huwag itong ilantad.Hindi pa kasali rito ang tinubo sa MERALCO ng mother company nito at ng iba’t ibang tiyahing kompanya.Ang General Electric Company ay hindi kumita sa MERLACO kung wala ang U.S. Steel Corporation, ang mga kompanya ng langis na Amerikano, ang mga bangko ng Estados Unidos at iba pang mga kaugnay na kompanyang Amerikano na may transaksiyon sa kompanyang ito sa Pilipinas.

Tungkol sa mga monopolista sa ibang bansa, namasdan ni Lenin.

Ang pagluluwas ng kapital, isa sa pinakamahalagang batayang pangkabuhayan ng imperyalismo, ay ibayong naghiwalay sa mga rentiers [mga taong nabubuhay sa kita mula sa kanilang mga ariarian at mga pautang] sa produksyon at itinakda ng mga ito ang pamumuhay linta sa buong bansa na nabubuhay sa pagsasamantala sa paggawa ng ibang bansa at nga mga kolonya.

Sa paggigiit na isang “hindi kumikitang” pakikipagsapalaran ang kolonyal na pagsakop ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas, talagang pinagtatakpan ni Pomeroy ang imperyalismong amerikanoi at ipinagkakaila ang pagsipsip nito ng dugo sa sambayanan.Tinitingnan natin na kumita nang malaki ang imperyalismong Amerikano mula sa pangongolonya nito sa Pilipinas.Isang pakikipagtalo laban sa tunany na nangyari sa kasaysayan at upang pabanguhin ang imperyalismong Amerikano ang igiit ang tindig na matagumpay nitong kinolonya ang Pilipinas upang dumana lamang ng mga pagkalugi sa negosyo.

Sa tindig na walang ganap na pakialam ang mga monopolyong Amerikano sa kolonyal na rehimen ng Estados Unidos sa Pilipinas, sukdulang sinabi ni Pomeroy:

Ang mga negosyanteng Amerikano, pati ang mga kilalang sirkulongindustriyal ay ayaw makibalikaty sa buwis at sa mga problema ngpagtaas ng mga bikihin resultya ng mga gastos militar atadministratibo sa pagkuha, pagmamantini at pagtatanggal sa bangkolonyal na emperyo.

Bagaman sinasabi niyang isang “medyo maliit na mga dayuhang komersyante at kapitalista” ang nakikinabang sa kolonyal na rehimen, ayaw niyang tukuyin na ang mga ito ay ang mga nangungunang monopolyo na nagtatakda ng mga patakaran ng Estados Unidos.Makaisang panig at katunggakan ang ipahimatong na ang pagbalikat sa buwis at mga pagtaas ng presyo, resulta ng mga imperyalistang pakikioagsapalaran, ay solong ipinapasa ng mga "negosyanteng Amerikano pati na ang mga kilalang sirkulong “industriyal.”Ito ay binalaikat ng mga mamamayang Amerikano, lalo ng uring manggagawa.Bukod pa rito, sa ilalim ng kolonyal na gobyernong Amerikano, obligadong pasanin ng sambayanang Pilipino ang mga gastos militar at administratibo hanggang wala pang tuluy-tuloy na epetibong reaksyunaryong pagtutol.

Bilang isang lantay na ahente ng imperyalismong Amerikano, isa pang tiyempo ang nakita ni Pomeroy para mapuri ang sistemang pampulitika ng Estados Unidos nang sabihin niyang “maging ang mga mas agresibong komersiyal at kapitalistang pangkatin na pabor sa pagsakop ng mga bansa ay may katwirang magduda sa kapakinabangan ng pagkakaroon ng mga kolonya” at pabor bitawan ang pagiging kolonya ng Pilipinas dahil “kailangan nilang harapin ang katotohanang ang kongreso ng Estados Unidos ang nasusunodsa mga gawain at batas ng mga kolonya.”Dagdag niya, “Nakikita ng mga korporasyon at ng mga indibidwal na interesadong pumasok sa gayong mga lugar na sapol ng mga paghihigpit at ng mga imbestigasyon ng samutsaring mga repormista at proteksyunistang impluwnsiya sa kanilang bansa ang kanilang mga aktibidad.”

Sermon niya:

Kakaunti ang hawak na kapangyarihan ng kongreso pagdating sa mgadi-kolonyang larangan ng negosyo at kalakaran; mas hindi binubusisiang mga gawain ng isang neo-kolonyalismo.

Gusto ni Pomeroy na maniwala ang lahat na ang kongreso ng Estados Unidos at ang mga kolonyal na batas ay puro hindi pabor sa mga monopolyong Amerikano dagdag sa mga pagtatalong manaka-nakang sumuslupot sa mga burges na huntahan.

Hindi maglubay sa kanyang imbing gawain, pinalalabas ni Pomeroy na ang kongreso ng Estados Unidos ang tumutulong sa sambayanang Pilipino. Satsat niya:

Ang mga pangyayari sa Pilipinas pagkatapos makamtan ang kalayaannoong 1946 – ang malupit na pagsupil sa kilusang napagpalaya ng Hukat sa mga mamamayang kapanalig nito, ang malaganap na katiwalian sapulitikong Pilipino, ay walang patumanggang pangungulimbat sa"malayang" ekonomya, ang paglabag sa mga batas hinggil sa lupa naminsa’y mahigpit na tinatanuran, ang mga krimeng nagagawa ng mgasundalong Amerikano sa mga base militar, ang pagkabulok ngmoralidad ng lipunang Pilipino resulta ng kawalan ng kaunlaran aymaaaring nagbunga ng malaking iskandalo at mga pagsisiyasat kungnangyari sa ilalim ng tuwira’y paghahari ng Amerika.

Dapat ipamukha kay Pomeroy na malimit pa ting magsagawa ng mga pagsisiyasat ang Kongreso ng Estados Unidos hinggil sa mga gawain ng mga Amerikano sa ibang bansa at isinasagawa ang gayon tulad nang dati hindi upang bawasan o hadlangan ang mga interes ng mga imperyalistang Amerikano kundi upang suportahan ang mga iyon.Tulad ng dati ang Kongreso ng Estados Unidos ay nananatiling isang Kamara ng mga monopolyong Amerikano.

Ang librong American Neo-Colonialism ay isang burges repormistang pagtatanggol sa mga pinaggagawa ng kolonyalistang Amerikano sa Pilipinas at sa tinatawag ni Pomeroy na isang “mapagkalingang estado sa sariling bayan” at “neo-kolonyalismo sa ibang bansa,” na pareho niyang tinatawag na “kambal na suporta sa kasalukuyang imperyalistang balangkas.”Imbes na ipakita ang patuloy at tumitinding katangian ng imperyalismong Amerikano, pinakapursi-pursigihan nitong buhaying muli ang matandang kasinungaliangang pagbabago ng imperyalismong Amerikano tungo sa “hindi na paglahok sa mga pandaigdigang ugnayang pangkabuhayan at pampulitika” (isolationsim) at tungo sa “pagsasaalang-alang ng mga kagalingan ng ibang bansa” (altruism) o pagkakawanggawa (benevolence). Samantalang pinaghirapan nitong maipakita ang “anti-kolonyal na mukha” ng imperyalismong Amerikano at ang mga "pagkalugi ng mga monopolyong Amerikano, pinagtatakpan nito ang busabos at huthot na kalagayan ng sambayanang Pilipino at ang rebolusyonaryong tradisyon at papel na kanilang ginagampanan laban sa paghahari ng mga kolonyalista.

Ang pagsakop sa Pilipinas ay isang malinaw na palatandaan ng imperyalismong Amerikano.Kailangan ito ng imperyalismong Amerikano upang maibsan ang likas na pagkauhaw sa supertubo at pagpapalawak ng teritoryo, ang maipasunod ang kapangyarihan at impluwensiya hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa Tsina at sa buong Asya.Tulad ng dati, patuloy na ginagamit ng imleyalismong Amerikano ang Pilipinas bilang isang mahalagang base ng mapanalakay, mapanakop at mapagsamantalang mga gawain nito.Gayunman, sa dakong huli, lulugihin ng sambayanang Pilipino ang imperyalistang Amerikano sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya ng mamamayan. Malaon nang inilantad ni Lenin ang naghihingalo at bulok na katangian ng imperyalismo.

Talagang sinadya ni Pomeroy na huwag bigyang-pansin ang mas tubo subalit mas marahas na pananalanta ng imperyalismong Amerikano pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang resulta ng mga nauna nitong pananalanta at bilang lalong pagkalantadng mabangis at lintang katangian nito.Ginawa niya ang lahat upang maipakita na pagkatapos ng kolonyal na pananakop sa Pilipinas, unti-unting bumitaw ang imperyalismong Amerikano mula sa “tradisyunal na kolonyalismo,” lalo na sa pagsakop ng mga kolonya.Kaya ganap siyang napipilan sa harap nang pagdami ng mga base militar at kolonya (gaya ng Timog Korea, Timog Vietnam, Okinawa, Taiwan, at iba pa) at sa gayong mga digmaan na pananalakay gaya sa Korea at saIndotsina sa kasalukuyan na ginusto niyang tawaging “neo-kolonyal” na yugto ng imperyalismong Amerikano. Ang sinabi ni Lenin tungkol kay Kautsky ay totoo rin para kay Pomeroy.

Sa halip na magpakita ng buhay na ugnayan sa pagitan ng mga panahon ng imperyalistang kapayapaan at imperyalistang digmaan, ang ipinakita ni Kautsky sa mga manggagawa ay isang patay na paglalahat upang maitugma sila sa kanilang walang kabuhay-buhay na lider.

Sa pagharap sa kasalukuyang panahon, hindi na puwedeng lumampas si Pomeroy sa “pag-uulit” ng mga debate sa loob ng hanay ng mga imperyalista.Aniya:

Sinuri ang kasalukuyang panahong makikita ang matingkad napagkakahawig sa panahon ng pagtatalo tungkol sa imperyalistangpatakaran pagkatapos ng Digmaang Kastila-Amerikano.(Angtunggalian sa pagitan ng militar at sibili na pananaw sa patakaran,sa awtoridad at administrasyon ay paulit-ulit ding nangyari gaya ngaway nina McArthur at Truman hinggil sa Digmaan sa Korea, angbakbakan ng “lawin at ng kalapati” hinggil sa Digmaan sa Vietnam,bangayan ng Pentagon at ng State Department na halos alingawngawlamang ng mga away na Otis-Schurman at McArthur-Taft sa panahon ngpananakop sa Pilipinas.)

Dito ang pagtingin ni Pomeroy na maganda ang hinaharap ay oportunista na sa kalakhan ay nasa sa pag-asa sa mga tagagawa ng patakaran ng imperyalistang Amerikano na “mapagmahal sa kapayaan.” Maihahalimbawa ito ngayon sa paniniwala sa mapanlilang na “Nixon Doctrine.”

Ang ibig sabihin ni Pomeroy na “bagong larawan” ng neokolonyalismo ay walang iba kundi ang sinasabi ni Lenin na usurang imperyalismo, isang lumang paraan ng pagsakal sa ibang bansa, pangingikil ng supertubo at paghamig ng mga bagong mga hilaw na sangkap.Yayamang ang Pilipinas ay naging malakolonya na mula 1946, ibayong tumingkad ang katangian nito bilang nangungutang na bansa.Pinili ni Pomeroy bansagan ang usurang kapitalismo na isang “hindi mabangis na paraang neokolonyal” at sadya niyang isinaisantabi ang katotohanang umubra lamang ang ganito resulta ng mabangis na katangian ng imperyalismong Amerikano at ng nakalipas na imperyalistang pagsakop sa Pilipinas.Segurado rin na hindi papayagan ng imperyalismong Amerikano na matigil ang sistemang usura nito sa Pilipinas hanggang hindi nagtatagumpay ang rebolousyonaryong armadong pakikibaka laban sa nananatiling mga base militar at mga armadong papet.

Samantalang ang kongklusyon ni Pomeroy ay patuloy ang imperyalismong Amerikano sa “muling pagbibigay-pansin hinggil sa hindi tuwirang mga pamamaraang neo-kolonyal” at sa pagpapakita "nang mas pinong mga paraan ng neo-kolonyalismo upang mapahaba nito ang buhay na walang nakikitang pagtatapos sa malapit na hinaharap, magsikhay tayo na maiangat ang kamalayang pang-idolohiya at pampulitika at ang organisadong lakas ng sambayanang Pilipino upang makapagbigay ng nakamamatay na dagok laban sa imperyalismong Amerikano at sa lahat ng alipuris nito.Sa bagay na ito gumawa tayo ng pag-aaral at pagbabasura sa aklat ni Pomeroy na American Neo-colonialism alinsunod sa sinabi ni Lenin:

Hungkag at katarataduhan ang pakikibaka laban sa imperyalismongmaliban kung lubos itong nakakawing sa pagbaka laban saoportunismo."

Tagubilin sa atin ni Tagapangulong Mao: Dapat makita kung ano talaga ang imperyalismong Amerikano at ang lahat ng reaksiyunaryo, sa esensiya ng mga iyon, sa matagalang pagtingin—bilang mga tigreng papel. Batay dito natin dapat buuin ang ating istratehikong pag-iisip.Sa kabilang banda, sila ay mga buhay na tigre rin, mga tunay na tigre na maaaring pumatay ng tao.Batay dito natin dapat buuin ang ating taktikal na pag-iisip.

Hindi mananatili nang matagal ang imperyalismo dahil puro kasamaan ang ginagawa nito.Nagpapatuloy ito sa pamamagitan ng pagpili at pagsuporta sa mga reaksiyunaryo ng lahat ng bansa laban sa mamamayan, marahas itong nanakop ng maraming kolonya, malakolonya at mga base-militar, at binabagabag nito ng bomba atomika ang kapayapaan. Kaya, tulak ng imperyalismo na gawin iyon, mahigit siyamnapung porsiyento ng mamamayan ng daigdig ang nagbabangon o bumabangon laban dito.Ngunit buhay pa ang imperyalismo, nagwawala pa sa Asya, Aprika at latin Amerika.Sa kanluran binubusabos pa rin ng imperyalismo ang mamamayan ng kanilang bansa.Dapat baguhin ang kalagayang ito. Tungkulin ng mamamayan ng buong daigdig na wakasan ang pandarahas at pambubusabos na isinasagawa ng imperyalismo, at ang imperyalismong Amerikano sa kalakhan.


*Ang halaga ay dapat 180 milyong dolyar na bente porsiyento ng 900 milyong dolyar.

**Dapat ay 300 milyon ang halaga. Lagi na lamang nagkakamali si Pomeroy sa kanyang kuwentada.