Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues. AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English. Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
7 Mayo 2008
Taon XXXIX, Blg. 9 Regular na isyu « Pilipino :: Pilipino »
Editoryal: Mga manggagawa at malawak na masang anakpawis
Magkaisa, lumaban at magkamit ng mga tagumpay Mayo Uno, 2008 Mayo Uno sa buong mundo Pagtanaw sa 35 taon ng National Democratic Front of the Philippines Nagpapanibagong-sigla ang rebolusyong agraryo sa Negros Pagpapalawig sa huwad na reporma sa lupa, kinundena [Matatagumpay na opensiba ng BHB] Matatagumpay na taktikal na opensiba ng BHB sa Southern Mindanao at Bicol [Pananalanta ng Pasistang Estado] Pang-aabusong militar sa Quezon City at South Cotabato [Pananalanta ng Pasistang Estado] Daan-daang pamilya, lumikas sa Compostela Valley [Pananalanta ng Pasistang Estado] Mga sundalong sangkot sa masaker sa Sulu, hindi pa nakakasuhan [Pananalanta ng Pasistang Estado] Mga mambabatas sa Canada, nababahala [Sa ibayong dagat] Krisis sa pagkain, nagpatalsik sa rehimen sa Haiti [Sa ibayong dagat] Malawak na kagutuman at kaguluhan [Balita] Burukrasya para sa mga alipures ni Arroyo [Balita] PKP, bumati sa mga tagumpay ng Nepal at CPN-M Editoryal: Mga manggagawa at malawak na masang anakpawisMagkaisa, lumaban at magkamit ng mga tagumpayKarukhaan, kagutuman at pambubusabos. Matinding kawalan at kakulangan ng trabaho. Sahod alipin. Malulupit na kalagayan sa paggawa at pamumuhay. Papalalang dinaranas ito ngayon ng malawak na masa ng sambayanang Pilipino, Samantala, nabubundat ang mga naghaharing imperyalista at kasabwat nilang malalaking kumprador at burukrata. Inaapi at dinadambong nila ang bayan, hinuhuthot ang likas na yaman, winawasak ang mga produktibong pwersa at kinukulimbat ang kabang-yaman ng bansa. Sa kabila nito ay patuloy na ipinapako ang sahod ng mga manggagawa sa napakababang antas. Itinutulak ng rehimen ang patakaran ng kaswalisasyon at kontraktwalisasyon na lalong nagpapalaki sa bilang ng mga manggagawang wala o kulang sa trabaho. Paparami ang sinisisanteng mga regular na manggagawa. Ginagawang panakip-butas sa malawakang disempleyo sa bansa ang pag-eeksport ng milyun-milyong manggagawa. Sa katindihan ng krisis, ibayo pang pinipiga, ginigipit at sinusupil ng mapagsamantala at brutal na rehimen at kasapakat nitong mga imperyalista at lokal na naghaharing uri ang masang anakpawis. Sadyang pinipigilan ang makabuluhang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa habang papalaki ang agwat nito at ng ak-twal na kinakailangang halaga para sa disenteng pamumuhay. Halos isang dekada nang iginigiit ng mga manggagawa ang makatarungang P125 karagdagan sa minimum na arawang sahod. Mas lalong kailangan ito sa kagyat dahil ang kasalukuyang nakatakdang minimum ay kulang pa sa sangkatlo ng pangangailangan sa ngayon ng isang anim-kataong pamilya para mabuhay nang disente. (Tingnan ang kaugnay na artikulo.) Militarisasyon at karahasan ang tugon ng brutal na rehimen sa mga pagawaan, komunidad, lansangan, asyenda, plantasyon at saanman may pagtutol ang mamamayan. Ilang milyon na ang nagiging biktima ng kamay na bakal ng estado. Gagap ng masang anakpawis at sambayanan na nakaugat sa malakolonyal at malapyudal na sistema ang kanilang mga karaingang pangkabuhayan. Di na mapipigil ang sumasambulat nilang galit sa pagpapahirap at pandarahas ng naghaharing rehimen. Sa saligan, ang Partido ay partido ng uring manggagawa. Nakasalalay ito pangunahin sa lakas ng masang manggagawa at masang anakpawis. Dapat pag-ibayuhin ang rebolusyonaryong pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa milyun-milyong manggagawa, malamanggagawa, magsasaka, gayundin sa mababang saray ng petiburgesyang mabilis na bumabagsak sa hanay ng masang anakpawis. Palakasin ang pagrerekluta sa kanila sa Partido, Bagong Hukbong Bayan at sa mga rebolusyonaryong organisasyong masa. Itulak at gabayan ang kanilang hayagang mga paglaban upang tiyakin na ang mga ito ay hindi lamang magbubunga ng mga kagyat na kaginhawaan, kundi hahantong din sa tuluyang pagwawaksi ng umiiral na antinasyunal, anti-demokratiko at anti-mamamayang paghahari. Dapat pag-ibayuhin ang pagpapalakas at pagtatatag ng mga unyon ng mga manggagawa at samahan ng mga magbubukid, Kaisa ng malawak na masa ng sambayanan, dapat puspusang palawakin ang paglahok ng masang anakpawis sa mga pagkilos laban sa rehimeng US-Arroyo. Habang isinusulong ang mga pangmatagalang paglaban para sa mga saligang interes at kapakanan ng mamamayan, dapat ding ipaglaban ang kagyat na ginhawa sa harap ng pumapaimbulog na presyo ng bigas, langis at iba pang saligang pangangailangan at kabuuang pagbagsak ng kabuhayan. Dapat ding labanan ang panunupil, terorismo at karahasang ihinahasik ng malalaking panginoong maylupa, malalaking kapitalista at mga pwersa ng estado laban sa mga tumututol na mamamayan. Ang puspusang pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos ay dapat paspasan habang lalong umiinit ang mga isyung nagpapatitindi sa kahirapan ng mamamayan. Inaasahang hahantong ang mga pagkilos na ito sa mga darating na araw at buwan sa ibayo pang pagragasa ng digmang bayan sa buong kapuluan. Kasabay nito, inaasahan ang ibayong paglawak ng mga protestang masang maaaring humantong sa makapangyarihang pag-aalsang bayan sa pambansang sentro at sa buong bansa para panagutin ang rehimeng US-Arroyo sa mabibigat nitong krimen sa bayan. |
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Multimedia] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |